Dataset Viewer
Auto-converted to Parquet Duplicate
id
large_stringlengths
1
3
source
large_stringlengths
444
804
target
large_stringlengths
54
172
28
Ang STV2 ay isang na-rebrand na bersyon ng mga istasyon ng STV sa Glasgow at Edinburgh, at magsasama ito ng mga bagong lisensya para sa Aberdeen, Ayr, at Dundee. Magsasahimpapawid ang bagong channel ng buong magdamag sa Freeview gayundin sa mga channel ng Sky at Virgin. Mapapanood din ito nang online sa pamamagitan ng ...
Naglunsad ng bagong komersyal ang STV na nagtatampok sa kanilang bago at pangunahing programa ng balita.
37
Kasama sa mga panukala ang mga pagkakaroon ng lisensya sa pangingisda partikular sa mga kalanghuga at pagpapalaki ng sakop upang humigpit sa mga huli mula tatlong milya hanggang 12 mula sa baybayin ng Isle of Man. Ang industriya ng pag-aani ng mga kalanghuga ay nagkakahalaga sa rehiyon ng £750,000 sa ekonomiya ng Manx ...
Isinulong ng pamahalaan ang mga bagong hakbang upang maiwasan ang sobrang pangingisda ng mga kalanghuga sa Irish Sea.
42
Ang limang araw na Festival of Lights ay ipinagdiriwang sa India at sa buong mundo ng mga Hindu, Sikh, at Jain. Ito ang ika-11 taon ng pista na nagdiriwang ng pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan sa central London landmark. Ang okasyon ay inorganisa ng Alkalde ng London kasama ang Komite ng Diwali sa London. Si...
Ipinagdiwang ang Diwali sa pamamagitan ng musika, sayawan, at mga masiglang pagtatanghal sa Trafalgar Square.
45
Natuklasan ng mga opisyal na 14 na lapida ang natumba at nabasag sa Blackley Jewish Cemetray sa Rochdale Road, Manchester, bandang 15:45 BST noong Miyerkules. Itinuring ng pulisya ang insidente bilang isang hate crime. Sabi ni Ch Supt Wasim Chaudhry, "Ito ay isang nakasusuklam na gawaing krimen na nagdulot ng pinsala, ...
Ang mga lapida sa isang sementeryo ng mga Hudyo ay nawasak sa isang "sadya at punteryang pag-atake", sabi ng pulisya.
53
Ang tulay ng Newport Quay ay karaniwang ginagamit sa trapiko ng mga umaalis sa lugar kung saan ginaganap ang Kapistahan ng Liwasang Seaclose at ng mga bus na nagdadala ng mga bisita sa palengke ng bayan. Ang mga operator ng mga bus ay pinayuhan ng dibersiyon sa Seaclose kung saan mayroong 10mph na limitasyon. Sinabi ng...
Isang tulay malapit sa Pista ng Isle of Wight ang isinara matapos itong ideklarang hindi ligtas para sa mga malalaking sasakyan.
55
Naganap ang unang insidente sa Aberdeen noong Mayo, at ang isa pa sa Shetland noong Oktubre. Sinabi ng Air Accidents Investigation Branch (AAIB) na napagpasyahan nilang pagsamahin ang parehong imbestigasyon, na hindi pa nangyayari noon. Sinabi nila na malayo pa sila sa pagtukoy kung ano ang ugat ng sanhi sa mga basag n...
Ang mga pagsisiyasat sa dalawang magkahiwalay na helicopter hitching ng Super Puma EC 225 ay pagsasamahin.
64
Tinawag ang pulisya matapos ang mga ulat ng isang putok ng baril sa labas ng mga paupahang bahay ng Woolpack sa Kayle Lockwood, Huddersfield, bandang 00:50 BST. Dinala sa ospital ang 34-anyos na may pinsala sa kanyang balikat na hindi nagbabanta sa buhay. Umapela si Det Ch Insp Emma Winfield na makipag-ugnayan sa sinum...
Isang lalaki ang nasugatan sa pamamaril sa isang kalye ng mga tirahan.
73
Ang bearded tooth fungus o hericium erinaceus ay nakita malapit sa Pirbright ng Surrey Wildlife Trust (SWT). Ang fungus na nauuri bilang bihira sa UK ay karaniwang matatagpuan sa patay na kahoy sa mga punong malalapad ang dahon. Sinabi ng boluntaryo ng SWT na si Ray Tantram: "Napakahusay na magkaroon ng bagong rekord p...
Isang pambihirang fungus na pinangalanan sa maputi at mabalahibong itsura nito ay natuklasan sa Surrey.
75
Ang 50-anyos na si Raymond Dixon ay natagpuang patay sa isang gusali sa Hilagang Lansangan ng Myrtle noong Martes. Ang pagkamatay ni Ginoong Dixon, na natuklasan noong mga 01:25 GMT, ay itinuturing na kahina-hinala ayon sa pulisya. Sa isang pagsusuri ng autopsiya ay nagsiwalat na siya ay sinalakay at namatay dahil sa m...
Isang imbestigasyon sa pagpatay ang inilunsad matapos matagpuan ang bangkay ng lalaki sa isang ari-arian sa Bury.
78
Ang Liberty Bus, na nagpapatakbo ng serbisyo ng mga pampublikong bus ng isla, ay magbabayad para sa mga sasakyan, seguro, at gasolina. Plano nitong magpatakbo ng iskedyul sa pagitan ng St Lawrence, St John, at St Mary mula 07:00 hanggang 18:00 limang araw sa isang linggo gamit ang mga carrier ng tao. Ang layunin ng shu...
Maaaring subukan ng isang shuttle service sa tatlong parokya kung may mahanap sila na mga sapat na boluntaryong magmamaneho nito.
93
Si Sandy Stuart ng SNP, na 68 taong gulang, ay kumakatawan sa Bridge of Don sa Konseho ng Lungsod ng Aberdeen. Una siyang nahalal noong 2012 at muling nahalal noong 2017. Namatay si Ginoong Stuart noong Miyerkules ng gabi pagkatapos ng isang maikling sakit. Inilarawan siya ng Unang Ministro na si Nicola Sturgeon bilan...
Maraming parangal ang ibinigay pagkatapos ng pagkamatay ng isang konsehal ng Aberdeen.
94
Magsasara at magbubukas muli ang mga mataas na paaralan ng Llandrindod at Builth bilang iisang paaralan mula Setyembre 2018. Mananatiling bukas ang mga paaralang primarya ng Llanbister at Llanfihangel Rhydithon, dahil sa inaasahang pagtaas sa bilang ng mga mag-aaral. Isang panukala na pagsamahin ang mga mataas na paara...
Ginawa ng konseho ang huling desisyon sa mga planong muling ayusin ang mga paaralan sa Powys.
96
Ang mga tulay ay itatayo sa ibabaw ng Kayle Millmead at Kalye Monksdale sa lungsod. Ang rutang Two Tunnels ay bahagi ng proyekto ng kawanggawa na Sustrans upang bumuo ng mga kawing sa paglalakad at pagbibisikleta sa buong UK. Ito ay isang direktang ruta sa pagitan ng Bath at ng lambak ng Midford, higit sa dalawang mily...
Dalawang bagong tulay ang binigyan ng pahintulot na itayo sa kahabaan ng daanan para sa paglalakad at pagbibisikleta na Two Tunnels sa Bath.
100
Mayroong halos 25,000 mga kaso mula Abril 2009 hanggang Marso ng taong ito, kumpara sa higit sa 27,000 sa nakaraang 12 buwan. Ang mga kaso ng sexual offences at pagnanakaw ay tumaas ng 3% ngunit ang vandalism ay bumaba ng 37% at mayroong 27% na pagbagsak sa panloloob. Ang pagtanggap ng 440 karagdagang opisyal na kapuli...
Bumaba ang krimen sa mga bus ng London noong nakaraang taon, sabi ng TfL.
102
Natagpuan ang matandang babaeng may "mga pinsala sa ulo na may banta sa kanyang buhay" sa isang kanto sa Meavy Lane, Yelverton bandang 15:15 GMT noong Biyernes, sinabi ng pulisya sa Devon. Ang biktima, na nasa edad 60, ay dinala sa Derriford Hospital sa Plymouth, kung saan siya ay nananatili sa kritikal na kondisyon. A...
Isang babae ang malubhang nasugatan sa isang pag-atake sa isang pampublikong palikuran.
108
Ang Konseho ng Kondado ng Durham ay patuloy na naglalaan ng pera sa Empire Theater ng Consett, kung saan nangangailangan ng mahahalagang pagkukumpuni ng bubong. Kasama rin sa proyekto ang pagpapanatili ng sariwang palamuti sa auditorium, pati na rin ang mga pagbago sa mga pasilidad sa pag-iilaw at backstage para sa mga...
Isang teatro sa County Durham ang magsasara sa loob ng limang buwan upang sumailalim sa £500k na pagpapaganda.
110
Maraming mga pasyente ng kanser ang kasalukuyang kailangang lumipad sa ibang bansa para sa magpagamot dahil gumagamit sila ng mataas na enerhiya na sinag ng mga proton upang sirain ang mga selulang may kanser. Isang seremonya ang magaganap mamaya upang markahan ang pagsisimula ng pagtatayo, na nakatakdang matapos sa 20...
Magsisimula na ang paggawa ng isang proton beam therapy unit sa Ospital ng Christie ng Manchester.
8
Tinawag ang mga pulis sa Duke's Crescent sa Edlington pagkatapos lamang ng 23:30 BST noong Biyernes kasunod ng mga ulat ng pananaksak. Nagtamo ng mga sugat sa itaas na braso ang biktima at patuloy na ginagamot sa ospital. Sinabi ng Kapulisan ng Timog Yorkshire na nananatili ang mga opisyal sa pinaingyarihan. Hiniling d...
Isang lalaki ang nagtamo ng mga pinsalang nakapagpabago ng buhay niya matapos siyang saksakin sa Doncaster.
13
Ang pinakabagong tala na nagbibigay sa populasyon ng isla noong 31 Marso 2011, 62,915 katao na naninirahan sa Guernsey. Ito ay 484 kataong dagdag nakaraang taon. Ang natural na pagtaas o bilang ng mga kapanganakan na binawasan ng bilang ng mga namamatay ay umabot sa pagtaas ng 160 katao. Sinabi ng Policy and Research U...
Muling tumaas ang bilang ng mga tao sa Guernsey, ayon sa mga bagong numero na inilabas ng Konseho sa Pamamalakad.
25
Nakita sa CCTV ang mga umaatake na naghahagis ng mga bagay sa mga hayop at hinahabol sila sa Danesmoor Nursing Home, Haslingden, Lancashire, noong Martes ng gabi. Ang mga alpaca na pinangalanang Bill at Ben ay magkapatid at nanirahan sa bahay sa loob ng limang taon. Hindi sila nasaktan. Sinabi ng Pulisya ng Lancashire ...
Tatlong kabataan ang kinausap ng pulisya dahil sa pag-atake sa dalawang alpaca.
41
Ang 25-anyos na si Brett Painter na dating nakatira sa Kayle Hessle ng Hull ay nahatulan sa kanyang absence of assault sa Hukuman ng mga Mahistrado ng Hull noong Setyembre. Natunton siya ng Humberside Police sa isang bahay sa Leeds pagkatapos niyang magkomento sa apela na ginawa ng kapulisan sa Facebook page nito. Bini...
Nahuli and lalaking pinaghahanap ng pulisya matapos niyang i-post ang sariling police appeal sa social media.
43
Lumabas ang boto sa kabila ng pagiging sentro ng kontrobersya ni Ginoong Thaci matapos ang isang ulat ng Council of Europ na nag-ugnay sa kaniya sa organisadong krimen at organ-trafficking. Ang mga organo ay kinuha mula sa mga bilanggo na pinatay ng Kosovo Liberation Army pagkatapos ng digmaan noong 1999 laban sa mga p...
Inihalal ng Parlamento ng Kosovo ang dating pinuno ng mga rebelde na si Hashim Thaci bilang punong ministro para sa ikalawang termino.
52
Magkakaroon ng mga oportunidad sa trabaho ang Schrader Electronics ng halos 1,000. May mga pabrika ang Schrader sa Antrim at Carrickfergus. Gumagawa ang kumpanya ng mga aparato na nagbabasa ng presyon ng gulong ng mga kotse at trak. Ang bagong puhunan na nagkakahalaga ng £29m ay magbubunga sa karagdagang pagpapalawak n...
Mahigit 100 bagong trabaho ang nalilikha sa isang kumpanya sa Country Antrim.
61
Sinabi ng Fairline Boats, na may mga pabrika sa Oundle at Corby, na ang mga pagbawas sa kanilang mga tauhan ay upang maprotektahan ang kanilang "kakayahang kumita at mamuhunan sa hinaharap”. Sinabi ng kumpanya na ang mga pagkawala ng trabaho ay "nakapanghihinayang" at nagsimula ng isang buwang panahon ng konsultasyon s...
Hanggang 85 manggagawa ang maaaring mawalan ng trabaho sa isang pagawaan ng mga mamahaling yate sa Northamptonshire.
62
Sumiklab ito sa Hall and Woodhouse na pagawaan ng alak sa Kalye Bournemouth mga 14:30 GMT noong Martes. Tinitingnan pa ito ng mga tauhan. Sa taas nito, 100 bumbero ang nakipaglaban sa apoy na may usok na nakikita mula sa 10 milya ang layo. Isang tagapagsalita ng Dorset and Wiltshire Fire and Rescue Service ang nagsabi:...
Isang sunog ang nagpinsala sa isang hindi ginagamit na bodega sa Blandford, Dorset.
63
Tinawagan ang mga serbisyong pang-kagipitan noong mga 00:15 BST sa mga ulat ng alarma ng sunog sa isang bahay sa Samuel Street, Great Sankey, Warrington. Napuno ng usok ang ari-arian at tatlong bata, na may mga edad na apat, walo, at 10 taong gulang, ang kailangang iligtas mula sa itaas. Arestado ang lalaki at babae, p...
Arestado ang isang lalaki at babae dahil sa hinalang pagpapabaya matapos mailigtas ang tatlong bata mula sa sunog ng isang bahay.
66
Tataas ang singil ng Guernsey's Environment Department para sa planning applications kasabay ng implasyon ngunit ang isang bagong paraan ng paniningil ay nangangahulugan na ang ilang minor application ay maaaring maging mas mura. Sa ilalim ng bagong sistema, ang iba't ibang kategorya ng mga minor application ay pagsasa...
Mga bayad na sinisingil ng Kagawaran ng Kapaligiran ng Guernsey para sa mga planning applications ay magbabago simula Oktubre 1.
74
Nagsimula ang isang parada sa Caerphilly sa 11:00 BST, na sinundan ng isang drum head service sa kastilyo sa 12:00. Ang mga seremonya ng pagtataas ng bandila ay ginaganap sa Castle Square sa Swansea at sa Centenary Gardens sa Beddau, Rhondda Cynon Taff. Ang mga pagdiriwang na may temang militar ay nagaganap din sa Port...
Daan-daang mga tauhan sa paglilingkod, kadete, at beterano ang nakikibahagi sa pagdiriwang ng Araw ng Sandatahang Lakas sa buong Wales.
80
Sinabi ng Guernsey Alcohol & Drug Abuse Council (GADAC) na nakatulong na ito sa mga kabataan na naglaro ng online poker at mga babaeng naglalaro ng bingo. Si David Newman, ang direktor ng GADAC, ang nagsabi: "Sa pagdating ng online na mga sugalan sa buong mundo, nagkaroon ng kapansin-pansing pagdami ng mga kliyente. Na...
Ipakikilala sa Guernsey ang isang bagong serbisyo ng pagpapayo upang matulungan ang mga adik sa online na pagsusugal.
83
Ang kanilang mga bangkay ay natuklasan sa isang tirahan sa Kalye Dorchester, Upton, sa 9:15 GMT noong Huwebes, kasunod ng mga ulat tungkol sa mga pag-aalaala para sa kanilang kapakanan. Tinitingnan ng mga opisyal ang mga pangyayari sa paligid ng kanilang pagkamatay, na itinuturing na hindi maipaliwanag. Sinabi ng Pulis...
Dalawang katawan ang natagpuan sa isang bahay sa Poole.
87
Ang £3.4m na pasilidad ng Glan-yr-Afon sa dating gusali ng Riverside Market ng Haverfordwest, ay inaasahang sumalubong sa 200,000 bisita bawat taon. Umaasa ang konseho ng Pembrokeshire na "sisimulan" nito ang pagbabagong-buhay ng sentro ng bayan. Itinatampok sa pagbubukas ng eksibisyon ang gawa ng artistang si Sir Kyff...
Magbubukas ang isang sentrong pangkultura na nagtataglay ng aklatan, galiriya, at information center ng bayan.
98
Nakamit ng Dounreay Materials Test Reactor (DMTR) ang pagiging kritikal, isang terminong nuklear na tumutukoy sa balanse ng mga neutron sa system, noong 1958. Ang lugar ng Dounreay nuclear power complex, malapit sa Thurso, ay itinayo gamit ang 600 toneladang bakal. Ito ay isinara noong 1969. Limang kumpanya ang nagaalo...
Inaasahang igagawad sa huling bahagi ng taong ito ang isang kontrata para buwagin ang pinakamatanda na pagpapatakbong nukleyar ng Scotland.
99
Ang proyekto ng Sanquhar II ay inilarawan ng mga tagapagpatayo ng Community Windpower bilang isang "natural na karagdagang bahagi" ng isang planong magkaroon ng siyam na turbina na tumatakbo sa lugar. Ang iminungkahing wind farm ay matatagpuan sa kanluran ng Sanquhar at timog ng Kelloholm sa Dumfries at Galloway. Sinab...
Isinumite ang isang aplikasyon sa pagpaplano para sa isang turbine wind farm.
9
Isang 30-taong gulang na lalaki ang natagpuang malubhang nasugatan sa mga unang oras ng Oktubre 31 matapos tawagan ang mga pulis sa Daanan ng Lower Buckland, Lymington. Kinasuhan si Martin Williamson ng sadyang pananakit at haharap sa Southampton Crown Court nitong Enero 24. Nananatiling nakapiyansa ang isang 42-anyos ...
Isang lalaki ang kinasuhan ng tangkang pagpatay sa Lymington.
18
Nangyari ang pag-atake ng isang German shepherd noong Martes sa Enderby Square at Woodside Road sa Lenton Abbey, Nottingham. Ang batang babae ay nananatili sa Queen's Medical Center na may mga pinsalang wala namang banta sa buhay ayon sa Pulisya ng Nottinghamshire. Isang tagapagsalita ng kapulisan ang nagpasalamat sa m...
Isang batang babae ang inatake ng German shepherd at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
21
Ang isang Volkswagen Golf ay bumangga sa iba pang mga sasakyan sa A650 sa Silangang Ardsley sa 06:45 BST, sinabi ng pulisya. Ang limang nasugatan ay pawang naglalakbay sa itim na Volkswagen, kung saan ang salpukan ay naganap malapit sa hugpungan ng Woodhouse Lane. Sinarado ang kalsada sa magkabilang direksiyon nang hig...
Limang tao ang nasugatan matapos ang isang "malubhang" banggaan malapit sa M1 ng timog Leeds.
34
Sinabi ng South West Water (SWW) na sisikapin nilang ayusin ang Gannel sewage station sa Newquay matapos malaman na may problema ito noong 23:30 GMT noong Huwebes. Ang dumi sa alkantarilya ang nakakaapekto sa dagat ng mga dalampasigan na sa paligid ng Towan Head gayundin sa Crantock at Fistral, sabi ng SWW. Saad ng twe...
Naglabas ng abiso ang SWW ukol sa isyu sa Gannel sewage station na maaaring makaapekto sa mga plano sa New Year's Day.
40
Nagtipon ang mga demonstrador sa Belmont Park bago nagsimulang magmartsa sa paligid ng sentro ng lungsod, habang umaawit at nagwawagayway ng mga plakard. Ang demonstrasyon ay sinundan ng mga tanungan para sa mga kandidato sa halalan ng lokal na pamahalaan at isang tugtugan. Sinabi ng pamahalaan ng koalisyon na ang mga ...
Nagtipon sa Exeter ang mga nagprotesta laban sa pagbawas sa mga serbisyong pampubliko.
44
Nasa Liwasang Bletchley ang pangkat na naging sikat noong panahon ng digmaan sa pagbasag ng German Enigma encryption system. Isang alok na £18m na pagpopondo ng gobyerno ang isinumite ng Kolehiyo ng Milton Keynes, at mga negosyo, kabilang ang Microsoft at KMPG. Inaasahan ng grupo na gawing isang sentro ng pagsasanay pa...
Inihayag na may mga plano na lumikha ng isang digital technology na institusyon sa tahanan ng mga codebreakers ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
46
Hinihiling sa mga bisita na isuot ang kanilang “pinakanakakatawa at pinakaaaliw na sumbrero sa pag-inom” sa kalagitnaan ng limang araw na pagdiriwang. Tinatayang 50,000 katao ang magkakaroon ng pagkakataong makatikim ng higit sa 1,000 iba't ibang beer, sidra, perries, alak, at gin sa kabuuang pista. Ang Siren Brewery n...
Libo-libong tao ang dadalo sa limang araw na pagdiriwang sa London, na magtatampok ng higit sa 1,000 na alak at inumin.
51
Ang All Change for Crewe ay bahagi ng isang mas malawak na proyekto para muling buuin ang sentro ng bayan at nakapaligid na lugar. Sinabi ng Konseho ng Silangang Cheshire na umaasa itong gawing "21st century gateway" ang makasaysayang istasyon, sa Kalye Nantwich, para sa bayan. Ang unang yugto ng trabaho, na kinabibila...
Magsisimula ang £6m na pagbabago ng estasyong daambakal ng Crewe sa huling bahagi ng taong ito.
54
Sinabi ng pulisya na tinawag sila sa Lotus Close, sa labas ng Kalye Hungerhill, sa lugar ng St Ann, pagkalipas ng 17:00 BST. Iniulat na ang biktima ay nagtamo ng mga sugat sa kanyang binti ngunit hindi inaakalang ito ay may banta sa kanyang buhay. Ang lugar ay kinordon at dinala rito ang mga karagdagang opisyal habang ...
Isang lalaki ang dinala sa ospital matapos barilin sa Nottingham.
57
Humingi ng pahintulot ang Banks Renewables na itayo ang mga turbina sa Quixwood Moor, isang lugar sa pagitan ng isang nayon at Abbey St Bathans sa Berwickshire. Naaprubahan ang aplikasyon dahil sa casting vote ng tagapangulo ng komite sa pagpaplano na si Konsehal Jim Brown matapos tumabla ang mga boto sa 5-5. Nagrekome...
Naaprubahan ang pagtatayo ng mga turbina sa Quixwood Moor.
58
Isang depot ng Ministro ng Tanggulan (MoD) sa Ashchurch, malapit sa Tewkesbury, ang nagseserbisyo sa mga sasakyang militar, kung saan ang ilan ay ginamit sa Libya at Afghanistan. Ang Defense Infrastructure Organization, na responsable para sa ari-arian ng MoD, ay naghahanda ng mga plano para sa muling pagpapaunlad ng l...
Magaganap ang isang pampublikong konsultasyon sa mga plano na ibenta ang bahagi ng isang base militar sa Gloucestershire.
69
Inaprubahan nila sa prinsipyo ang £40m complex sa timog ng bayan sa paligid ng dating Jedforest Hotel. Humigit-kumulang 50 trabaho ang maaaring malikha sa pamamagitan ng dalawang yugto na pagtatayo na iminungkahi ng Mossburn Distillers. Ang proyekto ay nangangailangan ng clearance mula sa pamahalaan ng Scotland dahil s...
Sinuportahan ang isang distillery sa Jedburgh na may halagang £40m.
70
Ininspeksiyon ang Victoria Bridge noong nakaraang linggo at ang pagkabahala sa higit pang pagkasira nito para isara ng British Waterways ang River Avon sa ibaba nito mula sa mga bangka. Ang mga strap ngayon ay gagamitin upang patibayin ang istraktura at tugunan ang mga agarang pangamba tungkol sa kaligtasan ng tulay. I...
Pansamantalang isinarado ang isang mapanganib na footbridge sa Bath habang ang mga inhinyero nito ay nagsisikap na gawing ligtas ang istraktura.
76
Naglabas ng pahayag ang mag-asawa matapos iulat ng In Touch Weekly na magasin na nakatakda silang magdiborsiyo. "Bagaman kami ay nag-aatubili na tumugon sa mga ganitong uri ng mga ulat, ang mga tsismis na kumakalat tungkol sa aming relasyon ay ganap na hindi totoo," sabi nila. “Magkasama pa rin kami. Hindi nabago ang a...
Ipinahayag ni Will Smith at ng kanyang asawang si Jada Pinkett na hindi sila maghihiwalay.
86
Nagtatampok din si Dene Michael ng Black Lace at aktor na si Billy Pearce sa bagong bersyon ng klasikong Gerry and the Pacemakers na kanta na You'll Never Walk Alone. Ang perang malilikom mula sa mga benta ay mapupunta sa Bradford Burns Unit. Limampu’t anim na katao ang namatay nang sumiklab ang sunog sa istadyum ng ko...
Ang mga bida sa telebisyong pambata na Chuckle Brothers ay nakikibahagi sa isang charity single upang markahan ang ika-30 anibersaryo ng sunog sa Valley Parade sa Bradford.
90
Sinabi ng lokal na awtoridad na hawak ng mga Konserbatibo na ang problema ng mga hindi pa nababayarang multa ay isang "tinik sa panig ng mga librarian". Ang konseho ay kasalukuyang nagmumungkahi na ibigay ang pagpapatakbo ng 11 mga aklatan sa komunidad upang makatipid ng pera. Sinabi ni Gillian Woods, isang nangangampa...
Ipinahayag ng lokal na awtoridad ang mga hindi pa nababayarang multa sa mga aklatan.
97
Nakipagsanib-puwersa ang mga magsasaka sa mga opisyal ng krimen sa kanayunan noong Sabado matapos mabalitaan ng mga pulis ang tungkol sa mga pinaghihinalaang mga hare coursers sa mga bukid sa Ealand, malapit sa Scunthorpe. Nakita ng mga opisyal ang humigit-kumulang anim na lalaki na may mga aso sa isang bukid na tumakb...
Inaresto ang ilang lalaki't aso dahil sa hare coursing sa Lincolnshire.
107
Sinabi ng konseho na nabigo ang isang marketing campaign na makahanap ng mamimili para sa Civic Centre ngunit natukoy ang mga kumpanyang maaaring bumili nito at umarkila ng mga bahagi pabalik sa konseho. Sinabi ng awtoridad na ang gusali ay napakamahal upang mapanatili at hindi talaga nagsisilbi sa mga pangangailangan ...
Ang Konseho ng Lungsod ng Plymouth ay tumitingin sa isang ideya na ibenta ang Civic Center at pagkatapos ay rentahan ang bahagi nito pabalik sa awtoridad.
2
Sinabi ng Kapulisan ng Cambridgeshire na humarap ang 40-anyos na si Sgt Spencer Evans sa St Albans Crown Court noong Lunes dahil sinampahan siya ng isang bilang ng bawat pagkakasala. Napagpasyahan ng hukom na dapat ihinto ang kaso laban sa pulis na mula pa sa istasyon ng Bridge Street. Kasalukuyang sinuspinde si Sgt Ev...
Itinigil ang kaso laban sa isang pulis sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
3
Makikita ang Thekla, na nakadaong sa The Grove, at malapit sa Tulay ng Bristol sa nakalipas na 30 taon. Dadalhin ito sa pantalan para sumailalim sa pagbabago sa susunod na anim na linggo. Ayon sa tagapagsalita, inaasahan na babalik ang Thekla sa dating operasyon “sa kalagitnaan ng Setyembre." Ayon sa website ng Thekla,...
Isasailalim ang Thekla sa pagbabago at inaasahang babalik sa operasyon sa kalagitnaan ng Setyembre.
4
Isang puting trak at isang pilak na Toyota Corolla ang bumangga sa B1391 sa hugpungan ng A52 sa Swineshead, malapit sa Boston, bandang 06:30 GMT. Namatay ang isang lalaki na 20 taong gulang mula sa kanyang mga pinsala sa loob ng kotse. Ang ibang mga tao na malubhang nasaktan ay nakasakay rin sa Toyota. Nais ng pulisya ...
Isang lalaki ang namatay at apat na iba pa ang malubhang nasugatan sa isang bangaan sa Lincolnshire.
14
Ang mga Canadian na rockers ay gaganap sa Hyde Park sa London ngayong Huwebes 30 Hunyo. Lilitaw ang London folk rock band na Mumford & Sons bilang pangunahing support act, habang ang Beirut at The Vaccines ay tutugtog din. Kamakailan lang, nakumpleto ng Arcade Fire ang isang UK arena tour noong Disyembre 2010 na magaga...
Inihayag ng Arcade Fire ang mga detalye ng kanilang pinakamalaking headline gig sa London.
16
Isang 40-anyos na biktima ang inatake sa likod ng Kalye York, sa pagitan ng Lansangan ng Lucan at Middleton Grange Lane, sa Hartlepool, bandang 03:00 GMT. Ang umatake, na tumakas kasunod ng panggagahasa, ay inilarawan bilang maputi, at ang edad halos malapit nang mag-30-anyos hanggang 40-anyos. Mayroon din siyang maikl...
Hinahanap ng pulisya ang isang lalaki matapos niyang halayin ang isang babae sa isang eskinita.
30
Iniulat ng pulisiya ang isang aksidenteng kinasasangkutan ng isang kotse at isang pedestrian sa Blackbrook Road sa bayan ng mga 21:50 BST noong Sabado. Dinala ang nabanggang batang babae sa ospital ngunit di nagtagal ay binawian din ng buhay. Dalawang lalaki, nasa edad 18 at 19, ang inaresto dahil sa hinalang sanhi ng ...
Patay ang isang batang babae matapos mabundol ng kotse sa St. Helens.
48
Kinasuhan ang Wigan Warriors at England rugby full-back na si Zak Hardaker ng pagmamaneho habang walang insurance, at pagmamaneho nang walang balidong MOT matapos arestuhin noong Martes sa Pontefract, Kanlurang Yorkshire. Sinabi ng kanyang koponan na nakikipagtulungan sila sa pulisya at papayagan nito ang legal na pros...
Kinasuhan ang tanyag na manlalaro ng rugby league na si Zak Hardaker sa pagmamaneho nang lasing.
50
Ang isang indefinite period of action ay mapapaso sa ika-11 ng Hunyo kung saan tinanggihan ng mga guro na pangasiwaan ang kanilang mga mag-aaral sa mga breaks. Ang mga teaching unions ay nagpasiya na hindi i-boycott ang break time duty hanggang ika-18 ng Hulyo ngunit ang isang buong araw na walkout ay nakaplano pa rin ...
Ipinagpaliban ang nakaplanong welga ng mga guro sa Jersey upang payagan ang mga karagdagang pag-uusap na maganap.
60
Magkakaroon ng mga hakbang sa Birling Gap sa Silangang Sussex ng "mas ligtas na angkladero" na hangga't maaari mas malapit sa gilid ng bangin, sabi ng Konseho ng Purok ng Wealden. Sa panahon ng mga bagyo ng yelo noong 2013/14, pitong taong pagguho ang sinasabing naganap sa loob lamang ng tatlong buwan. "Hanggang apat n...
Ginagawa na ang pag-angat ng mga hakbang pababa sa isang sikat na dalampasigan dahil hindi ito ligtas matapos ang “matinding" pagguho.
67
Nangingisda ang lalaki sa tubig ng Hartlepool noong Miyerkules ng hapon, at mayroong maraming alumahan sa isang lambat sa gilid ng kanyang sasakyan. Pinuntirya ito ng isang seal, na bumangga sa kayak at nagpataob dito. Nakita siya ng isang off-duty na pulis na nahihirapan sa tubig, at nakuha siya ng RNLI inshore lifebo...
Isang namamangka ng kayak ang kinailangang iligtas ng isang lifeboat crew matapos siyang itapon sa dagat ng isang gutom na seal.
71
Kinumpirma noong nakaraang buwan na humawa na ang virus sa isang tupa sa isla matapos isilang nang patay at wala sa hugis ang limang kordero sa isang bukid. Sinabi ng state veterinary officer na malamang na ang birus ay sanhi ng windborne midges. Sinabi ni Linda Lowseck na ang virus ay maaaring humantong sa pagkawala o...
Kinumpirma ng mga pagsusuri noong nakaraang buwan na nahawahan ng Schmallenberg virus ang mga tupa sa isla.
81
Ang Eastern Bay Link Road ay magkokonekta sa A4232 sa rotonda ng Queensgate, kasama ang A48 ng rotonda ng Ocean Way sa Tremorfa. Opisyal na inilunsad ng Transport Minister na si Edwina Hart ang balita noong Huwebes ng umaga. Inaasahang matatapos ang trabaho sa tagsibol ng 2017. Sinabi ni Ginang Hart: "Ang mga nagkokomy...
Nagsimula na ang proyekto para gumawa ng bagong kalsada na nag-uugnay sa Lawa ng Cardiff at sa silangan ng lungsod.
84
Tumawag ang South Yorkshire Police sa Horninglow Rd sa Firth Park ng Sheffield pagkalipas ng hating gabi. Isang 35-anyos na lalaki ang dinala sa ospital matapos magtamo ng mga saksak sa katawan na di kinalaunan ay binawian din ng buhay. TTatlong iba pang mga lalaki ang nasaksak din sa labanan ngunit ang kanilang mga pi...
Isang lalaki ang namatay at tatlong iba pa ang nasugatan sa pananaksak sa sinabi ng pulisya na isang "malakihang kaguluhan”.
91
Sinabi ni James Watts noong nakaraang taon na mayroong maraming pag-ulan at kakulangan ng sikat ng araw, na nangangahulugan na ang kalidad ng mga pananim ay napakahina sa kung paano ito lumaki. Sinabi niya tungkol sa taong ito: "Medyo nahuli kami sa pagsisimula, mula sa kalagitnaan ng Abril ito ay naging sobrang kanais...
Sinabi ni James Watts na mula kalagitnaan ng Abril, maganda ang panahon ngayong taon.
7
Haharap sa tatlong kaso si Sundas Alam, 30, dahil sa pagpapadala niya ng mga malisyosong komunikasyon kay Bradford West MP Naz Shah noong Abril 3. Inakusahan ng Princeville Street, Bradford si Ms Alam ng pagtatangka na baluktutin ang hustisya sa pamamagitan ng paggamit ng mga detalye ng ibang tao. Hiningi niya sa harap...
Tinanggihan ng babae ang paratang na pagbabanta kay Bradford MP Naz Shah.
17
Nagsimula ang sunog, na lumilikha ng malalaking usok sa isang gusali sa Widnes, Cheshire bago mag-16:00 GMT. Sinabi na walang mga ulat ng anumang pinsala. Pinayuhan ang mga residente na panatilihing nakasara ang mga bintana at pinto. Ang Tan House Lane ay nananatiling sarado sa parehong direksiyon sa pagitan ng Warring...
Pinapatay ng mga bumbero ang isang malaking sunog sa isang industriyal na gusali, sinabi ng Cheshire Fire and Rescue Service.
19
Ipinapakita ng pigura na sa 2011 na badyet, makikita ang pagtaas ng 8.8% sa mga gastos sa tauhan na may bilang na mga 124 kawani. Sinabi ng Ministro ng Treasury and Resources na si Charles Parkinson na siya ay "nababahala" tungkol sa paglaki ng bilang ng mga tauhan at gastos nito. Gayunpaman, sinabi niya na “wala pa sa...
Tumaas ang kabuuang gastos dahil sa pagdagdag ng mga kawani at paglikha ng mga bagong posisyon.
22
Naglalakbay si Katie Robley, 19, kasama ang kanyang kasintahang si Jay Waters nang bumangga ang kanilang sasakyan sa isang van sa Santon, Isle of Man, bandang 22:30 BST noong Biyernes. Ang telecoms administrator, mula sa Ballasalla, ay namatay sa Ospital ng Noble noong Sabado. Si Mr Waters naman ay malubhang nasaktan. ...
Nasawi ang Isang babae at nasugatan ang kasintahan nito matapos ang isang banggaan sa Santon, Isle of Man.
29
Kinailangang gamutin sina Chaman Lal at Vidya Wati para sa mga di-lubhang pinsala matapos ang insidente sa Upland Fruits, Sandwell Road sa 12:15 BST noong Linggo. Sila Leeroy Simpson, 45, at Zoe Gregory, 33, na parehong nakatira sa Avenue Road, Handsworth, ang lumitaw sa Hukuman ng mga Mahistrado ng Birmingham noong Ma...
Dalawang tao ang humarap sa korte kaugnay ng isang pagnanakaw sa isang tindahan ng konsehal sa Birmingham.
35
Iminungkahi ng Marine Biopolymers Ltd ang pagtatayo ng pabrika sa Lochboisdale kung saan ipoproseso nila ang damong-dagat para magamit sa mga produktong pagkain at mga pampaganda. Ang proyekto ay maaaring lumikha ng hanggang 60 na trabaho. Gayunpaman, inilipat na ngayon ng kumpanya ang atensiyon nito sa paghahanda ng i...
Hindi na matutuloy ang plano ng kumpanya na magbukas ng isang planta paa sa pagpoproseso ng mga damong-dagat
59
Kinuha nito ang karangalan sa isang parangal ng British Guild of Travel Writers. Ang proyekto na nagkakahalaga ng milyon-milyong pounds na nag-uugnay sa kabisera at sa hangganan ng Scotland ay opisyal na binuksan ng Reyna noong nakaraang taon. Ipinakita na may isang artipisyal na lawa sa pagsusurp sa hilagang Wales at ...
Nakakuha ng parangal ang proyekto ng bagong riles na nagkokonekta sa kabisera at hangganan ng Scotland.
77
Tinawag ang mga paramediko sa pinangyarihan sa Kalye Moores bandang 12:40 noong Lunes matapos makatanggap ng mga ulat hinggil sa isang babaeng malubhang nasugatan. Sinabi ng Leicestershire Police na isang 23-taong-gulang na lalaki ang kinukuwestiyon kaugnay ng pagkamatay. Sinabi ni Det Insp Mark Sinski: "Ang aming pags...
Isang lalaki ang inaresto dahil sa hinalang pagpatay matapos mamatay ang isang babae sa isang bahay sa Leicester.
82
Ang 27-anyos na si Jordan Bell ay nasa isang kritikal na kondisyon sa ospital mula nang matagpuan siya sa Sunderland City Centre sa bandang 21:00 BST noong 10 Hulyo. Namatay siya noong Biyernes na napapaligiran ng kanyang pamilya, sinabi ng Pulisya ng Northumbria. Si Dominic Robson, 26, ng Birchwood, Sunderland, ay nak...
Pumanaw ang isang lalaki matapos ang insidente sa Sunderland noong Hulyo.
85
Inilunsad ang RNLI rescue operation sa Manacles noong Miyerkules pagkatapos ng isang Mayday alert mula sa isang dive boat. Isang babae na nasa edad 50 ang hinila mula sa tubig malapit sa St Keverne, kinumpirma ng Pulisya ng Devon and Cornwall. Ang babae, na mula sa Oxfordshire, ay namatay matapos dalhin sa Royal Cornwa...
Namatay ang isang babae matapos malunod sa baybayin ng St. Keveme, Devon.
89
Ang mga opisyal ng Border Force ay inalertuhan sila sa unang bapor sa Channel sa mga 05:30 BST, sinabi ng Home Office. Ang mga nakasakay ay ipinasa na sa mga opisyal ng imigrasyon. Ang mga pinakahuling pagdating ay dumating wala pang 24 na oras matapos ipahayag ng Home Office ang ilang mga migrante na matagumpay na nak...
Hinrang ang mga bangkang may lulan ng pinaghihinalaang migrante sa Kent Coast.
92
Ang 35ft (10.7m) na sperm whale ay namataan sa tabing dagat ng Skegness noong Sabado. Daan-daang tao ang nagtipon sa pinangyarihan, ngunit ang hayop na maaaring patay na ng ilang araw ay nagsimulang umamoy. Sinabi ng Konseho ng Purok ng Silangang Lindsey: "Malinaw na habang naaagnas ito, lumalala ang amoy. Kaya tinakpa...
Isang sperm whale ang natagpuan sa Skegness at nagdulot ng masangsang na amoy habang naaagnas.
95
Ang mga tauhan sa Howletts, malapit sa Canterbury, ay nagsabi na ang pagsilang ng kambal sa gubat ay kadalasang magreresulta sa pagkamatay ng parehong ina at mga guya. Ang Aprikanong elepante, na may pangalang Masa, ay nanganak noong nakaraang linggo sa isang hindi pa pinangalanang lalaki kasunod ng 22-buwang pagbubunt...
Isang elepante ang nanganak ng kambal, ngunit isa ang pumanaw.
101
Inironda sa mga pulis ang mga ulat ng labanan malapit sa MAC Center sa Liwasang Cannon Hill, Birmingham, noong Martes ng hapon. Sinabi ng mga dumadaan na nakakita sila ng malinaw na presensya ng pulis at daan-daang kabataan sa paligid ng liwasan ng Edgbaston. Arestado ang isang 16-anyos na binatilyo dahil sa hinalang p...
Isang malaking labanan sa tubig ang "nauwi sa kaguluhan" na humahantong sa pagsugat ng maraming tao at pag-aresto ng isang binatilyo.
103
Iyon ay bahagyang mas mataas kaysa sa 0.9% na nakamit noong 2018. Ang mga numero ay nagmula sa Economic Statistic Center of Excellence (ESCoE), isang consortium ng mga institusyong pananaliksik na nakikipagtulungan sa Office for National Statistics. Gumagamit ang ESCoE ng opisyal na datos upang makagawa ng mga pagtatan...
Lumago ang ekonomiya ng Hilagang Ireland ng 1.4% noong 2019, bahagyang mas mataas kaysa noong 2018, ayon sa ESCoE.
104
Ang mga lalaki, pawang mula sa Essex, ay kinasuhan matapos ihinto ng mga pulis ang isang van sa Timog Ockendon noong Biyernes ng gabi. Si Johnnie Scamp, 29, ng Aveley, ang kanyang pinsan na si James Scamp, 41, ng Purfleet, at Thomas Simmonds, 37, ng Timog Ockendon ay umamin na nagkasala sa pagnanakaw. Una nang naalerto...
Tatlong lalaki ang umamin na nagnakaw sila sa may Hatfield Peverel.
109
Tinanggihan ni Stephen Loryman, 59, ng Burnsall Mews, Silsden, Kanlurang Yorkshire, ang dalawang paratang ng sekswal na pag-atake sa isang batang lalaki na wala pang 13 taong gulang. Ang mga kaso ay nagmula noong higit sa isang dekada hanggang sa pagitan ng 2008 at 2010. Si Ginoong Loryman, na dating nagtrabaho bilang ...
Napatunayang hindi nagkasala ang isang lalaki sa pang-aabuso mahigit isang dekada na ang nakalipas.
1
Pinayuhan ang publiko na huwag lumangoy o magtampisaw sa dalampasigan ng Leven. Hinimok ang mga nagmamay-ari ng aso na huwag munang ilakad ang kanilang mga alagang hayop sa apektadong lugar. Nasira kasi ang kuryente sa Levenmouth Waste Water Treatment Works noong Huwebes, na nagdulot ng pagtagas ng dumi sa alkantarilya...
Naglabas ng babala ukol sa polusyon para sa dalampasigan sa Leven.
10
Natagpuan ang 28-anyos na biktima sa Heathfield Road, Old Basford, noong Martes. Sinabi ng Pulisya ng Nottinghamshire na maaaring nasa impluwensiya ng iligal droga ang nasabing biktima. Idinagdag din ng pulis na kasalukuyang nananatili siya sa ospital dahil sa mga pinsala na pinaniniwalaan na nagbabanta sa kanyang buha...
Kinasuhan na ang isang babae matapos niyang saksakin sa likod at braso ang isa pang babae.
15
Naglalakad ang babae sa isang bangketa sa Stenson Road, sa Sinfin, sa mga pagitan ng 04:00 at 05:30 BST noong Sabado nang siya ay inatake sa madamong lugar. Sinabi ng mga detective na ang lalaki na inilarawan bilang Asyano at mga 40 taong gulang ay tumakbo patungo sa Glenmore Drive. Malakas ang amoy ng sigarilyo ng lal...
Isang babae ang ginahasa ng isang lalaki malapit sa isang tulay ng tren sa Derby, sabi ng pulisya.
20
Ayon sa charity, dalawang lifeboat ang inilunsad matapos may nagpakawala ng flare, ngunit walang sinuman ang nagpakita na humihingi sila ng tulong. Parehong mga lifeboat ng St Helier ang ipinadala nang mangyari ang insidente noong Sabado ng gabi sa mga 21:00 BST. Sinabi ng RNLI na pagkatapos ang malawakang paghahanap, ...
Ipinadala ang dalawang lifeboat matapos makita ang flare sa St Helier, ngunit walang natagpuang panganib.
31
Ayon sa Hereford at Worcester, nagsimula ang sunog sa Stretford noong mga madaling araw ng Sabado, na naging sanhi sa pagbagsak ng mga gusaling gawa sa bakal. Siyam na mga makina ng bumbero ang ipinadala habang isinara ng Konseho ng Herefordshire ang kalapit na A4110 sa hugpungan ng B4457. Hindi alam kung ano ang sanhi...
Hinarap ng mga bumbero ang isang malaking sunog sa mga gusaling pang-agrikultura sa Stretford noong madaling araw sa Sabado..
32
Nabiktima ang lalaki sa New Street sa bandang Frankley ng mga 20:00 BST noong Martes ayon sa West Midlands Police. Sinabi ng mga opisyal na hinabol siya ng tatlo pang lalaki, kabilang ang isa na nakabisikleta, bago siya pinagsasaksak. Ang biktima ay nasa isang malubha ngunit matatag na kondisyon sa ospital at ang pulis...
Isang lalaki ang nasa ospital matapos siyang saksakin.
33
Sabi ng pulisya, isang babaeng biktima ang inatake sa loob ng isang ari-arian sa Kalye Crescent ng isang lalaking hindi niya kilala. Nais ng mga opisyal na lumabas ang sinumang may CCTV footage na naitala sa bayan ng Gresham sa pagitan ng 23:00 BST ng Huwebes at 00:30 ng Biyernes. Inilarawan ang suspek na payat at nasa...
Patuloy ang paghahanap sa hindi pa nakikilalang lalaki na umatake sa isang babae sa Kalye Crescent.
36
Binili ng Google ang website ng YouTube noong 2006 sa halagang $1.65bn (£1.03bn) at mula noon ay mas lalong iginigiit ang kanilang kapangyarihan sa sikat na site. Sa isang pahayag, sinabi ni G. Hurley na si Salar Kamangar ng Google ang nanguna sa pang-araw-araw na operasyon ng YouTube sa nakalipas na dalawang taon haba...
Binili ng Google ang YouTube noong 2006 at mula noon ay pinamahalaan na ito ni Salar Kamangar habang si Mr. Hurley ay nagsilbing tagapayo.
49
Ang tiket para sa Grosvenor sa Norwich ay binili sa halagang pitong shillings at anim na sentimo, at pinirmahan sa mismong tugtugan nina John Lennon at Ringo Starr. Sinasabi rin sa tiket na suportado ng banda ang ngayong sarado na lugar sa Prince of Wales Road ng isang lokal na banda na Ricky Lee and the Hucklebucks. I...
Isang tiket ng Beatles mula sa 1963 concert sa Norwich, na may pirma nina Lennon at Starr, ay ilalagay sa auksyon.
79
Nananatiling nasa lupa ang Super Puma EC 225s kasunod ng mga ditching noong nakaraang taon. Sinabi ng tagagawa ng Super Puma na Eurocopter na natagpuan ng mga malawak na pagsubok ang "pinaka-maaaring" sanhi ng pagpalya nito. Sinabi ng Eurocopter na naglulunsad ito ngayon ng isa pang serye ng mga pagsubok upang makakuha...
Magkakaroon ng karagdagang pagsusuri upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng mga Super Puma helicopter.
39
Ang Living Advent Calendar ay itatanghal sa loob ng 24 na gabi at mayroong random performance tuwing 18:15 GMT bawat araw. Sabi ng organizer na si Julie Perigo, “Isang pinto o bintana ang bubukas sa isang lugar sa bayan at magaganap ang isang 15 minuto na pagtatanghal.” Ang taga-Henley na si Gary Connery, isang stunt d...
Ang Living Advent Calendar ay magtatampok ng araw-araw na 15-minutong pagtatanghal sa Henley.
47
Dinala sa ospital ang dalawang detainee dahil sa sunog. Nangyari ito bandang 21:00 BST noong Biyernes kung saan 10 trak ng bumbero ang sumaklolo sa pinangyarihan. Humigit-kumulang kalahati ng mga nakakulong ay inilipat sa ibang mga sentro dahil sa pinsala sa gusali, saad ng tagapagsalita ng Home Office. Ang sanhi ng su...
Napinsala ng sunog ang Bahay Campsfield na sento ng pagtanggal sa imigrasyon, sinabi ng Home Office. Matatagpuan ito sa Kidlington malapit sa Oxford.
68
Nangyari ito sa isang hindi na ginagamit na bakuran sa Kalye Battleford malapit sa Benburb noong Linggo ng umaga. Sinabi ni Ch Insp Barney O'Connor na ang pagtitipon ay "malinaw na paglabag" sa mga regulasyon ng lockdown sa Covid-19. Nagdulot ito ng pag-aalala sa mga residente sa lugar, aniya, at nagkaroon ng pagkagamb...
Iniimbestigahan ang isang malaking pagtitipon sa Benburb noong Linggo dahil sa paglabag sa mga regulasyon ng COVID-19 lockdown.
105
Ang mga eksperto sa pagtatapon ng bomba mula sa Explosive Ordnance Disposal team ay ipinadala sa Raikes Parade sa Blackpool kanina kasunod ng pagkakahanap. Ang kalye ay sarado sa pagitan ng Leamington Road at Hornby Road. Inaresto ang isang lalaki dahil sa hinalang gumawa ng pampasabog na may layuning ilagay sa pangani...
Isang lalaki mula sa Blackpool ang inaresto dahil sa isang kahina-hinalang pampasabog, ngunit pinalaya rin matapos ang inspeksyon.
106
Ito ay bahagi ng humigit-kumulang isang milyong sasakyan na inaalis ng kumpanya sa buong mundo pagkatapos maiulat ang 51 sunog. Walang naitalang pagkamatay o pinsala, sabi ng kumpanya. Sinabi ng Daimler na ang fault ay nakakaapekto sa fuse sa ilan sa mga A, B, C, at E-class na mga kotse nito pati na rin sa mga CLA, GLA...
Ibinabalik ni Daimler ang humigit-kumulang 75,000 Mercedez-Benz na sasakyan sa UK dahil sa panganib ng sunog.
0
Ayon sa Jersey Waters, ito na ang ika-12 na magkakasunod na taon na tumaas ang mga halaga ng tubig, ngunit idiniin na mas mababa sa inflation ang pagtaas nito. “Sa nakalipas na dekada, ang halaga ng metro ng tubig ay talagang bumagsak, kung isasaalang-alang mo ang inflation,” saad ng kumpanya. Gusto ng Jersey Waters na...
Magpapatuloy ang pagtaas ng halaga ng tubig sa Jersey, ayon sa Jersey Water.
27
Isang lalaki, na inaakalang mga nasa edad na 20s, ang dinala gamit ng panghimpapawid na ambulansya mula sa lugar ng Somerset patungo sa Ospital ng Southmead sa Bristol pagkalipas ng 17.20 BST. Kalaunan, nailipat siya sa Pagamutan ng Reyna Elizabeth sa Birmingham kung saan siya namatay, ayon sa Pulisya ng Avon and Somer...
Namatay ang isang lalaki dahil sa di-mapaliwanag na sanhi sa Pista ng Glastonbury, sinabi ng pulisya.
88
Nagbibisikleta ang biktima sa Kalye Aylestone, malapit sa Liwasang Hill Drive, Leicester, bandang 21:30 GMT noong Lunes nang mabundol siya ng sasakyan. Isang 40-taong-gulang na lalaki mula sa Leicester, ay hinalaang nagdulot ng malubhang pinsala sa pamamagitan ng mapanganib na pagmamaneho at pagmamaneho habang nasa ila...
Isang mabigat na buntis na babae ang malubhang nasugatan nang masagasaan ng isang salpukan.

XLSum_fil_BitextMining

Filipino news articles paired with their reference summaries, built from the tl subset of aisingapore/NLG-Abstractive-Summarization (SEA-HELM). Used by the SEA-BED task XLSum_fil_BitextMining, alongside the existing XLSum_<lang>_BitextMining tasks for ind, mya, tha and vie. Like them, it is summarization stored as bitext mining: each article must find its own summary.

Not native XL-Sum (XL-Sum has no Filipino): the articles are English BBC News stories (the source metadata.url points to bbc.com/news) translated into Filipino by SEA-HELM. Articles are also much shorter than in the other XL-Sum subsets.

How it was built

  • Source split: eval of tl, kept as one split eval (not re-split). The 5-row examples split is not used.
  • Columns: id (source row id), source (article, from prompts[0].text), target (reference summary, from label). metadata (title, url) is not included.
  • Row i of target is the summary of row i of source.
  • Text was only stripped of surrounding whitespace and U+FFFD replacement characters.
  • Pairs were compared after lowercasing and removing spaces, punctuation and emoji; repeated pairs keep the first row.

Size

step rows
source eval 100
dropped: also in SEA-BED 0
dropped: repeated pair 0
eval 100

Overlap with SEA-BED

No article or summary was found in any local SEA-BED split.

Licence

Follows the source dataset, aisingapore/NLG-Abstractive-Summarization, and XL-Sum (csebuetnlp/xlsum, CC BY-NC-SA 4.0, non-commercial).

Downloads last month
52