Dataset Preview
Go to dataset viewer
text (string)
"= Task force tutugisin ang suspek sa pagpatay ng 2 opisyal ng Comelec = "
""
"MANILA - Isang task force ang binuo ng ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes upang tugisin ang suspek sa pagpatay ng dalawang opisyal ng Commission on Elections (Comelec). Ang suspek ay napabalitang nakatakas kamakailan mula sa piitan ng isang kampo ng pulisya. "
"Ayon kay Chief Superintendent Eric Javier, NCRPO officer-in-charge, nilikha ang Task Force Ampatuan upang hanapin si PO2 Basser Ampatuan. Ngunit pinabulaanan ni Javier na nakatakas ang suspek, dahil di naman daw ito nake-ditene. "
"Si Chief Inspector Agapito Quimson, ang namumuno sa task force, ayon kay Javier. "
"Itinuturo si Ampatuan, 36, bilang trigger man sa pagpatay kina Comelec legal department chief Alioden Dalaig noong Nob. 10, 2007, at ang pumalit sa kanyang si Wynne Asdala na pinaslang noong March 24, 2008. "
"Inaalam ng task force kung paano biglang nakatakas si Ampatuan bandang alas dos ng madaling araw ng Sabado sa loob ng kampo kung saan siya ay sumasailalim sa restrictive custody. "
"Ayon sa pulisya, iniulat na nawawala si Ampatuan mula pa noong Sabado ng umaga matapos siyang mapasailalim sa kustodiya ng NCRPO at manatili sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. "
"Inaresto si Ampatuan nitong Abril sa Shariff Kabunsuan. Dinirinig ang kanyang kasong administratibo sa summary hearing. "
"Naghain ang asawa ni Ampatuan ng petisyon para sa habeas corpus noong Abril 25 subalit ibinasura ito ni Judge Virgilio Macaraeg ng Manila regional trial court.. "
"Samantala, nahaharap naman sa imbestigasyon ang police custodian ni Ampatuan na si PO2 Mark Pasagui. - GMANews.TV "
""
"= PNP aalalay sa unang araw ng eskwela sa Martes = "
""
"MANILA - Pinaalalahanan ng pinuno Philippine National Police (PNP) nitong Lunes and kanyang mga tauhan na paigtingin ang pagbabantay sa pagbubukas ng klase sa Martes. "
"Ayon kay Chief Superintendent Nicanor Bartolome, tagapagsalita ng PNP, nais tiyakin ni PNP chief Director General Avelino Razon Jr na magiging mapayapa at maayos ang sitwasyon sa bawat paaralan. "
""Kanina inulit ni Gen. Razon ang utos sa regional directors to ensure talagang magiging maayos peaceful ang magiging opening ng klase. At hindi lang during opening, buong semester na kasama sa Oplan Balik Paaralan," pahayag ni Bartolome sa panayam ng dzBB radio. "
"Inaasahang babantayan ng mga pulis ang mgha paaralan simula alas kuwatro ng madaling araw ng Martes. "
"Tinatayang may 2.1 milyong mag-aaral ang magbabalik-eskwela. - GMANews.TV "
""
"= Cardinal nasagmuyo sa pagmahal sa NFA rice = "
""
"CEBU CITY, Philippines - Nasagmuyo si Cebu archbishop Ricardo Cardinal Vidal sa pagmahal sa bugas nga gibaligya National Food Authority sukad sa niaging semana. "
"Gihimo nang P25 matag kilo niadtong Biyernes ang presyo sa bugas nga gipamaligya sa NFA Region 7, gikan sa P18.25. "
"Gianunsyo ni Edgar Diez, tigpamaba sa NFA 7, nga wa na ang P18.25/kg nga bugas ug ang bag-ong presyo P25 na. "
"Apan ang bag-ong presyo gikahibulong ug gikasagmuyo kaayo ni Cardinal Vidal karong Lunes. "
"Gipasabot ni Vidal nga obligasyon sa gobyerno ang pagtabang sa mga kabus. Busa kinahanlang paninguhaon niini nga dili momahal ang bugas sa NFA kay kini ra ang gisaligan sa mga kabus. "
"Nahibaw-an nga ang mga commercial rice karon dinhi sa Sugbo miabot na'g kapin sa P40 pesos matag kilo. - Balitang Bisdak "
""
"= Dagdag na sahod ng mga guro dapat kasama sa taunang budget - Lapus = "
""
"MANILA - Tiniyak ni Secretary Jesli Lapus ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na tinutugunan ng pamahalaan ang hinaing ng mga guro para sa dagdag na sahod ngunit humingi siya ng dagdag na panahon. "
"Ipinaliwanag ni Lapus na kailangang maisama sa taunang budget ang pagkakaloob ng dagdag na umento sa mga guro. "
""It's a function of item in the budget. We are addressing the teacher's request for a wage hike," pahayag ni Lapus na bumisita sa pagbubukas ng klase sa Batasan Hills National High School sa Quezon City nitong Martes. "
"Maliban sa mga guro at mag-aaral, sinalubong din si Lapus sa Batasan Hills National High School ng pakiusap ng mga faculty members na kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na tugunan ang kanilang kahilingan na dagdagan ang kanilang sweldo dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. "
"Tiniyak din ni Lapus na 1,800 guro ang itataas ang posisyon upang maging principal ng mga paaralan. Ang promosyon ay inaprubahan na umano ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. "
""In fact, the President has signed and approved the promotion of 1,800 head teachers, who are qualified to become principals. We'll now have a mass promotion," paliwanag ng kalihim. "
"Sinabi ni Lapus na pagtaya ng DepEd, na sa kabuuan ay naging maayos ang unang araw ng pagbubukas ng klase sa bansa. Ginawa niyang halimbawa ang Pangasinan kung saan apat na paaralan lamang sa 362 paaralan na naapektuhan ng bagyong "Cosme" ang hindi nagbukas ng klase . "
"Pinuri ng opisyal ang mga administrador ng mga paaralan na gumawa ng paraan upang masimulan ang klase at maturuan kaagad ang mga estudyante sa unang araw ng pasukan. "
"Kasabay nito, nagsagawa rin ng pag-inspeksyon si Senior Superintendent Magtanggol Gatdula, pinuno ng Quezon City Police District, sa Batasan Hills National high school upang tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante. "
"Tinatayang aabot sa 9,450 ang bilang ng mga estudyante sa naturang paaralan. "
"Nagpakalat ang liderato ng Philippine National Police ng 4,000 pulis sa buong Metro Manila upang palakasin ang police visibility sa pagsisimula ng pasukan. Ipinakalat ang mga pulis sa mga paaralan, book stores, pantalan, mga jeepney at bus terminals at maging sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit stations.- GMANews.TV "
""
"= Nawawalang TV news crew ng ABS sa Sulu hanapin - Arroyo = "
""
"MANILA - Iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Armed Forces at Philippine National Police na gawin ang lahat ng paraan upang hanapin ang "nawawalang" television news crew na pinapangunahan ni broadcast journalist Cecilia Victoria "Ces" Orena-Drilon sa Sulu. "
""The President has already instructed the PNP and the military to exhaust all means para makita sino ang abductor ni Ces Drilon the soonest possible time. This can give a bad signal because si Ms. Drilon is a very popular figure in the country. So hindi natin pababayaan na magpabaya ang ating mga opisyal dito," pahayag ni Lorelei Fajardo, deputy presidential spokesperson. "
"Nang tanungin kung ikinukonsidera ng kidnapping case ang insidente, tugon ni Fajardo: "Hindi naman, an initial report is that she is still missing...but of course, hindi natin pwedeng alisin and possibility na maaaring kidnapping ito." "
"Sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez na kinokondena nila ang pagdukot sa mga mamamahayag na ginagampanan ang kanilang trabaho sa Sulu. "
""We condemn the kidnapping of the journalist and some media men while covering a story in Sulu. This act must not go without punishment and we have ordered the PNP to investigate, run after the perpetrators and bring back the victims alive and well," ayon sa tagapagsalita. "
"Umapela si Golez sa mga sibilyan na makipagtulungan sa awtoridad upang mahanap ang mga nawawalang mamamahayag at maparusahan ang mga taong nasa likod ng pagdukot. "
"Una rito, kinumpirma ng ABS-CBN Broadcasting Corp. na nawawala sina Drilon at dalawang cameramen sa Sulu. "
""Three ABS-CBN journalists Ces Drilon, Jimmy Encarnacion, and Angelo Valderama are missing in Sulu," nakasaad sa pahayag ng ABS-CBN. "
""All efforts are underway to find them and bring them home. Until we learn more details, ABS-CBN News requests other media to report on this matter with utmost consideration for the safety of our news team," idinagdag ng TV station. "
"Kinondena ng New York-based Committee to Protect Journalists ang insidente. "
""We are deeply concerned for the safety of these three journalists," ayon kay Bob Dietz, CPJ's Asia program coordinator. "
"Nag-alok naman ng tulong ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang hanapin ang grupo ni Drilon at mapalaya sa lalong madaling panahon. "
"Ayon kay Jun Mantawil, pinuno ng MILF peace panel secretariat, batay sa pauna nilang impormasyon ay nalaman nilang hawak ni Gafur Gumbahali, sub-leader ng Abu Sayyaf sa brgy. Kulasi sa Maimbung ang grupo ni Drilon. - GMANews.TV "
""
"= Kongresista isinugod sa ospital = "
""
"MANILA - Isinugod sa pagamutan si Sorsogon Rep. Jose Solis nitong Martes matapos dumaing ng pananakit ng ulo nang dumating sa plenaryo ng House of Representatives sa Quezon City. "
"Sa ulat ng dzBB radio, si Solis, 68 anyos ay isinakay sa ambulansya upang dalhin sa Philippine Heart Center sa Quezon City. "
"Isa umanong empleyado ni Solis ang nagkwento na bago magtungo sa Kamara ay aksidenteng nadulas ang kongresista sa banyo ng kanyang bahay at nabaldog ang ulo. "
"Subalit sa halip na magpatingin sa ospital, pinili umano ng kongresista na sa Kamara tumuloy para dumalo sa sesyon. "
"Dumaing umano ng pananakit ng ulo ang mambabatas nang dumating sa bulwagan ng Kamara kaya dinala na muna sa klinika ng kapulungan. Dito ay inirekomenda ng mga duktor na dalhin na si Solis sa pagamutan. - GMANews.TV "
""
"= 5 patay sa sunog sa QC - report = "
""
"MANILA - Limang tao ang nasawi kasama ang isang tatlong-taong gulang na babae sa sunog na naganap sa barangay Talayan, Quezon City nitong Martes. "
"Sa ulat ng dzBB radio, kabilang sa nasawi ang mga kasambahay na nakilala sa mga pangalang sina Lian, Gloria at Joan. "
"Binawian din ng buhay habang ginagamot sa Capitol Medical Center ang 70-anyos na si Felicita Jiao, lola ng bata. "
"Nilalapatan naman ng lunas sa nasabing pagamutan at halos hindi pa makausap ang kabiyak ni Felicita na si Geronimo Jiao. "
""Wala pa siyang sinasabi sa amin. Ang nakuha lang namin sa kanya ay ang pangalan ng mga napatay," kwento ng isang opisyal ng bumbero sa panayam ng dzBB. "
"Sinabi sa ulat na ang mga biktima ay nasa loob ng kanilang bahay sa brgy Talayan sa Quezon City nang maganap ang insidente. "
"Iniimbestigahan din umano ng mga awtoridad ang anggulo na biktima ng pagnanakaw ang mga ito dahil nakita silang nakatali ang mga kamay. - GMANews.TV "
""
"= 11 Magdalo soldiers nagpalit ng guilty plea sa paglilitis ng AFP = "
""
"MANILA - Labing-isang sundalo na miyembro ng Magdalo group ang nagpalit ng kanilang not guilty plea sa pagdinig ng military general court martial nitong Martes kaugnay sa bigong kudeta noong 2003 sa Makati. "
"Matapos ang maigsing pulong kay Armed Forces chief Lt. Gen. Alexander Yano, naghain ng guilty plea ang 11 junior officers sa paglabag sa Articles of War 96 o conduct unbecoming an officer and a gentleman. "
"Ang mga isinakdal at nagpalit ng kanilang plea ay sina: Captain Segundino Orfiano Jr, at First Lieutenants Billy Pascua at Francisco Ashley Acedillo na miyembro ng Air Force; Lieutenants Senior Grade James Layug, Eugene Louie Gonzales, Andy Torato, at Manuel Cabochan, Lieutenant Junior Grade Arturo Pascua, at Ensign Arman Pontejos mula sa Navy; at Captain Gary Alejano at Second Lieutenant Jonnel Sangalang ng Marines. "
"Sina Alejano at Layug ay kabilang sa mga hardcore leaders ng Magdalo group na kinabibilangan din ng nakapiit na si Sen. Antonio Trillanes. "
"Hiniling ni Atty. Ed Abaya, abogado ng depensa, na ikonsidera ng korte ang pagsuko ng mga nasasakdal noong Hunyo 27, 2003 at pag-amin sa kanilang kasalanan. "
"Ang AW 96 ay may nakapataw na parusang pagkakaalis sa serbisyo at pagkakakulong. "
"Ayon kay Air Force Brig. Gen. Nathaniel Legaspi na namuno sa pagdinig, posibleng mailabas ang desisyon sa 11 sundalo sa susunod na paglilitis. "
"Dahil dito, anim na kasapi na lamang ng Magdalo ang nililitis kaugnay sa Oakwood mutiny kabilang sina Trillanes at Marine Capt. Nicanor Faeldon. "
"Ang iba pa ay sina Army 1Lt. Warren Dagupon at Marine Second Lieutenants Alquin Canson, Junnibert Tubo at Edwin Duetao. "
"Sina Trillanes at Faeldon ay nahaharap din sa kasong rebelyon kaugnay sa insidente ng Peninsula Manila sa Makati noong Nobyembre 29, 2007. - GMANews.TV "
""
"= Kamara hindi naipasa ang panukalang magpapalawig sa bisa ng CARP = "
""
"MANILA - Ipinagpaliban ng Kamara de Representantes nitong Martes ng gabi ang deliberasyon ng House Bill 4077 na magpapalawig sa implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) hanggang 2013. "
"Sinabi ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa GMANews.TV na sa halip ay inaprubahan ng mga kongresista ang resolusyon para tiyakin ang pondo sa land acquisition and distribution (LAD) na bahagi ng CARP hanggang sa katapusan ng 2008. "
""The House approved a resolution to the effect that the budget for LAD will be available until December 31, 2008, and not only until June 10, 2008," paliwanag ng kongresista. "
"May anim na buwan umano ang Kamara hanggang Disyembre para talakayin ang HB 4077 at iba pang panukala na may kaugnayan sa repormang agraryo. "
""The deliberations will probably resume in July after President (Gloria Macapagal) Arroyo's SONA (State of the Nation Address)," paliwanag ni Ocampo. "
"Bagaman mayorya ng mga kongresista ay pabor sa pag-apruba ng HB 4077, nagpasya ang liderato ni Speaker Prospero Nograles na ipagpaliban ang pagtalakay dito. "
"Sa isinagawang caucus o pulong ng mga kongresista bago ang sesyon sa plenaryo, 97 kongresista ang nagpahayag na pabor sa panukala at 82 ang tutol. Samantala, 53 kongresista ang wala sa nasabing botohan. "
"Protesta "
End of preview (truncated to 100 rows)

Dataset Card for NewsPH

Dataset Summary

Raw collection of news articles in Filipino. Used to produce the NewsPH-NLI dataset in Cruz et al. (2020)

Supported Tasks and Leaderboards

[More Information Needed]

Languages

Tagalog/Filipino

Dataset Structure

Data Instances

[More Information Needed]

Data Fields

  • text (str)

The dataset is in plaintext and only has one field ("text"). It can be used for language modeling.

Data Splits

[More Information Needed]

Dataset Creation

Curation Rationale

[More Information Needed]

Source Data

Initial Data Collection and Normalization

[More Information Needed]

Who are the source language producers?

[More Information Needed]

Annotations

Annotation process

[More Information Needed]

Who are the annotators?

[More Information Needed]

Personal and Sensitive Information

[More Information Needed]

Considerations for Using the Data

Social Impact of Dataset

[More Information Needed]

Discussion of Biases

[More Information Needed]

Other Known Limitations

[More Information Needed]

Additional Information

Dataset Curators

[More Information Needed]

Licensing Information

[More Information Needed]

Citation Information

[More Information Needed]

Contributions

Thanks to @jcblaisecruz02 for adding this dataset.