|
Maraming salamat Chris. |
|
Ito'y isang malaking karangalan na binigyan ako ng pagkakataon na pumunta dito upang tumayo sa inyong harapan. Labis akong nalulugod. |
|
Ako'y humahanga sa pagtitipong ito, at gusto ko kayong pasalamatan sa maraming magagandang komentaryo tungkol sa tinalakay ko noong isang gabi. |
|
At totoo ang mga sinabi ko, dahil |
|
(Tawanan) Ilagay n'yo ang inyong sarili sa aking kinalalagyan! |
|
Ako'y isang piloto ng Air Force Two sa loob ng walong taon. |
|
Ngayon kailangan ko nang tanggalin ang aking sapatos at bota para sumakay ng eroplano! |
|
(Tawanan) (Palakpakan) Kukwentuhan ko kayo kung ano na ang nangyayari sa buhay ko. |
|
Ito'y totoong kwento |
|
Pagkatapos namin iwanan ni Tipper ang |
|
kami-kami lang ang nagmamaneho. |
|
Alam kong mababaw lang ito para sa inyo, pero |
|
Walang motorcade sa likod namin. |
|
Nakarinig na ba kayo ng kumukulong tiyan? |
|
(Tawanan) Ito'y inupahan lang na Ford Taurus. |
|
Maghahapunan na, at nagsimula na kaming maghanap ng makakainan. |
|
Nandoon kami sa I-40. |
|
Narating namin ang Exit 238, Lebanon, Tennessee. |
|
Lumabas kami sa exit, at naghanap |
|
Mura at pampamilyang restaurant, para sa mga hindi nakaka-alam. |
|
Pumasok kami sa loob tapos umupo, at may weytres na lumapit sa amin, gumawa ng isang malaking gulo kay Tipper. |
|
(Tawanan) Kinuha n'ya ang order namin, tapos bumalik sa mag-asawang katabi namin, at sa mahinang boses, dahil halos hindi ko na marinig, |
|
sabi niya "Opo, yan ang dating Bise Presidente Al Gore at ang kanyang asawang si Tipper." |
|
At ang sabi ng lalaki, "Malayo na talaga ang kanyang narating ano?" |
|
(Tawanan) May mga sumunod pang sorpresa. |
|
Noong sumunod na araw, sa pagpapatuloy ng aking totoong kwento, sumakay ako ng G-5 at lumipad patungong Aprika upang magtalumpati sa Nigeria, sa lungsod ng Lagos, tungkol sa enerhiya. |
|
Sinimulan ko ang talumpati gamit ang kuwento na nangyari noong isang araw sa Nashville. |
|
At sinabi ko 'yon gaya ng pagkakasabi ko sa inyo ngayon. Kami ni Tipper, nagmamaneho, sa Shoney's, mura at pampamilyang restawran, ang sabi ng tao |
|
Binigay ko ang talumpati, at bumalik agad sa paliparan pauwi. |
|
Nakatulog ako sa eroplano, hanggang hating-gabi, lumapag kami sa Azores Islands upang magpagasolina. |
|
Nagising ako, binuksan nila ang pintuan ng eroplano, lumabas ako para lumanghap ng sariwang hangin, at nakita kong may isang tao na tumatakbo sa kabilang dako ng tarmak. |
|
Kumakaway siya hawak ang piraso ng papel, at sumisigaw, "Tawagan mo ang Washington! Tawagan mo ang Washington!" |
|
At napag-isipan ko, sa gitna ng gabi, sa gitna ng Karagatang Atlantiko, ano kaya ang problema sa Washington? Tapos naalala ko na maaring kahit ano pala. |
|
(Tawanan) |
|
Ang totoo, nabahala ang aking mga tauhan dahil sa kwentong isinulat ng isang wire service sa Nigeria tungkol sa aking talumpati. At nailimbag na ito sa mga lungsod sa buong lupalop ng Estados Unidos |
|
|
|
At ganito ang nakasulat, "Dating bise-presidente Al Gore inanunsyo sa Nigeria kahapon, 'Kami ng aking asawa, si Tipper ay nagbukas ng mura at pampamilyang restaurant, ang pangalan ay Shoney's, at kami mismo ang nagpapatakbo nito.'" (Tawanan) Bago ako makabalik sa Estados Unidos, naging tampulan ito ng biro nila David Letterman at Jay Leno |
|
Nakalipas ang tatlong araw, nakatanggap ako ng mahabang liham galing sa aking kaibigan at kasamang si Bill Clinton na nagsasabing, "Al, binabati kita sa inyong bagong restawran!" |
|
(Tawanan) Gusto naming ipagdiwang ang mga tagumpay sa buhay. |
|
Gusto ko sanang pag-uusapan ang information ecology. |
|
Pero napag-isip-isip ko na kung babalik lang ako dito sa TED, pag-usapan nalang natin 'yon sa susunod na panahon. |
|
(Palakpakan) Chris Anderson: Sige! |
|
Al Gore: Gusto kong tukuyin ang paksa na marami sa inyo ay humiling ng ibayong paliwanag. Ano ang inyong magagawa tungkol sa krisis sa klima? |
|
Gusto kong magsimula sa |
|
Ngayon, ang slideshow. |
|
Laging bago ang aking mga slideshow. |
|
Naglalagay ako ng bago upang may natututunan akong bago. |
|
Gaya ng paghahanap sa tabing dagat. |
|
Bawat pag-urong at pagsulong ng tubig nakakahanap ka ng mga bagong kabibe. |
|
Sa nakalipas na dalawang araw, noong Enero naabot natin ang bagong rekord sa temperatura. |
|
Ito ay sa Estados Unidos lamang. |
|
Ang pamantayan sa kasaysayan para sa buwan ng Enero ay 31 °F. Ang nakalipas na buwan ay umabot ng 39.5 °F. |
|
Gusto n'yo sigurong makarinig ng mas maraming masamang balita |
|
at pagkatapos lilipat na ako sa bagong slides tungkol sa mga bagay na maari ninyong gawin. |
|
Gusto ko munang ipaliwanag ang sumusunod. |
|
Una sa lahat, ito ang inaasahan na patutunguhan ng Estados Unidos sa kontribusyon nito sa pag-init ng planeta, ayon sa datos ng paggamit natin ngayon. |
|
Maayos na paggamit ng kuryente at enerhiya ang siyang pinakamadaling maabot. |
|
Maayos at matipid: hindi ito gastusin kundi benepisyo. |
|
Mali ang nakasulat. |
|
Hindi negatibo, kundi positibo. |
|
Ito ay puhunang kumikita ng kusa. |
|
Ngunit mabisa din silang manlinlang. |
|
Mga sasakyan at trak |
|
Dapat nating silang alalahanin, at marapat lang, ngunit mas malaki ang kontribusyon ng mga gusali sa pag-init ng planeta kumpara sa mga sasakyan at trak. |
|
Ang mga sasakyan at trak ay importante, at napakaluwag ng batas natin sa ganitong bagay, |
|
kaya't dapat punahin natin 'yon. Ngunit bahagi lamang 'yan ng malaking suliranin. |
|
Ang maayos na sistema ng transportasyon ay kasing-halaga din ng mga sasakyan! |
|
Ang mga renewables ayon antas ng teknolohiya natin sa ngayon, malaki ang nagagawang tulong nila, at ang ginagawa nila Vinod, at John Doerr, at iba pa, |
|
marami sa inyo dito |
|
Ang Carbon Capture and Sequestration |
|
Wala pa tayo d'yan. |
|
Ok. Ngayon, ano ang inyong magagawa? Bawasan ang inyong paggamit ng karbon sa inyong bahay. |
|
Karamihan ng mga gastusing ito ay kapaki-pakinabang din. |
|
Ang paglagay ng insulation, mas mahusay na disenyo, mas malinis na kuryente kung maaari. |
|
Nabanggit ko ang mga sasakyan |
|
Sumakay sa tren o LRT. |
|
Mag-isip ng mga opsyon na makakabuti lalo. |
|
Mahalaga 'yon. |
|
Maging mahusay na mamimili. |
|
Meron kang mapagpipilian sa mga bilihin, kung ang produkto ba ay may masamang epekto o kaunti lang sa pandaigdigang krisis sa klima. |
|
Isaalang-alang ninyo ito. Magpasya kayong maging carbon-neutral habambuhay. |
|
Kayong magagaling sa marketing, ibig kong kunin ang inyong payo at tulong kung paano ito sabihin sa paraang maiintindihan ng karamihan. |
|
Madali lang ito kaysa sa inaakala n'yo. |
|
Totoo 'yon. Karamihan sa atin dito ay nakapagpasya na, at naging madali lang. |
|
Ibig sabihin: bawasan ang carbon dioxide emissions ayon sa kayang mong magawa, at bumili o gumawa ng pambawi sa mga hindi mo nabawasang lubos. |
|
Mas malinaw ang paliwanag sa climatecrisis.net. |
|
Merong calculator ng karbon. |
|
Dahil sa Participant Productions, kalakip ang aking paglahok, nagsama-sama ang mga nagsusulat ng software na sangkot sa agham ng pagbibilang ng karbon upang gumawa ng consumer-friendly carbon calculator. |
|
Gamit ito, madali nang tiyakin ang iyong CO2 emissions, at bibigyan kayo nito ng mga opsyon upang paliitin ito. |
|
At sa oras na lalabas ang pelikula ngayong Mayo, ito ay na-update na sa 2.0 at magkakaroon na tayo ng mga bilihing click-through na pang-offset. |
|
Sunod, gawing carbon neutral ang inyong negosyo. |
|
Ilan sa atin ay nagawa na ito, at hindi ito kasinghirap ng inyong iniisip. |
|
Ipasok ang mga solusyon sa klima sa lahat ng bagong likha, ikaw man ay mula sa industriya ng teknolohiya, aliwan, o disenyo at arkitektura. |
|
Mamuhunan ng pangmatagalan. |
|
Binanggit na ito ni Majora. |
|
Makinig kayo, kung babayaran niyo ang mga managers ayon sa kanilang taunang ulat, wala kayong karapatang magreklamo tungkol sa quarterly CEO management reports. |
|
Nagtatrabaho ang tao ayon sa binabayad. |
|
At kung iisipin nila ang halaga ng kikitain nila batay sa iyong ipinuhunan, batay sa mga panandaliang kita, panandalian din ang kanilang pagpapasya. |
|
Marami pang masasabi ukol diyan. |
|
Maging instrumento ng pagbabago. |
|
Turuan ang iba; alamin ito; pag-usapan ito. |
|
Paglabas ng pelikula |
|
At lalabas ito sa Mayo. |
|
Marami sa inyo dito ay may pagkakataong makatiyak na marami ang manonood nito. |
|
Maari kayong magpadala ng tao sa Nashville. |
|
Mamili ng mabuti. |
|
At personal kong sasanayin ang mga taong ito tungkol sa slideshow, lahat bago, may ilan sa mga kuwento ko na papalitan ng mas generic na diskarte, at |
|
Kung paano nila ito pagdudugtungin. |
|
Magsasagawa ako ng isang kurso sa nalalapit na tag-init kasama ang mga tao na pinili ng mga komunidad na lumahok dito, at sila mismo sa maramihan, ang magbabahagi sa mga komunidad sa bawat sulok ng bansa, at maglalagay tayo ng ilang bago sa slideshow bawat linggo upang panatilihin itong makabago. |
|
Kasama si Larry Lessig, may ilalagay kaming kasangkapan at limited-use copyrights, upang malayang magawa ng mga kabataan ang nais nila. |
|
(Palakpakan) Saan ba nakukuha ang ideya na dapat dumikit sa pulitika? Hindi ibig sabihin na kung ikaw ay isang Republican, kinukumbinse kitang maging |
|
Democrat. Kailangan din natin ng Republicans. |
|
Ito ay isyu ng dalawang partido, at alam kong totoo ito sa grupong ito. |
|
Maging aktibo sa pulitika. |
|
Paganahin natin ang ating demokrasya. |
|
Suportahan n'yo ang paglalagay ng cap sa CO2 emmissions, polusyon sa global warming, at sa pangangalakal nito. |
|
Bakit? Dahil hangga't bahagi ang Estados Unidos sa bukas na sistema ng mundo, hindi ito saradong sistema. |
|
Kapag ito'y naging saradong sistema, dahil na rin sa partisipasyon ng mga taga-U.S., lahat ng mga nakaupo sa lupon ng mga direktor |
|
Kapag ito'y naging saradong sistema, may pananagutan ka kung hindi mo sinabihan ang CEO na pagbutihan ang pagbawas at pangangalakal ng carbon emissions na maaaring iwasan. |
|
Malulutas ito ng merkado kung magagawa natin ito. |
|
Tumulong tayo sa kampanyang sisimulan ngayong darating na tagsibol. |
|
Kailangan nating baguhin ang pag-iisip ng mga taga-Amerika. |
|
Sa kasalukuyan walang pahintulot ang mga pulitiko na gawin ang mga kailangang tapusin. |
|
Sa ating modernong bansa, hindi na kabilang sa logic at reason ang pagbalanse ng yaman at kapangyarihan na gaya ng dati. |
|
Ngayon, ito'y tungkol sa paulit-ulit at maiikling 30-segundong, 28-segundong patalastas sa telebisyon. |
|
Kailangan naming bumili ng maraming patalastas. |
|
Ibahin natin ang pagkakakilanlan sa global warming, gaya ng iminumungkahi ng karamihan sa inyo. |
|
Mas gusto ko ang "krisis sa klima" kaysa sa "pagbagsak ng klima," pero 'yon nga, sa magagaling sa marketing, kailangan ko ang tulong niyo. |
|
May nagsabi na ang pagsubok na hinaharap natin ngayon, ayon sa isang dalubhasa, ay kung ang pinagsamang hinlalaki at neocortex ay isang magandang kombinasyon. |
|
Totoo. Sinabi ko noong isang gabi, uulitin ko ngayon; hindi ito isyung pulitika. |
|
Muli, sa mga Republicans na nandito, hindi ito ayon sa partido. |
|
Mas malaki ang inyong impluwensya kaysa sa aming Democrats. |
|
Ito ay pagkakataon. |
|
Hindi lamang ito, ngunit kaugnay sa ibang ideya ngayon, makakabuo tayo ng pag-unawa. |
|
Tayo ay iisa. |
|
Maraming salamat sa inyo, Ikinalulugod ko ito. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Narito tayo upang itanghal ang pakikiramay. |
|
Subalit ang pakikiramay, sa aking pakiwari, ay may problema. |
|
Mahalaga man ito sa ating mga tradisyon, at walang dudang nararamdaman natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay, gaya nang alam ng marami sa atin, naging mali ang kahulugan ng katagang "pakikiramay" sa ating kultura, lalo sa larangan ng pamamahayag. |
|
Madalas ito'y pinupuri kahit hindi naman angkop, at minsa'y tinitingnan ito ng may kasamang lungkot. |
|
Si Karen Armstrong ay may sinabi na sa pakiwari ko'y isang napakabuluhang istorya nang siya'y nagbigay ng talumpati sa Holland at ang katagang "pakikiramay" ay isinalin na "pagkaawa". |
|
Ngayon, sa mga balita, ang pakikiramay ay kadalasa'y mababasa sa mga tampok na lathala na hatid ay pampalubag-loob o hindi kaya'y ukol sa mga bayaning hindi kailanman mapaparisan o sa mga magagandang katapusan o mga halimbawa ng pagsasakripisyo na sana nga'y nagkakatotoo nang madalas. |
|
Ang likhang-isip ng ating kultura hinggil sa pakikiramay ay pinawalang-buhay ng mga idiyalistikong pag-iisip. |
|
Kaya, sa umagang ito, sa susunod na ilang mga sandali, ay gusto kong magsagawa ng isang muling pagbagon sa linguwistika. |
|
At inaasahan kong aayon kayo sa aking pangunahing batayan na ang mga salita ay mahalaga, na hinuhubog nito kung papaano natin inuunawa ang ating mga sarili, kung papaano natin nakikita ang kamunduhan at kung paano natin pinakikitunguhan ang ating kapwa. |
|
Ang bayang ito, noong taong 1960, sa unang pagkakataon ay dumanas ng tunay na pagkakaiba, at ang pagtanggap sa iba ay naging ugat na kaugalian na ating titingnan ngayon. |
|
Ang salitang "pagtanggap", kung titingnan mo sa diksiyunaryo, ay katumbas ng "pagpayag", "pagbibigay" at "pagtitiis". |
|
Sa konteksto medikal na pinaghanguan nito, ito'y patungkol sa kung gaano katagal maaring mabuhay sa isang nakapipinsalang kapaligiran. |
|
Sa katunayan, ang pagtanggap ay hindi isang tunay na birtud. Sa halip, ito ay nasa utak lang. |
|
At dahil nasa utak ito napapagalaw nito ang ating kalamnan, ang puso, at asal kahit pa dumating ang maraming gulo. |
|
At totoong mas magulo na tayo ngayon. |
|
Sa aking pakiwari, kahit marahil hindi tuwirang matutukoy ito, nararanasan nating lahat na nandito ngayon dahil sa pagtanggap sa iba bilang tanging gabay-asal. |
|
Ang pakikiramay ay isang karapat-dapat na kapalit. |
|
Nilalaman nito ang ating mga pananampalataya, ispiritwal, at etikal na paniniwala, at lalong higit pa sa mga ito. |
|
Ang pakikiramay ay isang salita sa bukabularyo na makapagpapabago sa atin kung hahayaan natin itong maging bahagi ng mga sukatan na ating pinanghahawakan para ating sarili at sa iba, sa ating pamumuhay maging pribado o sibiko. |
|
Papaano natin ito susukatin? |
|
Ano ang mga magkakaugnay at bumubuong bahagi nito? |
|
Ano ito sa kalawakan ng magkakaugnay na mga kagandahang-asal? |
|
Una, ang pakikiramay ay kabaitan. |
|
Ngayon, sa pandinig, tila baga ang kabaitan ay isang napakalumanay na kataga, at madali itong isipin na cliche. |
|
Subalit ang kabaitan ay pang-araw-araw na kakambal ng lahat ng kagandahang-asal. |
|
At ito'y isang matayog na uri na nagbibigay ng agad na kaluguran. |
|
Ang pakikiramay ay ang pagiging curious. |
|
Linilinang at inuugali ng pakikiramay ang kuriosidad. |
|
Gusto ko ang kataga na binanggit sa akin ng dalawang kabataang babaeng "interfaith innovators" sa Los Angeles, sina Aziza Hasan at Malka Fenyvesi. |
|
Nagsusumikap silang lumikha ng bagong imahenasyon hinggil sa sama-samang pamumuhay ng mga Jews at mga Muslim, at tinawag nila itong "kuriosidad na walang pagpapalagay." |
|
Tunay ngang magiging punlaan ito ng pakikiramay. |
|
Kaisa-ng-damdamin ay isa pang maaaring kahulugan ng pakikiramay. |
|
May mas mahirap na gawin na maisasama dito: ang pagpapatawad at pakikipagkasundo, ngunit maari din na ang ibig sabihin ay ang pagdalo at pakikipagkita ng personal. |
|
kaugnay rin mga praktikal na magagandang-asal tulad ng pagkabukas-palad at mabuting pakikitungo at sa simpleng pakikiharap lamang, at sa pagpapakita sa ating mga kaibigan. |
|
Pakiwari ko'y ang pakikiramay ay iniuugnay din sa kagandahan |
|
Natutuwa ako na ang aking mga nakakadiskurso na mga Muslim ay madalas banggitin ang kagandahan-asal bilang isang moral na birtud. |
|
Sa ganitong pagkaunawa, para sa mga relihiyoso, inaakay tayo ng pakikiramay sa lugar ng misteryo |
|
Hindi ko tiyak na maipakikita ko sa inyo kung ano ang kamukha ng pakikibagay subalit maipakikita ko sa inyo kung ano ang kamukha ng pakikiramay |
|
Kapag nakikita natin ito, makikilala natin ito at binabago nito ang ating pagtingin sa bagay na maaring gawin, mga bagay na posible. |
|
Lubhang mahalaga na kapag nagsasabi tayo ng mga mga malalaking ideya |
|
Layon ng pakikiramay ang gawaing pisikal. |
|
Natutunan ko ito mula kay Matthew Sanford. |
|
Palagay ko'y hindi ninyo maiisip ito kung basta titingnan ninyo lamang itong litrato niya sapagkat hindi na siya nakakagalaw. |
|
Hindi na siya maaring gumalaw mula sa baywang pababa mula noong siya'y 13 gulang dahil sa isang banggaan ng kotse na ikinamatay ng kanyang ama at kapatid na babae. |
|
Hindi na mailakad ni Matthew ang kanyang mga paa, at hindi na siya muling makalalakad kailan man, at |
|
At bilang guro sa yoga, inilalahad niya ang karanasang iyon sa kaninuman: may kapansanan man o wala, sa malulusog, sa may sakit, at sa matatanda. |
|
Sinasabi niya na nagkataon lang na siya'y nasa dulo ng ating depinisyon tungkol sa buhay. |
|
Gumagawa siya ng mga kamangha-manghang bagay para sa mga beteranong galing Iraq at Afghanistan. |
|
Si Matthew ay may pambihirang obserbasyon na ikukuwento ko sa inyo. |
|
Hindi ko lubos na maipaliwanag ito, at maski na rin siya. |
|
Subalit sinasabi niya na hindi pa siya nakakakita ng tao na matapos matanto ang kahinaan ng kanyang katawa'y hindi rin naramdaman ang higit na pakikiramay sa iba. |
|
Ito pa ang isang larawan ng pakikiramay: |
|
Siya si Jean Vanier. |
|
Itinatag ni Jean Vanier and L'Arche Communities, na matatagpuan niyo sa buong mundo, mga komunidad na binubuo ng mga taong may kapansanan sa utak |
|
Ang komunidad na itinatag ni Jean Vanier, ay tulad niya, may lubos ang pagkamagiliw. |
|
"Magiliw" ay isang salita na nais kong bigyan pagpapahalaga. |
|
Sa kultura ngayon, maraming panahon ang ating ginugugol sa pagigiing agresibo at mapusok, at madalas ko rin ugali ito. |
|
Minsan ang pakikiramay ay nagiging agresibo din. |
|
Ngunit lagi tayong pinapaalalahanan na ang pakikiramay ay nakaugat sa pagiging magiliw. |
|
Sinasabi ni Jean Vanier na ang kanyang gawain, tulad ng gawain ng iba |
|
Sinasabi niya na ang ginagawa nila sa L'Arche ay hindi isang solusyon, kundi isang palatandaan. |
|
Ang pakikiramay ay bihirang maging solusyon; ito'y paalala ng mas malalim na katotohanan, ng mas malalim na posibilidad para sa tao. |
|
Naisisiwalat ang pakikiramay sa mas maraming tao sa pamamagitan ng mga paalala at kwento, at hindi sa statistika at estratehiya. |
|
Kailangan din natin ang mga bagay na iyon, ngunit madalas tayong nagkukulang. |
|
At samantalang ginagawa natin ito, sa tingin ko ay muli nating natutuklasan ang bisa ng istorya |
|
Laman ito ng ating mga tradisyon, at dahil dito, nakaugat na ang mga kwento sa ating lahi at nakarating sa panahon ngayon. |
|
Sa katuna'y may isang istorya hinggil sa pangunahing mithiin at batas ng Judaism na gawing tuwid ang kamunduhan |
|
Hindi ko malilimutan ang istoryang ito na narinig ko mula kay Dr. Rachel Naomi Remen, na nagmula pa sa kanyang lolo, tungkol sa mga pangyayari noong unang araw ng Paglikha: ang pinakaunang liwanag ng santinakpan ay nadurog sa di mabilang na mga piraso. |
|
Iyon ay bumaon na animo'y mga bubog sa bawat anyo ng Nilikha. |
|
At ang pinakamataas na layunin ng tao ay hanapin ang liwanag na ito, at matapos matuklasa'y ituro ito, pulutin ito, at sa ganoong paraa'y maisasayos ang mundo. |
|
Maari mong isiping isa itong napakamalikhaing kuwento. |
|
Marahil ganito rin ang pananaw ng ilan sa aking kapwa-mamahayag. |
|
Sinasabi ni Rachel Naomi Remen na ito ay isang kwento na mahalaga at mabisa para sa ating panahon, sapagka't ang kwentong ito'y may binibigyan-diin: na ganoon ma't bawat isa sa atin ay maaaring may kahinaan at kapintasan, at maaring sa pakiwari'y may kakulangan, ito mismo ang kailangan upang makatulong tayo sa maliit na bahagi ng mundo na ating nakikita at nadadama. |
|
Ang mga kwentong tulad nito, ang mga paalala tulad nito ay mga praktikal na paraaan sa mundong nagmimithing maghatid ng pakikiramay sa napakaraming paghihirap na maaring gumupo sa atin. |
|
Sa katunayan, ibinabalik ni Rachel Naomi Remen ang pakikiramay sa dati nitong lugar kaagapay ng agham sa kanyang larangan ng medisina sa paghubog ng mga bagong doktor. |
|
Itong kalakaran ng mga ginagawa ni Rachel Naomi, itong paglalagay ng iba't-ibang kagandahang-asal sa bokabularyo ng medisina |
|
Sa aking paniniwala, babaguhin nito ang agham, at babaguhin nito ang relihiyon. |
|
Subalit may isang tao mula sa siyensa ng ika-20 siglo na maaaring ikagulat niyo ukol sa ating diskuyson hinggil sa pakikiramay. |
|
Alam nating lahat ang tungkol kay Albert Eistein na binuo ang E=mc2. |
|
Marahil hindi natin alam ang tungkol sa pag-iimbita ni Einstein kay Marian Anderson, isang African-American na opera singer, na tumira sa kanyang bahay nang siya'y dumating upang kumanta sa Princeton dahil ang pinakamagandang hotel noon ay segregated at bawal siya doon. |
|
Marahil hindi natin alam na ginamit ni Einstein ang kanyang pagiging sikat upang ipagtanggol ang mga nabilanggo sa Europe dahil sa pulitika o ang mga kabataang Scottsboro sa Katimugan. |
|
Matindi ang paniniwala ni Einstein na higit pa sa pagkakaibang nasiyonal at etnikal ang layunin ng agham. |
|
Subalit kasama din niya ang mga physicists at chemists na naging susi ng paggawa ng armas ng mass destruction sa pagpasok ng ika-20 siglo. |
|
Minsa'y sinabi niya na ang agham noon ay tulad ng isang labaha sa kamay ng tatlong taong gulang. |
|
At nakinita ni Einstein na habang tayo'y nagiging mas moderno at umuunlad sa teknolohiya, kakailanganin natin ang kagandahaang-asal na hatid ng ating mga tradisyon ng mas madalas pa. |
|
Lagi din niyang nababanggit ang mga genius na pang-ispiritwal. |
|
Ilan sa kanyang mga paborito'y sina Moses, Hesus, Buddha, St. Francis of Assisi, Gandhi |
|
At sinabi ni Einstein |
|
Marahil, ang pagbanggit kay Einsten ay hindi ang pinakamainam na paraan upang ibalik sa mundo ang pakikiramay at gawin itong kaugalian bawat isa sa atin, ngunit, sa katunayan, ay pwede din naman. |
|
Nais kong ipakita sa inyo ang litratong ito, sapagkat ang litratong ito ay kawangis ng katagang "pakikiramay" sa ating kultura |
|
Kaya, sa litratong ito makikita ninyo na mula sa bintana ay may minamasdan na tila baga isang katedral |
|
Ito ang buong litrato, isang lalaking nakasuot ng leather jacket, hawak ang isang tabako. |
|
Sa hugis lamang ng malaking tiyang iyan, ay hindi sapat ang kanyang pag-yoyoga. |
|
Pinagtabi namin ang dalawang litratong ito sa aming website, at may nagsabi, "Kapag tinitingnan ko ang unang litrato, tinatanong ko ang aking sarili: Ano kaya ang iniisip niya? |
|
At kapag tinitingnan ko naman ang ikalawang litrato, tinatanong ko: Anong klaseng tao siya? Anong klaseng lalaki ito?" |
|
Sa katunayan, komplikado siya: |
|
Labis ang kanyang pakikiramay sa ilan niyang mga kasamahan, ngunit kulang na kulang naman sa iba. |
|
Madalas nga naman na madamayin tayo sa mga taong pinakamalapit sa atin, dahil ganito ang isang mukha ng pakikiramay, na hindi kanais-nais, na marapat bigyan ng ating atensiyon at liwanag. |
|
Si Gandhi man ay isang taong may kapintasan. |
|
Gayon din si Martin Luther King Jr. Gayon din si Dorothy Day. |
|
Gayon din si Mother Teresa. |
|
Gayon din tayong lahat. |
|
At ang gusto kong sabihi'y nakakaluwag ng damdamin na matanto na ang kapintasan ay hindi hadlang sa pakikiramay |
|
Walang inaatupag ang ating lahi kundi ang pagiging perpekto at ang pagtatago ng mga suliranin. |
|
Subalit, nakakaluwag sa damdaming malaman na sa katunayan, ang mga problemang ito ang magsisilbing pinakamasaganang bukal ng pagdadamayan at pakikiramay: ang pagdulot ng kagandahang-asal sa mga bawat nagdurusa at nagsasaya. |
|
Si Rachel Naomi Remen ay naging mas mabuting doktor dahil sa kanyang dinadalang Crohn's disease. |
|
Naging makatao si Einstein, hindi dahil sa kaniyang pambihirang karunungan sa aspetong materyal, panahon, at lugar, ngunit dahil siya ay isang Hudyo sa panahong naging malupit ang Alemanya. |
|
At kay Karen Armstrong, sa tingin ko na ilan sa iyong mapapait na karanasan sa buhay pananampalataya, na wari'y palihis, ang nag-akay sa iyo tungo sa Charter for Compassion. |
|
Ang pakikiramay ay hindi tulad ng kabanalan at lalong hindi katumbas ng pagkamaawain. |
|
Kaya, nais kong imungkahi ang huling kahulugan ng pakikiramay |
|
Ngayon, ang ating mga tradisyon ay naglalaman ng malawig na karunungan hinggil dito, at marapat lamang na hukayin natin ito ngayon. |
|
Ang pakikiramay ay magkatulad sa aspetong sekular o relihisoyo man. |
|
Kaya't isasalin ko ang sinabi ni Einstein na kailangan ng sangkatauhan, at ng kinabukasan ng sangkatauhan, ang ganitong teknolohiya gaya ng pangangailan natin sa ibang mga bagay na nag-uugnay sa ating lahat at nagpapaalala sa atin ang nakatatakot subalit kahanga-hangang posibilidad na tayo ay iisang lahi ng sangkatauhan. |
|
Salamat. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Nakakatuwa dito sa TED. |
|
Alam niyo, sa tingin ko may mga pagtatanghal na hindi ko lubusang maiintindihan, ngunit ang mga pinakamahuhusay na konsepto ay yaong mga tumatagos hanggang talampakan. |
|
Ang maliliit na bagay sa buhay, na madalas nating nalilimutan, katulad ng polinasyon, na ating winawalang-bahala. |
|
Walang kwento tungkol sa mga pollinators |
|
Kinukunan ko ang mga bulaklak gamit ang time-lapse 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, sa loob ng 35 taon. |
|
Ang mapanood silang gumalaw na parang isang sayaw ay hindi ko pagsasawaan. |
|
Napupuno ako ng pagkamangha at binubuksan nito ang aking puso. |
|
Ang kagandahan at panghahalina, sa aking paniniwala, ay gamit ng kalikasan upang ito'y magtagal, dahil napapangalagaan natin ang mga bagay na napapamahal sa atin. |
|
Ang kanilang ugnayan ay isang kwento ng pag-ibig na bumubuhay sa mundo. |
|
Pinapaalala nito sa atin na kabahagi din tayo ng kalikasan, at hindi tayo nakahiwalay dito. |
|
Nang narinig ko ang tungkol sa mga naglahong bubuyog, at sa Colony Collapse Disorder, ito ang nag-udyok sa akin na kumilos. |
|
Umaasa tayo sa mga pollinators sa halos ikatlo ng lahat ng prutas at gulay na ating kinakain. |
|
At maraming siyentipiko ang naniniwala na ito ang pinakaseryosong suliranin na kinakaharap ng sangkatauhan. |
|
Dapat itong magsilbing babala. |
|
Kapag sila'y naglaho, tayo din ay maglalaho. |
|
Pinapaalala nito na kabahagi tayo ng kalikasan at kailangan natin itong alagaan. |
|
Ang nag-udyok sa'kin na kunan ang kanilang gawain ay noong nagtanong ako sa aking mga tagapayo sa agham: "Ano ang nagpapagalaw sa mga pollinators?" |
|
Sagot nila, "Iyon ay ang pagtataya sa mga panganib at gantimpala." |
|
Gaya ng isang mausisang bata, nagtanong pa ako, "Bakit ganoon?" |
|
Sagot nila, "Marahil, dahil gusto nilang magtagal." |
|
Nagpatuloy pa ako, "Bakit?" |
|
"Marahil, para magparami." |
|
"Bakit naman?" |
|
At akala ko ang isasagot nila, "Marahil, dahil gusto nilang makipagtalik." |
|
Sagot naman ni Chip Taylor, ang aming experto sa monarch butterfly, "Walang nagtatagal ng panghabambuhay. |
|
Ang lahat ng nasa kalawakan ay mawawala." |
|
At doon ako nawindang. |
|
Dahil naunawaan ko na inimbento ng kalikasan ang pagpaparami bilang mekanismo upang magpatuloy ang buhay, bilang puwersa sa bawat isa sa atin na nagdudugtong sa kabuuang ebolusyon. |
|
Dahil bihirang nakikita ng ating payak na mata, ang ugnayang ito na pumapagitna sa mundo ng mga hayop at halaman ay tunay na kahanga-hanga. |
|
Ito'y isang mahiwagang sandali kung saan nililikha ng buhay ang kanyang sarili, nang paulit-ulit. |
|
Kaya heto ang mumunting dagta mula sa aking mga kuha. |
|
Umaasa ako na kayo'y sisimsim, huhuni at magtatanim ng ilang buto upang makapagbunga ng isang maaliwas na hardin. |
|
At lagi kayong maglaan ng oras upang amuyin ang mga bulaklak, at hayaan niyo na punuin kayo nito ng pagkahalina, at maalala ang pakiramdam ng pagkamangha. |
|
Heto ang ilan sa mga imahe mula sa aking kuha. |
|
(Musika) (Palakpakan) Salamat. |
|
Maraming salamat. |
|
(Palakpakan) Salamat. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
(Tugtog) (Palakpakan) (Tugtog) (Palakpakan) |
|
|
|
Ilang taon na ang nakalipas, pakiramdam ko ay lugmok na ako, kaya nagpasya akong sundan ang mga yapak ni Morgan Spurlock, isang magaling na pilosopo ng Amerika, na sumubok ng bago sa loob ng 30 araw. |
|
Simple lang ang ideyang ito. |
|
Isipin mo ang isang bagay na gusto mong idagdag sa iyong karanasan at subukan mo iyon sa sumusunod na 30 araw. |
|
Kung tutuusin, ang 30 araw ay sapat na panahon lang upang dagdagan o bawasan ang isang kasanayan |
|
May iilang bagay akong natutunan habang ginagawa ko ang mga 30-araw na hamon. |
|
Una, sa halip na lumipas ang mga buwan na madaling nalilimutan, nagiging mas madali itong matandaan. |
|
Bahagi ito ng hamon ko na kumuha ng litrato kada araw sa loob ng isang buwan. |
|
At natatandaan ko mismo kung saan at ano ang ginagawa ko sa araw na yan. |
|
Napansin ko din na habang pahirap ng pahirap ang mga 30-araw na hamon, lumalaki ang kumpansya ko sa sarili. |
|
Mula sa pagiging nerd na nakaharap sa kompyuter noon ay nagbibisikleta na ngayon papuntang trabaho |
|
bilang katuwaan. |
|
Noong isang taon, inakyat ko ang Mt. Kilimanjaro, ang pinakamatayog sa Aprika. |
|
Hindi ako magiging kasing-pangahas noong hindi ko pa sinimulan ang mga 30-araw na hamon. |
|
Napagtanto ko din na kung gugustuhin mo lang talaga ang isang bagay, magagawa mo ang kahit ano sa loob ng 30 araw. |
|
Nakapagsulat ka na ba ng nobela? Kada Nobyembre ng taon, |
|
sampung libong katao ang sumusubok magsulat ng nobelang may 50,000 na salita sa loob ng 30 araw. |
|
Ang kailangan mo lang palang gawin ay sumulat ng 1,667 na salita kada araw sa loob ng isang buwan. |
|
Kaya ginawa ko yun. |
|
Ang sikreto dito ay hindi ka maaring matulog hangga't hindi mo natatapos ang pagsusulat para sa araw na iyon. |
|
Maaring inaantok ka palagi, ngunit siguradong tapos mo ang nobela. |
|
Maihahanay na ba sa mga pinakamahusay ang libro ko? |
|
Siyempre hindi. Sinulat ko lang iyon ng isang buwan. |
|
Ang pangit. |
|
Pero sa natitirang bahagi ng buhay ko, kung magtatagpo kami ni ni John Hodgman sa isang TED party, hindi ko sasabihing, "Isa akong computer scientist." |
|
Hindi, ngayon pwede ko nang sabihing "Isa akong nobelista." |
|
(Tawanan) Ito ang huling bagay na nais kong banggitin. |
|
Natutunan ko na noong ginagawa ko ang mga paunti-unting pagbabago, mga gawaing kaya kong ulit-ulitin, ito'y nagiging kaugalian. |
|
Walang masama sa mga nakakabaliw na hamon. |
|
Sa katunayan, nakakatuwa ang mga yun. |
|
Pero mas mahirap silang ulitin. |
|
Noong tinigil ko ang asukal sa loob ng 30 araw, ito na ang ika-31 araw. |
|
(Tawanan) Kaya ito ang tanong ko sa inyo: Ano pa ang hinihintay mo? |
|
Pinapangako ko na ang susunod na 30 araw ay lilipas din gustuhin mo man o hindi, kaya bakit hindi ka nalang sumubok ng bagay na dati mo pang pinapangarap gawin at pagsikapan |
|
sa susunod na 30 araw. |
|
Salamat. |
|
(Tawanan) |
|
|
|
Nawawala ang ating pakikinig. |
|
Higit kumulang 60 porsyento ng ating oras sa pakikipag-usap ay nagagamit sa pakikinig, ngunit hindi natin ito pinagbubutihan. |
|
25 porsyento lang ng ating naririnig ang ating natatandaan. |
|
Hindi naman ikaw, hindi dito, pero madalas ay totoo ito. |
|
Isalarawan natin ang pakikinig bilang pagbibigay kahulugan sa tunog. |
|
Ito'y proseso sa utak, at proseso ng paghugot ng kahulugan. |
|
May mga astig na paraan tayo upang gawin ito. Isa sa kanila ang pagkilala ng mga pattern. |
|
(Ingay ng mga tao) Kaya, sa isang cocktail party gaya nito, |
|
kung sabihin ko, "David, Sara, makinig kayo,"' ilan sa inyo ang walang kibo. |
|
Nakakapansin tayo ng patterns para mahiwalay ang ingay sa signal, at lalong lalo na ang ating pangalan. |
|
Differencing ay isa pang paraan na ginagamit natin. |
|
Kung sakaling iiwan ko ang pink noise na ito ng ilang minuto, titigil nalang bigla ang pandinig mo. Pinakikinggan natin ang naiiba, |
|
binabawas natin ang mga tunog na hindi nagbabago. |
|
Mayroon iba't ibang klaseng filter. |
|
Nilalakbay tayo ng mga filter na ito mula sa kabuuang ingay tungo sa kung anong pinakikinggan natin. |
|
Hindi namamalayan ng karamihan ang mga filter na ito. |
|
Pero, hinuhubog nila ang ating realidad, dahil sinasabi nila sa ating kung ano ang pinapansin natin ngayon. |
|
Bibigyan kita ng isang halimbawa: |
|
Ang intensyon ay napakahalaga sa tunog, sa pakikinig. |
|
Nung pinakasalan ko ang aking asawa, pinangako kong pakikinggan ko siya araw-araw na para bang unang beses kaming nagkita. Hindi ko naman laging nagagawa iyon. |
|
(Tawanan) Ngunit napakagandang hangarin iyon sa isang pakikipagrelasyon. |
|
Hindi lang iyon. Sinasabi din ng tunog ang ating kinalalagyan sa kalawakan at panahon. |
|
Kung ipipikit mo ang iyong mga mata sa kuwartong ito, masasabi mo pa ring malaki ang bulwagang ito dahil sa alingawngaw at sa pagbalik ng tunog mula sa mga pader. At alam mo kung gaano karami ang taong nakapaligid sa iyo dahil sa micro-noises na natatanggap mo. |
|
At linulugar din tayo ng tunog sa oras, dahil ang tunog ay laging may oras na nakatatak. |
|
Sa katunayan, tingin ko, ang pakikinig ang pangunahing paraan na nararanasan natin ang paglipas ng panahon mula sa nakaraan hanggang hinaharap. |
|
Kaya, "Sonority is time and meaning" |
|
Paano ko nasabi yun? |
|
May maraming dahilan. |
|
Una, naka-imbento tayo ng paraan ng pagrerecord |
|
Ang pagpapahalaga sa eksakto at maingat na pakikinig ay nawala na lang bigla. |
|
Pangalawa, napaka-ingay na ng mundo, (Ingay) sa ingay nito sa mata at sa tenga, mahirap talagang makinig; nakakapagod makinig. |
|
Karamihan sa atin ay nagtatago sa headphones, kaya't ang mga malalaki at pampublikong lugar gaya nito, isang buong soundscape, ay nahahati sa milyun-milyong maliliit na bula. |
|
Sa ganitong tagpo, walang nakikinig sa kahit kanino. |
|
Madali tayong mainip. Ayaw na nating makinig ng mahahabang talumpati, |
|
mas gusto natin sound bites. |
|
At ang sining ng pakikipag-usap ay napapalitan |
|
HIndi ko alam kung gaano karami ang nakikinig sa usapang ito, na karaniwang nangyayari, lalo na sa U.K. |
|
Nagiging manhid na tayo. |
|
Kailangan tayong sigawan ng ating media gamit ang mga headline na ito upang sila'y pansinin natin. |
|
Mas mahirap para sa atin ang makinig sa tahimik, sa pino, sa hindi nababanggit. |
|
Malala ang problema ng pagkawala ng ating pakikinig. |
|
Hindi ito dapat balewalain. Dahil ang pakikinig ang daan sa pag-unawa. |
|
Ang kusang pakikinig ay lumilikha ng pag-unawa. At kung hindi tayo nakikinig ng kusa ito ang nangyayari |
|
isang mundo na walang nagkakarinigan, talagang nakakatakot. |
|
Kaya gusto kong ibahagi sa inyo ang 5 simpleng ensayo, na maari mong gamitin upang mahasa ang ating pakikinig ng kusa. Gusto mo ba yun? |
|
(Audience: Oo) Mabuti. |
|
Ang una ay katahimikan. |
|
Tatlong minuto lang bawat araw ng katahimikan ay napakagandang ensayo para iakma at timplahin ang iyong tenga upang marinig mo muli ang katahimikan. Kung hindi pwede ang ganap na katahimikan, |
|
kahit kaunting katahimikan lang, sapat na. |
|
Pangalawa, ang tawag ko dito ay mixer. |
|
(Ingay) Kahit nasa isang maingay kang lugar gaya nito |
|
Ilang uri ng tunog ang kusang pinakikinggan mo? |
|
Maari din itong gawin sa isang magandang lugar, gaya ng sa lawa. |
|
Ilang ibon ang naririnig ko? |
|
Nasaan sila? Nasaan ang maliliit na alon ng tubig? |
|
Ito'y mainam upang umangat ang kalidad ng ating pakikinig. |
|
Pangatlo, tinatawag ko itong savoring, at napakagandang ensayo nito. |
|
Tungkol ito sa paglasap sa pangkaraniwan. |
|
Ito, halimbawa, ang aking tumble dryer. |
|
(Dryer) Ito ay waltz. Isa, dalawa, tatlo. Isa, dalawa, tatlo. Isa, dalawa, tatlo. |
|
Ang sarap pakinggan. |
|
O subukan niyo naman ito. |
|
(Coffee grinder) Wow! |
|
Nakakaaliw ang mga pangkaraniwan, kung papansinin niyo lang. Tinatatawag ko itong nakatagong koro. |
|
Napapaligiran tayo nito sa lahat ng oras. |
|
Ang susunod na ensayo ang pinakamahalaga sa lahat ng mga ito, kung pipili ka lang ng isa. |
|
Ito ang mga uri ng pakikinig |
|
Naaalala niyo ang binanggit kong mga filter kanina. |
|
Ito ang paggamit sa kanila bilang lever, |
|
at meron tayo nito lagi kahit saan tayo magpunta. |
|
Iilan lang ito sa iba't ibang uri ng pakikinig, o mga antas ng pakikinig, na maari mong gamitin. |
|
Marami yan. |
|
Sana masiyahan ka. Nakasisigla. |
|
At panghuli, isang acronym. |
|
Magagamit mo ito sa pakikinig, sa pakikipag-usap. |
|
Kung isa ka sa mga ito |
|
ang kahulugan ng RASA ay R for Receive (Tumanggap), ibig sabihin ay bigyang pansin ang tao; Appreciate (Pahalagahan), gumawa ng tunog gaya ng "hmm", "oh", "okay"; Summarize (Sumahin), napakahalaga ng salitang "so" sa pakikipag-usap; at Ask (Magtanong), magtanong pagkatapos. |
|
Hilig ko ang mga tunog, ito ang buhay ko. |
|
Nakapagsulat ako ng isang libro tungkol dito. Nabubuhay ako upang makinig. |
|
Mahirap itong hilingin mula sa karamihan. |
|
Pero naniniwala ako na ang bawat tao ay kailangang makinig ng kusa upang lubusang mabuhay |
|
Iyan ang dahilan kung bakit kailangan nating ituro ang pakikinig sa ating mga paaralan bilang isang kasanayan. |
|
Bakit hindi ito tinuturo? Nakakabaliw. |
|
Kung maituturo natin ang pakikinig sa paaralan, maiiwasan natin ang landas tungo sa masalimuot at nakakatakot na mundong naikuwento ko at papunta sa isang mundo kung saan lahat ay kusang nakikinig sa lahat ng oras |
|
Ngayon, hindi ko alam kung papano gawin iyon, pero, ito ang TED, at sa tingin ko kaya ng mga taga-TED ang kahit ano. |
|
Kaya inaanyayahan ko kayong makipag-ugnay sa akin, sa isa't isa, gawing layunin ito at magawang ituro ang pakikinig sa paaralan, |
|
at mabago ang mundo sa henerasyong ito, tungo sa isang mundong nakikinig ng kusa |
|
Maraming salamat sa inyong pakikinig ngayon. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Kilalanin natin si Tony. Mag-aaral ko siya. |
|
Kasing edad ko siya, at siya ay nasa San Quentin State Prison. |
|
Nang si Tony ay labing-anim na taong gulang, isang araw, sa isang kisapmata, "Kasalanan ito ng baril ni inay. |
|
Ilabas mo lang, bilang panakot. |
|
Maangas eh. Kumuha siya ng pera; kukunin din natin ang pera niya. |
|
Tuturuan natin siya ng leksyon. At sa mga huling sandali, sumagi sa isip ko, 'Hindi ko 'to pwedeng gawin. Mali ito.' Sabi ng utol ko, 'Tara na, gawin na natin 'to'. Sumagot ako, 'Gawin na natin.'" At ang tatlong salitang iyon, hindi malilimutan ni Tony, dahil sa isang iglap, nakarinig siya ng isang putok. |
|
Nakahandusay sa sahig ang mama, dumanak ang dugo. |
|
'Yon ay mabigat na krimen |
|
Kaya noong kami'y nagkita sa aking klase sa pilosopiya sa loob ng kanyang bilangguan at sinabi ko, "Sa klaseng ito, tatalakayin natin ang pundasyon ng etika," Sumabat si Tony. |
|
"Anong ituturo mo sakin tungkol sa tama at mali? |
|
Alam ko kung ano ang mali. Nakagawa ako ng mali. |
|
Pinapaalala sa akin araw-araw, ng bawat mukhang makikita, bawat pader, ako ay mali. |
|
Kung makaalis man ako dito, may dungis na sa aking pangalan. |
|
Isa akong convict; hinatulang 'nagkamali.' Anong ituturo mo sakin tungkol sa tama at mali?" |
|
Sinabi ko kay Tony, "Patawad, ngunit mas malala ito kaysa sa inaasahan mo. |
|
Sa tingin mo alam mo kung ano ang tama at mali? |
|
Sige, kaya mo bang sabihin kung ano ang mali? |
|
Huwag mo akong bigyan ng halimbawa. |
|
Gusto kong malaman ang pagiging mali, ang konsepto ng mali. |
|
Ano ba ang konseptong 'yon? |
|
Ano ang nagpapamali sa isang bagay? |
|
Paano natin nalalaman na ito ay mali? Marahil ikaw at ako ay hindi magkasundo. |
|
Marahil ang isa sa atin ay mali sa inaakala nating mali. |
|
Marahil ikaw, marahil ako -- pero hindi ito ang panahon ng kuro-kuro; lahat ay may kuro-kuro. |
|
Andito tayo para sa karunungan. |
|
Ang kaaway natin ay ang kawalang-laman ng isip. |
|
Ganito ang pilosopiya." At may nagbago kay Tony. |
|
"Maaring mali ako. Pagod na ako sa pagiging mali. |
|
Gusto kong malaman kung ano ang mali. |
|
Gusto kong alamin ang aking nalalaman." |
|
Ang nakita ni Tony sa sandaling iyon ay ang layunin ng pilosopiya, ang layuning nagsisimula sa pagkamangha |
|
Ano nga ba ang alam natin sa ganitong mga bagay? |
|
Ito ang layuning hinuhugot ang kakanyahan ng buhay |
|
Ito ang layuning pagtatanong sa pinaniniwalaan natin at kung bakit natin ito pinaniniwalaan |
|
Si Sokrates, napakatalino upang malaman na wala siyang alam. |
|
Namatay si Sokrates sa loob ng kulungan, buo ang paniniwala. |
|
Kaya sinimulan ni Tony ang kanyang takdang-aralin. |
|
Natutunan niya ang kanyang mga bakit at mga dahilan, mga sanhi at mga ugnayan ang lohika, at kasinungalingan. |
|
Nagkataon, si Tony pala ay may dugong pilosopo. |
|
Nasa bilangguan ang kanyang katawan, ngunit malaya ang kanyang kaisipan. |
|
Natutunan ni Tony ang mga bagay na "ontologically promiscuous," "epistemologically anxious," "ethically dubious," at "metaphysically ridiculous." |
|
'Yan sila Plato, Descartes, Nietzsche at Bill Clinton. |
|
Kaya nang iniabot niya ang kanyang panghuling proyekto, kung saan iginiit niya na ang "categorical imperative" ay napakahirap baguhin upang solusyunan ang pang-araw-araw na suliranin at hinamon ako upang sabihin sa kanya na wala tayong magagawa kundi ang magkamali, sabi ko, "Hindi ko alam. |
|
Pag-isipan natin 'yan." |
|
Dahil sa pagkakataong iyon, walang dungis ang pangalan ni Tony; kaming dalawa lang ang nakatayo doon. |
|
Hindi bilang guro at bilanggo, kundi dalawang utak na handang mamilosopo. |
|
At sinabi ko kay Tony, "Gawin natin 'to." |
|
Salamat. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Ang halaga ng wala: mula sa wala, sumisibol ang isang bagay. |
|
Isang sanaysay ito na sinulat ko noong ako'y 11ng taong gulang at ang nakuha ko ay B+ (Tawanan) Ang tatalakayin ko: wala mula sa mayroon, at kung paano tayo lumilikha. |
|
At susubukin kong gawin ito so loob ng 18-minuto na pataan sa atin, at sundin ang "the TED commandments": kung baga'y, ang totoo'y, isang bagay na lumilikha ng karanasang bingit-sa-kamatayan, pero ang bingit-sa-kamatayan ay mabuti sa pagkamalikhain. |
|
(Tawanan) OK. |
|
Kaya, gusto ko ring ipaliwanag, dahil sinabi ni Dave Eggers na bubuligligin niya ako kung may sasabihin akong isang kasinungalingan, o hindi totoo tungkol sa unibersal na pagkamalikhain |
|
At nagawa ko ito sa ganitong paraan para sa kalahati ng naririto, na siyentipiko. |
|
Kapag sinasabi kong tayo, hindi ko ibig tukuying kayo nga. Ang ibig kong sabihin ay ako, at ang kanan kong utak, ang kaliwa kong utak, at ang nakapagitan na siyang tagasulit at nagsasabi sa akin na ang sinasabi ko ay mali. |
|
At gagawin ko iyan na tumitingin din sa ipinapalagay ko na bahagi ng aking pamamaraan sa paglikha, na binubuo ng ilang bagay na nangyari, ang totoo – ang wala ay nagsimula nang mas nauna pa sa sandali ng paglikha ko ng isang bagay na bago. |
|
Kasama na rito ang kalikasan, at pag-aaruga at ang tinutukoy ko na mga bangungot. |
|
Ngayon sa larang ng kalikasan, tinitingnan natin kung totoo o hindi na mayroon tayong likas na kung ano, baka sa ating utak, may di-pangkaraniwang chromosome na siyang sanhi ng mala-musang epekto. |
|
May mga taong magsasabi na ipinanganak tayong mayroon nito, |
|
at ang iba, tulad ng ina ko, ay magsasabi na nakukuha ko ang mga materyal ko sa nangakaraang buhay. |
|
May mga tao rin na magsasabi na ang pagkamalikhain ay maaaring dala ng kapansanang neurological |
|
Dapat kong sabihin, may isang tao – nabasa ko kamakailan lang na baka hindi naman talagang psychotic si van Gogh, na mayroon siyang temporal lobe seizures, at maaaring siyang sanhi ng bugso ng pagkamalikhain, at hindi ko – siguro ikako may epekto iyon sa isang parte ng iyong utak. |
|
At gusto ko ring banggitin na ang totoo'y nagkaroon ako ng temporal lobe seizures ilang taon na ang nararaan, pero iyon ay noong sinusulat ko ang huli kong libro, at may ilang nagsasabi na ang librong iyon ay talagang naiiba. |
|
Palagay ko'y may bahagi ito na nagsisimula sa nararamdamang identity crisis: alam mo na, sino ako, bakit ako ay itong partikular na taong ito, bakit hindi ako itim na tulad ng lahat? |
|
At kung minsa'y mayroon kang mga kasanayan pero hindi sila ang uri ng kasanayan na nakapagbibigay ng pagkamalikhain. |
|
Dati'y nagdo-drowing ako. Akala ko'y magiging pintor ako. |
|
At mayroon akong isang munting poodle. |
|
At okey naman din siya, pero hindi talagang malikhain. |
|
Dahil sa ang nagagawa ko lang ay maglarawan sa isang paraang isa-sa-isa. |
|
At may pakiramdam ako na maaaring kinopya ko ito sa isang libro. |
|
At saka hindi rin ako sumisikat sa isa pang gawaing gusto ko, at alam mo na, titingnan mo ang mga marka, at hindi naman masama, pero walang sinasabi kung isang araw ay mabubuhay ako sa makasining na pag-aayos ng mga salita. |
|
Isa pa, isa sa mga prinsipyo ng pagkamalikhain ay ang magkaroon ng konting childhood trauma. |
|
At naranasan ko ang karaniwang uri na naranasan ng maraming tao, at ito ang, alam mo na, mga inaasahan sa akin. |
|
Ang pigurang iyon, mabanggit ko, ang pigurang iyon ay isang laruang ibinigay sa akin noong ako'y siyam na taon pa lang, at ito ay para tulungan akong maging doktor nang bata pa. |
|
Mayroon akong ilan na matagal ang inabot: mula sa limang anyos hanggang sa 15, ito ay para maging sideline ko, at humantong ito sa kasiphayuan. |
|
Pero ang totoo'y mayroong isang bagay na totoong may realidad sa aking buhay na nangyari noong ako ay mga 14. |
|
At ito'y natuklasan na ang kapatid kong lalaki, noong 1967, at sumunod ang aking ama, pagkaraan ng anim na buwan, ay mayroon tumor sa utak. |
|
Ang paniwala ng nanay ko ay may hindi mabuting nangyari, at tutuklasin niya kung ano iyon. |
|
At aayusin niya. Isang ministrong Baptist ang ama ko, at naniniwala siya sa milagro, at ang kagustuhan ng Diyos ay ang mag-aalaga doon. |
|
Pero namatay din sila, anim na buwan ang pagitan. |
|
At pagkatapos noon, naniwala ang ina ko na kapalaran iyon, o mga sumpa – ginalugad ang buong mundo para sa dahilan kung bakit kailangang mangyari ito. |
|
Lahat liban sa ala-suwerte. Hindi siya naniniwala sa ala-suwerte. |
|
May dahilan ang lahat. |
|
At isa sa mga dahilan, sa isip niya, ay dahil sa ang kayang ina, na namatay noong bata pa siya, ay galit sa kanya. |
|
Kaya't nasa aking isip ang kamatayan ng lahat ng nasa paligid ko dahil sa ang ina ko ay naniniwala na ako ang susunod, at siya ang susunod. |
|
At kapag napaharap ka sa posibilidad ng nalalapit na kamatayan, sinisimulan mong pag-isipan ang lahat. |
|
Nagiging malikhain ka, para mabuhay. |
|
At ito, kung gayon, ang nagbunsod sa malalaking tanong. |
|
Ito ang mga tanong na nasa harap ko ngayon. |
|
Tulad ng: Bakit nangyayari ang mga pangyayari, at paano nangyayari ang mga pangyayari? |
|
At ang itinanong ng aking ina: Paano ako makagagawa ng mga pangyayari? |
|
Isang magandang paraan ng pagtingin sa mga tanong na ito, kapag sumusulat ka ng kuwento. |
|
Sapagka't sa kabila ng lahat, sa gayong framework, sa pagitan ng unang pahina at 300, sasagutin mo ang tanong kung bakit at paano nangyayari ang mga pangyayari, ang sunuran ng mga pangyayari. Ano ang mga impluwensya? |
|
Paano ako, bilang siyang tagapagsalaysay, bilang siyang manunulat, nakakaimpluwensya (sa mga pangyayari)? |
|
At isa ring ito sa mga tanong ng marami sa ating mga syentipiko. |
|
Isang uri ng cosmology, at kailangang kong humubog ng cosmology ng aking sariling sansinukob [universe], bilang manlilikha ng nasabing sansinukob. |
|
At makikita mo, maraming urong at sulong sa pagtatangkang maisakatuparan, masuri – magbibilang ng maraming taon, kadalasan. |
|
Kaya't kapag tinitingnan ko ang pagkamalikhain, naiisip ko rin na ito ay ang di-kakayahang pigilin ko ang paghanap ko ng mga ugnayan sa halos kahit anong bagay sa buhay. |
|
At marami akong napulot sa mga nangyayari dito ngayon sa buong konperensya, sa halos lahat ng nagaganap. |
|
Kung kaya, gagamitin ko, bilang metapora, ang ugnayang ito: ang quantum mechanics, na hindi ko talagang naiintindihan, pero gagamitin ko pa rin ito bilang isang paraan para ipaliwanag kung bakit ito ang metapora. |
|
Sa quantum mechanics, gaya ng alam na natin, mayroon dark energy at dark matter. |
|
Katulad din ito ng pagtingin sa tanong kung bakit nangyayari ang mga pangyayari. |
|
Maraming hindi alam, at madalas ay hindi mo alam kung ano ito liban na lang ang kawalan nito. |
|
Pero kapag binuo mo ang mga ugnayan, gusto mong magkatugma sila sa isang uri ng synergy sa kuwento, at ang nakikita mo ang may katuturan. |
|
Ang kahulugan. Ito ang hinahanap ko sa aking mga gawa, isang pansariling kahulugan. |
|
Nariyan din ang uncertainty principle, na bahagi ng quantum mechanics, sa pagkakaintindi ko. (Tawanan) At patuloy itong nangyayari sa pagsulat. |
|
At nariyan ang terible at kinatatakutang observer effect, na kung ano'y sinusuri mo ang isang bagay, at alam mo na, sabay-sabay na nangyayari ang mga bagay, at tinitingnan mo ito sa kakaibang paraan, at talagang pinipilit mong makita ang ka-"tungkol"-an. O kung tungkol saan ang kuwento. At kung sobra ang pagpipilit mo, masusulat mo lang ang tungkol. |
|
Hindi ka makakatuklas ng kahit ano. |
|
Ang dapat sanang matagpuan mo, ang inaasahan mong matagpuan, sa isang mala-suwerteng paraan, ay wala na doon. |
|
Ngayon, hindi ko naman gustong hindi-pansinin ang kabila ng mga pangyayari sa ating universe. tulad ng marami sa ating mga siyentipiko. |
|
Kung kaya't gusto ko rin isama rito ang string theory, at sabihin na lang na ang mga taong malikhain ay multi-dimensional, at mayroon labing-isang antas, sa isip ko, ng kagulumihaman. |
|
(Tawanan) At nangyayari sila nang sabay-saby. |
|
Nariyan din ang malaking tanong tungkol sa alinlangan [ambiguity]. |
|
At iuugnay ko ito sa tinatawag na cosmological constant. |
|
Hindi mo alam kung ano ang nangyayari doon, pero may nangyayari doon. |
|
At ang alinlangan, para sa akin, ay napaka-di-komportable sa aking buhay, at taglay ko ito. Alinlangang moralidad. |
|
Laging naroroon ito. At isang halimbawa na lang, isa itong kailan lang ay dumating sa akin. |
|
Isang bagay ito na nabasa ko na editoryal ng isang babae tungkol sa giyera sa Iraq. Sinabi niya, "Iligtas mo ang isang tao sa pagkalunod, mananagot ka sa kanya sa buong buhay." |
|
Isang tanyag na kasabihan sa Tsino, sabi niya. |
|
At ang ibig sabihin nito dahil sa nagpunta tayo sa Iraq, dapat tayong manatili doon hanggang sa malutas ang mga bagay-bagay. Alam mo na, kahit baka mga 100ng taon. |
|
Meron pang isang nadaanan ko at ito ang "iligtas ang mga isda sa pagkalunod." |
|
Ito ang sinasabi ng mga mangingisdang Buddhist, dahil sa hindi sila dapat pumatay ng kahit ano. |
|
Kailangan din nilang mabuhay, at ang mga tao ay kailangang kumain. |
|
Kung kaya ang pangngangatwiran nila ay iligtas ang mga isda sa pagkalunod. at sa kasawiang-palad, habang inililigtas sa pagkalunod, namamatay ang mga isda. |
|
Ngayon ano ang nakatiim sa dalawang talinghaga sa pagkalunod – ang totoo, isa sa kanila ay interpretasyon ng aking ina, at isang tanyag na kasabihan ito sa Tsino dahil sa sinabi niya ito sa akin: "Iligtas mo ang isang tao sa pagkalunod, mananagot ka sa kanya sa buong buhay." |
|
At ito ay isang babala – huwag kang makisangkot sa buhay ng iba, o baka ka lang maipit. |
|
OK. Kung talagang may nalulunod, ililigtas niya siya. |
|
Pero ang mga kasabihang ito, iligtas ang isda sa pagkalunod, o iligtas ang isang tao sa pagkalunod, sa akin ay may kinalaman sila sa intensyon. |
|
At lahat ng tao, kapag nakakita tayo ng isang sitwasyon, mayoon tayong gagawin. |
|
At mayroon tayong mga intensyon. |
|
May alinlangan kung ano nga iyon na dapat nating gawin, at pagkatapos ay ginagawa nga natin ito. |
|
At ang resulta ay maaaring hindi tugma sa ating intensyon. |
|
Siguro may masamang pangyayari. Kaya, pagkatapos noon, ano ang ating mga responsibilidad? |
|
Ano ang dapat nating gawin? |
|
Mananatili ba tayo habang buhay, o babaling tayo sa ibang bagay at mangangatwiran at sasabihing mabuti ang ating intensyon, kaya hindi ako masasabing mananagot sa lahat? |
|
Ito ang alinlangan sa aking buhay na gumulo sa aking isip, at siyang nagsulong sa akin na sulatin ang librong "Saving Fish From Drowning." |
|
Nakakita ako ng maraming halimbawa, nang luminaw sa aking isip ang tanong. |
|
Ang dami sa ating paligid. Nakakuha ako ng mga higing sa lahat ng bagay. |
|
Kung sa bagay, alam ko na lagi silang naroroon. |
|
At ang pagsulat, ito ang nangyayari. Nakakukuha ako ng mga higing, ng mga pahaging, at naliho ko na madali silang mapansin, pero hindi rin. |
|
At ang kailangan ko, sa katuusan, ay pokus. |
|
At nang makuha ko ang tanong, ito ay pokus. |
|
At lahat ng mga bagay na ito na parang mga bagay na itinapong kuyagot sa buhay ay dumaraan sa tanong na iyon, at ang nangyayari ay ang mga bagay na iyon ay may kaugnayan. |
|
At parang laging nangyayari ito. |
|
Iisipin mong nagkakataon lang, isang serendipity, na kung saa'y nakakakuha ka ng tulong mula sa sangkalawakan. |
|
At maaari ring ipaliwanag ngayon at may pocus ka na. |
|
At napapansin mo ito lagi. |
|
Pero ginagawa mo ito. |
|
Nagsisimula kang tumingin sa mga bagay na may kaugnayan sa kabanatan "tension". |
|
Ang kapatid mo, na napasok sa gulo, aalaagan mo ba siya? |
|
Bakit o bakit hindi? |
|
Maaaring ito ay isang bagay na totoong seryoso. – gaya ng sinabi ko, karapatan ng tao sa Burma. |
|
Iniisip ko na hindi ako dapat pumunta dahil sa may nagsabi na kung gagawin ko iyon, lilitaw na pumapayag ako sa rehimong militar doon. |
|
Di naglaon, tinanong ko ang aking sarili, "Bakit natin tinatanggap ang kaalaman, bakit natin tinatanggap ang mga palagay na ibinibigay ng ibang tao sa atin?" |
|
Katulad din ito ng naramdaman ko nang lumalaki ako, nang naririnig ko ang mga tuntuning ng gawang moral mula sa aking ama, na isang ministrong Baptist. |
|
Kaya ipinasiya kong pumunta sa Burma bilang sariling intensyon, at hindi ko pa rin alam na kung pumunta ako doon, ano ang resulta niyon kung susulat ako ng libro – at saka ko na lang haharapin iyon, pagdating ng panahon. |
|
Lahat tayo ay nag-aalaala sa mga bagay na nakikita natin sa mundo. |
|
Dumarating tayo sa puntong ito at sasabihin, ano bilang isang indibidwal ang ginagawa ko? |
|
Hindi lahat sa atin ay makapupunta sa Africa, o magkapagtatrabaho sa mga ospital, kaya ano ang gagawin natin kung mayroon tayong kasagutang moral, ang damdaming ito? |
|
Isa pa, sa aking palagay isa sa malalaking bagay na tinitingnan natin, at pinag-usapan natin ngayon, ay genocide. |
|
Na tumutungo sa tanong, |
|
kapag tintingnan ko ang mga bagay na ito na alinlangan ang moralidad at di-komportable, at iniisip ko ang dapat kong mga intensyon, naliliho ko na bumabalik sa tanong identidad noong bata pa ako – at bakit ako naririto, at ano ang kahulugan ng aking buhay, at ano ang lugar ko sa sangkalawakan? |
|
Parang lantad, pero hindi. |
|
Muhi tayo lahat sa alinlangang moralidad sa isang pag-iisip, pero kailangang-kailangan din ito. |
|
Sa pagsulat ng isang kuwento, ito ang lugar na pinagsisimulan ko. |
|
Kung minsan'y parang nakakakuha ako ng tulong mula sa sangkalawakan. |
|
Sasabihin ng ina ko na ito ang multo ng aking lola mula pa sa kauna-unahang libro, dahil sa parang may mga alam ako na hindi ko dapat na alam. |
|
Sa halip na isulat na ang lola ko ay aksidenteng namatay, mula sa sobrang opium habang nagpapasasa sa magandang buhay, isinulat ko sa kuwento na nagpakamatay siya, at gayon nga ang tunay na nangyari. |
|
Ipinasiya ng aking ina na ang impormasyon ay galing sa aking lola. |
|
May mga bagay pa, totoong di-kapani-paniwala, na nagdadala ng impormasyon na tumutulong sa akin sa pagsulat ng libro. |
|
Sa halimbawang ito, sumusulat ako ng kuwento na may isang uri ng detalye, isang panahon sa kasaysayan, isang lokasyon. |
|
At kinailangan kong makakita ng isang makasaysayang katumbas. |
|
Kinuha ko ang isang libro, at ako'y – ang unang pahina na nabuksan ko ay siyang-siyang tagpo, at ang panahon. At ang tauhang kinakailangan ko ay ang himagsikang Taiping, na nangyari sa isang lugar na malapit sa Qualin, sa may labas nito, at isang tauhan na nag-akalang siya'y anak ng Diyos. |
|
Maitatanong mo, nagkataon lang kaya ang mga pangyayaring ito? |
|
E, ano ang ala-suwerte? Ano ang nagkataon? |
|
Ano ang suwerte? Anong mga bagay ang nakukuha mo sa sangkalawakan na hindi mo talagang maipapaliwanag? |
|
Kasama rin iyan sa kuwento. |
|
May mga bagay na lagi kong iniisip araw-araw. |
|
Lalo na kung may mga mabubuting bagay na nangyayari, at lalung-lalo na kung may masasamang bagay na nangyayari. |
|
Pero hindi ko iniisip na mayroong serendipity dito, at gusto ko talagang malaman kung ano ang mga elementong iyon, para mapasalamatan ko sila, at isa pa'y mahanap ko sila sa aking buhay. |
|
Sapagka't, minsan pa, iniisip ko na kung damdam ko sila, lalo pang madalas mangyayari. |
|
Isa pang nagkataon pangyayari ay nang pumunta ako sa isang lugar – kasama ko lang ang ilang kaibigan, at nag-drive kami sa kung saan-saan at sa iba't ibang lugar, at humantong kami sa isang lugar na hindi pangturista, isang magandang nayon, hindi pa nasasaling. |
|
At lumakad kami hanggang sa tatlong lambak [valley], at sa pangatlong lambak, mayroon parang mahiwaga at nagbabanta ng masama, isang di-mabuting pakiramdan na nadama ko. At noon naisip ko na iyon ang kailangang tagpuan ng aking libro. |
|
At sa pagsulat ng isa sa mga senaryo, nangyari ito sa pangatlong lambak. |
|
Sa kung anong dahilan sumulat ako ng tungkol sa mga palatandaan – isang tumpok ng mga bato – na itinatayo ng isang tao. |
|
At hindi ko alam kung ano talaga ang mayroon ako, pero napakalinaw sa isip ito. |
|
Na-stuck ako, at isang kaibigan, nang tanungin niya kung gusto kong sumama habang ipinapasyal ang kanyang aso, na sinabi ko, sige. Pagkalipas ng 45 minuto, habang naglalakad sa aplaya, may nakita ako. |
|
Isang lalaki, isang lalaking Tsino, at may pinagpapatong-patong siya, hindi ginagamitan ng pandikit, o ng ano pa man. |
|
Itinanong ko sa kanya kung paano nagagawa ito? |
|
At sinabi niya, ah, palagay ko, tulad ng lahat sa buhay, may lugar ng katimbangan. |
|
At iyon ang kahulugan ng aking kuwento sa puntong iyon. |
|
Marami akong halimbawa – marami akong mga pagkakataong tulad nito kapag sumusulat ako ng kuwento, na hindi ko maipapaliwanag. |
|
Dahil kaya sa mayroon akong salaan kung kaya't mayroon akong malakas na pagkakataunan [coincidence] sa pagsulat ko tungkol sa mga ito? |
|
O isang serendipity ito na hindi kayang ipaliwanag, tulad ng cosmological constant? |
|
Isa pa ring malaking bagay na naiisip ko ang tungkol sa mga aksidente. |
|
Gaya ng nasabi ko, ang ina ko ay hindi naniniwala sa sapalaran. |
|
Ano ang kalikasan ng mga aksidente? |
|
Paano natin itatakda ang responsibilidad at ang mga dahilan, sa labas ng korte ng batas? |
|
Nasaksikan ko ito nang malapitan, nang pumasyal ako sa magandang pook na Dong, sa Guizhou, and pinakanaghihikahos na probinsya sa Tsina. |
|
At nakita ko itong magandang lugar na ito. Alam kong gusto kong bumalik. |
|
Nagkaroon ako ng pagkakataon nang tinanong ng National Geographic kung gusto kong sumulat ng kahit ano tungkol sa Tsina. |
|
Sabi ko oo, tungkol sa baryong ito ng Kumakantang mga tao, Kumakantang minoridad. |
|
Pumayag sila, at sa pagitan ng panahong una kong nakita ang lugar at ng sumunod na lakad ko doon, nagkaroon ng isang malagim na aksidente. Isang tao, isang matandang lalaki, ang nakatulog, at ang kanyang kumot ay bumagsak sa planggana ng apoy na nagpapainit sa kaniya. |
|
60ng tahanan ang natupok, at 40 ang nasira. |
|
Ang responsibilidad ay ibinigay sa pamilya. |
|
Pinalayas ang mga anak na lalaki para mamahay sa ilang kilometro ang layo, sa pahingahan ng mga baka. |
|
At syempre, bilang mga taga-Kanluran, sasabihin natin, "Aba, aksidente iyon. |
|
Hindi tama ito. Anak ito, hindi ang ama." |
|
At kapag nagkukuwento ako, kailagang pawalan ko ang mga gayong paniniwala. |
|
Matagal-tagal din, pero kailangang pawalan ko at pumunta ako doon, at mamalagi doon. |
|
Naroon ako maka-itlo, iba-ibang panahon. |
|
Naramdaman ko na may kakaiba sa kasaysayan at sa nangyari bago pa, at ang uri ng pamumuhay sa isang mahirap na baryo, at ang natutuklasan mong mga galak, at ang mga nakagawian mo, ang mga tradisyon mo, ang mga relasyon mo sa ibang angkan. At nakita ko kung paano ito ay may isang uri ng hustisya sa kanyang responsibilidad. |
|
Natuklasan ko rin ang seremonya na kanilang ginagamit, isang seremonya na hindi ginamit sa loob ng 29 na taon. At ito ang magpadala ng ilang lalaki – isang guro sa Feng Shui ang magpapadala sa mga tao na nakasakay sa mga kabayong multo sa ilalim ng mundo. |
|
Ngayon, kayo na Kanluranin, at ako, na Kanluranin, ay magsasabing ah, pamahiin lang iyon. Pero pagkatapos tumira doon nang matagal-tagal, at pagkasaksi sa mga kagila-gilas na pangyayari, magsisimula kang mag-isip kung kaninong paniniwala ang siyang nagpapatakbo sa mundo, na nagtatakda ng mga pangyayari. |
|
Kaya't nanatili ako sa kanila, at habang sinusulat ko ang kwento, lalo akong napapadiin sa paniniwala nila, at naiisip ko na mahalaga sa akin iyon – na tanggapin ang mga paniniwala, dahil sa naroon ang katalagahan ng kuwento, at doon ko makikita ang mga sagot tungkol sa nararamdaman ko tungkol sa ilang tanong sa aking buhay. |
|
Nagdaan ang mga taon, at siyempre, ang pagsulat, hindi ito nangyayari sa isang iglap, na ipinatatalastas ko sa inyo dito sa TED. |
|
Ang libro ay dumarating at umaalis. Pagdating nito, hindi ko na libro ito. |
|
Nasa kamay na ng mga mambabasa, at bibigyan nila ito ng iba-ibang interpetasyon. |
|
Pero babalik ako sa tanong, paano ako lumilikha mula sa wala? |
|
Paano ko nililikha ang sarili kong buhay? |
|
Naiisip ko na sa pagtatanong, at pagsasabi sa sarili na walang katotohanan na lubos. |
|
Naniniwala ako sa mga partikular, ang mga partikular ng kuwento, at ang lumipas, ang mga partikular ng lumipas, at ang nangyayari sa kuwento sa puntong iyon. |
|
Naniniwala din ako na sa paglilimi tungkol sa mga bagay-bagay, sa pag-iisip ko tungkol sa suwerte, sa tadhana, sa nagkakataon at aksidente, kalooban ng Diyos, at ang pagkakaisa ng mga mahihiwagang puwersa, darating sa akin ang pagkaunawa kung ano iyan, kung paano tayo lumilikha. |
|
Kailangang isipin ko ang aking ginagampanan. Kung nasaan ako sa sangkalawakan, at kung mayroon nag-intensyon na gayon ang kalagayan ko, o isang bagay ito na dala ko sa aking sarili? |
|
At nakita ko rin ito sa pamamagitan ng ganap na imahinasyon, at ang pagiging ang bagay na nilikha ng isip, na nasa tunay na mundo, ang mundo ng kathang-isip. |
|
Ganito kung paano ako nakakakita ng mga mga butil ng katotohanan, hindi ang tiyak ng katotohanan, o ang buong katotohanan. |
|
Kailangan naroon sila sa lahat ng posibilidad, kasama na iyong mga hindi ko pa naiisip. |
|
Kaya't walang ganap na sagot. |
|
O kaya naman, kung may sagot, ito ang paalalahanan ang sarili ko na may di-katiyakan ang lahat, na mabuti naman. Sapagka't noon makakatuklas ako ng bago. |
|
At kung may sagot na di-lubos, isang may kalubusang sagot mula sa akin, ang maggunam-gunam. |
|
At ang maggunam-gunam ay ilagay ang aking sarili sa kuwento, hanggang sa matira na lang – walang balakid ang sinag sa pagitan ko at ang kuwentong nililikha. |
|
Gayun ko natuklasan na kung nararamdaman ko ang nasa kuwento – sa isang kuwento – saka ako lalong nalalapit, sa aking palagay, na maunawaan kung ano ang pagkahabag [compassion], na madama ang kahabagan. |
|
Dahil sa ang lahat, sa tanong na kung paano nangyayari ang lahat, natutungkol ito sa damdamin. |
|
Kailangan ko ang maging ang kuwento para maunawaan ko ang marami sa mga iyan. |
|
Nakarating na tayo sa katapusan ng panayam, at ibubunya ko ang nasa bag, at ito ang musa ["muse"], at ito ang mga bagay na nagbabago ng anyo ng ating buhay, na kamangha-mangha at nananatili sa atin. |
|
Hayon siya. |
|
Maraming salamat! |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
May iba akong pinagkakaabahalan, bukod sa pisika. |
|
Sa katunayan, ngayon mas madalas sa ibang bagay. |
|
Isa dito ang malawak na ugnayan ng iba't ibang wika ng mga tao. |
|
At lumalayo sa mga malayuang relasyon ang halos lahat ng mga propesyonal |
|
at ng mga pangkasaysayang dalubwika sa Estados Unidos at sa Kanlurang Europa; malaking pagpangkat, mga pagpapangkat na matagal nang namamalagi, mas matagal pa sa mga kilalang pamilya. |
|
Ayaw nila yun; sa tingin nila himaling ito. |
|
Sa tingin ko, hindi. At may mga napakatalinong mga dalubwika, karamihang mga Ruso, na nagtatrabaho sa Santa Fe Institute at sa Moscow, at gusto kong makita kung saan makararating ito. |
|
Makararating ba talaga ito sa isang ninuno ilang mga 20, 25,000 na taong nakaraan? |
|
At paano kung bumalik tayo sa nakaraan na higit pa sa ninuno na ito, noong siguro mayroong kompetisyon sa gitna ng mga wika? |
|
Gaano kalayo pa sa nakaraan ba yun? Gaano kalayo ang pinanggalingan ng makabagong wika? |
|
Ilang nakaraang libu-libong taon? |
|
Chris Anderson: Mayroon ka bang kutob o di kaya inaasahang sagot dito? |
|
Murray Gell-Mann: Sa palagay ko dapat mas nakatatanda ang makabagong wika kaysa sa mga larawan, mga ukit at mga lilok sa kuweba at mga yapak ng sayaw sa malambot na luwad sa mga kuweba ng Kanlurang Europa noong panahong Aurignacian mga 35,000 na taong nakaraan, or mas maaga. |
|
Di ko mapaniwalaan na ginawa nila yun lahat tapos wala ring makabagong wika. |
|
Ang hula ko, ang tunay na simula ay mga ganun nga o mas maaga pa. |
|
Ngunit hindi nito ibig sabihin na di puwedeng manggaling ang lahat, o karamihan ng mga napatunayan na mga wika mula sa isang mas bago, ng siguro mga 20,000 na taong nakaraan, o parang ganun. Ang tawag natin dito ay ang pagbo-bottleneck (biglang pagsikip ng daloy). |
|
CA: Maaaring tama si Philip Anderson. |
|
Maaaring mas maraming kang alam sa lahat kaysa kanino. |
|
Naging isang karangalan ito. Maraming salamat Ginoong Murray Gell-Mann. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Ito po ay isang patuloy na proyekto hango sa mga komento na binigay sa TED noong dalawang taon na ang nakalipas patungkol sa pangangailangan ng pag-iimbak ng bakuna. |
|
(Musika) [ Sa planetang ito ] [ 1.6 bilyong katao ] [ ang walang kuryente ] [ refrigeration ] [ o gaas ] [ ito ay isang dagok ] [ at nakakaapekto: ] [ sa paglaganap ng sakit ] [ sa pag-iimbak ng pagkain at medisina ] [ at sa kalidad ng buhay ] |
|
[ kaya ito ang mungkahi: murang refrigeration na hindi ginagamitan ng kuryente ... ] [ ... propane, gasolina, gaas, o mga consumables ] [ oras na para sa kaunting thermodynamics ] [ At ang kuwento ng Intermitent Absorption Refrigerator ] 29 na taon na ang nakalipas, may guro ako sa thermodynamics na nagbanggit tungkol sa absorption at refrigeration. Iyon ang ilan sa mga bagay na tumatak sa aking isipan. Tulad siya sa Stirling Engine: astig pero hindi mo alam ang paggagamitan At ito ay naimbento noong 1858 ni Ferdinand Carre, |
|
ngunit wala siyang magawa dito dahil sa kakulangan ng kasangkapan noong panahong iyon. |
|
Isang nahihibang na Canadian sa ngalan na Powell Crosley ang nagsakomersyo ng tinatawag na Icyball noong 1928, at iyon ay isang napakagandang ideya, |
|
at sasabihin ko mamaya kung bakit ito'y hindi naging posible, pero ganito ang kanyang mekanismo. |
|
May dalawang bilog na magkahiwalay. |
|
Laman ng isa ay working fluid, tubig at ammonia, samantalang ang isa ay condenser. Paiinitan mo ang isang bahagi, yung mainit na bahagi. |
|
Mag-eevaporate ang ammonia at magrerecondense sa kabilang bahagi. |
|
Hahayaang lumamig sa room temperature, at pagkatapos, habang nag-eevaporate ang ammonia kasabay ng tubig pabalik sa mainit na bahagi, lumilikha ito ng paglamig. |
|
Magandang ideya sana ngunit hindi ito naging posible: ito'y sumasabog. |
|
Dahil sa paggamit ng ammonia, nakakalikha ng matataas na pressures |
|
kapag mali ang paraan ng pag-init. Aabot ito ng 400 psi. Nakakalason ang ammonia. |
|
Kumakalat sa paligid. |
|
Ngunit talagang interesante ang ideyang iyon. |
|
Kaya, naging mabuti ang 2006 dahil maraming computational work ang maaring gawin. |
|
Kaya, tinipon namin ang buong departamento ng thermodynamics sa Stanford. Maraming computational fluid dynamics. |
|
Pinatunayan naming mali ang karamihan ng ammonia refrigeration tables. |
|
Nakadiskubre kami ng refrigerants na hindi nakakalason na maaring gamitin sa mabababang vapor pressures. Humingi kami ng tulong sa isang grupo mula UK |
|
maraming eksperto sa refrigeration, napag-alaman namin, mula sa UK |
|
Ganito ang kanyang paggamit. |
|
Ilalagay mo siya sa ibabaw ng pinaglutuang apoy. Kahit sino sa mundo may pinaglulutuang apoy, |
|
yari man sa dumi ng kamelyo or sa kahoy. |
|
Paiinitan ito sa loob ng 30 minuto, at palalamigin ng isang oras. |
|
Ipapasok sa isang lagayan at maari na itong gamiting refrigerator sa loob ng 24 oras. |
|
Ganito ang itsura niya. |
|
Ito ang panlimang prototype. Hindi pa siya gaanong tapos. |
|
Ito ay may bigat na 8 pounds, at ang paraan ng paggamit ay ganito. |
|
Ilalagay mo siya sa 15-litro na lalagyan, katumbas ng tatlong galon, at ito ay lalamig malapit sa freezing point, tatlong baitang na mas mataas sa freezing point, sa loob ng 24 oras at 30 degree Celsius. |
|
Ito ay napakamura. Sa tingin namin, puwedeng bumuo nito ng maramihan sa halagang 25 dolyar bawat isa, |
|
at kapag kaunti lang, aabot ng 40 dolyar. At sa tingin namin magagawa nating |
|
abot-kaya ang refrigeration para sa lahat. |
|
Salamat po! (Palakpakan) |
|
|
|
Sa unang bahagi ng ika-20 siglo sangkaterbang sakuna ang inabot ng sangkatauhan, isang malaking gulo. |
|
Nangyari ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang Great Depression, ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, at ang pag-usbong ng mga komunistang bansa. |
|
At bawat isa sa mga ito, pinagwatak-watak at hinati ang mundo. |
|
At bumuo sila ng mga pader, mga bakod sa pulitika at kalakalan, bakod sa transportasyon, bakod sa komunikasyon, ang kurtinang bakal, na hinati ang mga tao at mga bansa. |
|
Sa ikalawang bahagi lamang ng ika-20 siglo na tayo'y nagsimulang bumangon mula sa pagkakalugmok. |
|
Napabagsak natin ang harang sa kalakalan. |
|
Ito ay iilan sa mga datos ukol sa taripa: mula sa 40 porsyento, naging mas kaunti pa sa 5 porsyento. |
|
Nai-globalize ang mundo. Anong ibig sabihin nun? |
|
Ibig sabihin, umusbong ang kooperasyon ng mga bansa. Naging mas matulungin ang mundo. |
|
Nabuwag ang mga harang sa transportasyon. |
|
Noong 1950s lulan ng isang pangkaraniwang bapor ang 5,000 - 10,000 tonelada ng kagamitan. |
|
Ngayon ang isang container ship ay nagkakarga ng 150,000 tonelada. Mas kaunti ang kinakailangang tauhan, at mas mabilis nang magbaba ng kargamento. |
|
Ang mga harang sa komunikasyon, salamat sa internet, ay nabuwag na. |
|
At ang kurtinang bakal, ang mga bakod sa pulitika ay nabuwag na din. |
|
Lahat ng ito ay naging mabuti para sa mundo. |
|
Umunlad ang kalakalan. |
|
Ito ang kaunting datos. |
|
Noong 1990, ang export mula Tsina papuntang Estados Unidos |
|
Noong 2007, higit sa 300 bilyong dolyar. |
|
At ang nakakamangha, noong simula ng ika-20 siglo, sa unang pagkakataon sa kasaysayan, umabot sa bawat sulok ng mundo ang pag-unlad. |
|
Nabanggit ko na ang Tsina, simula noong 1978, noong namatay ni Mao, ang pag-unlad |
|
Bawat taon, kamangha-mangha. |
|
Hindi pa natin naranasan ang ganito karaming tao na umangat mula sa kahirapan, gaya ng nangyayari sa Tsina ngayon. |
|
Ang Tsina ang may pinakamahusay na programa kontra kahirapan sa nakalipas na 3 dekada. |
|
Nahuli ng kaunti ang India, ngunit noong 1990, nagkaroon ng malaking pag-unlad. |
|
Noon, ang kita nila ay mas mababa sa 1,000 dolyar kada taon. |
|
Lumipas ang 18 taon at naging triple ito. |
|
May pag-unlad ng 6 porsyento bawat taon. |
|
Kamangha-mangha. Sa Aprika naman, ang bahagi ng Sub-Sahara ang katangi-tangi sa mundo na pinakamailap sa pag-asenso. |
|
At makikita natin ang trahedya ng Aprika sa mga datos dito. |
|
Naging negatibo ang pag-unlad. |
|
Mas naghirap pa ang mga anak kaysa sa mga magulang nila. At sa ibang lugar, mas mahirap pa kaysa sa mga lolo at lola nila. |
|
Ngunit, sa bandang dulo ng ika-20 siglo, sa simula ng ika-21 siglo, natunghayan natin ang pag-unlad ng Aprika. |
|
At sa tingin ko, may dahilan upang umasa. Dahil hindi pa dito nagtatapos ang kanilang pag-unlad. |
|
Bakit? |
|
Dahil sa mga panahong ito mga bagong ideya ang nagtutulak ng pag-unlad. |
|
Partikular na sa mga produkto ng pananaliksik na pinagkakagastusan at nagiging mura kapag umabot na sa mga pabrika. |
|
Ang mga ganitong klase ng ideya ang nagtutulak sa pag-unlad. |
|
May ganitong kakahayan ang mga ideya. |
|
Sinabi ni Thomas Jefferson ito nang napakaganda. |
|
Wika niya, "Ang sinumang nakakatanggap ng ideya mula sa akin ay natututo, nang hindi nababawasan ang sa akin. |
|
Gaya nang sinumang nagsisindi ng kandila sa akin ay nakatatanggap ng liwanag nang hindi namamatay ang sa akin. |
|
O sa ibang pananalita, isang mansanas para sa iisang tao, ngunit ang isang ideya ay para sa buong mundo. |
|
Hindi na ito bago. Lalong hindi ito bago para sa mga TEDsters. |
|
Ito naman talaga ang ginagawa sa TED. |
|
Ang bago ay mas malaki na ngayon ang kontribusyon ng ideya sa pagtulak ng pag-unlad kaysa sa dati. |
|
Ito ang dahilan kung bakit ang kalakalan at globalisasyon ay mas mahalaga at mas makapangyarihan kaysa sa dati, at pinapabilis nito ang pag-unlad. |
|
Upang maipaliwanag ko ito, may halimbawa ako. |
|
Kunwari may dalawang sakit. Isa sa kanila, bihira, at ang isa, pangkaraniwan. Pero, kung parehong hindi naagapan, nakamamatay. |
|
Kung mamimili ka, alin ang gusto mong magkaroon? Ang pangkaraniwan o ang kakaibang sakit? |
|
Iyong pangkaraniwan. Tingin ko tama yun. Bakit? Dahil mas maraming gamot para sa pangkaraniwang sakit kaysa sa kakaibang sakit. |
|
Dahil ito sa insentibo. |
|
Pareho lang ang gastos sa paggawa ng bagong gamot, kung ang gamot ay para sa 1,000 tao, o 100,000 tao, o isang milyong tao man. |
|
Ngunit mas malaki ang kikitain kung isang milyon ang bibili ng gamot. |
|
Kaya, mas malaki ang insentibo sa paggawa ng gamot para sa nakararami. |
|
Ibig sabihin, nakakasagip-buhay kapag maraming kustomer. |
|
Sa kasong ito maraming karamay ang kahirapan. |
|
Ngayon, isipin ang sumusunod: kung ang Tsina at India ay kasing yaman ng Estados Unidos ngayon, ang kalakal para sa gamot laban kanser ay lalaki ng walong beses. |
|
Wala pa tayo doon, pero papunta na tayo. |
|
Habang yumayaman ang ibang bansa ang pangangailangan ng gamot ay tataas rin ng malaki. |
|
Ang ibig sabihin nito ay mas mataas ang insentibo sa pananaliksik, at makikinabang tayong lahat. |
|
Mas maraming kustomer, mas malaki ang insentibo na maglabas ng iba't ibang ideya. Ito ma'y software, o computer chip, o bagong disenyo. |
|
Para sa mga taga-Hollywood sa audience, ito ang dahilan kung bakit ang mga maaksyong pelikula ay mas malaking badyet kaysa sa komedya. Mas madaling naiintindihan ang aksyon kahit sa ibang kultura at ibang lengwahe. Mas malaki ang negosyo para sa mga ganitong pelikula. |
|
Handang mamuhunan nang malaki ang mga tao, at mas malaki ang badyet. |
|
Kung malaki ang insentibong nalilikha kapag maraming kustomer upang bumuo ng bagong ideya, paano natin lulubusin ang insentibong ito? |
|
Ang sagot ay sa paglikha ng pandaigdigang merkado, sa pag-globalize ng mundo. |
|
Ganito lang iyan, isang ideya, mga ideya na dapat ibahagi, isang ideya para sa iisang mundo, iisang merkado. |
|
Isang ideya, isang mundo, isang merkado. |
|
Paano pa nga ba tayo lilikha ng bagong ideya? |
|
Iyon ay isang dahilan. |
|
Globalize, makipagkalakalan. |
|
Paano pa tayo lilikha ng bagong ideya? |
|
Well, dagdagan ang mga imbentor ng ideya. |
|
Mula sa iba't ibang sulok ang mga taong ito. |
|
Mga artista, innovators, marami sa mga taong nagsalita na sa entabladong ito. |
|
Tignan natin ang mga siyentipiko at inhinyero dahil may datos ako dito, at ako'y mahilig sa datos. |
|
Mas kaunti pa sa 1/10th ng isang porsyento ng buong sangkatauhan ang mga siyentipiko at inhinyero. |
|
(Tawanan) Ang Estados Unidos ay nangunguna sa pag-iisip ng ideya. |
|
Malaking bahagi ng mga taong iyon ay nasa Estados Unidos. |
|
Ngunit papawala na ang pangunguna ng U.S. |
|
At dahil doon, ako'y nagpapasalamat. |
|
Mabuti iyon. |
|
Masuwerte tayo na hindi na tayo nangunguna sapagkat matagal na panahong ang Estados Unidos at iilang bansa lamang ang bumubuo ng buong bigat ng pananaliksik. |
|
Ngunit isipin ang sumusunod: kung ang buong mundo ay kasingyaman ng Estado Unidos ngayon higit pa sa limang beses ang dami ng siyentipiko at inhinyero na dadagdag ng ideyang pakikinabangan ng lahat, at paghahatian ng lahat. |
|
Naisip ko si Ramanujan, isang mahusay ng matematikong Indian. |
|
Ilang Ramanujans ang nasa India ngayon na nag-aararo sa kabukiran at naghihikahos, gayong maari nilang pakainin ang buong mundo? |
|
Wala pa tayo doon ngayon. |
|
Pero mangyayari iyon sa siglong ito. |
|
Ang trahedy ng nakaraang siglo ay: kung ang populasyon ng mundo ay isang higanteng kompyuter, isang malaking prosesor, ang trahedya ay yaong bilyon bilyong prosesor na hindi gumagana. |
|
Ngunit sa siglong ito, nagsisimula nang gumana ang Tsina. |
|
Gumagana na din ang India. |
|
Tumatakbo na din ang Afrika. |
|
Makakakita tayo ng Einstein ng Afrika sa siglong ito. |
|
Ito ay kaunting datos lamang. |
|
Ito ang Tsina. Noong 1996, hindi aabot sa isang milyon ang mag-aaral sa mga unibersidad sa Tsina, bawat taon. Noong 2006, higit pa sa limang milyon. |
|
Ano ang ibig sabihin nun? |
|
Lahat tayo ay makikinabang kapag yumaman ang ibang bansa. |
|
Hindi dapat tayo matakot na yumaman ang ibang bansa. |
|
Iyon ay isang bagay na dapat natin yakapin -- mayamang Tsina, mayamang India, mayamang Aprika. |
|
Pausbungin natin ang pangangailangan ng ideya, malalaking merkado na kinukwento ko kanina, malaking supply ng mga ideya para sa mundo. |
|
Ito ang mga dahilan kung bakit ako'y may magandang pangitain. |
|
Inaangat ng globalisasyon ang pangangailangan ng mga ideya, ang paggayak na lumikha ng mga bagong ideya. |
|
Pinapalawak ng edukasyon ang imbakan ng bagong ideya. |
|
Ayon sa ating kasaysayan, may magagandang pangitain. |
|
Mula sa pagsisimula ng sangkatauhan hanggang 1500, walang naging pag-unlad sa ekonomiya. |
|
1500 hanggang 1800, may kaunting paglago. Ngunit hindi kasing laki ng gaya sa siglong ito. |
|
1900s isang porsyento. |
|
Ika-20 siglo, lagpas ng dalawang porsyento. |
|
Ika-21 siglo ay aabot ng 3.3 porsyento o higit pa. |
|
Sa takbo ng mga nangyayari, sa taong 2100, ang GDP per capita ng mundo ay 200,000 dolyar. |
|
Lagpas sa isang milyon ang GDP per capita ng Estados Unidos. Ngunit GDP per capita ng mundo, 200,000 dolyar. |
|
Hindi malayo ang panahong iyan. |
|
Ngunit hindi na natin maabutan. |
|
Ngunit, aabutan iyan ng ating mga apo. |
|
At masasabi kong walang halong yabang ang aking hula. |
|
Sa paniniwalang Kurzweil, malungkot ito. |
|
Sa paniniwalang Kurzweil, ako'y parang si Eeyore ng ekonomiya. |
|
(Tawanan) Ok, paano naman ang mga problema? |
|
Paano ang great depression? |
|
Tignan natin ang Great Depression. |
|
Ito ang GDP per capita noong 1900 hanggang 1929. |
|
Ipagpalagay nating ika'y isang ekonomista noong 1929, na tinatanaw ang pag-unlad ng Estados Unidos sa hinaharap, at wala kang alam na pabagsak na pala ang ekonomiya. Hindi pa natin batid na tayo'y papasok sa pinakamalaking trahedyang pang-ekonomiya sa ika-20 siglo. |
|
Ano kaya ang iyong hula kung hindi mo alam ito? |
|
Kung binase mo ang iyong hula noong 1900 hanggang 1929 ito ang magiging hula mo. |
|
Kung higit na positibo ang iyong pananaw, dahil sa masaganang 20s, ito ang sasabihin mo. |
|
Ano nga ba ang nangyari? |
|
Bumagsak tayo ngunit tayo'y nakabawi. |
|
Sa katunayan, sa ikalawang yugto ng ika-20 siglo higit na mabilis ang ating pag-unlad kaysa sa anumang hula na ginawa noong unang yugto ng ika-20 siglo. |
|
Kayang burahin ng pag-unlad ang anumang epekto ng great depression. |
|
Okay. Ano pa? |
|
Langis. Ito ay naging malaking paksa. |
|
Noong sinusulat ko pa ito, ang langis ay nasa 140 dolyar bawat bariles. |
|
Ang tanong ng taong-bayan, "Iniinom ba ng Tsina ang ating milkshake?" |
|
(Tawanan) At may kaunting katotohanan ito dahil ang langis ay nauubos na yaman. Itinataas ng pag-unlad ang ating pangangailangan dito. |
|
Hindi naman masama na naging mamahalin ang langis ngayon. |
|
Alam ng lahat na enerhiya, at hindi langis, ang ating kailangan. |
|
Ang mataas na presyo ng langis ay mangangahulugang mas malaki ang insentibo para sa pananaliksik sa enerhiya. |
|
Makikita mo ito sa datos. |
|
Habang tumataas ang presyo ng langis, dumadami din ang patents patungkol sa enerhiya. |
|
Mas handa ang mundo na lagpasan ang pagtaas ng presyo ng langis ngayon, kaysa sa panahong nakalipas, dahil sa mga bagay na ating napag-usapan. |
|
Isang ideya, isang mundo, isang merkado. |
|
Kaya't ako'y positibo basta't sinusunod natin ang dalawang pilosopiyang ito: ipagpatuloy ang globalisasyon ng pandaigdigang merkado, palawakin ang pakikipagtulungan ng mga bansa, at pahalagahan ang edukasyon. |
|
Ngayon, may malaking bahagi ang Estados Unidos sa pagkakataong ito -- upang panatilihing globalisado ang sistema ng edukasyon, upang panatilihing bukas ang sistema ng edukasyon para sa lahat -- dahil ang sistema ng edukasyon ay isang kandilang nagbibigay-liwanag sa ibang mag-aaral upang masindihan ang sariling kandila. |
|
Alalahanin natin ang sabi ni Jefferson. |
|
Sabi ni Jefferson, "Kapag sila'y lumapit at nakisindi ng kandila, nakatatanggap sila ng liwanag, at tayo'y hindi magdidilim." |
|
Ngunit may mali sa sinabi ni Jefferson, di ba? |
|
Sa katunayan, kapag nakisindi sila ng kandila, dodoble ang ilaw na papakinabangan ng lahat. |
|
Kaya't ang aking pananaw ay positibo. |
|
Palaganapin ang mga ideya. Ibahagi ang liwanag. |
|
Salamat. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Forrest North: Nagsisimula ang pagtutulungan sa isang usapan. |
|
At nais kong ibahagi sa inyo ang iilan sa aming usapan na aming nasimulan. |
|
Lumaki ako sa isang log cabin sa estado ng Washington na may maraming oras na walang magawa. |
|
Yves Behar: At sa mala-postcard na Switzerland naman ako. |
|
FN: Hilig ko na talaga noon pa ang mga sasakyang alternatibo. |
|
Ito ay isang yateng panglupa na gamit pangkarera sa magkabilang dulo ng disyerto sa Nevada. |
|
YB: Magkasamang windsurfing at skiing ang imbensyong ito. |
|
FN: At mahilig din ako sa mga mapanganib na imbensyon. |
|
Ito ay isang 100,000-volt na Tesla coil na ginawa ko sa aking kwarto, kahit tutol ang nanay ko. |
|
YB: Sa pagtutol naman ng aking ina, ito ay mapanganib na pananamit. |
|
(Tawanan) FN: At pinagsama-sama ko ito lahat, itong pagkahilig sa alternatibong enerhiya. At nagmaneho ng solar car sa magkabilang dulo ng Australia. Pati na sa U.S. at Japan. |
|
YB: Kaya, enerhiya mula sa hangin, sa araw, marami kaming napag-uusapan. |
|
Marami kaming gustong gawin. |
|
Kaya nagpasya kaming magsama para sa isang espesyal na proyekto. |
|
Upang pagsamahin ang inhinyeriya at disenyo at... |
|
FN: gumawa ng iisang produktong ganap, isang napakagandang bagay. |
|
YB: At gumawa kami ng "baby". |
|
(Tawanan) FN: Maari na bang ilabas ang aming "baby"? |
|
(Palakpakan) Ganap na de-kuryente ang "baby" na ito. |
|
Aabot ito hanggang 150 milya bawat oras. |
|
Doble ang mararating nito kung ikukumpara sa ibang de-kuryenteng motorsiklo. |
|
Ang talagang nakakasabik sa mga motorsiklo ay ang magandang pagkakabuklod ng inhinyeriya at disenyo. |
|
Nagbibigay ito ng karanasang kagulat-gulat sa sinumang nakasakay. |
|
Masaya akong nakatrabaho si Yves Behar. |
|
Siya ang nakapag-isip ng aming pangalan at logo. |
|
Kami ang Mission Motors. At meron lang kaming tatlong minuto. Ngunit maari pa kaming magsalita dito ng ilang oras pa kung nanaisin niyo. |
|
YB: Salamat. |
|
FN: Salamat sa TED. At salamat Chris, sa inyong paanyaya. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Pag-usapan natin ang tungkol sa kahibangan. |
|
Simulan natin sa pagkahibang sa Beatles. |
|
Mga nagwawalang kabataan, umiiyak, sumisigaw, malaking kaguluhan. |
|
Pagkahilig sa palakasan. Nakakabinging hiyawan. Iisa ang sinisigaw. |
|
Ipasok ang bola sa net. |
|
Eto, pagkahibang sa relihiyon. Matinding kagalakan. Nag-iiyakan. Mga pangitain. |
|
Minsa'y mabuti ang kahibangan. |
|
Minsa'y nakakabahala. |
|
O di kaya'y nakamamatay. |
|
May bagong kinahihibangan ang mundo. |
|
Ang pagkawili sa pag-aaral ng wikang Ingles. |
|
Pakinggan ang mga Tsinong mag-aaral habang nagsasanay mag-Ingles sa paraang pasigaw. Guro: ... babago sa aking buhay! |
|
Estudyante: Ako ang babago sa aking buhay! |
|
G: Hindi mapapahiya ang aking magulang. |
|
E: Hindi mapapahiya ang aking mga magulang. |
|
G: Hindi mapapahiya ang aking bansa. |
|
E: Hindi mapapahiya ang aking bansa. |
|
G: Higit sa lahat ... E: Higit sa lahat ... |
|
G: Hindi ko ipapahiya ang sarili ko. |
|
E: Hindi ko ipapahiya ang sarili ko. |
|
Jay Walker: Gaano na ba karami sa buong mundo ang nais matutong mag-Ingles? |
|
Dalawang bilyon. |
|
Estudyante: T-shirt. Damit. |
|
JW: Sa Timog Amerika, sa Indiya, sa Timog-Silangang Asya, at malaking bahagi ng Tsina. |
|
Kung ikaw ay isang estudyanteng Tsino sa ikatlong baitang nagsisimula ang pag-aaral ng Ingles, sang-ayon sa batas. |
|
Kaya't ngayong taon ang Tsina ang magiging pangatlo sa pinakamalaking bansang gumagamit ng Ingles. |
|
(Tawanan) Bakit Ingles? Sa madaling salita: Oportunidad. |
|
Oportunidad tungo sa magandang buhay at hanap-buhay, upang makapasok sa magandang paaralan, at pagkain sa hapag-kainan. |
|
Ang mag-aaral na'to ay kukuha ng pagsusulit sa loob ng 3 araw. |
|
Ang markang makukuha niya sa pagsusulit na'to ang magdidikta sa kanyang hinaharap. |
|
Nag-aaral siya ng 12 oras kada araw sa loob ng 3 taon upang makapaghanda. |
|
25 bahagdan ng kanyang marka ay nasa Ingles. |
|
Ito ang Gaokao. At 80 milyong mag-aaral sa hayskul sa Tsina ang dumaan na sa matinding pagsusulit na ito. |
|
Ang sidhi upang matutong mag-Ingles ay hindi kapanipaniwala. Dapat makita ito ng dalawang mata mo. |
|
Guro: Mahusay! Estudyante: Mahusay! |
|
G: Mahusay! E: Mahusay! |
|
G: Gusto kong husayan ang pag-iingles. |
|
E: Gusto kong husayan ang pag-iingles. |
|
G: Gusto kong husayan -- E: Gusto kong husayan -- |
|
G: ang pag-iingles. E: ang pag-iingles. |
|
G: Gusto kong mabago ang aking buhay! |
|
E: Gusto kong mabago ang aking buhay! |
|
JW: Kaya, maganda ba ang pagkahibang sa wikang Ingles? |
|
Naging tsunami na nga ba ang Ingles, na binubura ang ibang wika? |
|
Hindi siguro. Ang Ingles ay ang pangalawang wika ng mundo. |
|
Ang katutubong wika ang iyong pagkatao. |
|
Ngunit gamit ang Ingles, nagiging bahagi ka sa mas malawak na usapan. Isang pandaidigang usapan tungkol sa mga pandaigdigang suliranin. Gaya ng climate change o karukhaan. O pagkagutom o karamdaman. |
|
Maraming universal language ang mundo. |
|
Ang matematika ang lengwahe ng agham. |
|
Musika ang lengwahe ng damdamin. |
|
At ngayon ang wikang Ingles ang lengwahe ng pagtukoy ng mga suliranin. |
|
Hindi dahil ito ang gusto ng Amerika. Kundi dahil ito ang gamit ng mundo. |
|
Kaya ang pagkahibang sa wikang Ingles ay turning point. |
|
Tulad ng paglaganap ng elektrisidad sa ating mga lungsod, o ang pagtibag sa Berlin Wall, dala ng wikang Ingles ang pag-asa sa mas magandang bukas. Isang bukas na may iisang lengwahe upang isaayos ang mga suliranin ng kasalukuyan. |
|
Maraming salamat. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Ngayon, kung inimbita ako ni Pangulong Obama na maging Emperador ng Matematika, meron akong payo para sa kanya na sa tingin ko na magpapahusay nang husto sa edukasyon ng matematika sa bansang ito. |
|
At madali lang ito iisagawa at mura pa. |
|
Ang kurikulum ng matematika natin ngayon ay may batayan sa arithmetic at algebra. |
|
At lahat ng mga natutunan natin matapos nun ay patungo sa isang paksa. |
|
At ang nasa tuktok ng piramide ay ang calculus. |
|
At naririto ako para sabihin na yun ang maling tuktok ng piramide ... |
|
na ang tamang tuktok – na nararapat alamin ng ating mga mag-aaral, na nararapat alamin ng bawat high school graduate – ay ang estatistika: ang probabilidad at ang estatistika. |
|
(Palakpakan) Oo alam ko ngang mahalaga ang calculus. |
|
Isa ito sa pinakamagaling na produkto ng utak ng tao. |
|
Nakasulat ang mga batas ng kalikasan sa wika ng calculus. |
|
At lahat ng estudyante na nag-aaral ng matematika, agham, pag-iinhinyero, ekonomika, ay nangangailangan talagang pag-aralan ang calculus pagsapit ng katapusan ng primer anyo ng kolehiyo. |
|
Pero naririto ako para sabihin na, bilang isang propesor ng matematika, konting-konti lang ang mga tao na gumagamit ng calculus sa sadya at makabuluhang pamamaraan, sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan. |
|
Sa isang banda, ang estatistika – isang paksa na maaari, at nararapat, gamitin araw-araw. |
|
Diba? Ito'y panganib. Ito'y gantimpala. |
|
Ito'y sapalaran. Ito'y pag-uunawa ng data. |
|
Sa tingin ko na kung alam ng ating mga mag-aaral – kung alam ng lahat ng mga Amerikano ang probabilidad at estatistika, hindi siguro magulo ang ekonomiya natin ngayon. Hindi lang – salamat – hindi lang yun ... |
|
[ngunit] kung tama ang pagturo nito, maaaring maging masaya ito. |
|
Ibig sabihin, ang probabilidad at ang estatistika, ay ang matematika ng laro at pagsusugal. |
|
Pagsusuri ito ng mga trend. Panghuhula ng kinabukasan. |
|
Alam nyo, lumipat na ang mundo sa digital mula sa analog. |
|
At panahon na para baguhin ang kurikulum ng matematika natin patungong digital mula sa analog. Mula sa mas klasiko na 'continuous mathematics', patungo sa mas makabago na 'discrete mathematics.' Ang matematika ng walang kasiguraduhan, ng ala-suwerte (randomness), ng data – at yun ang probabilidad at estatistika. |
|
Sa kabuuan, imbis na pag-aralan ng ating mga estudyante ang mga paraan ng calculus, sa tingin ko mas magiging mahalaga kung alam nilang lahat kung ano ang ibig sabihin ng dalawang standard deviations mula sa mean. |
|
Maraming salamat po. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Madalas ay dalawang oras ang haba ng presentasyon na ito pag ibinigay ko sa mga mag-aaral ng high school pinaikli ko ito sa tatlong minuto lang. Nagsimula ang lahat habang ako'y nasa eroplano papuntang TED |
|
pitong taon na ang nakalilipas. At nakaupo sa tabi ko |
|
ay isang mag-aaral ng high school, isang teenager at mula siya sa isang talagang mahirap na pamilya. |
|
Nais niyang maging makabuluhan ang buhay niya, kaya't tinanong niya ako. Sabi niya, "Ano ang kailangan ko gawin para magtagumpay sa buhay? |
|
At sumama ang loob ko, |
|
dahil wala akong mahusay na sagot na maibibigay sa kanya. |
|
Kaya sa pagbaba ko mula sa eroplano, at pagpunta ko sa TED, |
|
naisip ko, onga pala, ako'y napaliligiran ng mga taong nagtagumpay na sa buhay! |
|
Bakit hindi ko kaya sila tanungin kung ano ang nakatulong sa kanilang pagtagumpay, at ituro ito sa kabataan? |
|
So narito tayo, pagkatapos ng pitong taon at limang daan na interview, at sasabihin ko sa inyo kung ano ang patungo sa tagumpay at kung ano ang nagpapatakbo sa mga TED-sters. |
|
Ang pinakauna ay ang pusok ng damdamin. |
|
Sabi ni Freeman Thomas, "Pinatatakbo ako ng pusok ng aking damdamin." |
|
Nagpapatuloy ang mga TED-sters sa ginagawa nila dahil sa pagmamahal, hindi dahil sa pera. |
|
Sabi ni Carol Coletta, "Handa akong bayaran ang taong kaya ang trabaho ko." |
|
At ang pinakanakatatawag pansin ay, kung ginawa mo ang isang bagay dahil mahal mo ito, darating din ang pera. |
|
Sipag! Sabi ni Rupert Murdoch sa akin, "Puro sipag ang kailangan." |
|
Walang madali. Pero nasisiyahan ako. |
|
Sinabi niya bang nasisiyahan? Rupert? |
|
Oo! Nasisiyahan ang mga TED-sters sa trabaho nila. At masipag sila. |
|
Naisip ko, hindi sila lulong sa pagtrabaho, pinaghahalo nila ang trabaho at laro |
|
Okey! "Kung gusto mong magtagumpay, pag-igihan mo ang pansin sa isang bagay |
|
at sobrang galingan mo." Walang magik, puro ensayo, ensayo, ensayo. |
|
At mahalaga rin ang pokus. |
|
Sabi ni Norman Jewison sa akin, "Kailangangang i-pokus mo ang sarili mo sa isang bagay." |
|
At magsumikap! Sabi ni David Gallo, "Magsumikap ka |
|
sa pisikal at mental na aspeto, kailangangang magsumikap, magsumikap, magsumikap." |
|
Kailangan lamapasan mo ang pagkamahiyain at pagduda sa sarili. |
|
Sabi ni Goldie Hawn. "Lagi akong may pag-aalinlangan. |
|
Hindi sapat ang galing ko, hindi sapat ang talino ko. |
|
Hindi ko inakalang kakayanin ko." |
|
Hindi laging madaling magsumikap, kaya naimbento ang mga nanay. |
|
(Tawanan) Frank Gehry – Sabi ni Frank Gehry sa akin, "Tinulak ako ng nanay ko." |
|
Magsilbi! Sabi ni Sherwin Nulang, "Isang pribilehiyo ang magsilbi bilang duktor." |
|
Ngayon, marami sa kabataan ang nagsasabi sa akin na nais nila maging milyonaryo. |
|
At ang unang sinasabi ko sa kanila ay, OK, hindi mo maaring pagsilbihan ang sarili mo, kailangan may halaga kang maibahagi sa iba. |
|
Sa ganoong paraan yumayaman ang tao." |
|
Mga ideya. Sabi ni TED-ster Bill Gates, "Nagkaroon ako ng ideya – |
|
ang pagtatag ng unang kumpanya ng micro-computer software.' |
|
Masasabi kong maganda ang ideya niya. |
|
at walang magik sa pagiging malikhain sa pag-iisip ng mga ideya, nasa paggawa ito ng mga simpleng bagay-bagay. |
|
At marami akong binibigay na katibayan. |
|
Magtiyaga. Sabi ni Joe Kraus, |
|
Ang pagtitiyaga ang unang dahilan ng aming tagumpay." |
|
Kailangan kang magtiyaga kahit na mabigo. Kailangan magtiyaga para malampasan ang hirap! |
|
Ibig sabihin "Pagpuna, Pagtanggi, mga Gago at Pighati." |
|
(Tawanan) Kaya, simple lang ang sagot sa tanong na ito: Magbayad ng apat na libong dolyar at pumunta sa TED. |
|
O, kung hindi maaari, gawin ang walong bagay – at maniwala ka, ito ang walong malaking mga bagay na tutungo sa tagumpay. |
|
Maraming salamat mga TED-sters para sa lahat ng inyong interview! |
|
|
|
Noong 2008, sinalanta ng Bagyong Nargis ang Myanmar. |
|
Milyung-milyong tao ang nangailangan ng tulong. |
|
Gusto sana ng U.N. na mapabilis ang pagdating ng mga tao at gamit na tutulong sa lugar. |
|
Subalit walang mga mapang magagamit, walang mapa ng mga kalye't daan, walang mapa ng mga ospital, at walang paraan upang maihatid ang tulong sa mga nasalanta. |
|
Kung titingnan natin ang mapa ng Los Angeles o London mahirap paniwalaan na noong 2005, 15 porsyento lamang ng buong mundo ang naiguhit at naidetalye na sa mapa. |
|
Napatunayan ng U.N. ang problemang ito na kinakaharap ng higit na nakakarami ng sangkatauhan: ang kawalan ng mga detalyadong mapa. |
|
May tulong na paparating. |
|
Sa Google, may 40 boluntaryo na ang gumamit ng makabagong software upang maiguhit ang 120,000 kilometro ng kalsada, 3,000 ospital, at mga relief centers. |
|
Inabot lang sila ng 4 na araw. |
|
Ang ginamit nilang bagong software? |
|
Google Mapmaker. Ang Google Mapmaker ay teknolohiyang nagbibigay kakayahan sa bawat isa sa atin na iguhit sa mapa ang lokal na kaalaman. |
|
Ginagamit ng mga tao ang software na ito upang matukoy sa mapa ang mga kalsada at ilog, mga paaralan at lokal na kalakal, mga video store at tindahan sa may kanto. |
|
Mahalaga ang mga mapa. |
|
Kinilala ni Hernando De Soto, nominado sa Nobel Prize, na susi sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya ng mahihirap na bansa ang pagpapalago ng mga di-napapakinabangang lupain. |
|
Halimbawa, isang trilyong dolyar na halaga ng lupa ang hindi pa nagagamit sa India pa lang. |
|
Noong nakaraang taon lang, libu-libong tao sa 170 bansa ang nakapag-imbag ng milyung-milyong impormasyon, at nakabuo na ng mga detalyadong mapa na di mo aakalaing mapapakinabangan. |
|
Naging posible ito sa tulong ng pinagsamang kakayanan ng mga tao mula sa kung saan-saan. |
|
Tingnan natin ang ilan sa mga mapang binubuo ngayon ng mga gumagamit ng teknolohiya. |
|
Habang tayo'y nag-uusap ngayon, maraming tao ang gumuguhit ng mga mapa mula sa 170 na bansa. |
|
Makikita natin si Bridget sa Africa na nakapagguhit ng kalsada sa Senegal. |
|
Dito sa'tin, si Chalua naman, ang Kalye N.G. |
|
sa Bangalore. Ito ang bunga ng computational geometry, gesture recognition, at machine learning. |
|
Tagumpay ito ng libu-libong gumagamit ng teknolohiya, sa daan-daang lungsod, isang tao bawat isang edit. |
|
Ito ay paanyaya sa 70 porsiyento ng ating planeta na hindi pa naiguguhit. |
|
Maligayang pagdating sa makabagong mundo. |
|
(Palakpakan) |
|
|
|
Isipin niyo na kayo ay nakatayo sa isang kalye saan man sa Amerika at isang Hapon ang lumapit sa iyo at nagtanong, "Mawalang galang na po, ano po ba ang pangalan ng block na ito?" |
|
At sinabi mo, "Paumanhin po. Ito ay Oak Street, at iyan ay Elm Street. |
|
Dito naman ay 26th, iyan ay 27th." |
|
Sabi niya, "Ah, okay. Ano ang pangalan ng block na iyan?" |
|
Sagot mo, "Wala pong pangalan ang mga blocks." |
|
Ang mga kalye meron; ang mga block ay mga espasyo lamang na walang pangalan sa pagitan ng mga kalye." |
|
Umalis siyang nalilito at dismayado. |
|
Ngayon, isipin mo na ikaw ay nakatayo sa isang kalye, saan man sa Japan, lumingon ka sa taong katabi mo at nagtanong, "Paumanhin po, ano po ba ang pangalan ng kalyeng ito?" |
|
Sabi nila, "Oh, iyan ay block 17 at dito ay block 16." |
|
At sabi mo, "Okay, pero ano ang pangalan ng kalyeng ito?" |
|
Tapos sagot nila, "Walang pangalan ang mga kalye. |
|
Ang mga blocks meron. |
|
Tingnan mo sa Google Maps dito. Merong block 14, 15, 16, 17, 18, 19. |
|
Merong pangalan ang lahat ng mga block. Ang mga kalye ay mga espasyong walang pangalan sa pagitan ng mga blocks. |
|
At sinabi mo, "Okay, so paano mo malaman ang address ng iyong tirahan?" |
|
Sabi niya, "Madali lang, dito ay District Eight. |
|
Nandyan ang block 17,Unang tirahan." |
|
Sinabi mo, "Okay, Pero sa paglalakad ko sa paligid, Napansin ko na hindi sunod-sunod ang mga numero ng bahay." |
|
Sabi niya, "Syempre. Binibigay ang numero ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagpapatayo ng gusali. |
|
Ang pinaka-unang bahay na ginawa sa isang block ang may unang bilang. |
|
Ang pangalawang bahay na ginawa ay may pangalawang bilang. |
|
Ang pangatlo ay pangatlong bilang. Madali lang. |
|
Halata nga e." Kaya, nakakatuwa na minsa'y kailangan nating pumunta sa kabilang panig ng mundo upang matanto ang mga pagpapalagay na hindi natin inaakala, at malaman natin na ang kabaligtaran nila ay maari din maging tama. |
|
Kaya, halimbawa, may mga manggagamot sa Tsina na naniniwalang ang trabaho nila ay panatilihing malusog ang inyong pangangatawan. |
|
Kaya, sa bawat buwan na kayo ay malusog, binabayaran niyo sila, at kung ikaw man ay magsakit, hindi mo kailangan magbayad dahil sila ay nabigo sa kanilang trabaho. Yumayaman sila kapag ika'y malusog, hindi kung ika'y may-sakit. |
|
(Palakpakan) Sa mga musika, iniisip na ang "isa" ay para sa downbeat, at ang simula ng musical phrase. |
|
Isa, dalawa tatlo apat. Ngunit sa musika ng Kanlurang Africa, ang "isa" ay ang dulo ng bawat taludtod, kagaya ng tuldok sa katapusan ng isang pangungusap. |
|
Kaya, napapakinggan niyo ito hindi lamang sa bawat taludtod, ngunit pati din sa paraan kung paano nila binibilang ang kanilang musika. Dalawa, tatlo, apat, isa. |
|
At ang mapang ito ay wastong-wasto. |
|
(Tawanan) May kasabihan na anumang totoong bagay ang sabihin mo tungkol sa India, ang kabaligtaran nito ay totoo rin. |
|
Kaya, huwag nating kalimutan, sa TED man o kahit saan pa, na anumang magandang ideyang naisip o narinig mo, ang kabaligtaran nito ay maaring tama rin. |
|
Domo arigato gozaimashita. |
|
|
|
Ngayon, nais kong magsimula sa isang tanong: Kailan kayo huling tinawag na "isip bata"? |
|
Sa mga batang tulad ko ang matawag na "isip-bata" ay madalas mangyari. |
|
Tuwing may hihingin kaming mala-imposible, magpakita ng iresponsableng pagkilos, o magpakita ng ano pa mang taliwas sa pagiging normal na mamamayang Amerikano, kami ay binabansagang "isip bata", |
|
na talagang nakakabahala. |
|
Kung titignan nating ang mga kaganapang ito: imperyalismo at kolonyalismo, mga digmaang pandaigdig, si George W. Bush. |
|
Tanungin nyo nga: Sino ang may kagagawaan? |
|
Mga matatanda. Ngayon, ano naman ang nagawa ng mga bata? |
|
Hinimok ni Anne Frank ang milyung-milyon sa pagsasalaysay tungkol sa Holocaust, |
|
si Ruby Bridges, na winakasan ang segregation (pagbubukod-bukod) sa Estados Unidos, |
|
at kamakailan lang, si Charlie Simpson na nakatulong makaipon ng 120,000 pounds para sa Haiti gamit ang kanyang mumunting bisikleta. |
|
Sa mga halimbawang ito, makikita nating walang kinalaman ang edad. |
|
Ang pinahihiwatig ng salitang "isip bata" ay napakadalas ring makita sa mga matatanda kung kaya't dapat itigil na ang paggamit ng salitang ito kung ito'y patungkol sa pag-aasal na iresponsable at pag-iisip na walang katuturan. (Palakpakan) |
|
Salamat. |
|
Sino nga ba ang magsasabi na hindi natin kailangan ng ganitong uri ng pag-iisip? |
|
Dati ba'y nagkaroon kayo ng dakilang plano, ngunit napatigil at napaisip: ito'y imposible o hindi kaya'y sobrang gastos o hindi ito kapakipakinabang sa akin. |
|
Kaming mga bata ay hindi kasing dali sumuko sa mga imposibleng bagay. |
|
Punung-puno ang mga bata ng masisiglang hangad at pag-asa, gaya ng nais ko na walang magugutom o lahat ng bagay ay libre na parang utopia. |
|
Ilan sa inyo ang nananaginip ng ganun at naniniwala na posible iyon? |
|
Minsan ang ating natutunan sa kasaysaysan at mga kabiguan sa mga ideolohiyang utopian ay nagiging pabigat dahil kung gagawing libre ang lahat ng bagay, mauubos ang lahat ng pagkain, maghihikahos at magkakagulo. |
|
Sa kabilang banda, kami'y nangangarap pa rin ng mundong perpekto. |
|
At iyon ay mabuti dahil upang makamit natin ang isang bagay, pinapangarap muna natin ito. |
|
Ang mapangahas na kaisipan ang nagpapalawak ng mga posibilidad. |
|
Halimbawa, sa Museum of Glass sa Tacoma, Washington, ang aking home state -- yoohoo Washington -- |
|
(Palakpakan) may proyektong Kids Design Glass, kung saan iginuguhit ng mga bata sa salamin ang mga ideya. |
|
Nabanggit ng resident artist ng museo na ang ilan sa pinakamahusay na ideya ay mula sa proyekto dahil walang limitasyon ang imahenasyon ng mga bata kahit gaano kahirap man i-blow glass ang mga hugis na ito. Pawang magagandang ideya lamang. |
|
Kapag nag-isip ka ng babasaging kristal, maaaring makukulay na disenyong Chihuly ang maisip mo o di kaya'y mga plorerang Italyano, ngunit hinahamon ng mga bata ang mga glass artists na bumuo ng mga disenyong ahas na nabigo sa pag-ibig at bacon boys, na may kapangyarihang meat vision. |
|
(Halakhakan) Ang angking talino namin ay hindi naman monopolyo ng kabataan. |
|
Natututo ang mga bata mula sa mga matatanda, at marami din kaming maibabahagi. |
|
Palagay ko marapat simulan ng mga matatanda na makinig sa mga bata. |
|
Madalas akong naiimbitahang magsalita sa harap ng mga guro at mag-aaral, at lagi kong ginagamit ang ganitong paghahambing: Hindi lamang guro sa harap ng silid-aralan ang may karapatang magsabi na gawin ito o gawin yan. |
|
Marapat na turuan din ng mga estudyante ang mga guro. |
|
Ang kaalaman ng mga matatanda at bata ay dapat gawing palitan. |
|
Sa kasamaang-palad, hindi ganito ang nangyayari, at ito'y dahil sa pagtitiwala, o sa kakulangan nito. |
|
Kung wala kang tiwala sa isang tao, may mga limitasyon kang nilalagay. |
|
Kung pinagdududahan ko ang ate ko na mababayaran niya ang 10 porsiyentong interes na patong ko sa kanyang huling utang, hindi ko na siya pauutangin muli hangga't mabayaran niya ako. |
|
(Halakhakan) Totoo yun. |
|
Ngayon, madalas pinaghihigpitan ng mga matatanda ang mga bata mula sa mga "bawal" na mga alituntunin sa student handbook, sa paghihigpit sa paggamit ng internet sa paaralan. |
|
Patunay sa kasaysayan na nagiging malupit ang pamahalaan kapag ito'y natatakot na mawalan ng kontrol. |
|
At bagamat hindi pa umaabot ang mga matatanda sa pagiging diktadurya, wala o napakaliit ng "say" ng mga bata sa mga alituntunin, na dapat sana ay gawing palitan, at dapat matuto ang mga matatanda na makinig sa mga ninanais ng mga kabataan. |
|
Higit na nakakabahala ay ang pagmamaliit ng mga matatanda sa kakayahan ng mga kabataan. |
|
Gusto namin ang paghamon, subalit kapag maliit lang ang inaasahan sa amin, hindi rin kami makakaalpas. |
|
Hindi naging mababa ang ekspektasyon ng aking magulang sa akin at sa aking ate. |
|
Hindi nila kami sinabihan na maging mga doktor o abogado o ano pa man, bagamat laging binabasa ng aking tatay sa amin sila Aristotle at ang mga pioneer germ fighters habang ang ibang mga bata ay nakikinig ng "The Wheels on the Bus Go Round and Round." |
|
Alam din namin yun, pero sa "Pioneer Germ Fighters" pa din kami. |
|
(Halakhakan) Mula nung ako'y apat na taon gusto ko nang magsulat at nung ako'y anim na taon binili ako ng aking nanay ng isang laptop na may Microsoft Word. |
|
Maraming salamat Bill Gates at inay. |
|
Nakasulat ako ng mahigit sa 300 maiikling kuwento sa maliit kong laptop, at ang hangad ko'y malathala sila. |
|
Sa halip na hamakin itong maling paniniwala ng isang bata nagnanais na malathala, o kaya'y sabihin maghintay na tumanda, sinuportahan ako ng aking mga magulang. |
|
Maraming mga tagapaglathala ang nakakadismaya. |
|
May isang tagapaglathala ng librong pambata ang nagsabi na hindi sila nakikipagugnayan sa mga bata. |
|
Isang pambatang tagapaglathala na hindi nakikipaguugnayan sa mga bata? |
|
Ewan ko lang, may malaki-laki atang grupo ng kliyente ang pinapabayaan nila. |
|
(Halakhakan) Ngayon, may isang tagapaglathala, ang Action Publishing, na pumayag at nagtiwala sa akin, at nakinig sa aking gustong ipahiwatig. |
|
Sila ang naglathala ng una kong libro, "Flying Fingers," -- itong nakikita n'yo -- |
|
at mula roon, nakapagsalita na ako sa daan-daang paaralan, sa libu-libong guro, at, ngayon, sa inyo. |
|
Ako'y nalulugod sa inyong pakikinig ngayon, dahil ito'y nagpapakita na kayo ay tunay na nagmamalasakit, kayo ay nakikinig. |
|
Ngunit may problema sa malarosas ng larawan na ang kabataan ay mas mahusay sa mga matatanda. |
|
Ang mga bata ay lumalaki ant nagiging matanda tulad ninyo. |
|
(Halakhakan) Katulad ninyo, nga ba? |
|
Ang layunin ay hindi hubugin ang mga bata na maging tulad ninyo, kundi ang maging mas mahusay kaysa sa inyo, na medyo mahirap gawin dahil ang huhusay niyo na, |
|
ngunit ang pag-unlad ay nagaganap dahil sa bagong henerasyon at ang makabagong panahon ay sumisibol, yumayabong at nagiging mas mabuti kaysa sa dati. |
|
Ito ang dahilan kung bakit wala na tayo sa Dark Ages. |
|
Ano pa man ang estado mo sa buhay, marapat bigyang pagkakataon ang kabataan upang kami'y lumaki na sisindak sa inyo. |
|
(Halakhakan) Mga matatanda at kapwa TEDsters, kailangan niyong makinig at matuto sa mga bata at magtiwala at umasa sa amin. |
|
Bigyan ninyo kami ng atensyon ngayon, dahil kami ang magiging pinuno ng kinabukasan, at kami ang mag-aalaga sa inyo kapag kayo'y matanda na at uugod-ugod. |
|
Hindi, biro lang. |
|
Sa totoo lang, kami ang susunod na henerasyon, ang henerasyon na magpapaunlad sa mundong ito. |
|
At kung sa palagay ninyo'y wala itong kahulugan sa inyo, tandaan ninyo na posible na ang "cloning", at ito'y mangangahulugan na dadaan muli kayo sa pagkabata, at nanaisin n'yo ring mapakinggan katulad ng aming henerasyon. |
|
Ngayon, kailangan ng mundo ng mga pagkakataon para sa mga bagong lider at bagong ideya. |
|
Mga pagkakataong mamuno at magtagumpay ang kabataan. |
|
Nakahanda ba kayong tumulong? |
|
Dahil ang mga problema ng mundo ngayon ay hindi dapat maging pamana ng sangkatauhan. |
|
Salamat. |
|
(Palakpakan) Salamat. Salamat. |
|
|
|
Inaanyayahan ko kayong lumahok at mag-isip ng pinakaninanais mo sa buhay. |
|
Kahit saglit lang. 'Yong totoo at tunay mong nais, para mas lalo mong maintindihan ito. |
|
Isipin natin ng mabuti ang bagay na 'yon, okey? |
|
Isiping nagdesisyon ka ngayon mismo na gagawin mo ito. |
|
Isiping sinasabi mo ito sa taong nakilala mo lang ngayon. |
|
Ngayon, isipin mo na binabati ka niya at ang magandang pagtingin niya dahil dito. |
|
Hindi nga ba't masarap sa pakiramdam? |
|
Malapit mo nang matupad ang mga layunin mo, tama?, na para bang inaangkin mo na iyon? |
|
Masamang balita: hindi mo na dapat binukas ang bibig mo, at dahil sa magandang pakiramdam mo, mas malamang na hindi mo na magagawa ang bagay na iyon. |
|
Ayon sa mga pananaliksik sa sikolohiya, mas malabong mangyari ang mga bagay na nais mo kapag ikinuwento mo sa ibang tao. |
|
Sa bawat layunin mo, may ilang mga hakbang na kailangang gawin, ilang bagay na kailangang gawin upang makamit ito. |
|
Hindi ka dapat nasisiyahan hangga't hindi mo pa ito natatapos. |
|
Ngunit kapag sinabi mo sa ibang tao ang mga nais mo, at sumang-ayon sila sa 'yo, ito ang tinatawag ng mga sikologo na "social reality". |
|
Nalilinlang ang utak natin na waring nakamit na natin ang bagay na 'yon. |
|
Dahil d'yan, gumaganda ang pakiramdam natin, nababawasan ang pagkagusto natin na pagtrabahuan ito lalo na kung mahirap ang trabaho. |
|
(Tawanan) Taliwas ito sa nakaugalian natin na dapat kinukwento natin sa ating mga kaibigan, tama? |
|
-- na para bang nakatali tayo doon. |
|
Tingnan natin ang ilang patunay. |
|
1926, Kurt Lewin, ang nagtatag ng panlipunang sikolohiya, tinawag niya itong "substitution." |
|
1933, sabi ni Vera Mahler, aakalain ng utak natin na tunay ang isang bagay kung sumasang-ayon ang ibang tao. |
|
1982, nakapagsulat ng libro si Peter Gollwitzer tungkol dito, at noong 2009, nailathala ang mga bagong pananaliksik niya. |
|
Ganito 'yon: may 163 katao sa apat na magkahiwalay na pangkat -- |
|
lahat ay nagsulat ng kanilang personal na layunin. |
|
Ang kalahati sa kanila, ibinalita sa lahat ang kanilang sinulat, samantalang tahimik lang ang natitirang kalahati. |
|
Binigyan silang lahat ng 45 minuto upang trabahuin at matupad ang sinulat nila sa papel, at malaya silang tumigil sa trabaho ng anumang oras. |
|
'Yong mga taong hindi inanunsyo ang kanilang sinulat nagtrabaho sila ng humigit-kumulang 45 minuto, at nang tinanong sila, pakiramdam nila, malayo pa raw bago nila makamit ang kanilang layunin. |
|
'Yung mga nagsalita naman tumigil sila matapos lang ang 33 minuto, at nang tinanong, pakiramdam nila, malapit na nilang matupad ang layunin. |
|
Kaya, kung totoo nga ito, ano ang pwede nating gawin? |
|
Maaari nating labanan ang tukso na ikuwento ang mga nais natin. |
|
Maaari nating ipagpaliban muna ang kasiyahang dulot ng pagsang-ayon ng iba. Unawain nating nagkakamali din ang utak sa pag-aakalang tapos na ang trabaho. |
|
Kung gusto talaga natin ikuwento ang isang bagay, maaring nating gawin ito na walang halong yabang, gaya ng, "gusto ko talagang sumali sa marathon, kaya kailangan kong mag-ensayo ng limang beses sa isang linggo, at kung hindi ko gagawin 'yon, sipain mo ako, okay?" |
|
Kaya sa susunod na naisip mong ikuwento ang iyong mga nais sa buhay, ano ang sasabihin mo? |
|
(Katahimikan) Mismo. |
|
Mahusay. (Palakpakan) |
|
|
|
|