text
stringlengths
0
13.1k
Dahil sa desisyon na ipagpaliban ang pag-apruba sa HB 4077, ilang dismayadong magsasaka na nakaupo sa gallery ng session hall ang nagtangkang pumasok sa mismong plenaryo kung saan ang mga kongresista lamang ang pinapayagan.
Mayroon ding ilan ang naglabas ng karatula na nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya. Kaagad naman silang napigilan ng security personnel at pinalabas ng session hall.
"Ngayon kitang kita na panalo bakit kailangan ipagpaliban. Ibig sabihin nito, nagbababuyan dito," ayon sa isang magsasaka sa panayam ng dzBB radio.
Kaagad na isinara ng pulisya ang gate ng Batasan complex nang sindihan ng iba pang magsasaka na nag-aantay sa labas ang kanilang mga hawak na sulo.
Una rito, ipinangako ni Nograles na sisikapin ng kanyang liderato na aprubahan ang panukala bago magbakasyon ang Kongreso sa linggong ito. - GMANews.TV
= Pro-Meralco ad ni 'Juday' tatapatan ng GSIS =
MANILA - Tiniyak ng pinuno ng Government Service Insurance System (GSIS) na tatapatan nito ang pro-Meralco advertisement ni Judy Ann Santos upang isulong ang kanyang posisyon na dapat ibaba ang singil sa kuryente.
Ngunit sa halip na kumuha ng sikat na personalidad para ipantapat kay Santos, ordinaryong tao umano ang kukunin ng GSIS, ayon sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
"Wala kaming gagamitin na superstar, mga ordinaryong tao lang siguro," ayon kay GSIS general manager Winston Garcia, kasapi ng board sa Manila Electric Company (Meralco) na pinamumunuan ng mga Lopez.
Nais ni Garcia na mawala sa kontrol ng mga Lopez ang Meralco na inakusahan niyang hindi pinapatakbo ng maayos ang kumpanya na dahilan ng mataas na singil sa kuryente.
Sinabi ni Garcia na nababahala ang pamilya Lopez kaya kumuha ito ng sikat na artista, "to divert the real issue on high electricity rate."
Sa infomercial ad ni Santos, inihalintulad nito ang system loss charge sa natutunaw na yelo.
Ang anunsyo ay binayaran ng First Philippine Holdings Corp., isang kumpanya na pag-aaari rin ng mga Lopez.
Iginiit din ni Garcia na bumibili ang Meralco ng kuryente sa power generation firm na pag-aaari rin ng mga Lopez na dahilan ng mataas na singil sa kuryente.
"It is only the electric distribution company that sources its power most of its power from Lopez-owned plants. That is the reason we're paying the high cost of electricity," pag-akusa niya.
Samantala, nagpatawag naman ng press conference ang isang grupo na kontra sa krimen at katiwalian nitong Martes upang batikusin si Santos na tinawag nilang "Miss System Loss."
Pinunit ng mga kasapi ng grupo ang larawan ng aktres dahil sa pagiging "anti-poor" umano nito dahil sa pagtatanggol sa Meralco.
"Parang sinasabi nya sa ating mga kababayan na pagpasensyahan na ninyo dahil parang yelo yan na matutunaw naman at kalimutan na lang," pahayag ni Dante Jimenez, pinuno ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
Ipinatanggol naman si Santos ng kapwa artista na si Tessie Tomas.
"Walang personalan kay Juday (Santos) Meralco ang balikan ninyo hindi si Juday." Ayon kay Tomas.
Idinagdag naman ng kapatid ni Santos na si Jeffrey na, "She just explained kung ano ang nakalagay sa bill which is already existing, she never said she was for it."
Tumanggi ang First Holding na magbigay ng komento sa atake ng VACC tungkol kay Santos ngunit sa dati nilang pahayag ay sinabi ng kumpanya na naniniwala ang aktres mensahe na nais nilang ipaabot sa publiko. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
= 3 naangol sa pag-ulbo sa LPG sa barangay Pardo =
CEBU CITY, Philippines - Tulo ang naangol, usa kanila magtutudlo, human mi-ulbo ang tangke sa liquified petroleum gas (LPG) sa barangay Pardo, udto ning Martes.
Sa pag-ulbo sa LPG, tulo usab ka mga apartment unit ug water refilling station nangaguba.
Nagpasad nalang ang nagusbat nga mga kagamitan sa panimay og nalangkat ang dapat sa mga apartment human ang insidente sud sa gi-abangang apartment sa banayng Germany.
Igo nalang giluwas ni Ginang Carlota Germany ang iyang lima ka mga anak ug apo dihang natimahoan niyang mi-alisngaw ang baho sa LPG pasado alas onse buntag sa Martes.
Niadtong Lunes pa lang napalit ni Gng. Carlota ang maong tanke sa LPG.
Daan na niyang gireklamo sa salesman nga luag ang pagkataud sa regulator niini.
Tulo ang nasamdan ug nangapaso nga gidali pagdala sa Cebu City Medical Center.
Usa sa na-angol mao si Alvin Crescencio, magtutudlo sa Pardo Elementary School, nga miuli aron unta maniudto.
Laing na-angol mao sila si Carlo Reston ug usa ka katabang.
Samtang naglaraw si Teddy Cardenas nga mosang-at og reklamo batok sa salesman sa LPG.
Lakip ang iyang panimay ug refilling station sa na apektuhan sa pag ulbo sa LPG. - Balitang Bisdak
= Pag-abli sa klase sa Davao City malinawon - PNP =
DAVAO CITY, Philippines - Malinawon ang pag-abli sa klase sa dakbayan sa Davao karong tuiga, matud sa mga sakop sa Philippine National Police (PNP).
Mokabat 300 ngadto sa 400 ka mga police personnel gipakatag sa tibook dakbayan aron magbantay sa seguridad sa palibot sa mga eskwelahan ug uban pang mga dapit diin magtapok ang mga estudyante.
Matud sa mga opisyal sa mga pulis, gipakusgan ang ilang police visibility ug gani aduna usay mga bicycle patrol aron mag-monitor sa palibot.
Alerto kuno ang matag police station sa ilang mga area of responsibility ug gani duha ka mga police ang gina-deploy sa matag eskwelahan.
Sa kinatibuk-an, malinawon matud pa ang pag-abli sa klase sa siyudad. - Testigo
= Demolition sang classrooms indi ginpatuman =
ILOILO CITY, Philippines - Indi ginpatuman ang demolition sang mga classroom sa Jaro II Elementary School matapos ginmado sang korte ang ini nga aksyon.
Hunyo 16 ang gintalana nga adlaw agud bakbakon ang 27 ka mga kwarto nga sakop sang eskuwelahan, ini angot sa ginpapanaog nga Writ of Execution ni Judge Rene Hortillo sang RTC 31 nga nagamando sa paghalin sang mga estudyante kag manunudlo sa kapin 5000 square meters nga sakop sg duta sang pamilya Hinolan.
Apang sa karon sila ang makaguluginhawa na tungod mangin malayo pa ang posible nga pag-demolish sa bahin sang ila eskwelahan nga ginatindugan sang guidance office, sang stage kag mga classroom sa Grade-2 kag Grade-3 pupils.
Isa ka sulat naman humalin sa opisina sang solicitor general ang nagapanugyan sa indi dapat ipatuman ang nasambit nga mando sang korte
Samtang sa karon ang ginatagaan na lamang sing importansya sang Department of Education amo ang operasyon sang eskwelahan kag ginabilin na lamang sa matag-as nga mga opisyal ang pagpangita sing solusyon sini. - Ratsada
= ABS-CBN 'di magbabayad ng ransom sa ASG =
ZAMBOANGA CITY- Hindi umano magbabayad ng ransom ang ABS-CBN Broadcasting Corporation sa bandidong grupo ng Abu Sayyaf na pinapaniwalaang may hawak sa nawawala nilang news team na kinabibilangan ni Cecilia Victoria "Ces" Orena-Drilon.
Batay sa ulat ng militar, humihingi ng P10 milyong ransom ang ASG para sa kalayaan ng mga bihag.
Bukod kay Orena-Drilon, senior reporter sa ABS-CBN, bihag din umano ng ASG ang mga cameramen na sina Jimmy Encarnacion at Angelo Valderama, at university professor na si Octavio Dinampo.
Ang apat ay kinuha umano ng ASG sa Brgy Kulasi sa Maimbung, Sulu nitong Hunyo 8. Pinapaniwalaang kakapanayamin ng grupo ni Orena-Drilon sa Sulu ang senior leader ng ASG na si Radulan Sahiron, na nagpaplano na umanong sumuko sa gobyerno.
"ABS CBN News journalists Ces Drilon, Jimmy Encarnacion, and Angelo Valderama have been kidnapped for ransom. ABS CBN News is doing everything it can to help the families of its kidnapped journalists through this harrowing ordeal," nakasaad sa pahayag ng television network nitong Miyerkules.
"However, ABS CBN News will abide by its policy not to pay ransom because this would embolden kidnap for ransom groups to abduct other journalists, putting more lives at risk," idinagdag pa sa pahayag.
Ayon sa pulisya, may impormasyon na buhay ang mga bihag ngunit hindi matukoy kung saan sila itinatago ng ASG. "They are alive. We have sources who told us that all four hostages are alive," pahayag ni Chief Superintendent Joel Goltiao, commander ng PNP-Muslim autonomous region.
Sinisikap umano ng mga awtoridad na matunton ang kinaroroonan ng news team upang makapag-negosasyon sa kalayaan ng mga bihag. "There are options here and one if to locate the hostages and negotiate for their safe release," idinagdag ni Goltiao.
Nakikipagtulungan umano ang PNP kay Sulu Gov. Sakur Tan, pinuno ng Crisis Management Committee upang malutas ng tahimik ang problema.
Itinuro ng pulisya sina Gafur Jumdail at Albader Parad, mga batang lider ng Abu Sayyaf na siyang nasa likod ng pagdukot sa mga mamamahayag.
Ang grupo rin umano ni Parad ang nasa likod ng pagdukot sa negosyanteng si Maria Rosalie Lao, 58, sa Jolo nitong kaagahan ng 2008.
Noong 2007, pitong tao umano ang dinukot ng grupo ni Parad at pinugutan ng ulo nang mabigo ang pamilya ng mga ito na magbayad ng ransom.
Kasama rin umano si Parad sa grupo ng Abu Sayyaf na dumukot ng 21 tao, karamihan ay turistang Asiano at European noong April 2000.
Nasa US wanted list si Parad na may pabuyang nakalaan na $750,000 para sa kanyang ikadarakip.
Ayon kay Senior Superintendent Julasirim Kasim, hindi nakipag-ugnayan sa pulisya ang grupo ni Orena- Drilon nang dumating sa Sulu. Hindi rin umano humingi ng military escort ang grupo.
Ang grupo ni Orena-Drilon ang ikalawang news team ng television network na nabihag ng mga bandido sa Sulu. Unang binihag ng ASG ang reporter na si Maan Macapagal at cameraman nito na si Val Cuenca ilang taon na ang nakalilipas. - GMANews.TV
= Sen Madrigal nabigong pigilin ang deliberasyon ng CA =
MANILA - Nabigo si Sen. Ana Consuelo Madrigal nitong Miyerkules na pigilin ang deliberasyon ng Commission of Appointments (CA) upang harangin ang kumpirmasyon ng ilang opisyal ng pamahalaan.
Sa inis nagbanta si Madrigal na dadalhin niya sa Korte Suprema ang usapin sa kumpirmasyon ng mga opisyal upang pawalang-bisa ang ginawa ng CA.
"(I will be) filing before the Supreme Court an action to nullify the action of this Commission on Appointments... I am doing this out of principle and a sense of duty to the Constitution and not out of personal grudge or motive to anyone," pahayag ni Madrigal.
Una rito, kinuwestiyon ni Madrigal ang komposisyon ng CA na umano'y nabuo sa pamamagitan ng "padrino" system.
Kabilang sa mga nakasalang ang kumpirmasyon ay sina Cabinet Secretaries Raul Gonzalez (Justice), Francisco Duque III (Health), Margarito Teves (Finance), Ronaldo Puno (Interior and Local Government) at Rolando Andaya Jr (Budget).
Sa naunang panayam ng dzBB radio, sinabi ni Madrigal na hindi matiis ang proseso ng CA kaya minabuti na lamang nitong umalis at magtungo sa Supreme Court. "I cannot sit here and watch this anomalous commission confirm the people being confirmed today."
Nais sana ni Madrigal na gamitin muli ang Section 20 ng Rules ng CA upang mapigil ang kumpirmasyon ng mga nakasalang na opisyal. Ito ang ginamit na taktika noon ni Madrigal kaya naantala ang promosyon ng mahigit 20 opisyal ng militar.
Subalit hindi nagamit ni Madrigal ang taktika nitong Miyerkules dahil nakasaad sa patakaran ng CA na walang bisa ang Section 20 sa huling araw ng sesyon ng Kongreso.
Magbabakasyon ang Kongreso "sine die" sa Miyerkules at magbabalik muli ang sesyon sa Hulyo 28 kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Angal ni Lacson
Samantala, umangal din si Sen. Panfilo Lacson sa deliberasyon ng CA nang mabigo ito na harangin naman ang promosyon ni Air Force colonel Arthur Abadilla.
Hinaharang ni Lacson ang promosyon ni Abadilla na hindi na umano dapat itaas ang ranggo isang taon pagsapit compulsory retirement age na 56.
"Except for Chief of Staff, no officer of the AFP may be eligible for promotion if he has less than one year in the active service. That is the case of Col. Abadilla," paliwanag ng senador.
Puna pa ni Lacson hindi muling ini-nominate ng Malacanang ang promosyon ni Abadilla matapos itong ma-bypassed ng CA noong December 2007.
Ang orihinal na nominasyon ng Malacanang kay Abadilla ay ginawa noong Nob. 29, 2007. Isinumite naman ang kanyang re-nomination noong Dec. 4, dalawang araw bago ang ika-55 kaarawan ni Abadilla.
Idinepensa naman ni Sen. Richard Gordon ang "substantive justice" at iginiit na hindi kasalanan ni Abadilla kung nahuli ang nominasyon sa kanya ng Malacanang.
Bukod pa rito, pumatak umano ang kaarawan ni Abadilla sa araw ng Linggo (Dec. 2) kaya imposibleng maihabol ang kanyang nominasyon sa araw na iyon.
"Dec. 2 was his birthday but it was a Sunday ... It was a perfect storm. The technicality does not even belong to him (but to the) inability of the chair to push a debate. I therefore move for his confirmation," paliwanag ni Gordon.
Sinuportahan nina Sens Rodolfo Biazon, Manuel Roxas II, at Loren Legarda ang posisyon na ideklarang balido pa rin ang "Nov. 29" nomination ni Abadilla. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
= Task force sisiyasatin ang pagkamatay ng mga sanggol sa Ospital ng Makati =
MANILA - Bumuo si Makati Mayor Jejomar Binay ng isang task force na magsisiyasat sa dahilan ng pagkamatay ng mga bagong silang na sanggol sa Ospital ng Makati.
Sa ulat ng GMA's Flash Report nitong Miyerkules, bukod sa pagtuklas sa dahilan ng kamatayan ng mga sanggol, magbibigay din ng rekomendasyon ang task force upang hindi na maulit ang insidente.