text
stringlengths
0
13.1k
Base sa mga pag-aaral iba ang nagbabasa sa iPAD, website at kopya sa papel ng PSN kaya mas malawak ang naabot nito na hindi rin nagagawa ng mga kalaban.
Ilan lamang aEUR~yan sa mas maraming dahilan kung bakit dagsa ang anunsiyo.
Ang Advertising Department ng PSN ay pinangungunahan ni Mr. Jun Aluad.
= 2 kinasuhan sa 'hot cars' =
MANILA, Philippines - Kinasuhan ni BureauA of Customs (BoC) Commissioner Rozzano aEURoeRuffyaEUR Biazon sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang consignee matapos na tangkaing ipuslit ng mga ito ang mga smuggled imAported na sasakyan na nagmula sa bansang Japan at USA.
Kinilala ni Biazon ang dalawang consignee na sina Anthony F. Soriano at Sonny Villatuya, ng Ranths General MerAchanAAdiseA. Sinampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Section 3601 and 2530 of Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at Executive Order No, 156 o pagbabawal na mag-import ng mga segunda manong mga sasakyan.
Ayon kay Biazon, base sa record ng BoCA tinangkang ipuslit ni Villatuya ang 14 smuggled imporAted used right hand driveA na mga sasakyan na nagkaAkahalaga ng P5 millionA noong Disyembre 2012 at Pebrero 2013 na mula Japan.
Nasabat ang mga ito sa Manila InternaAtional Container Port (MICP), Port of Manila.
Nahaharap din si Soriano sa kasong smuggling matapos masabat noong Pebrero 9, 2013 sa Davao Port ang 40-footer container van nito na nagA lalaman ng mga smuggled Range Rover, Mini Cooper at Nissan 350-Z, na nagkakahalaga ng P4 million, na galing ng Long Beach, California, USA.
= Kampanya vs child abuse pinaigting sa Caloocan =
MANILA, Philippines - Higit pang pinaigting ni Caloocan City Mayor Enrico aEURoeRecomaEUR Echiverri ang kampanya ng lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang mga kabataan laban sa pang-aabuso at pagsasaAmantala.
Ayon sa alkalde, nararapat lamang na mapaAngalagaan ang kaArapatan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksiyon sa mga ito laban sa anumang klase ng pang-aabuso at matitiyak na magiging kapaki-pakinabang ang mga ito sa kanilang paglaki.
Ipinaalala rin ng alkalAde na tungkulin din ng paaralan at ng pamaAyanan na pangalagaan ang karapatan ng mga kabataan dahil sa mga ito umiinog ang mundo ng isang bata na hindi pa kayang tumayo sa kanyang sariling mga paa.
Ikinabahala rin ni Echiverri ang mga nagAlalabasang balita hinggil sa mga kabataang naabuso kaya agad niyang inatasan ang Caloocan Police na magtalaga ng magagaling na imbestigador na hahawak sa kaso ng mga batang masasangkot sa anumang uri ng krimen dahil na rin sa pagiging maselan ng kaisipan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
= 9 sa 10 rider namamatay dahil walang helmet =
MANILA, Philippines - Siyam sa 10 motorcycle riders ang namamatay dahil walang suot na helmet.
Base sa Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS) ng DOH, binabawian na ng buhay bago pa man madala sa ospital o dead-on-arrival ang mga pasAyente na naaksidente ng hindi naka-helmet.
Ang naturang ulat ay bahagi ng kabuuang 13,883 mga kaso ng mga nasaktan o napinsala sanhi ng disgrasya sa motorsiklo sa huling bahagi ng 2012 na kinalap mula sa 86 na mga pampubliko at pribadong ospital.
Mahigit kalahati o 59.8 percent ng total reported injury cases ay kinasasangkutan ng mga nasa pagitan ng edad na 20-59 anyos na ang karamihan ay mga lalaki. Umaabot naman sa 34.7 percent ng mga nadisgrasya ay mga bata na hanggang 19 anyos.
Inirekomenda naman ng DOH ang aEURoesafety first mindset attitudeaEUR para sa mga nagmamaneho ng motorsiklo na ayon kay Health Sec. Enrique Ona ay kapwa responsibilidad ng bawat indibiduwal at ng lahat ng mga gumagamit ng kalsada
= 'Left' sinisi sa pagkakasipa sa 12 partylist =
MANILA, Philippines - Ang extreme leftist organizations umano ang nasa likod ng Commission on Elections (Comelec) kaya nagdesisyon ito na idiskwalipika ang 12 partylist groups na makasali sa May 3 elections.
Ito ang nakalap ni Abang Lingkod partylist, chairman Dionision Manuel, isang organisasyon na nirerepresenta ang agricultural sector, kayat nanawagan ito sa kanilang mga taga suporta na balewalain ang ulat na hindi na sila makakasali sa darating na election at ang kanilang pangalan ay nanatili pa rin sa listahan bilang number 136 sa balota. Umalma din si Manuel dahil sa pagtatangka ng kanyang mga kalaban na papaniwalain ang kanilang mga miyembro at supporters na ang ipinalabas na kautusan ng Comelec na nagdidiskwalipika sa Abang Lingkod ay pinal na at hindi na maaaring iapela.
Kaagad maghahain ng pleadings ang kanilang abogado upang isulong ang karapatan ng kanilang grupo at nanatili pa rin na nasa listahan sa balota ang kanilang organisasyon dahil hindi pa naman executory ang desisAyon ng Comelec
= Sa pagkamatay ng mangingisda... Hiling na parallel investigation ng Taiwan, hindi papayagan =
MANILA, Philippines - Hindi papayagan na magsagawa ng parallel investigation ang mga Taiwanese special investigators na dumating sa bansa kaugnay sa napaslang na Taiwanese fisherman sa Balintang Channel noong Mayo 9, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Sinabi ni Sec. Lacierda sa media briefing kahapon, may sinusunod na protocol partikular sa Mutual Legal Assistance agreement sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
Wika pa ni Lacierda, inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pangyayari kung saan ay napatay ng PCG ang 65-year old na Taiwanese fisherman na si Hung Shih-Cheng matapos pumasok ang kanilang fishing vessel sa Philippine waters sa Balintang Channel upang illegal na mangisda.
Aniya, personal na humingi ng public apology si Pangulong Benigno Aquino III sa Taiwan government sa pamamagitan ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez kaugnay sa pagkamatay ng 65-anyos na mangingisda.
Sa statement ni Perez, sinabi nito na inihatid niya sa Taiwan government ang paghingi ng apology ni PaAngulong Aquino kasabay ang paniniguro sa patas na imbestigasyon sa pangyayari
= NIA chief sinibak ni PNoy =
MANILA, Philippines - Sinibak na ni Pangulong Aquino si National Irrigation Administration (NIA) chief Antonio Nangel at wala na siyang planong palawigin ang termino nito.
Sinabi ng Pangulo, hindi na niya ire-renew pa ang appointment ni Nangel dahil sa poor performance. Hindi rin umano natuwa ang Pangulo sa kanyang natuklasan mula sa Department of Budget and Management (DBM) kung saan ay 100 percent ang disbursement ng pondong ipinagkaloob sa NIA para sa mga proyekto pero nasa 60 percent lamang ang natapos nito.
aEURoeSo kung may 100 percent na nagawa, 100 percent binayaran mo, siguro okay iyon. Pero 100 percent binayaran mo, 60 percent ang nagawa mo, medyo hindi yata okay iyon,aEUR sabi ni PNoy.
Samantala, itatalaga ng Pangulo bilang undersecretary ng Department of Health (DOH) si dating Iloilo Rep. Janette Garin bilang kapalit ni PhilHealth president Alex Padilla. Hindi anya matatawaran ang kakayahan ni Rep. Garin na isang doctor by profession bukod sa ipinamalas din nitong husay bilang kongresista na nagsulong ng RH o Reproductive Health
= Pamimigay ng pork barrel, itigil! - Obispo =
MANILA, Philippines - Pinatitigil ni Catholic Bishops Conference of the Philippines at Manila Auxilliary Bishops Broderick Pabillo kay Pangulong Noynoy Aqunio ang pagbibigay ng pork barrel funds sa mga mambabatas hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon sa P10-bilyong ghost project.
Ayon kay Pabillo, hindi muna dapat isama sa budget proposal sa Kongreso ang priority development assistance fund (PDAF) ng mga Senador na nagkakahalaga ng P200-milyon bawat isa at P70-milyon naman para sa mga Kongresista. Iginiit ng Obispo na ugat ng lantarang korapsiyon ang pork barrel funds kaya dapat itong ihinto ng Pangulo para maging seryoso at hindi biro lamang ang kanyang aEURoedaang matuwidaEUR.
aEURoeKaya nga ngayon lang nila nadiskubre hindi lang yan ghost project talagang source of corruption ang pork barrel kaya kung tatanggalin yan ay walang masyadong maghahangad na maging congressman o maging Senator. Sila ay gumagastos ng malaki dahil may pinagbabawian sila, dahil malaki ang pork barrel,aEUR anang obispo.
Sinabi ng Obispo na kung seryoso ang pamahalaan sa paglaban ng korapsiyon at maging tuwid ang aEURoedaang matuwid sloganaEUR ng Pangulong Aquino ay tanggalin ang cause of corruption. Inihayag ni Bishop Pabillo na matagal na nilang sinasabi na ang mga Congressman at Senador ay tagagawa ng batas at hindi tagapagpatupad ng project na trabaho ng local government units
= Cha-cha tuloy =
MANILA, Philippines - Itutuloy pa rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsusulong ng Charter Change o Chacha sa 16th Congress kahit na tutol dito si Pangulong Aquino.
Paliwanag ni House Majority leader at Mandaluyong Rep.Naptali Gonzales II, ang legislative body ay co-policy maker ng bansa kaya hindi porke ayaw na umano ng Pangulo ay ito lamang ang kanilang pakikinggan.
Ito umano ang kahalagahan ng Legislative Economic Development Assistance Council (LEDAC) dahil dito napapag-usapan kung mayroong naiisip ang mga senador o congressman na kailangan din pakinggan ng executive.
Kung executive na lang umano ang pakikinggan ay hindi na ito matatawag na Ledac kundi Edac na lang dahil puro executive lang ang masusunod.
Paliwanag pa ni Gonzales, bagamat nakikita nito ang importansya sa pag-amyenda ng konstitusyon ay marami pa rin ang hindi sang-ayon kapag napapag-usapan ang pag-amyenda sa political provision o ang pagpapalit ng porma ng gobyerno subalit dahil economic provision lang ang tatalakayin sa pag-amyenda ng konstitusyon kayat mahalagang maisulong na ito.
Giit pa ng mambabatas, titiyakin nila na separate ang boto sa Senate at House at kanila namang ihaharap sa tao ang resulta nito sa pamamagitan ng isang plebesito.
Idinagdag pa ni Gonzales na tuloy ang Cha-cha upang magkaroon ng transparency subalit dapat na magkaroon ng forum upang mapag-usapan ito at malaman ng tao ang nilalaman nito.
Sa kasalukuyan nakikipag-usap na umano sila sa mga businessmen at mga bangkero at nagpahayag na umano ang mga ito na tiwala sila sa ekonomiya dahil kay PNoy subalit ang malaki nilang katanungan ay paano kung wala na ito sa pwesto