text
stringlengths
0
13.1k
= Pagpunta ng mga anak nakabuti kay Dolphy =
Manila, Philippines - Nagdulot ng positibong resulta at magandang senyales para sa unti-unting pagbuti ng kondisyon ni Philippine Movie Comedy King Dolphy ang muling pagsailalim nito sa dialysis at pagpunta ng iba pa nitong anak sa ospital.
Ito ang nabatid sa isa sa mga anak ni Dolphy na si Eric Quizon, opisyal na tagapagsalita ng pamilya Quizon sa isang press briefing kahapon sa Makati Medical Center (MMC), Makati City.
Sa kabila nito, sinabi ni Eric na hindi pa rin tinatanggal ng mga doktor sa critical state ang kalagayan ng kanilang ama.
Mayroon pa rin aniyang pneumonia si Dophy na labis na nagpapahirap sa kanyang paghinga at umaasa ang mga doctor at pamilya nito na sa pamamagitan ng antibiotic ay mawawala na ito.
Sinabi rin ni Eric, ayon pa rin sa mga doctor ng MMC, maganda at maayos ang puso ng kanyang ama at yung ibang parte ng katawan ay lumalakas at humihina.
Patuloy aniya ang internal bleeding at inaalam pa ng mga doctor kung saan ito nanggagaling.
Bukod sa muling pagsailalim kay Dolphy sa dialysis, nakaroon aniya ng positibong resulta ang pagpunta sa naturang ospital ng iba pa nitong anak, tulad nina Manny at Marikit, dahil nabuhayan uli ang comedy king at unti-unting bumuti ang kalusugan nito, dahil madalas ang pagmulat ng mata nito.
Dahil dito ay labis ang kasiyahan ng buong pamilya Quizon at magandang senyales ito para sa unti-unting paggaling ni Dolphy.
= 'Hard work', disiplina ituturo sa public schools =
MANILA, Philippines - Ituturo na rin sa mga pampublikong paaralan ang kahalagahan ng 'hard work' at disiplina.
Inaasahan ng Department of Education (DepEd) na mahigit sa 80,000 estudyante at 5,000 guro mula sa mga piling paaralan sa National Capital Region, Region 3, Region 4, Region 7 at Region 11 ang makikinabang mula sa advocacy program na nagtuturo sa mga estudyante ng kahalagahan ng hard work at disiplina sa ilang piling pampublikong paaralan sa bansa.
Ang naturang programa ay inilunsad ng DepEd katuwang ang Fortune Life Insurance Co., Inc..
Layunin umano ng naturang advocacy program na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng pag-iimpok, disiplina at maitanim sa kanila ang practice of hard work sa araw-araw na buhay.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, kailangang palakasin ng mga paaralan ang pagtuturo sa mga bata ng mga bagay na dapat unang natutunan ng mga ito sa kanilang mga tahanan.
Sa ilalim ng proyekto, magbibigay ng mga workbooks sa mga mag-aaral at teaching guides naman para sa mga guro
= 5 probinsiya mataas sa red tide =
MANILA, Philippines - Nakataas pa rin ang red tide alert sa limang lalawigan sa bansa dulot na mataas na kontaminasyon ng lason ng red tide sa mga baybayin nito.
Sa latest monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mataas ang level ng red tide toxin sa Dumanquilas bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, Misamis Oriental gayundin sa coastal waters ng Milagros sa Masbate at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.
Bunsod nito, mahigpit na ipinagbabawal ang pag hango, pagkain at pagbebenta ng shellfish sa naturang mga lugar tulad ng tahong, talaba at halaan.
Maari namang kainin ang ibang lamang dagat tulad ng pusit, alimango at isda pero kailangang linising mabuti at alisin ang hasang ng isda.
= Oil hike ngayong linggo posible - DOE =
MANILA, Philippines - Magpapatuloy pa ang kalbaryo ng mga motorista ngayong linggo matapo ianunsiyo ng Department of Energy (DOE) ang panibagong pagtataas sa presyo ng petrolyo sa bansa.
Sinabi ni Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada, posibleng pumalo sa P1.30 kada litro ang itataas sa halaga ng gasolina habang P0.50 sentimos sa kada litro ng diesel.
Ang patuloy na kaguluhan sa mga bansang Syria at Iran ang dahilan umano upang sumirit na muli pataas ang presyo nito sa internasyunal na pamilihan.
Dahil dito, inaasahan ang posibleng pagbuhay ng grupo ng pampublikong transportasyon sa kanilang petisyon na dagdag pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa halip na magbawas ng pasahe.
Noong nakaraang linggo ay nagpataw ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis matapos ang sunod-sunod na rollback na kanilang ipinatupad makaraang sumadsad ang halaga ng langis sa internasyunal na merkado
= PNoy makikipagpulong kay Enrile, Belmonte =
MANILA, Philippines - Nakahandang makipagpulong sa Lunes kay Pangulong Noynoy Aquino ang dalawang top brass ng Kongreso para pag-usapan ang Konstitusyon.
Napag-alaman na gagawin sa Palasyo ang pulong sa pagitan nina Aquino, House Speaker Feliciano Belmonte at Senate President Juan Ponce Enrile upang pag-aralan ang economic provision ng Konstitusyon para lalong maging mainam sa paglaki ng ekonomiya. Posible rin anyang mapag-usapan ang tungkol sa Chacha at para malaman na rin kung ano ang magiging limitasyon sakaling amyendahan ang saligang batas
= Search, rescue tuloy - Roxas =
Manila, Philippines - Habang nagpapatuloy ang isinasagawang search and rescue operation kay DILG Sec. Jesse Robredo at dalawang piloto sa karagatan ng Masbate ay wala namang tigil ang ginaganap na prayer vigil sa National Shrine of the Divine Child sa La Salle Greenhills sa Mandaluyong City at sa mismong tahanan ng kalihim sa Naga City.
Patuloy na umaasa ang lahat ng nagmamahal kay Sec. Robredo at sa 2 piloto na sina Capt. Jessup Bahinting at Nepalese co-pilot nito na si Kshitiz Chand na buhay pa ang tatlo.
Aminado naman si Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Mar Roxas na sa kabila ng ginagawang search and rescue sa ikatlong araw ay wala pang 'positive news' tungkol kay Robredo at dalawang piloto.
Sinabi ni Sec. Roxas, mahigit sa 100 divers na ang nagtutulong-tulong na sumisid sa tinatayang nasa 300 feet na lalim ng tubig sa karagatan ng Masbate, pero nananatili pang bigo na makita ang tatlo.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang ginagawang patuloy na pagdarasal ay upang magkaroon ng milagro at makitang ligtas ang tatlo.
"Sana ay nakalabas sila ng eroplano at napadpad lamang sa isang isla sa Masbate at buhay silang lahat", wika ni Sec. Lacierda.
Umalis na sa Masbate si Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng hapon, pero naiwan si Sec. Roxas, Defense Sec. Voltaire Gazmin, PNP chief Nicanor Bartolome, AFP chief Jesse Delloso at Philippine Coast Guard Commandant Edmund Tan para pangasiwaan ang ginagawang rescue operations.
Sinasabing naispatan na ng mga divers na sumisid sa may 150 talampakang lalim ng dagat ang metallic parts na may lettering na hinihinalang ang bumagsak na eroplanong sinasakyan ni Robredo na siyang target maiahon ng mga divers.
Halos ginagamit na ng pamahalaan ang lahat ng resources nito, bukod pa ang ibinibigay na tulong ng iba't ibang grupo, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang kalihim. (May ulat nina Danilo Garcia at Gemma Garcia
= Mark Villar naghain ng CoC para congressman =
MANILA, Philippines - Naghain ng Certificate of Candidacy (CoC) si Cong Mark Villar sa Commission on Election (Comelec) sa kanyang pagtakbo bilang Congressman ng Las Pinas.
Ang reelectionist Congressman, anak nina Sen. Manny Villar at dating Las Pinas Congw. Cynthia Villar, na naghain na rin ng kanyang CoC para senador, ay umaasang kanyang maipagpapatuloy ang mga adbokasiyang kanyang nasimulan sa kanyang unang termino.
"Marami pang kaila-ngang gawin sa aming distrito at ako ay handa na ipagpatuloy ang aking mga nasimulan lalo na ang mga programang may kinalaman sa kabataan, edukasyon at pangkabuhayan.
Sa kasalukuyan, si Cong. Villar ay kilala sa kanyang mga naitupad na mga programa sa Las Pinas tulad ng Barangay Job MARKet (community-based job fair), MedMARK (pagbibigay tulong-medikal at dental), TradeMARK (programang pangkabuhayan) atbp. Si Villar ay aktibo rin sa pagsuporta sa sports. Sa kanyang pangunguna, ang mga kaba-taan ng Las Pinas ay mayroong regular na basketball tournaments at pagsasanay sa football sa pamamagitan ng football clinics.
Si Cong. Villar ay Vice Chairperson din ng House Committees na Energy, Labor & Employment at Small Business & Entrepreneurship
= Sa legalisasyon ng prostitution Imoralidad lalala - CBCP =
MANILA, Philippines - Posibleng maging daan ng paglaganap ng imoralidad sa bansa ang legalisasyon ng prostitution.
Naniniwala si Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na mawawala ang pagiging banal at sagrado ng human sexuality kapag legal na ang prostitusyon bukod pa sa sisirain nito ang mga pamilyang Filipino.
Paliwanag ni Pabillo, ang usapin ng prostitusyon ay hindi lamang isyu sa paglaganap ng sakit na HIV-AIDS kundi ang mababang pagtingin sa pakikipagrelasyon o "promiscuity".
"Hindi tama ang kanilang premise na kapag ma-legalize ang prostitusyon ay maiiwasan ang sakit na HIV-AIDS. Kahit sa ibang bansa na legal ito ay laganap pa rin ang HIV-AIDS at mas malala pa yung promiscuity," ani Bishop Pabillo.
Binigyan diin ng Obispo na ang pagle-legalize ng prostitution ay hindi makakatulong kundi mas lalo pang magdadagdag ng sakit at kahirapan sa maraming Filipino.
Dagdag pa nito, ang tunay na karapatan ng mga kababaihan ay bigyan sila ng marangal na trabaho
= Umuunlad na ekonomiya sanhi ng pagtaas ng collection ng BoC =
MANILA, Philippines - Ang umuunlad na ekonomiya ng bansa ang isa sa mga nakikitang dahilan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kung bakit lumobo at pumalo sa mas mataas na porsiyento ang naging collection ng BoC nitong nakaraang Enero ng taong kasalukuyan.
Sa naging pahayag ni Biazon ay binigyan nito ng malaking kredito ang pamamahala ni Pangulong Noynoy Aquino kung bakit umuusbong ang ekonoAmiya sa bansa, na isa mga pangunahing dahilan kung bakit nalagpasan pa ng BoC ang itinakda nitong target collection.
Sa gitna ng mga batikos ng ilang kritiko sa BoC nitong mga nakaraang araw, pumalo pa sa P24.5 billion ang collection ng BoC na mas tumaas ng 8 porsiyento kaysa sa itinakdang target collection na P24.3 billion.
Noong Enero ng nakaraang taon, nasa P21.990 billion lamang ang nakolekta ng BoC o 11 porsiyentong pagtaas ngayong taon.
Itinuturing na isa sa mga dahilan nang pagtaas ng collection ng BoC ay ang mahigpit na kampanya ni Biazon laban sa illegal smuggling at ang paglilinis nito sa ahensiya
= PSN patuloy na namamayagpag sa paramihan ng anunsiyo! =
Pagdating sa adverAtising o mga anunsiyo, hindi natitinag ang Pilipino Star NGAYON sa pinakamaraming tumatangkilik.
Base sa Daily Monitoring Research ng PSN o rekord ng mga tabloid, sa kasalukuyan, lamang na lamang sa mga kalaban ang tinanghal na Newspaper of the Year (Filipino) ng Gawad TangAAAlaw.
Base sa resulta ng pang-araw-araw na pagbabantay sa mga lumalabas na ads sa mga kalaban, angat ang sa PSN.
Base sa kumbinasyon ng Display at Classified Ads mula Enero hanggang December noong nakaraang taon, nagtala ang PSN ng 34.81%, Tabloid B (27.26%), Tabloid A (20. 66%), at Tabloid P (17.27%).
Patunay ito na pinagkakatiwalaan ang PSN pagdating sa kanilang mga gustong palakasing produkto.
Ang Display Ads ay ads na nakalagay sa mga pangunahin at importanteng mga pahina ng isang tabloid tulad ng news, showbiz, at sports.
Maselan ang mga advertiser sa mga paglalagyan nila ng mga display at classified ads, ang mga nasa loob at labas na anunsiyo sa buong pahayagan. Hindi sila naglalagay pag alam nilang hindi sila kikita lalo na ngaaEUR(tm)t mahigpit ang labanan ngayon at maraming nagkalat na mga bagong tabloid na nagbibigay ng baratilyong presyo sa pagpapa-anunsiyo.
Katuwiran ng isang advertiser, kapag sa PSN sila naglalagay ng anunsiyo, ang dami nilang natatanggap na inquiries o pagtatanong na isang maliwanag na palatandaan at ebidensiya na mas maraming nagbabasa sa Newspaper of the Year ng Gawad Tanglaw.
Ilang taon na ring namamayagpag ang PSN pagdating sa paramihan ng anunsiyo sa pahayagang Tagalog na labis na pinasasalamatan ng PSN president at CEO na si Mr. Miguel Belmonte.
Aniya, hindi mararating ng pahayagang ito ang kasalukuyang posisyon kung wala ang maraming advertisers na patuloy na sumusuporta sa paglago ng kumpanya.
Ang mga anunsiyo ang buhay ng isang pahayagan, mapa-tabloid man ito o broadsheet.
Ito ay tulad din ng isang network na kung saan maraming patalastas, aEUR~yun ang kumikita.
Kaya nga sinasabi na pag ang isang palabas ay mataas ang rating, tambak ang patalastas at halos wala ka nang mapanood dahil nga wala nang masiksikan ang mga commercial.
Ganyan din ang sistema sa dyaryo. Hindi magtitiwala ang mga malalaking kumpanya kung wala silang natatanggap na mga pagtatanong sa mga mambabasa ng pahayagang ito sa buong Pilipinas at maging sa ibang panig ng mundo.
Malaking factor kung bakit kinakagat ng masa ang pahayagang nagdiriwang ng 27th anniversary ay ang pagiging maka-Diyos, walang kalaswaan, maiinit at mga totoong balita. Walang lumalabas na imbento at panloloko sa mga mambabasa.
Hindi rin apektado ng uso ngayong social media ang mga tabloid. Hindi naapektuhan ang maraming mga pahina ang mga tabloid. Minsan nga, aEUR~yung mga balita ng PSN pinipik-up sa Internet.
Kaya nga pangatlong taon na ito na 100 pahina ang PSN sa aming anibersaryo. Base sa mga rekord, walang ibang tabloid ang naglalabas ng ganito karaming pahina.
Nakadagdag din sa rami ng ads ang mataas na numbero nang mga bumibisita sa website nito na http://www.philstar.com/ngayon.
Patok sa abroad ang nasabing website na umaabot sa milyones ang nagbabasa. Naiibsan ang lungkot ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa sa pagbabasa nito.
Iba pa rito ang market sa iPAD at android. Kasalukuyan itong nasa iTunes at maaari ninyong i-download ng libre.