text
stringlengths
0
7.65k
= Henry Peter Gyrich =
= Artaxerxes II =
Si Artaxerxes II Mnemon ( Persa : rdshyr dwm ) ( Lumang Persian : na nangangahulugang " na ang paghahari ay sa pamamagitan ng katotohanan " ) ; ang hari ng Imperyogn Achaemenid mula 404 BCE hanggang sa kanyang kamatayan.
Siya ay anak ni Darius ng Persia at Parysatis.
= Vacaville , California =
Ang Vacaville ay isang lungsod sa California , Estados Unidos.
= Calamity Jane =
Si Martha Jane Canary ( 1 Mayo 1852 @-@ 1 Agosto 1903 ) , na mas nakikilala bilang Calamity Jane , ay isang Amerikanang tagapagsimula ng kolonya ( kolonista , frontierswoman sa Ingles ) sa Amerika , at prupesyunal na tagapagmatyag ( tagapagmanman ) na pinaka nakikilala dahil sa kaniyang pag @-@ angkin bilang isang kakilala ni Wild Bill Hickok , subalit naging bantog din dahil sa pakikipaglaban sa mga Indiyano.
Sinasabi rin na siya ay nagpakita ng kabutihang @-@ loob at pagiging maawain , natatangi na sa may sakit at mga nangangailangan.
Ang mga katangiang ito ang nakatulong na magawang siya ay maging isang bantog na tao ng prontera ( bagong tuklas na teritoryong hindi pa napapaunlad ).
= Talon ng Agnaga =
Ang Talon ng Agnaga ay isang talon na nasa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan ng Pilipinas.
= Manila Adventist Medical Center and Colleges =
Ang Manila Adventist College ( formerly known as Manila Sanitarium & Hospital @-@ School of Medical Arts ) ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Lungsod ng Pasay , Kalakhang Maynila , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1993 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Bibly L. Macaya.
Ang mga kursong inaalok nito ay :.
= Pagpapadulas sa yelo =
Ang Pagpapadulas sa yelo ( Ingles : Ice skating ) , na tinatawag ding paglalayag sa yelo , pagbabalanse sa yelo , o pagpapatina sa yelo , ay ang paggalaw o paglalayag sa ibabaw ng yelo sa pamamagitan ng mga sapatos na panlayag sa yelo.
Maaari itong gawin para sa sari @-@ saring mga dahilan , kabilang na ang mga kainamang pangkalusugan , kaaliwan , paglalakbay , at samu ' t saring mga isports.
Nagaganap ang pag @-@ iiskeyting sa yelo sa ibabaw ng natatanging inihandang mga panlabas at panloob na layagang rink ng yelo , pati na sa ibabaw ng likas na namumuong mga katawan ng tubig na tumigas dahil sa lamig , katulad ng mga lawa at mga ilog.
Isang pag @-@ aaral ni Federico Formenti ng Unibersidad ng Oxford ang nagmungkahi na ang pinakamaagang paglalayag sa yelo ay naganap sa timog ng Pinlandiya noong banding 4,000 mga taon na ang nakalipas.
Sa orihinal na pagkakagawa , ang mga iskeyt o panglayag ( pambalanse ) ay tanging mga butong pinatalim at pinasapad na itinali sa ilalim ng paa.
Ang mga naglalayag ( nagbabalanse o nag @-@ iiskeyting ) ay hindi talaga naglayag sa ibabaw ng yelo , sa halip ay nagpapadulas ( gliding sa Ingles ) sa ibabaw nito.
Ang totoong pag @-@ iiskeyting ay naganap nang gamitin ang isang talim na bakal ( steel ) na may pinatalim na mga gilid.
Ang mga iskeyt sa ngayon ay tumataga o humihiwa sa yelo sa halip na dumudulas lamang sa ibabaw nito.
Ang pagdadagdag ng matalim na gilid sa mga iskeyt na pangyelo ay inimbento ng mga taga @-@ Nederlandiya noong ika @-@ 13 o ika @-@ 14 na daantaon.
Ang mga iskeyt na pangyelong ito ay gawa sa bakal ( steel ) , na may pinatalim na mga gilid sa ilalim upang makatulong sa paggalaw.
Ang konstruksiyon ng makabagong mga iskeyt na pangyelo ay nananatiling halos katulad ng dati mula noon hanggang sa magpahanggang sa ngayon.
Sa Nederlandiya , ang paglalayag ( iskeyting ) sa yelo ay itinuturing na akma para sa lahat ng mga klase ng tao , katulad ng ipinapakita sa maraming mga litrato ng mga Matatandang Maestro.
Nang mapalayas sa sarili niyang bansa si James II ng Inglatera , nagpunta siya sa Nederlandiya , at nahumaling siya sa pag @-@ iiskeyting.
Pagdaka , uminom siya ng mainit na tsokolate at nagsayaw sa paligid ng silid , na inaawit ang kanyang pag @-@ ibig para sa paglalayag sa yelo.
Nang makabalik na siya sa Inglatera , ang " bagong " isports na ito ay ipinakilala sa aristokrasya ng Britanya , at lumaong kinasiyahan ng lahat ng uri ng mga tao.
Sinasabing higit na nakilala ni Reyna Victoria ang kanyang mapapangasawang lalaki na si Prinsipe Albert sa pamamagitan ng sunud @-@ sunod na mga pagbibiyahe na para sa pag @-@ iiskeyting sa ibabaw ng yelo.
Samantala ang mga Fen ng Fenlandya ay nagging mga maestro sa tinatawag na iskeyting ng mga Fen ( matuling pag @-@ iiskeyting o speed skating sa Ingles ).
Subalit , sa ibang mga lugar , ang pakikilahok sa pag @-@ iiskeyting sa yelo ay limitado lamang sa mga kasapi ng taong nasa mataas na antas ng lipunan.
Dahil sa kasiyahan ni Emperador Rudolf II ng Banal na Romanong Imperyo sa pag @-@ iiskeyting sa yelo , nagpatayo siya ng isang malaking karnibal na yelo sa sarili niyang korte upang patanyagin ang isports.
Noong panahon ng kanyang pamumuno , dinala sa Paris ni Haring Louis XVI ng Pransiya pag @-@ iiskeyting sa yelo.
Kabilang sina Madame de Pompadour , Napoleon I , Napoleon III , at ang Angkang Stuart , na kasama ng iba pa , sa mga tagapagtangkilik ng pag @-@ iiskeyting na pangyelo na taong maharlika ( royal ) at mga taong nasa mataas na antas ng lipunan.
= Unibersidad ng Bristol =
Ang Unibersidad ng Bristol ( Ingles : University of Bristol ; dinadaglat na bilang Bris. sa post @-@ nominal , o UoB ) ay isang unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa Bristol , United Kingdom.
Ito ay nakatanggap ng maharlikang tsarter noong 1909 , ngunit tulad ng Unibersidad ng Kanluran ng Inglatera at Unibersidad ng Bath , ito ay nagsimula bilang ang Merchant Venturers Navigation School noong 1595.
Ang susing institusyon nito ay ang University College , Bristol , na umiral mula pa noong 1876.
Ang Bristol ay miyembro ng Russell Group ng mga unibersidad na intensibo sa pananaliksik sa UK , maging ng Coimbra Group sa Europa at ng Worldwide Universities Network.
Sa karagdagan , ang unibersidad ang nagpapatakbo ng Erasmus Charter , na nagpapadala ng higit sa 500 mag @-@ aaral bawat taon sa mga institusyong kasosyo sa Europa.
= Carnival X @-@ Mas =
Ang album na ito ay nai @-@ release ng Insane Clown Posse.
= Museong Ayala =
Ang Museong Ayala ay isang pang @-@ sining at pang @-@ kasaysayang museo sa kanto ng Abenida Makati at Kalye Dela Rosa , katabi ng Greenbelt Mall , sa Lungsod ng Makati , Pilipinas.
Ito ay isa sa mga pinakabantog na museo sa Pilipinas , at isa na rin ito sa mga pinakamoderno.
= Bushranger =
Ang bushranger o bush ranger ( literal na may kahulugang " tanod ng talahiban " o " tanod ng palumpungan " ) ay isang salitang Ingles na tumutukoy sa isang magnanakaw na naninirahan sa the bush ( literal na " ang palumpungan " ) ng Australia.
Karaniwang nagnanakaw ang mga bushranger ng mga mamamahaling mga bagay magmula sa mga bangko o sa mga karwahe.
Mayroong mahigit sa 2,000 mga bushranger sa nakaraang kasaysayan ng Australia.
Ang karamihan sa kanila ay payak na mga kriminal at mga magnanakaw lamang.
Ang ilan sa mga bushranger ay naging bantog at tinanaw bilang mga bayani.
Bahagi sila ng isang mahabang kasaysayan na may pagkaka @-@ ugnay kina Robin Hood at Dick Turpin sa Inglatera , o Jesse James at Billy the Kid sa Estados Unidos.
Sa malawak na kahulugang orihinal ang mga bushranger ay mga preso o salaring nakatakas mula sa mga bilangguan noong maaagang mga taon sa Britanikong pamayanan ng Australia na mayroong mga kasanayang makaligtas na kailangang gamitin sa palumpungan ng Australia bilang isang kanlungan at kublihan upang makapagtago magmula sa mga may kapangyarihan.
Ang katagang " bushranger " ay umunlad upang tumukoy sa mga tumalikod sa mga karapatan at mga pribilehiyong panlipunan upang gumamit ng mga sandata sa gawaing pagnanakaw bilang isang paraan ng pamumuhay , na ginagamit ang " palumpungan " bilang himpilan nila.
Ang ganitong mga " bushranger " ay magaspang na kahawig ng Britanikong mga " highwayman " at ng mga " road agent " ng Sinaunang Kanluran ng Amerika at ang kanilang mga krimen ay madalas na kinabibilangan ng pagnanakaw mula sa mga bangko ng maliliit na mga bayan o mga karwaheng pangserbisyo.
= Ehersisyong pangkatawan =
Ang ehersisyo , kaugnay ng pagpapaunlad ng kalusugan , ay ang alinmang gawaing pangkatawan na planado , may kayarian , at inuulit @-@ ulit upang makamit ang layunin ng pagkukundisyon ng anumang bahagi ng katawan.
Kinakasangkapan ang ehersisyo upang mapainam ang kalusugan , mapanatili ang kaangkupang pangkatawan , at mahalaga rin bilang paraan ng rehabilitasyon ng katawan , pati na sa rehabilitasyon ng puso.
Tinatawag na ehersisyong pangkatawan ang ehersisyo kapag isa o mga gawain itong ginagamit ang mga masel sa samu 't saring mga kaparaanan upang maging nananatiling angkop o malusog ang mga ito.
Nakakatulong ang mga regular o panayang pagsasagawa ng mga ehersisyong pangkundisyon sa sapat na pagpapagana ng mga masel , upang hindi maging luyloy , malambot , malata , lawlaw , at mahina ang mga ito , na nakapagsasanhi ng hindi nito pagkayang isagawa ang mga dapat nilang gawin.
Nakakatulong din ang ganitong mga ehersisyo upang hindi madaling mapagod , hindi manghina , at hindi kinakapos ng hininga ang isang tao , partikular na kapag naglalaro at naghahanapbuhay.
Sa katunayan , isang proseso ng pagsasanay ang pagkukundisyon upang maging angkop ang pangangatawan ng isang tao , na ginagamitan hindi lamang ng ehersisyo , kundi pati na ng tamang diyeta at pahinga.
Dahil sa pagkukundisyon , nagkakaroon ng katayuan o kalagayan ng angkop at malusog na katawan ang tao.
Tinatawag na mga ehersisyong sakop ng galaw ( range of motion exercise sa Ingles ) ang mga ehersisyo o gawain pangkatawan na may layuning painamin ang pagkilos ng isang partikular na hugpungan o dugtungan ng mga buto ng katawan.
Nakadaragdag sa lakas at masa o laki ng mga masel ang mga ehersisyong nagpapalakas.
Nakapagpapatibay din ito ng mga buto ng katawan at nakapagdaragdag din sa metabolismo ng katawan.
Nakakatulong ito sa pagkakaroon at pagpapanatili ng tamang timbang , pati na sa pagpapainam ng hubog o wangis ng katawan at sa pagpapahalaga sa sarili ng isang tao.
Nakadaragdag sa lakas ng mga masel ang ganitong mga ehersisyo sa pamamagitan ng paglalagay ng mas maraming pagpilit o pagbabanat sa mga masel , na mahigit kaysa sa pangkaraniwang nakasanayan at natatanggap ng mga masel.
Pinasisigla ng dagdag na gawain o dalahin para sa masel ang paglaki ng mga protinang nasa loob ng bawat isang selula ng masel na nakapagpapahintulot sa buong masel na lumiit , umurong , o mahila.
May tatlong anyo ang ehersisyong pampalakas.
Kabilang dito ang ehersisyong isometriko , ang ehersisyong isotoniko , at ang ehersisyong isokinetiko.
May pakinabang ang mga ehersisyong pangkatawan.