text
stringlengths
0
7.65k
Ang Ossimo ay isang comune sa lalawigan ng Brescia sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia @-@ RomagnaFriuli @-@ Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino @-@ Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
= Akselerasyon =
Ang akselerasyon ay isang sukat ng kung gaano katulin ang pagbabago ng belosidad.
Samakatuwid ito ang " pagbabago ng tulin sa isang nasukat na saklaw ng oras ".
Ito ang pagbabago ng belosidad na hinati ng pagbabago ng oras.
Isang bektor ang akselerasyon , kaya 't kasama kapwa ang isang sukat o laki at isang kapupuntahan o direksiyon.
Katumbas ang akselerasyon ng mga katagang pagbilis , buwelo , pagsibad , darasi , arangkada , ratsada , salida , pagtulin , at pagliksi.
= Ang Viuda Alegre =
Ang Ang Viuda Alegre ay isang pelikulang Pilipino na gawa sa ilalim ng X 'Otic Films.
= Prepektura ng Miyagi =
Ang Miyagi ay isang prepektura sa bansang Hapon.
= Giuliano Tadeo Aranda =
Si Giuliano Tadeo Aranda ( ipinaganak Pebrero 21 , 1974 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
= Estratehiya =
Ang patigayon o estratehiya ay isang salitang nangangahulugang mahusay na paraan o mahusay na pamamaraan.
Unang ginamit ang salita ng militar.
Nagmula ito sa sinaunang salitang Griyego para sa pangkalahatang opisyal ( pinunong panglahat ) na nag @-@ uutos at namumuno sa lahat ng sandatahang lakas ng isang estado.
Ang estratehiya ay isang pangmatagalang plano o balak sa kung ano ang dapat gawin upang makamit ang isang tiyak na layunin.
Kapag ang pinag @-@ uusapan ay ang malapit na hinaharap , madalas na ginagamit sa pakikipag @-@ usap ang salitang taktika.
Sa kasalukuyan , ang salitang " estratehiya " ay madalas nang ginagamit ; ang mga tao ay maaaring tumalakay @-@ bilang halimbawa @-@ ng hinggil sa " estratehiya sa negosyo ".
= Lorenzo Tanada III =
Si Lorenzo " Erin " Reyes Tanada III ( ipinanganak 16 Agosto 1963 ) ay isang Pilipinong politiko.
Kasapi siya ng partido Liberal.
Nahalal siya bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas , bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Quezon simula noong 2004 hanggang 2013.
Si Erin sa kanyang mga kaibigan , ay kinatawan ng ikatlong henerasyon ng mga Tanada sa politika.
Apo siya ng dating Senador Lorenzo M. Tanada na kilala sa kanyang maaanghang na mga pananalita , mahusay na pakikipagdebate at walang takot na paglaban sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos , at anak ni dating Senador Wigberto E. Tanada.
Siya ang panganay sa apat na anak ni Bobby Tanada.
Ang tatlo pa niyang kapatid ay sina Toby , Mar and Trina.
Nagsimula si Erin bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas , bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Quezon.
Siya ang Tagapangulo ng Komitiba sa Karapatang Pantao sa mababang kapulungan.
Gayundin katulong na Tagapangulo siya ng mga komitiba sa Globalisasyon at WTO at ng Kapayapaan , Rekonsilyashon , at Pagkakaisa.
Muli siyang nahalal bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Lalawigan ng Quezon sa natapos na Pangkalahatang halalan.
Noong Mayo 2010 , nagbigay daan siya sa kinatawan ng Lungsod Quezon na si Sonny Belmonte para sa pagka @-@ Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
= Pinaghating 100 =
Simple lang ang buhay na ibig ni Paraluman subalit gustong yumaman ang pangarap ni Fred Montilla na sa kalaunan ay nauwing lahat sa wala.
= Pambansang Pormularyo =
Ang Pambansang Kalipunan ng mga Gamot , Pambansang Pormularyo ng mga Medikamento , o Pambansang Pormularyo ng mga Medikamente ay isang manwal o gabay na aklat na naglalaman ng isang talaan ng mga gamot o medikamenteng pinahulutan sa pagrereseta sa kabuoan ng isang bansa.
Ipinapakita sa sangguniang aklat na ito ang kung anong mga produkto ang mapapagpalit @-@ palit.
Kinabibilangan din ito ng mga susing kabatiran hinggil sa kumposisyon o sangkap , paglalarawan , pagpipilian o seleksiyon , preskripsyon , pagbibigay , at pamamahala ng mga mga gamot.
Malinaw na ipinababatid ang mga gamot na hindi gaanong kaaya @-@ aya para ipagamit sa mga pasyente.
Sa ilang mga bansa , mayroong mga kalipunan o mga pormularyong pangrehiyon ( rehiyonal ) at panglalawigan ( probinsiyal ) sa halip na pambansang pormularyo.
Maaari ring pandagdag ang rehiyonal at pamprobinsiyang pormularyo para sa pambansang pormularyo.
= San Bellino =
Ang San Bellino ay isang comune sa lalawigan ng Rovigo sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia @-@ RomagnaFriuli @-@ Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino @-@ Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
= Alhebra =
Ang Alhebra ay isang sangay ng matematika na pag @-@ aaral ng mga batas ng mga operasyong matematika , ugnayan ( relation ) , at paglikha ng mga konsepto na nagmumula sa mga ito gaya ng mga termino ( term ) , polinomial , ekwasyon , at strakturang alhebraiko.
Aritmetika * Alhebra ( elementaryo @-@ linyar @-@ multilinyar @-@ abstrakto ) * Heometriya ( diskreto @-@ alhebraiko @-@ diperensiyal ) * Trigonometriya * Kalkulo * Matematikal na analisis * Teoriya ng hanay * Lohika * Teoriya ng kategorya * Teoriya ng bilang * Kombinatorika * Teoriya ng grapo * Topolohiya * Teoriyang Lie * Ekwasyong diperensiyal * Mga sistemang dinamikal * Matematikal na pisika * Numerikal na analisis * Teoriya ng komputasyon * Teoriya ng impormasyon * Probabilidad * Estadistika * Optimisasyon * Teoriya ng kontrol * Teoriya ng laro.
Purong matematika * Nilalapat na matematika * Diskretong matematika * Komputasyonal na matematika.
= Inuming pampalamig =
Ang inuming pampalamig o soft drink ( literal na " malambot na inumin " , " banayad na inumin " o " suwabeng inumin " , kilala rin bilang pop , soda , toniko , sodang pop , o mga mineral ) ay mga inuming karbonado o may karbon , na gawa mula sa mga konsentrado at asukal.
May ilang may mga lasa o pampalasa.
Ilan sa mga uri ng sopdrink ang Sprite , 7 Up , Pepsi at Coca @-@ Cola.
= Ekspedisyong Challenger =
Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Challenger expedition ng Ingles na Wikipedia , partikular na ang bersiyong ito.
Ang ekspedisyong Challenger ng 1872 @-@ 76 ay isang ekspedisyong pang @-@ agham na nakagawa ng maraming tuklas na naglatag ng pundasyon sa oseanograpya , na ipingangalan sasakyang @-@ dagat nito , ang HMS Challenger.
Inodyok ng Eskoses na si Charles Wyville Thomson @-@ @-@ ng Unibersidad ng Edinburgh at Merchiston Castle School @-@ @-@ nakuha ng Royal Society of London ang paggamit ng Challenger mula sa Royal Navy at noong 1872 mabago ito para sa trabahong pang @-@ agham , ginawan ng hiwalay na laboratoryo para sa likas na kasaysayan at kimika.
Naglayag ang barko na pinamumunuan ni Kapitan George Nares , mula sa Portsmouth , Inglatera , noong Disyembre 21 , 1872.
Sa ilalim ng pangangasiwang pang @-@ agham mismo ni Thomson , naglakbay ito ng halos 70,000 milyang nawtika na nagsisiyasat at nagtutklas.
Ang resulta ay ang Report Of The Scientific Results of the Exploring Voyage of H.M.S.
Challenger during the years 1873 @-@ 76 na kung saan , bukod sa marami pang ibang tuklas , nakapagtala ng higit sa 4000 na dating hindi kilalang species.
Inilarawan ni John Murray , na nangasiwa ng publikasyon , ang ulat bilang " ang pinakamalaking pagsulong sa kaalaman ng ating planeta mula sa mga bantog na tuklas ng ikalabinlima at ikalabing @-@ anim na siglo ".
Nagbalik ang Challenger sa Spithead , Hampshire noong Mayo 24 , 1876 , gumugol ng 713 na araw na sa dagat sa kabuuang 1,606.
Sa kanyang paglalakbay , 68,890 @-@ nautical @-@ mile ( 127,580 km ) nangasiwa ito ng 492 deep sea soundings , 133 bottom dredges , 151 open water trawls , 263 serial water temperature observations , at natuklas ng 4,717 mga bagong species ng hayop sa dagat.
Nakaimbak ang sipi ng mga nakasulat na talaan ng Expedisyong Challenger sa iba 't ibang institusyong pandagat sa buong UK kabilang ang National Oceanography Centre , Southampton at ang Dove Marine Laboratory sa Cullercoats , Tyne at Wear.
Ang Space Shuttle Challenger ay ipinangalanan sa HMS Challenger.