text
stringlengths
0
7.65k
Sa pagasenso ng AMACC ay nabuo ang mga maliliit na mga paaralan nito tulad ng AMA Computer Learning Center ( ACLC ) noong 1986 at AMA Telecommunication & Electronic Learning Center noong 1996.
Ang AMA Computer College sa Lungsod Quezon ay sinertipikahan ng SGS o Societe Generale de Surveillance International Certification Services Canada , Inc.
Ang certification ay pormal na ginawaran ng SGS @-@ ICS ang tatak na ISO @-@ 9001 noong Marso 1999.
Ngunit mahalaga rin na mapanatili ng paaralan ang systema nito dahil dumadaan ito sa pagsusulit ng SGS tuwing 6 na buwan.
Ang AMACC sa Lungsod Quezon ay ginawaran ng titulo bilang Pamantasan ng Commission on Higher Education ( CHED ) noong 20 Agosto 2001.
Ang AMA Computer College ng Quezon City ay naging AMA Computer University.
Noong 2004 , ang AMA Computer University ay lumagda ng kasunduan sa Carnegie Mellon University para sa pagpapalaganap ng programa nitong iCarnegie sa pamamagitan ng paggamit ng e @-@ learning sa curriculum ng AMA.
Ito ay naging kontrobersiyal dahil ang dating kasunduan ng CMU ay pinirmahan ng karibal na paaralang STI.
Hindi pinahintulutan ng Commission on Higher Education ( CHED ) ang ibang AMA campuses pa panggamit ng titulong " Pamantasan " ay pinapayagan lamang na gamitin ang titulong of " Kolehiyo " o " Institute " dahil hindi pa pumapasa ang mga paaralang ito sa mga pamantayan ng CHED.
Naging kontrobersiyal ang AMA dahil sa pagpalit sa maraming guro ng mga kompyuter.
Ang layunin ng AMA ay para ipalaganap ang paggamit ng e @-@ Learning.
Ngunit pinsiya ng ilang konsehal sa ilang branches nito na ang e @-@ Learning ay supplementary lamang.
Ang Nursing School ng AMA Group ay hindi pinayagan ng CHED na mag @-@ operate dahil hindi sumunod ang paaralan sa pamantayan ng ahensiya.
Inapela ito ng AMA sa Pangulong Gloria Arroyo at dahil dito nagbitiw ang Chairman nito na si Rolando dela Rosa.
Ilan din sa maliliit na branches ng AMACC at ACLC ay di akreditado ng CHED.
Dito nagdulot ng kalituhan sa ilang mga graduate nito sa ECE at Accountancy na hindi pinayagang magsulit sa pagkuha ng lisensiya sa Professional Regulations Commission ( PRC ).
College of Computer Studies.
College of Engineering.
College of Business Administration and Accountancy.
College of Arts and Sciences.
College of Education.
Ang AMA Computer University ay may programang pang pre @-@ school , elementarya , at high school sa tatak @-@ kalakal bilang St. Augustine International School.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ang nag sumisiyasat sa programang ito.
Ang AMA Education Group ay nagplaplano na sa pagtayo ng isang maluwag na campus , at pinangalanan itong University Town.
Bilang selebrasyon ng ika @-@ 30th na taon nito in 2010 , ang AMA Computer University Town ay itatayo sa 50 @-@ hektayang lupa sa General Trias , Cavite.
Hinango ito sa ibang pamantasan sa Europa at Amerika na nalalayong makakuha ng ligtas at masyang kapaligiran.
= Calumpit =
Ang Calumpit ( pagbigkas : ka * lum * pit ) ay isa sa mga munisipalidad ng lalawigan ng Bulacan na matatagpuan sa Region III o Gitnang Luzon.
Ito ay nasa hilaga ng Hagonoy , timog ng Pulilan , kanluran ng Malolos at silangan ng Apalit.
Ang Calumpit ay nagmula sa pangalan ng matibay na punong mayabong at madami na matatagpuan sa harapan ng simbahan ng bayang ito. ang Calumpit ay estabilasadong ng barangay bago pa man dumating ang mga Kastila.
Ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni Gat Maitim.
Ang mga sumuunod ay mga barangay ng Calumpit :.
Coordinates : 14 deg 54 ' 58 ' ' N 120 deg 45 ' 58 ' ' E / 14.916 deg N 120.766 deg E / 14.916 ; 120.766.
= Halik =
halikan.
Ang halik o paghalik ay ang pagdampi ng mga labi ng isang tao sa ibang lugar , na ginagamit bilang pagpapahayag ng damdamin , paggalang , pagbati , pamamaalam , paghiling ng kabutihang kapalaran , damdaming romantiko , o pagnanasang seksuwal.
Naging kasingkahulugan din ito ng dampi , beso , at besu @-@ beso.
At kaugnay ng mga salita o pariralang dapuan ng halik , iduop , at sagian ng halik.
Naghahalikan o nagbibigay ng halik ang bawat isang tao sa pamamagitan ng pagdirikit ng kanilang mga labi at ng kanilang mga bibig.
Iba @-@ iba ang kahulugan ng halik sa sari @-@ saring mga kalinangan.
Sa mas karaniwan , naghahalikan ang mga tao upang magpakita ng pagmamahal o pag @-@ ibig at damdamin para sa isa 't isa.
Kung minsan , nagpapalitan ng halik ang mga tao bilang tanda ng pagkakaibigan o pagiging magkaibigan.
Kung minsan din , nagiging isa itong ritwal ng pagbati o batian.
Maraming mga gawi ng paghalik.
Maaaring humalik ang tao sa pisngi o mga pisngi bilang pagbati , o upang magpaalam na.
Naiiba ang tinatawag na halik na Pranses ( kilala sa Ingles bilang French kiss ) , sapagkat kinasasangkapan ito ng pagdirikit o pagdarampi ng mga dila ng tao habang naghahalikan.
Karaniwan itong tinatanaw na tanda ng pagiging matalik o pagmalapit ( intimasidad ) ng dalawang tao kaysa ibang anyo o gawi ng paghahalikan.
Maraming mga tao ang tumitingin o tumuturing sa halik bilang isang galaw o kilos na erotiko.
= Gumapang Ka Sa Lusak =
Ang Gumapang Ka Sa Lusak ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network.
= Asukal =
Sa pangkalahatang gamit , ang asukal ay tumutukoy sa sucrose , tinatawag din na saccharose , isang disaccharide na may puting mala @-@ kristal na solido.
Ito ang pinakakaraniwang ginagamit na asukal upang palitan ang lasa at katangian ng mga inumin at pagkain.
Kinukuha sa tubo o sugar beet ang mga asukal na binibenta sa mga pamilihan.
= =
Ang , s , ay isang titik ng alpabetong Latin , ito ay inanyo mula sa titik na S na may swash tail.
= Pamantasang Brunel Londres =
Ang Pamantasang Brunel Londres ( Ingles : Brunel University London ) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Uxbridge , Kanlurang London , United Kingdom.
Itinatag noong 1966 , ito ay ipinangalan sa inhenyerong Victorian na si Isambard Kingdom Brunel.
Ito ay organisado sa tatlong kolehiyo at tatlong pangunahing instituto sa pananaliksik.
Ang Brunel ay may higit sa 12,900 mag @-@ aaral at 2,500 kawani , at merong kabuuang kita na PS 200.7 milyon noong 2014 / 15 , kung saan 25 % ay mula sa mga gawad at kontrata sa pananaliksik.
Ang Brunel ay miyembro ng Association of Commonwealth Universities , European University Association , at Universities UK.
= Allacapan =
Ang Bayan ng Allacapan ay isang ika @-@ 4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Cagayan , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 26,960 katao sa 5,260 na kabahayan.
Ang bayan ng Allacapan ay nahahati sa 27 mga barangay.
Coordinates : 18 deg 15 ' N 121 deg 35 ' E / 18.250 deg N 121.583 deg E / 18.250 ; 121.583.
= Eldoret =
Ang Eldoret ay isang pangunahing lungsod sa Kenya.
Ito ang kabisera ng Kondado ng Uasin Gishu.
Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng bansa , timog ng mga Burol ng Cherangani.
Isa ito sa mga pinakamataong lungsod sa bansa , na may populasyong 289,380 katao ayon sa senso noong 2009.
= Ratiles ni Logan =
Ang loganberi o ratiles ni Logan ( Ingles : loganberry ; Rubus x loganobaccus ) ay isang haybrid na nalikha mula sa pagsasanib ng lumboy ( blackberry ) at ng raspberi / sapinit ( raspberry ) o dewberry ( Rubus sect.
Eubatus ).
Malalaki ang mga may asim o maasidong mga ratiles na ito na may kulay na mamula @-@ mulang purpura.
Kauri ito ng titaw , banut , atibulnak , datung , palanaw , bunot , pilay , at duhat.
Hinango ang Ingles na pangalang loganberry mula kay James Harvey Logan ( 1841 @-@ 1928 , kilala rin bilang J. H. Logan ) , isang Amerikanong manananggol at hortikulturista.
Hindi sinasadyang nalikha niya ito noong 1880 o 1881 sa Santa Cruz , California.
Inaalagaan at pinararami ang mga loganberi sa Kanlurang Dalampasigan ng Estados Unidos.
= Ossimo =