label
class label
2 classes
article
stringlengths
54
6.74k
00
Tinanggap ni Maynard ang proposal ni Johnson pagkatapos ng season 15 ng ABC's smash franchise. Makalipas ang isang taon, sinimulan niya ang The Bachelorette, kung saan siya ay na-engage sa contestant na si Jef Holm. Sila ay naghiwalay noong 2012.
00
Pero hindi pa rin tumitigil ang pagkainis ng mga tao lalo na't napakabata pa ng bunsong anak nina Will and Jada. Ang nasabing shirt ay vintage na gawa ng sikat na designer na si Jean Paul Gaultier at si Willow mismo ang kumuha ng larawan at ito ay ibinahagi sa Instagram suot ang nasabing shirt. Tila walang pakialam sa opinyon ng ibang tao ang bunsong anak ni Smith tungkol sa pagiging mapangahas niya. Noong nakaraang Nobyembre lamang ay ibinahagi naman nito ang kanyang saloobin sa kanyang Twitter account bilang parte ng kanyang "Free the Nipple" campaign na biglaan din naman ang pagkalat. "The day that women can casually be topless and not be raped or degraded will be the day that women will be equal in society," pahayag ni Willow. Hindi ito ang unang pagkakataon na naging kontrobersiyal ang pagbabahagi ni Willow ng kanyang larawan. Nag-post na rin siya ng isang larawan kasama ang aktor na si Moises Arias habang nasa kama. Nakaupo ang aktor katabi si Willow habang walang pangtaas na saplot lalo na at malaki ang agwat ng kanilang edad - si Moises ay 20 at si Willow naman ay 13 - marami ang nagsabing hindi ito kaaya-ayang tingnan. Kaagad namang ipinagtanggol ni Jada ang kanyang anak sa panayam sa The Edit. Sabi nito, "Just don't pollute something that's not dirty,"I want my kids to be happy and I want them to be themselves. I was saying to a friend the other day, 'Remember, our kids are not us.' They're not. Sometimes we're trying to fix things that happened to us or projecting [onto them], and that's a terrible, terrible trap."
00
"If I am in charge of the negotiations, Floyd Mayweather Jr. vs. Manny Pacquiao would have been finalized," sabi ni King sa ESPN Deportes. "There was some big mistakes made during the ongoing discussions that I could easily have settled." Aminado si King na kahit interesado ang mga apisyonado sa boksing, nawawalan na ng kinang ang Pacquiao-Mayweather megabout dahil halos anim na taon na itong hinihintay na matuloy.
00
Ayon sa Manila Fire Department, tinatayang nasa 700 bahay ang natupok sa unang sunog at apektado ang mahigit 1,000 pamilya, na mula sa Barangay 275 sa District 3, ng Parola Compound. Lumilitaw sa ulat ng Manila Fire Department na dakong 6:00 ng gabi ng Lunes nang magsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan na gawa sa light materials at nakatirik sa mahigit isang libong hektaryang lupain na pagmamay-ari ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Umabot ang sunog ng general alarm at naideklara lamang fire out pasado 6:23 ng umaga nitong Martes. Nabatid na nahirapan ang mga bumbero na apulain ang apoy dahil bukod sa walang hydrant na mapagkukunan ng tubig sa lugar, matindi rin ang trapik at maraming tao sa kalsada. Sinasabing sa bahay ng isang Edgar Angapo nagsimula ang sunog, bunsod ng isang nag-short circuit na electric stove ngunit iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
00
Ipinaliwanag ni Rolando Lusong, organizer ng sabong, kasama ang ilang dayuhan na nagmula sa Guam, Texas, Kentucky at California, sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum na inaasahang aabot sa P20-milyon ang paghahati-hatiang premyo sa dalawang araw na salpukan ng mga panabong.
00
Sa lalawigan ng Rizal, kung saan hinango sa pambansang bayani ang pangalan, ay may joint commemoration na gagawin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal at ng Pamahalaan Panlungsod ng Antipolo. Pangungunahan ang paggunita nina Rizal Governor Rebecca Nini Ynares, Vice Governor Frisco Popoy San Juan Jr., Antipolo City Mayor Jun Ynares III at ng mga miyembro ng Sanggunian Panlalawigan. Gagawin ito sa sa harap ng Rizal Provincial Capitol sa Antipolo na sa tabi nito ay naroon ang bantayog ni Dr. Jose Rizal. Sa Taytay, Rizal, ang paggunita ay pangungunahan naman ng Knights of Rizal at ng mga lokal na opisyal ng Taytay. Gagawin ang programa sa harap ng lumang gusali ng munisipyo sa kabayanan na naroon ang bantayog ni Rizal. Tampok na panauhing tagapagsalita si Rizal Provincial Director Senior Supt. Bernabe Balba. Magbibigay din ng kanyang mensahe si Taytay Mayor Janet De Leon Mercado, ang unang babaeng naging mayor ng Taytay, Rizal. Ayon naman kay dating Rizal provincial administrator at Supreme Commander ng Knights of Rizal at chairman ngayon ng Jose Rizal Model Students of the Philippines, tampok na bahagi ng paggunita ng Rizal Day ng Knights of Rizal ang pagkakaloob ng pagkilala at parangal sa napiling 10 Jose Rizal Model Students of the Philippines. Pangungunahan ang paggunita ni Knights of Rizal supreme Commander Gerry Singson.
00
Ipinagmalaki ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada na nabayaran ng lokal na pamahalaan ang P613 milyong utang sa Meralco sa pamamagitan ng installment scheme na nagsimula noong 2013. Nang umupo siya sa puwesto bilang alkalde, bumulaga kay Estrada ang malaking utang sa kuryente kasabay ng banta sa Meralco na puputulan ang city hall ng supply ng elektrisidad kung hindi agad ito mababayaran. Unang nagpadala ng liham ang Meralco kay noong panahon ni Manila Mayor Alfredo Lim dahil sa pagkakautang ng siyudad sa kumpanya ng P598,257,513.09. Nang maupong mayor si Estrada, agad itong nakipagkasundo sa Meralco na babayaran ang utang sa kuryente subalit sa installment basis lamang. "Tinakot pa kami dahil puputulan daw kami ng kuryente. Pero sinabi ko sa kanila na puputulin din namin ang kanilang mga poste sa Maynila," pabirong inihayag ni Estrada. Noong Marso 18, ginawaran ng Meralco ang pamahalaan ng Maynila ng Special Luminary Award matapos mabayaran nito ang halos P57 milyong utang sa supply ng tubig at P517 milyong halaga ng withholding tax na kinolekta ng administrasyon ni Lim mula sa mga empleyado subalit hindi ibinayad sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Tadtad din ng utang ang Manila city government sa mga supplier at kontratista. Subalit sa pagsapit ng Hulyo, umaasa si Estrada na mababayaran na ang lahat ng utang ng lokal na pamahalaan mula sa mga utility company. Ito ay dahil sa pagtaas ng revenue collection ng siyudad bunsod ng adjustment na ipinatupad sa real property tax, business tax at community tax.
00
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jayvee Abreu, 21; Junmar Dastas, 23; at Roman Dastas, 48, pawang residente ng Sitio Anahaw 2, Barangay Maugat, Nasugbu.
00
Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggagawad ng 9,278 proyektong imprastraktura ng kagawaran sa mga interesadong kontratista para sa first quarter ng 2015.
00
Una nang sinabi ng kampo ni Pemberton, ang pamilya Laude ang humiling ng P21 milyon para maayos ang kaso. Para kay De Lima, ang titignan niya sa ngayon ay ang reklamo ng pamilya Laude laban kay Olongapo City Prosecutor Emilie Delos Santos dahil umano sa pagbubukod sa pamilya Laude mula sa negosasyon sa kampo ni Pemberton kaugnay ng plea bargain deal. Hiniling na raw niya sa prosecutor na sagutin ang protesta ng ina ni Jennifer na si Julita at kapatid na si Malou. "I'm asking City Prosecutor Delos Santos to submit a comment on that before I make a decision," dagdag ni De Lima.
00
KABALIGTARAN NINA KC AT PAULO SUNUD-SUNOD ang mensaheng natanggap namin kahapon habang naghahabol ng deadline at naaliw kami sa mga tanong sa amin ng mga nakapanood ng "Gift of Life" episode nina Gerald Anderson at Maja Salvador sa Christmas seryeng Give Love on Christmas. Base sa obserbasyon ng mga nakapanood, "Bakit po walang kilig sina Ge at Maja sa Gift of Life? Parang hindi sila magdyowa. Bakit hindi sila kinikilig? Bakit parang pilit lang ang acting nila?"
00
"Malinaw na pag-aaksaya lamang ng pera ng sambayanan ang recall election sa Puerto Princesa, dahil ba na taga-UNA si Mayor (Lucito) Bayron ay gusto nilang mapalitan?" ayon kay Eduardo Sandoval. "Hindi ba nila alam na bangkarote ang Puerto Princesa sa poder ni dating mayor (Edward) Hagedorn?"
00
KARUGTONG ito ng sinulat namin kahapon tungkol sa pagbabalik ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN pagkalipas ng tatlong taon. Maayos na sinabi ng megastar nang may magtanong tungkol sa kinahinatnan ng kontrata niya sa TV5 na ayaw niya itong pag-usapan bilang respeto.
00
Sinabi ni Team Philippines chef de mission Julian Camacho na pangungunahan ni Kiefer Ravera ang 48 iba pang pinakamagagaling na amateur cagers ng bansa na nasa listahan kung saan kasama rin ang orihinal na miyembro ng Gilas Pilipinas at naturalized center na si Marcus Douthit. "We have set March 1 as the deadline of submission for the final composition of all team ang individual sports," sabi ni Camacho ukol sa koponan na gigiyahan ng bagong coach at dating Australian national coach Tab Baldwin. Asam ng Pilipinas na madagdagan pa ang pagpapanatili ng gintong medalya sa 12 sunod na taon matapos huling mabigo sa kada dalawang taon na torneo noong 1989. Mayroon na itong kabuuang 16 na gintong medalya at isang pilak sapul nang sumali sa SEA Games. Si Ravena ay kabilang sa huling koponan na giniyahan ng multi-titled coach na si Joseph Uichico tungo sa gintong medalya kasama ang nananatili sa amateur na si Bobby Ray Parks Jr. at ngayon ay mga propesyunal nang sina Greg Slaughter, Jake Pascual, Ronald Pascual, Kevin Louie Alas, RR Garcia, Terrence Romeo at Raymund Almazan. Ang listahan ay binubuo ng mga manlalaro mula sa iba't ibang liga sa bansa sa pangunguna ng UAAP at NCAA kung saan naglalaro sina Scottie Thompson, Kobe Paras, Moala Tautuaa, Roi Sumang, Baser Amer, Mike Tolomia, Mark Belo, Arnold Van Opstal, Gelo Alolino, Glenn Khobuntin at Mark Tallo. Ilang propesyunal na manlalaro rin na kabilang sa orihinal na Gilas Pilipinas ang nakatala sa listahan na posibleng isama sa komposisyon upang palakasin pa ang pambansang koponan.
00
Ito ang sinabi ni NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales matapos na tatlong batang woodpusher ang ngayon ay kandidata at malaki ang tsansa na maging unang babaeng grandmaster ng bansa.
00
SA totoo lang, nang-aagaw-eksena si Diego Loyzaga everytime na ipinapakita ang ka-sweet-an nila ni Liza Soberano sa Forevermore. Bagamat si Enrique Gil ang leading man ni Liza, maraming viewers ang nakakapansing bagay na bagay si Diego sa pretty 17 year-old Kapamilya star.
00
Nilagdaan ni Cooley, ang 6-foot-9, 246-pound at Notre Dame product, ang kanyang deal matapos ang back-to-back 10-day contracts. Naglaro siya ng anom na mga laro at siya'y may average na 1.7 points. Una siyang pinalagda mula sa D-League's Idaho Stampede, kung saan ay may average siya na 16.8 points, 12.5 rebounds at 1.3 blocks sa 20 mga laro. Ang 6-foot-6, 201-pound na si Johnson ay may average na 7 points, 1.5 rebounds, 1.5 assists at 1.5 steals sa dalawang mga laro habang nasa hanay pa ng Jazz para din sa 10-day contract sa kaagahan ng taon na ito.
00
Napanood noong Huwebes si Dax Shepard sa Ellen DeGeneres Show at pinag-usapan ang paghihirap ng kanyang asawang si Kristen Bell sa panganganak lalo na't nag-labor ito sa loob ng 33-oras sa kanilang pangalawang anak na si Delta noong Disyembre 19, sa C-section. Nahirapan nang husto ang House of Lies actress, 34, ngunit ang Parenthood actor, 40, na tila mas na-trauma sa buong pangyayari.
00
Unang nakaharap ni De La Hoya si Mayweather noong 2007 at nagwagi lamang ito sa kontrobersiyal na 12-round split decision samantalang noong 2008 ay napatigil siya ni Pacquiao sa loob ng walong rounds sa mga sagupaang ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
00
Ang problema lang daw niya ngayon ay ang anak niyang si Mae, although knows naman na ng dalaga ang tungkol sa relasyon nila ni Lee ay hindi niya seryosohang nakakausap ang anak tungkol dito.
00
"We will start with the training camp for those that wanted to join the league. Everybody is welcome even to those in the provinces. All the teams will have a chance to see them play and then they will be put in the draft where all the teams have the chance to pick," sabi ni Suzara. Inaasahang maraming manlalaro ang mapipili sa drafting na isasagawa sa Pebrero 28 bunga ng tatlong bagong koponan na sasali sa liga. "We will have an expansion of three to four new teams in the women's division. Gusto natin ilimit sa 8 pero marami ang nag-aaply kaya we might have 10 teams. Hindi muna tayo magsasagawa ng men's team dahil medyo nagko-conflict na sa scheduling," sinabi pa ni Suzara sa torneong nakatakdang magsimula sa Marso 8. Sa kasalukuyan ay may anim na koponan ang bumubuo sa liga na kinabibilangan ng Grand Prix champion Petron, Generika, RC Cola Air Force, Cignal HD, Foton, at Mane 'N Tail, na bibitbitin ang brand name na Pocari Sweat. Kasalukuyan namang nakikipag-usap si Suzara sa isang malaking kompanya na nais suportahan ang gaganaping beach volleyball na tatampukan ng pinakamagagaling na manlalaro sa buong bansa. "Nagkausap na kami ng higanteng company before Christmas. Isa lang ang sand court sa ngayon pero we requested na magtayo kahit man lang isang practice court," paliwanag ni Suzara sa isa sa mga pagbabagong isasagawa ng liga. Ihahataw na rin ng liga ngayong taon ang "video challenge" para ma-review ang mga desisyon ng referee, ang beach volleyball sa off season, at ang isang linggong Champion's League, tampok ang kampeon sa UAAP, NCAA, Shakey's V-League at PSL. Sisimulan ang 2015 season sa pamamagitan ng rookie camp sa Pebrero 24-25 bago ang aktuwal na drafting sa Pebrero 28.
00
"Twenty civilians, including 16 children, were killed in an air strike in Kafr Batikh in Idlib province," iniulat ng Syrian Observatory for Human Rights. Sinabi ni Rami Abdel Rahman, pinuno ng Britain-based monitor, na bumagsak ang bomba malapit sa checkpoint ng Hayat Tahrir al-Sham, isang jihadist group na binubuo ngkaramiha'y mga dating miyembro ng Al- Qaeda affiliate. Hindi pa malinaw kung sino ang responsable sa air strike.
00
Nasa Pilipinas ang mga Japanese expert upang tumulong sa pagpapabuti ng railway system sa bansa sa harap ng dumadaming reklamo ng mga pasahero, mula sa mahahabang pila sa terminal hanggang sa mga aksidente. Ayon kay Noriaki Niwa, chief representative ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nakipagkita na ang mga eksperto mula sa Ministry of Land Infrastructure, Transport and Tourism ng Japan sa mga Pinoy counterpart nito upang tukuyin at talakayin ang mga paraan para mapabuti ang serbisyo ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).
00
Ang iba pang sasariwain ang mga alaala sa February 16 formal affair na kaakibat ng Meralco, Smart, at MVP Sports Foundation Inc. bilang principal sponsors at Philippine Sports Commission bilang major sponsor ay sina cage legend Kurt Bachmann Jr., champion racer Enzo Pastor, dating PBA player Bryan Gahol, ex-PBA player at chairman Ely Capacio, at many-time Southeast Asian Games gold medal winner na si Leonardo "Dodong" Andam. Kabilang din sa listahan ng posthumous ay sina Olympian Florentino Bautista Jr., young national snooker player Rodolfo Lordan Jr., dating government official at UE Red Warriors team manager Jesus Tanchanco Jr., road cyclist Vicmar Vicente, PSC executive Manny Ibay, one-time sports deputy minister at coach Elpido Dorotheo, ex-Philippine Volleyball Federation president Pete Mendoza, Rizal province track and field coach Pacifico Tolentino Jr., race car driver Isabelo Hilario, at promising volleyball player Nicolette Tabafunda. Hindi rin dapat palagpasin ang mga sportswriting colleague at members na si Ceferino "Howie" Basilio Jr. at Danny Romero. Iaalay ang tropeo at ilang minutong silensiyo sa kanila para sa two-hour ceremony na suportado rin ng 1Esplanade, Air21, Globalport, National University, El Jose Catering, PAGCOR, PCSO, ICTSI, Rain or Shine, Accel, Maynilad, at ng PBA. Mangunguna para sa 2014 honor roll list si BMX rider Daniel Caluag, ang gold medal ay napasakamay sa nakaraang taong Incheon Asian Games, kayat napasakamay din niya napakahalagang PSA Athlete of the Year trophy. Si Richie Garcia, ang pinakamahabang nagsilbi sa PSC bila chairman, ang tatayong special keynote speaker sa naturang programa kung saan ang host ay si veteran sportscasters Quinito Henson at Patricia Bermudez Hizon. Magpapasaya naman sa awardees at guests ang two-time UAAP cheerdance competition champion na National University (NU). Ipinamahagi na ang mga imbitasyon para sa awards night at sa mga hindi nakatanggap ng personal ay mangyaring kunin ang kanilang imbitasyon sa lobby entrance ng 1Esplanade.
00
Hindi lang ang mga pabrika ang susuriin ng pamahalaang lungsod kundi target ding busisiin ang operasyon ng mga rehistradong punerarya lalo na ang mga nag-eembalsamo.
00
Dating kaalyado ng China ang Vietnam laban sa imperyalistang United States. Pero ngayon ay kontra na ang Vietnam ni Uncle Ho Chi Minh sa pangangamkam ng China ni Mao Tse Tung sa buong West Philippine Sea. Naghain na rin ang Vietnam ng arbitration petition sa United Nations tulad ng sa Pilipinas upang himukin ang dambuhalang China na makipag-usap tungkol sa usapin. Isiipin ninyo, parehong komunista ang Vietnam at China. May katulad na ideolohiya para sa kagalingan at kabutihan ng mga mamamayan at pakikipagkaibigan sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Eh bakit nag-aaway sila ngayon dahil sa pag-angkin ng China sa Paracels na may claim ang Vietnam, at nanduduro at nangangamkam naman sa Spratlys na may claim ang Pinas? Hoy China, huwag ka naman sanang sakim. Noon ay tahimik at hindi ka kumikibo, pero ngayong lumakas ang iyong ekonomiya at puwersa-militar, nagiging isa ka namang diktador ng mundo na nais sagpangin ang maliliit at mahinang bansa! Inakusahan ni Vice Pres. Jojo Binay ang ilang broadcaster na bayaran umano ng kanyang mga kritiko para siya siraan na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang preference at trust ratings batay sa survey results ng Pulse Asia at iba pang survey firms. Mr. VP Binay, tukuyin mo kung sinu-sino ang bayarang broadcaster para malantad sila sa publiko dahil nalalagay sa pagdududa ang lahat ng broadcaster. Nosibalasi?
00
Ito ang mga mensaheng nakalagay sa mga gate ng itinalagang billeting quarters para sa mga atleta at opisyales na kalahok sa 2015 Palarong Pambansa sa Davao del Norte sa Mayo 3 hanggang 9.
00
Hindi kasama si Federer sa lineup sa pag-uumpisa ng Switzerland sa pagdepensa nila sa titulo sa Belgium sa Marso 6-8. At sinabi ni Federer na wala siyang plano na maglaro sa Davis Cup ngayong taon. ''It wasn't a difficult decision,'' sabi ng 33-anyos na si Federer noong Lunes sa Dubai. "'I have played for so long, and I think by winning it I can finally do whatever I please, to be quite honest.'' Ang Swiss team sa Belgium ay maglalaro rin na wala ang 2013 Australian Open champion na si Stan Wawrinka. Si Federer ay naglaro sa 26 Davis Cup ties mula 1999 para sa pangkalahatang 50-17 win-loss record. ''It's been a big burden for me throughout my career and one of the things that have caused more difficulties in my life than many other things, I must say,'' ani Federer.
00
Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na ang pondo ay ginamit sa walong araw na pagkain ng 28,000 pulis habang nag-iikot ang Santo Papa at entourage nito sa iba't ibang lugar sa Metro Manila at Leyte noong Enero 15-19.
00
Ayon sa dating actor, nananatili siyang staff ng senadora pero hindi nga lang sumasama sa mga lakad nito sa pangangampanya. Binanggit ni Renzo na magtatatlong taon na siya bilang staff ni Sen. Grace Poe at walong taon ding naging staff ni Sen. Jinggoy Estrada. Kaya regular Senate employee na raw ang kapatid ni Sheryl Cruz at wala raw namang isyu tungkol sa kanilang dalawa ng pinsang si Sen. Poe. Iniiwasan niyang magkomento tungkol sa hidwaan nina Sheryl at Sen. Grace. "Bahala na sila sa bagay na 'yan. Basta walang problema sa amin ni Sen. Grace at hindi rin naman namin pinag-uusapan 'yun ng kapatid kong si Sheryl," sey niya. Kinamusta namin kay Renzo ang mommy niyang si Rosemarie Sonora at ang kapatid niyang si Patrick. Masayang-masaya rin daw ngayon si Partick sa buhay may-asawa nito pero pagdating sa kanilang ina ay hindi pa raw napapanahon na pag-uusapan namin ang bagay na ito.
00
Natupad ito sa ilalim ng pangangasiwa ni Salceda bilang co-chairman ng GCF Board, na kinatawan siya ng Southeast Asia at mahihirap na bansa. Kumakatawan naman sa mayayamang bansa ang katapat niyang German. Nanungkulan sila sa GCF Board mula Oktubre 2013 hanggang Oktubre 2014. Ang papuri sa mga tagumpay ng dating GCF Board ay iginawad ng UNFCCC Conference of Parties (COP) sa katatapos na ika-20 sesyon nito sa Lima, Peru kamakailan. Nakapaloob ang naturang papuri sa COP 20 Decision na inilabas sa pulong sa Lima kaugnay ng GCF 2013-2014 Report.
00
Noong Marso 13, ang Clippers, wala sa hanay si Blake Griffin, ay nabigo via 129-99 sa Dallas. Makalipas ng dalawing araw ay sumadsad naman sila sa sariling tahanan kontra sa Houston, 100-98. Simula noon ay nagising na koponan sa pamamagitan ng mga panalo, kasama na ang apat na ang double-digit road victories. ''Our offensive execution is amazing and our defense has held teams to 16- and 18-point quarters,'' saad ni Paul. ''With Blake back, he makes us that much more dangerous and you have to pick your poison.'' Nagposte si Griffin ng 21 puntos at 9 rebounds sa Los Angeles, tumalon sa 68-47 halftime lead. Nagsalansan si DeAndre Jordan ng 15 puntos at 14 rebounds, habang inasinta ni Matt Barnes ang 18 puntos. Bumagsak ang Boston ng half-game sa likuran ng Brooklyn para sa Eastern Conference's eighth at final playoff spot. Tinalo ng Nets ang Los Angeles Lakers kahapon. Pinamunuan ni Isaiah Thomas ang Celtics na taglay ang 19 puntos. Itinarak ni Tyler Zeller ang 16, tumapos si Kelly Olynyk na mayroong 14 habang tinipa ni Brandon Bass ang 13. ''We didn't provide any defensive resistance at all, nobody at all has against them lately if you look at their scores,'' pahayag ni Celtics coach Brad Stevens. Itinulak ng Los Angeles ang kanilang bentahe sa 35 puntos sa kalagitnaan ng third quarter. Naisagawa ng Boston ang huling pagsalakay kung saan ay lumapit sila sa 111-100 mula sa tres ni Gigi Datome, may 4 minuto pa sa laro, subalit agad ding rumesponde ang Clippers na kaakibat ang 5 sunod na puntos. ''Our ball movement is sensational right now,'' ayon kay Los Angeles coach Doc Rivers. ''We haven't been a great travel team up until now. We had amazing focus when we left on this trip. They felt like these are the games we can get.'' Nagmula ang Los Angeles sa mabilisang pagsisimula, kung saan ay kinonekta nina Redick at Barnes ang malalayong buslo sa unang dalawang possessions. Nagkaroon din ng kahalintulad na panimula ang second half, kung saan ay naisakatuparan nina Barnes at Redick ang 3s upang muling tulungang mag-init ang koponan na taglay ang 14-4 run na nagtulak sa Clippers sa 82-51 lead. ''They played well, made a lot of shots early and kind of got us out of what we were trying to do, and then ran away with it,'' lahad ni Olynyk. Umungos ang Los Angeles sa 105-79 matapos ang third quarter. Sa puntong iyon, tila nawalan na ng gana ang karamihan sa crowd at ang ilan ay naghihiyawan para sa dating Celtics na si Brian Scalabrine, na ngayon ay isa sa TV analysts ng koponan. Ilang bulto ng fans ang nagsilisan sa korte sa kasagsagan noon ng timeout, may 9 minuto pa sa laro. Naantala ang laban ng halos 5 minuto sa huling bahagi ng fourth quarter nang kinailangan ng isang fan ng medical attention malapit sa bench ng Clippers at ito naman ay tinugunan ng Celtics team physician. ''From what I was told they think the person's going to be OK,'' pahayag ni Stevens. TIP-INS
00
Nakatakas naman ang suspek na si Edward Eslige, alyas Pango. Ayon sa report ng grupo ni PO3 Gualberto Salazar Jr., nag-report sa pulisya noong Disyembre 3 ang asawa ng biktima na si Armelita Narvaez tungkol sa pagkamatay ng mister. Ayon umano sa ginang, nag-iinuman ang suspek at biktima noong Nobyembre 30 sa Bgy. San Roque nang mag-away ang mga ito sa mikropono.
00
Sasagupain ng HD Spikers ang wala nang tsansa sa kampeonato na Foton Tornadoes sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang magkakasukatan nang lakas ang nangungunang Petron Blaze Spikers at nagpapakita ng kalidad na Generika sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa women's division para sa prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners. Pag-aagawan din ng baguhang Cavite Patriots-Fourbees at beteranong Maybank ang matira-matibay na salpukan para sa ikatlong puwesto sa pagkikita nila sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa men's division. Hindi makakasama ng Generika ang head coach nila na si Ramil de Jesus bagamat hangad ng Life Savers na ituloy ang itinala nilang apat na sunod na panalo upang agawin ang solong ikalawang puwesto matapos na huling biguin ang RC Cola Raiders sa iskor na 25-15, 25-21, 15-25, 25-21. "Our game against Petron will test not only their mental toughness but their whole character. Hindi porke pasok na kami sa top 4 ay puwede na kaming mag-relax. We want the game to gain as much possible advantage if ever we could meet them again," sinabi ni De Jesus, na binitbit ang Life Savers sa 6-3 (panalo-talo) karta. Anuman ang maging resulta ng laban sa pagitan ng Petron at Generika ay hindi na makakaapekto sa kanilang silya sa semifinals. Okupado ng Blaze Spikers ang unang puwesto na bitbit ang 8-1 karta at pumangalawa naman ang Life Savers. Importante naman para sa Cignal HD Spikers ang unang laro kung saan ay kailangan nilang manalo kontra sa Foton Tornadoes upang makapantay sa kartada ang nasa ikatlong puwesto na RC Cola-Air Force na may 5-5 marka. Bitbit ng HD Spikers ang 4-5 marka. Base naman sa format ng torneo ay ookupahan ng Blaze Spikers ang unang puwesto habang malalaglag ang Generika sa ikatlong puwesto dahil sa mas mababa ang ranking na dedetermina sa match point, bilang ng panalo, set quotient at points quotient. Ookupahan ng RC Cola-Air Force (5-5) ang ikalawang puwesto habang ang Cignal (4-5) ang ikaapat anuman ang maging resulta ng laro nila kontra sa Foton. Dahil sa istatistika ay sasagupain ng Petron ang Cignal habang muling magsasagupa ang RC Cola-Air Force at ang Generika sa sudden-death semifinal sa Biyernes. Ang dalawang magwawagi ay uusad sa kampeonato na gaganapin naman sa Linggo. "Hindi madaling kalaban ang Foton. They have nothing to lose. Kailangan talaga na ibigay namin ang best namin para umangat ang standing namin at mas gumanda pa ang chances namin na makahabol sa finals," sinabi ni Cignal coach Sammy Acaylar, na pinutol ang apat na sunod na kabiguan matapos biguin sa kontrobersiyal na laro ang RC Cola Air Force, 3-2 set, sa iskor na 23-25, 22-25, 25-21, 25-16, 16-14.
00
Ito ang inihayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima makaraan niyang kumpirmahin nitong Disyembre 12 ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Bureau of Corrections Act of 2013.
00
Ito ay matapos masabugan ang isang 11-anyos na lalaki at ang kanyang walong taong gulang na kapatid na nasabugan ng paputok noong Lunes. Ayon sa pulisya, naputol ang kanang kamay ang biktimang si Mark Anthony Ng sa lakas ng pagsabog ng paputok samantalang ang kanyang nakababatang kapatid ay nagtamo ng sunog sa kilay.
00
Sinabi ni Cabinet Secretary Rene Almendras na sa nakalipas na tatlong linggo ay nakadaong na ang mga barko sa pantalan at ganap nang decongested ang Port of Manila.
00
Ipinakita pa ngang dumating sa piitan ang ama niyang si dating Senador Ramon Revilla, Sr. Nagdatingan din ang mga pagkaing kanilang pagsasaluhan pangunahin na dito ay ang lechon baboy. Naluha si Lani nang sabihin niyang una nilang ipagdiriwang ang Pasko sa labas ng kanilang tahanan. Ipinakita sa telebisyon ang kanilang malaking tahanan sa Alabang, marangya... maluho... Dahil sa piitan nga magno-Noche Buena at magpa-Pasko ang pamilya ni Bong, kakalog ang kanilang bahay. Sa kabilang dako, ipinakita ng balita ang isang mahirap noong Bisperas na ng Pasko na tulak-tulak pa ang kariton at nagkukumahog pang kumita ng paghaharapan nila ng kanyang pamilya sa Noche Buena. Hapon na ay wala pa raw siyang gaanong kinikita dahil nga umuulan. Ang nakadelehensiya ay ang kanyang maybahay na hinalukay ang mabahong basura. Pinalad siyang may naihiwalay dito na naibenta niya. Sa ilalim ng tulay hinihintay ang ama dahil iyon palang tulak-tulak niyang kariton ay ang pinakabahay nila. Dito nila paghaharapan ng kanilang mga anak ang nadelihensiya nila para sa kanilang Noche Buena. Dukha man ang pamilyang ito, walang nakitang lumuluha sa isa man sa kanila sa araw na ito.
00
Noong Disyembre 30, 2014, ginunita ng bansa ang ika-118 kamatayan ng pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Sa meron o walang lehislasyon tungkol sa pagiging pambansang bayani ni Rizal, siya ang itinuturing na tunay na bayani ng mga Pinoy. Hindi dapat pagkumparahin sina Rizal at Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan sapagkat magkaiba ang kanilang pamamaraan ng pagtulong sa bayan na noon ay nasa ilalim ng pamatok ng mga Kastila. Hindi dapat pag-awayan ng mga maka-Bonifacio at maka-Rizal ang kanilang kabayanihan. Sila ay kapwa bayani. Huwag Kang Magnakaw - ito ang adbokasiya ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle. Nakasulat ito sa mga T-Shirt ng ilang kaibigang journalist na kasama kong umiinom ng kape matapos ang jogging. Nakasulat din sa T-Shirt ang Exodus 20:15. "We should not allow corruption and cheating to become part of Filipino culture and the military, " sabi pa ni Cardinal Tagle.
00
Nagtanong kami kung ano pa ang lumakas at humina na nang mga nagdaang araw at binanggit lahat sa amin na hindi na namin isusulat pa kung ano ito, basta ang sabi sa amin, "Nu'ng hindi pa po nananalo ang English Only Please, parating sold out (mga pelikula), pero ngayon, humina na po, baka kasi napanood na ng karamihan o baka hindi pa nanoood 'yung iba, abangan natin sa New Year. Pero itong kina Jennylyn (plus Derek), parati pong sold out, 'dami nga po nagsasabing 'bakit iisa lang ang sinehan." Natutuwa kami para sa pelikula nina Derek at Jennylyn dahil ito ang bukod tanging walang napapanood na trailer sa telebisyon dahil hindi pinayagan ng ABS-CBN at GMA-7 na parehong may mga entry tulad ng The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui, Kubot: The Aswang Chronicles, Shake Rattle and Roll. Mabuti pa nga ang Bonifacio at Magnum Muslim .357 ay napapanood din namin ng ilang beses sa ABS-CBN. Sa social at print media plus word of mouth lang ang pinaka-promo ng English Please Only at sana nga mas lalo pa itong lumakas. Napanood namin ang Kubot: Aswang Chronicles ninaDingdong Dantes, Joey Marquez, Lotlot de Leon atIsabelle Daza na nagandahan kami lalo na sa special effects at kulay na habang pinapanood namin ay ang premyadong direktor na si Quentin Tarantino ang nasa isip namin dahil ganito ang estilo ng mga pelikula niya. Medyo nakulangan kami sa action kung ikukumpara saTiktik: Aswang Chronicles pero okay na rin at dahil matagal na kaming hindi kumakain ng hotdog dahil nga processed meat ito ay mas lalo pa kaming nandiri nang ipakita kung paano ito ginagawa at kung ano ang laman nito maski hindi naman ganito talaga. At dahil dog lover kami, naawa kami sa asong ginamit (maski hindi ipinakita) para ipakain kay Makki na anak ni Dingdong sa pelikula na isa nang asawang. Wala pa kaming kalahati sa seating capacity sa loob ng Cinema 7 pero sabi naman ng tagabantay ay hindi na raw talaga gaanong tinatao 'pag last full show na.
00
Ang nagbabalik na si Paz-Cojuangco, na hangad ang ikalimang gintong medalya sa torneo na dating kilala bilang Asian Grand Prix, ay nagtipon ng kabuuang 689 puntos sa 72 arrow Qualification ( 345 at 344 ) na katulad din sa isinumite ng pumangalawa na si Surekha Vennam ng India. Gayunman, bunga ng magandang patama sa natudla nitong 16 X at 45 10's ay inokupahan ni Paz-Cojuangco ang unang puwesto. Nabitbit din ng ilang beses naging SEA Games gold medalist ang kanyang mga kasamahan sa unang puwesto sa team ranking sa kabuuang 2,043 puntos, na abante ng 12 puntos sa karibal nitong Malaysia at 14 na mas maganda kontra sa paboritong India. Nag-ambag din ang muling nagpapakitang gilas na Olympian na si Jennifer Chan sa impresibong unang araw para sa Pilipinas sa pag-okupa sa ikatlong puwesto sa natipon na 685 puntos. Ang kabilang sa developmental archer na si Andrea Robles ang ikatlong pinakamataas na may 669 puntos bagaman ibinigay nito ang kanyang puwesto sa kakampi na si national member Joan Chan Tabanag na nagtala ng 668 puntos dahil sa kinailangan nitong magbalik sa Maynila upang daluhan ang kanyang inaasam na graduation. Kapwa rin nakausad sina Paz at Chan sa unang round matapos makakuha ng bye sa Olympic Round gayundin ang Philippine women's team para sa maagang pagtuntong sa quarterfinals. Hindi naman naging maganda ang resulta sa women's recurve matapos na ang Olympian na si Rachel Cabral ang pinakamataas ang naabot sa ika-37th sa natipong 592 puntos. Si Kareel Hongitan ay nasa ika-39th sa 590 puntos habang si Mary Queen Ybanez ay nahulog sa ika-56th sa 560 puntos. Nanguna ang mga Chinese Taipei archers na sina Lin Chin at Tan Yi sa kapwa pagtatala ng 656 puntos upang itulak ang kanilang koponan sa unahan sa 1, 959 puntos. Ang Pilipinas ay nasa ika-12 puwesto sa 1,742 iskor. Nakatakda naman sumabak ang Men's Compound team na binubuo nina Paul Morton dela Cruz, Earl Yap, Dean at Jeff Adriano, Don Sombrio gayundin ang Men's Recurve nina Gabby Moreno, Florante Matan, Zander Lee Reyes at Anatacio Pellicer III sa kani-kanilang Qualifying Rounds.
00
"Tingnan natin, pero may plano 'yan, alam niya kasing malapit na siyang magretiro sa showbiz lalo na ngayong ikakasal na sila ni Marian (Rivera)," sitsit ng grupong nakausap namin noong Setyembre. Pero nagsabi noon si Dingdong na wala siyang planong pumasok sa pulitika dahil nga puwede naman daw siyang tumulong kahit wala siya sa posisyon. Kaya tinext namin ang manager ng aktor na si Perry Lansigan kung magpupulitika nga ba ang alaga niya, "Wala akong alam," kaswal na sabi sa amin. Naniniwala pa rin kami, Bossing DMB sa kasabihan na kapag may usok, may apoy lalo na't pawang nasa business sector ang mga nakausap namin dahil humingi raw ng suporta sa kanila ang kampo ng aktor. Sila rin ang nagkuwento na maraming bishop ang darating sa kasal nina Dingdong at Marian na abot sa 200 ang unang plano, pero hindi na kinaya ng budget kaya iilan lang ang dumalo. Kaya hihintayin namin ang taong 2016 kung ano ang final answer ni Dingdong sa pagpasok niya sa pulitika. Samantala, sinulat din namin dito sa Balita ng parehong araw ang pagpasok ni Sharon Cuneta sa pulitika. Sinulat namin na may nagkuwento sa aming kakandidato para mayor ng Pasay City si Sharon at pinag-uusapan din ito sa business sector. "Hindi pa lang ina-announce kasi maaga pa, pero hintayin mo," tsika ng source sa amin. "It's a 70-30 sa pagtakbo ni Sharon, wait mo lang." Bagamat ilang beses nang sinabi ni Sharon na wala siyang planong pasukin ang pulitika dahil magulo at baka hindi niya kayanin ang intriga at kalakaran dito. Sa presscon nina KC Concepcion at Paulo Avelino para sa episode nilang "Exchange Gift" sa Give Love of Christmas (bukas na ang pilot telecast) ay sinabi ng aktres na hindi siya aware sa plano ng ina nang may magtanong tungkol sa isyu. Hindi pa raw ito napag-uusapan sa pamilya, pero kung anuman ang plano ng ina ay malalaman din naman ito kaagad ng publiko.
00
Ipinatawag ng fourth-seeded na Dane ang kanyang trainer ng tatlong beses sa kabuuan ng first set para matingnan ang kanyang left wrist. ''I felt it during one shot,'' sabi ni Wozniacki. ''I hit it against the wind and hit it late and I felt it in my wrist." ''I've had it before so I kind of know what it is. It's painful every time I had to hit a backhand and I didn't want make it worse before Melbourne, so I'm just going to try and get some treatment on it and try and get ready for next week.'' Sinabi ni Wozniacki na kumpiyansa siyang magagawa niyang makapaglaro sa Melbourne Park, bagamat ang treatment na kanyang natanggap sa courtside ay hindi nagpawala ng iniindang sakit. ''I just felt like it was getting a little worse, so I felt like I wasn't going to win the match without being able to hit like a proper backhand,'' aniya. Tinalo ni Wozniacki si Zahlavova Strycova sa tatlong set sa semifinals ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand, noong nakaraang linggo, bago nalaglag kay Venus Williams sa final.
00
Ayon kay PO1 Ronald Calpito, wala nang buhay nang natagpuan si Silvino Pabor, nasa hustong gulang, tubong Candon, Ilocos Norte, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Dapdap sa Paniqui.
00
"Remember, the Philippines is giving everything and paying them to give their service to the country," sinabi ni Garcia. Ito ay matapos magdesisyon ang ABAP na hayaan na lamang sina Barriga at Suarez na sumagupa sa AIBA Pro Boxing Tournament kung saan ay kumikita ang mga boksingero sa bawat laban na kanilang makukuha sa bagong sistema ng internasyonal na asosasyon na AIBA. Hindi ikinatuwa ni Garcia ang desisyon ng ABAP at maging sa dalawang boksingero dahil sasagupa ang mga ito sa isang torneo upang kumita at hindi pagsilbihan ang kanilang sariling bansa na nagbibigay sa kanila ng insentibo at buwanang allowances. Una nang ipinaliwanag ni ABAP executive director Ed Picson na ang desisyon ng dalawang boksingero ay hindi makaaapekto sa kanilang pagpili ng mga ipapadalang boksingero sa 2015 SEA Ganes sa darating na Hunyo 5 hanggang 16 sa Singapore dahil maraming makukuha sa kanilang training pool. Ang 21-anyos na si Barriga ay maraming katimbang sa 49 kg class habang maraming nakalinya para palitan ang 26-anyos na si Suarez sa 60 kg division. Matatandaan na huling nabigo sina Barriga at Suarez na makatuntong sa 2016 Rio de Janeiro Olympics matapos na kapwa mabigo sa kanilang krusyal na labanan para sa Top 2 sa ginaganap na ranking tournament ng AIBA Pro Boxing. Si Barriga ay una nang nakuwalipika sa 2012 London Olympics at nag-uwi ng tanso sa 2014 Asian Games sa Incheon matapos kubrahin ang ginto noong 2013 SEA Games sa Myanmar.
00
Sinabi ni LVPI president Joey Romasanta sa ginanap na AVC Women's Under 23 Championships draw of lots sa Crown Plaza Hotel na hanggang sa kasalukuyan ay may utang ang Pilipinas ng $90,000 (P3.9M) sa Federation International des Volleyball (FIVB). "For a start, LVPI has committed to settle the indebtedness of the previous administrations amounting to $90,000 and we have likewise obligated ourselves to participate in at least six Asian Championships from nearby Taipei to as far away Iran as our commitment to volleyball," sinabi ni Romasanta. Una nang kinumpirma ni AVC Secretary general Shanrit Wongprasert sa nasabing aktibidad ang pagkilala sa bagong asosasyon. "We have to respect the national Olympic committee decision, because all the international federation has to work with the NOC's. We, in the AVC and FIVB, have to work with the group recognized by the NOC. We have to work and run our championships in coincidence with the rules of FIVB and AVC," pahayag ni Shanrit. Ang susunod na hakbangin ni Romasanta ay ipakilala ang buong liderato ng LVPI sa gaganaping general assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Marso 25. "The Philippines, as well as the SEA and Asian volleyball communities, could not comprehend why despite the huge popularity of volleyball, we have been noticeably absent from at least the SEAG," paliwanag ni Romasanta. "The LVPI hopes to address and bring Philippine volleyball back on the regional track to do justice to the athletes and resurrect the glory days of Philippine volleyball," giit pa nito. Ang mga miyembro naman ng LVPI Board of Trustees ay sina Chairman Victorico Chavez, Vice-President Peter Cayco (NCAA), Secretary General Ricky Palou (Shakey's V-League), at Chief Finance Officer Ramon "Choy" Cojuangco Jr.
00
Ito ay upang maiwasang gumamit pa ng kani-kanilang sasakyan ang susundo at maghahatid ng mga pasahero sa gitna ng matinding trapik na nararanasan sa lugar. Para sa kaalaman ng mga pasahero sa airport, matutukoy ang mga awtorisadong shuttle bus sa pamamagitan ng sticker na may katagang "MMDA's Airport Christmas Shuttle" na nag-aalok ng libreng sakay basta ipakita lamang ang airline ticket.
00
milyon umanong halaga ng kickback na sinasabing tinanggap ng Bise Presidente mula sa land deal ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa isang pribadong real estate firm.
00
Sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose 'Peping' Cojuangco, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia, at PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror ang mangunguna sa mga opisyal, atleta, sportswriters, at mga bisita sa pagbibigay-pugay kay Caluag at ang lahat ng 79 awardee ngayong taon sa dalawang oras na programa kung saan ang beteranong sportscasters na sina Quinito Henson at Patricia Bermudez-Hizon ang siyang hosts. Si Garcia, ang Chef De Mission ng bansa sa Incheon Asiad noong nagdaang taon, ang siya ring magsisilbi bilang keynote speaker ng gala night. Makikihati kay Caluag sa ningning ng event kung saan principal sponsors ang Smart, MVP Sports Foundation, at Meralco habang major sponsor naman ang PSC, ay ang siyam na tatanggap ng Special Awards mula sa pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa na nagdiriwang ng ika-66 taon nito. Ang kasalukuyang UAAP men's basketball champion na National University Bulldogs ang mangunguna sa listahan sa kanilang pagtanggap ng President's Award habang ang 1973 Philippine men's basketball team na nanalo sa Fiba-Asia Men's Championship sa Manila ang gagawaran ng Lifetime Achievement Award. Ang iba pang tatanggap ng pagkilala sa event na suportado rin ng PBA, Maynilad, Accel, Rain or Shine, ICTSI, PCSO, PAGCOR, El Jose Catering, National University, Globalport, Air21, at 1Esplanade ay sina Hans Sy (Executive of the Year) , champion coach Tim Cone (Excellence In Basketball), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), Tony Lascuna and Princess Superal (Golfers of the Year), Mitsubishi (Hall of Fame), at MVP Sports Foundation (Sports Patron of the Year). Mayroon ding major awards na ipamimigay kina Donnie Nietes, San Mig Coffee team, Gabriel Luis Moreno, Michael Christian Martinez, San Beda Red Lions, June Mar Fajardo, Kiefer Ravena, Mark Galedo, Daniella Uy, Mikee Charlene Suede, Jessie Aligaga, Jean Claude Saclag, Philippine dragon boat team, Philippine poomsae team (male over 30), Philippine poomsae team (freestyle), Kid Molave, at Jonathan Hernandez. Magbibigay-aliw naman ang two-time UAAP cheerdance competition champion National University. Ang mga imbistasyon para sa awards night ay naipadala na, ngunit sa mga hindi nakatanggap nito, maaari itong kunin sa lobby entrance ng 1Esplanade.
00
Tinanghal na Best Drama Series ang Ikaw Lamang at ang mga bidang sina Coco Martin and Kim Chiu ang nagwaging Best Drama Actor and Actress. Sina John Estrada at KC Concepcion ng Ikaw Lamang din ang nagwaging Best Supporting Actor and Actress pero ang mga tinalo na pinakamahigpit nilang nakalaban ay pawang co-stars din nila sa nasabing serye. Sa kategoryang Best Single Performance by an Actress naman ay tinalo ng first time nominee sa acting award na si Sunshine Cruz sina Nora Aunor, Maricel Soriano, Gina Pareno, Irma Adlawan at Janice de Belen. Halos mapaiyak si Sunshine sa pagkakapanalo niya na inialay niya sa kanyang tatlong anak na mag'isa niyang itinataguyod ngayon. Ang Kapamilya talent pa rin na si Arjo Atayde ang nagwagi bilang Best Single Performance by an Actor dahil sa kanyang ipinakitang galing sa Maalaala Mo Kaya (MMK rin ang nagpanalo kay Sunshine) at ka-tie ng actor si Jose Manalo na first time ding nagkaroon ng best actor award. Tumanggap naman ng malakas na hiyaw mula sa audience ang Kapamilya love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang tanghaling "Power Love Team" na kaloob naman ng Kapusong si German "Kuya Germs" Moreno. Ang Kapamilya pa ring sina Lyca Gairando at Manolo Pedrosa ang tumanggap ng "Best New Female and Male Personality". At ang Honesto star na si Raikko Mateo ang wagi bilang Best Child Performer. Narito ang list of winners sa PMPC 28th Star Awards for TV: Best TV Station ABS-CBN
00
Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na si Dan Rex Enriquez, na nakatira sa Bgy. Ligtong, Rosario, na huli umanong nakainuman ng dalagita sa isang party. Teorya ng pulisya, matapos dumalo sa party ay umuwi na ang biktima pero sinundan siya ng suspek at ginahasa bago pinatay.
00
Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang mga biktima ay ang mag-asawang Gilbert Calub, 44; at Annaleah Calub, 44; mga anak na sina Gian Carlo Calub, 12; at Gleo Christof Calub, 7, pawang taga-Pines City Executives Homes sa Bgt. San Roque, Antiipolo City.
00
Masaya niyang ibinalita na annulled na o napawalang-bisa na ang kasal niya kay Meryll Soriano. Naging bunga ng pagsasama nila ng aktres ang kaisa-isa nilang anak na si Elijah. "After six to seven years , I'm legally annulled," pahayag ni Bernard. Wala na raw sagabal sa kanila ni Jerika kapag naisip na nilang magpakasal. "We are on the right path. Legally, I can ask her,' sey ng aktor. Handa na rin daw siyang pakasalan si Jerika dahil ito ang ipinangako niya sa sarili, ang ihatid sa altar ang anak ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada. "I don't see the relationship going anywhere but there," mariin niyang sabi, na sinalo naman ni Jerika ng, "Walang nagmamadali." "If they gave me enough shows to make that much,why not? As long as we got the confirmation, I'm happy already. If it will lead to marriage, the sooner, the better," sey pa ng aktor.
00
Si De la Hoya, isang 10-time world boxing champion, ay nakipagtambal kay Mexican boxing mogul Pepe Gomez upang ilunsad ang De la Hoya TV: Beyond Boxing. Ginawa ni De la Hoya ang anunsiyo noong Miyerkules sa Miami Beach sa NATPE TV programming convention.
00
Ang mga curators na mag-a- assess sa mga kasagutan at magdedetermina sa playlist ay kinabibilangan ng British singer-songwriters na sina Ed Sheeran at James Blunt, US singer-songwriter John Legend, French DJ David Guetta at Portuguese pop star David Carreira. Inanunsiyo ni UN Secretary-General Ban Ki-moon, na hindi nakilala sa kanyang rock star persona, ang inisyatiba sa isang MTV-style video kung saan ibinigay niya ang kanyang boto sa 1970 hit ni Stevie Wonder na "Signed, Sealed, Delivered." Sinabi ni Ban na ang awitin - kilalang paborito ni US President Barack Obama - ay kumatawan sa kanyang mga pag-asa para sa isang matagumpay na kasunduan sa climate change sa isang UN-led conference sa Paris sa huling bahagi ng taong kasalukuyan. Idineklara ng United Nations noong 2012 ang International Day of Happiness - na kasabay ng unang araw ng tagsibol sa Northern Hemisphere - matapos ang inisyatiba ng Bhutan, ang lupain sa Himalayan na sumusukat sa "Gross National Happiness" imbes na sa standard economic indicator. "On this day we are using the universal language of music to show solidarity with the millions of people around the world suffering from poverty, human rights abuses, humanitarian crises and the effects of environmental degradation and climate change," ani Ban. Noong nakaraang taon, ang International Day of Happiness ay inimbitahan ang music fans sa buong mundo na sumayaw sa patok na awitin ni Pharrell Williams na "Happy," na naging viral sensation.
00
Agad masusubok ang kakayahan ng mga nakuwalipika sa pinakamayaman at pinakamalaking karera sa bansa sa unang araw pa lamang ng labanan kung saan ay dalawang yugto agad ang kanilang kakaharapin sa kabuuang anim na araw ngunit may walong Stage na karera.
00
Ayon kay BI Commissioner Siegfred Mison, ang P3.022-bilyon kita noong nakaraang taon ay mula sa "mataas at mas propesyonal na mga kawani". Ang nasabing halaga ay hindi hamak na mas mataas kumpara sa P2.985-bilyon nakolekta noong 2013.
00
Ayon kay NCRPO chief Director Carmelo Valmoria, nais lamang nilang matiyak na ligtas ang publiko ngayong holiday season. Sinabi ni Valmoria na tututukan ng pulisya ang selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon, partikular ang bentahan at paggamit ng mga ilegal na paputok.
00
"A drug user, dependent or any person who violates Section 15 (Use of Dangerous Drugs), of RA 9165, may submit himself for treatment and rehabilitation of drug dependency. The treatment and rehabilitation program helps drug dependents recover and become productive citizens living in a healthy society," pahayag ni PDEA Director General Arturo Cacdac. Inihalimbawa ng opisyal ang isang manlalaro ng UFC, ang light heavyweight champion na si Jon Jones, na boluntaryong sumailalim sa rehabilitation matapos magpositibo sa cocaine. Agosto 2014 nang nakulong ang anak ng international action star na si Jacky Chan na si Jaycee at ang kasama nitong aktor na si Kai Ko dahil sa paggamit ng marijuana. Maihahalintulad din ang naging karanasan ng aktor na si JM de Guzman na kusang-loob na nagparehab para sa panibagong kabanata ng kanyang buhay.
00
Ayon sa dating actor, nananatili siyang staff ng senadora pero hindi nga lang sumasama sa mga lakad nito sa pangangampanya. Binanggit ni Renzo na magtatatlong taon na siya bilang staff ni Sen. Grace Poe at walong taon ding naging staff ni Sen. Jinggoy Estrada. Kaya regular Senate employee na raw ang kapatid ni Sheryl Cruz at wala raw namang isyu tungkol sa kanilang dalawa ng pinsang si Sen. Poe. Iniiwasan niyang magkomento tungkol sa hidwaan nina Sheryl at Sen. Grace. "Bahala na sila sa bagay na 'yan. Basta walang problema sa amin ni Sen. Grace at hindi rin naman namin pinag-uusapan 'yun ng kapatid kong si Sheryl," sey niya. Kinamusta namin kay Renzo ang mommy niyang si Rosemarie Sonora at ang kapatid niyang si Patrick. Masayang-masaya rin daw ngayon si Partick sa buhay may-asawa nito pero pagdating sa kanilang ina ay hindi pa raw napapanahon na pag-uusapan namin ang bagay na ito.
00
Sinabi ni Valte na una nang nilinaw ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang posisyon nito sa usapin dahil mangangahulugan ito na ang "government gave, or at least gave its blessing" sa krimen. "And, I think, the President was specifically clear on his position on that," sinabi ni Valte sa panayam ng DZRB kaugnay ng nasabing panawagan ng Center for International Law (CenterLaw) Philippines. Iginiit ni CenterLaw Chairman Harry Roque Jr., na abogado rin ng mga pamilya ng mga biktima, na batay sa international law ay dapat na bayaran ng gobyerno ang mga naulila ng mga biktima. Sinabi naman ni Valte na ginagawa ng Ehekutibo ang lahat ng paraan upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima. "Again, the executive branch is not the only branch in play here into the case, and we can assure you that our efforts have been concentrated on pushing the case forward," aniya.
00
Kung paniniwalaan ang isang survey na ikinomisyon ng isang pahayagang English, 48% ang sinisisi si PNoy sa pagkamatay ng 44 SAF commando samantalang 52% ang sumisisi kay Purisima. Anim sa 10 Pinoy na tinanong ang walang tiwala ngayon sa Aquino administration kasunod ng Mamasapano massacre. Totoo ba ang mga ulat na ang dalang mga granada (M203) ng SAF men ay pawang supot o hindi sumabog sa kaigtingan ng sagupaan? Ayon kay PNP Supt. Raymund Train, intel officer ng SAF na namuno sa pagsalakay sa kuta ni Zulkfli bin Hir, hindi pumutok ang mga granada upang mapigilan ang mga kalaban. Nag-text sa akin si veteran defense reporter Ben Cal ng PNA upang ipaalam kung paano umaksiyon si FVR sa mga krisis na katulad ng Mamasapano. Noong Abril 3, 1995, sinunog ng Abu Sayyaf ang public market ng Ipil, Zamboanga ng 2am. Dumating si FVR sa Ipil at ininspeksiyon ang eksena dakong 7:30am. Tinanong niya kung nasaan si Southcom chief Lt. Gen. Regino Lacson. Ang sabi ay nasa Davao City raw. Ano ang ginagawa niya sa Davao, tanong ni FVR. Agad ni-relieve ni FVR si Lacson at itinalaga si Lt. Gen. Eduardo Batenga bilang bagong Southcom chief, at inatasang magsagawa ng hot pursuit laban sa ASG. Sa 200 ASG na nanunog at nagnakaw sa mga bangko, lahat ay napatay maliban sa 20 bandido. Ganyan si FVR, sabi ni Ben Cal.
00
Bagamat hindi kasama ang national costume parade para sa pagpili ng semi-finalists, isa sa pinakapinalakpakan na national costume show ang kay Catriona, na tinawag na "LUZVIMINDA: Magdiwang. Lumaban. Pagyamanin." "I want to represent the Philippines in all forms. When people see the Philippine sash, it's just a word on a sash, but really, we're made up of so many different places and so much different aspects to our culture," pagbabahagi ni Catriona sa ABS-CBN ilang oras bago ang parade. Ang bonggang national attire ni Catriona ay pinagtulungan ng parol make na si Eric Quiwa, ng fashion designer na si Jearsond para sa pintados catsuit, ng architect-artist na si Carlos Buendia Jr., at ng popular heel maker nasi Jojo Bragais. Ayon kay Buendia, kinakatawan ng Luzon ang sikat na mga parol ng Pampanga, na may brass border na disenyo, at gawa pa sa Apalit. Sa likod ng parol ay bubulaga naman ang painting na napapalibutan ng nakasulat na pambansang awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang na nasa Baybayin. Tampok din sa obra ang tagumpay, mga kapistahan, kaganapan, mga bayani, at mga pambansang sagisag, kasama ng estilo mula sa mga obra ni National Artist Carlos "Botong" Francisco. Kinatawan naman ng mga tattoo ang indibiduwal na paglalakbay at pakikipaglaban, katapangan at kalakasan, na kumakatawan sa katapangan at "resilient spirit" ng mga Pilipino sa gitna ng mga pinagdadaanang pagsubok sa kasalukuyan, pagbabahagi ni Buendia. Dagdag pa niya, authentic ang tattoo pattern na base sa manuskritong "Boxer Codex" na isinulat noong 1590. Naglalarawan naman sa isla ng Mindanao ang headpiece at brass accessories mula sa South Cotabato at ang customized na boots na may burda ng iba't ibang indigenous pattern mula sa katimugang bahagi ng bansa, sa mga Manobo, Maguindanao, Yakan, Maranao, Bagobo, at T'boli. "I am super proud of Catriona who slayed the runway. There's no part of that national costume that is not Filipino," pahayag ni Bragais pagkatapos ng show. May ilang ulat naman na ang parol-inspired na bahagi ng costume ni Catriona ay dapat na iilaw habang rumarampa ngunit hindi ito pinayagan ng mga organizer.
00
Clear - ito ang state of mind mo in this cycle. Mabilis kang mag-isip at may maaalala kang mga endeavor na kailangan mong atupagin. LEO [Jul 23 - Aug 22]
00
TINANONG namin si Derek Ramsay tungkol sa lumulutang na isyung babalik siya sa ABS-CBN. "No, no. I don't know! My contract with TV5 is going to expire soon, so (kaya) siguro may ganu'n," katwiran ng aktor. Okay na ba si Derek at ang ABS-CBN management na napabalita noon na nagalit sa kanya?
00
Timberwolves: Pinagpahinga si center Nikola Pekovic sanhi ng sore right ankle. Hindi nakita sa aksiyon si forward Kevin Garnett sanhi naman ng sore knee. Nagtala ang Timberwolves ng 1 assist sa first quarter.
00
Inihain ni Villar ang House Resolution 1658 na nag-aatas sa House Committee on Information and Communications Technology at sa iba pang kinauukulang House panel na siyasatin ang napaulat na mabagal na Internet connection sa bansa.
00
"P'wede ka bang tumanggi kay Direk Laurice (Guillen)?" natatawang sagot ni Raymart. "Actually, nag-gain na nga ako ng weight ngayon. Pero hindi mo nga p'wede tanggihan ang director mo, kahit first time ko ngang ginawa ito ngayon. Hindi naman ako nailang na kunan ang topless scene ko dahil nasa beach naman ako." Biniro tuloy si Raymart kung naghahanda na siya sa iba pang sexier scenes sa bago niyang drama series sa GMA-7. O baka gusto na niyang mag-join sa Cosmo Bash? "P'wede pa ba ako?" natawang sagot niya. "Iyon ang dapat ko munang paghandaan. Hindi pwedeng basta na lang papasok sa ganoon." Sa Second Chances, gagampanan ni Raymart ang role ng isang single father, si Bernard Castelo, na naiwanan sa kanya ang isang anak na lalaki ng yumaong asawa. Muli siyang umibig at nagbago ang buhay nang makilala si Lyra Bermudez (Jennylyn Mercado). Si Lyra na ang second chance ni Bernard para muling lumigaya. Ready na ba siyang magmahal muli dahil single na siya? "Sira ang buhay ko ngayon, ayoko namang pasukin iyong buhay na maging kami at sisirain ko rin ang buhay niya." Paano kung ang bagong mamahalin pala ang muling bubuo sa buhay niya? "Hindi, eh, parang marami pa akong mga kaso-kaso. Ayokong madamay kung sinuman iyong darating." Pero napipigilan ba ang puso? "Oo, pero may korte," at napatawa si Raymart. "Ang puso okay lang, eh, ang korte, nand'yan." Kaya sarado muna ang puso niya, kung hanggang kailan, hindi raw niya alam. Ngayong may anak siyang lalaki sa story, hindi ba niya nami-miss ang mga anak niya, sina Santino at Sabina? May communications pa ba sila ni Claudine Barretto? "Nami-miss, sobrang miss ko na sila, pero wala akong magagawa, malayu-layo pa ang tatakbuhin ng custody case namin. Nagkakausap lang kami kapag kailangang ipa-check-up niya sa hospital ang mga bata. Pero hindi niya ipinakikita sa akin ang mga anak ko. Ganu'n lang, hindi rin kami nagbatian noong Christmas at New Year."
00
Binuo ito ni Sir W.G. Armstrong, pinasadahan noong Abril 2, 1906 at inilunsad noong Abril 13, 1907. Ang HMS Invincible ay naging aktibong unit ng British Battlecruiser Force.
00
"Unfortunately, kinailangan pong ma-extend at maganda naman po 'yung nagiging resulta rin ng operations ng AFP," sabi ni Valte. "It's a delicate balance that government has to weigh and 'yung continued operations ng AFP (Armed Forces of the Philippines) against these lawless elements unfortunately has the by-product of the displacement, but government continues to do its best," dagdag niya. Gayunman, tiniyak niyang natutugunan ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng mga lumikas. "Again, we will just continue to strive to provide more services to those who are affected and again, to prioritize their safety first and foremost," ani Valte. Siniguro ng opisyal na prioridad ng gobyerno ang kaligtasan ng mga sibilyan. "Ang priority naman siyempre ng AFP diyan is 'yung safety nung civilians so talagang nagkakaroon po ng displacement. On the side of government, hinahabol na po natin 'yung pagbibigay na lang ng kalinga dito sa mga nadi-displace na pamilya pong ito," sabi ni Valte. Sinabi ni Valte na batay sa huling bilang, may 56,000 katao sa 44 evacuation center. Nasa 8,500 naman ang nasa labas ng mga evacuation center. Aniya, maging ang mga hindi tumutuloy sa evacuation center ay pinagkakalooban ng tulong, hindi lang pagkain kundi maging serbisyo medikal, counseling, at iba pa. Naglunsad ang militar ng matinding opensiba upang pulbusin ang BIFF, isang breakaway group mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasunod ng engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong Enero 25, 2015, sa misyong arestuhin ang dalawang kilabot na teroristang sina Abdulbasit Usman at Zulkifli Bin Hir, alyas Abu Marwan.
00
Taong 1883 nang maitatag ang kanyang korporasyon na Benz & Company, at naging pangunahing manufacturer ng mga sasakyan noong 1900. Ang kanyang ama ay isang engine driver. Siya ay nag-aral sa Karlsruhe Grammar School at Karlsruhe Polytechnic University.
00
Hindi pumasa si Silva sa isang pre-fight exam, nagpositibo para sa Drostanolone metabolites, ayon pa sa statement. Si Diaz naman ay lumapgpak sa post-fight exam para sa marijuana, ayon naman sa iniulat ni Yahoo! Sports columnist Kevin Iole.
00
Partikular na humingi ng suporta si Tagle sa mga Pinoy para sa feeding program ng kanilang archdiocese, sa ilalim ng kanilang programang Fast2Feed. Ang Fast2Feed ay isang Lenten campaign na humihiling sa mga mananampalataya na mag-ayuno at ang anumang salaping matitipid mula rito ay ipamahagi sa Hapag-Asa program ng Simbahan. Inihayag ni Tagle na naging matagumpay ang naturang programa noong nakaraang taon kung saan ay nakapagpakain sila ng 150,000 paslit na mula sa Yolanda-affected areas at 20,000 iba pang kabataan sa loob ng anim na buwan na Hapag-Asa feeding program. "It only takes P1,200 or P10 per day to bring back a hungry and undernourished child to his healthy state in six months," ani Tagle.
00
Ang resignation ni Darren Wilson ay kaagad na nagkabisa, ayon kay Atty. Neil Bruntrager. Si Wilson ay nasa administrative leave simula ng pamamaril noong Agosto 9, na nagbunsod ng ilang araw na bayolenteng protesta.
00
Libre ang lahat ng mga tiket para sa General Admission section ng MOA Arena sa Pasay City kung saan gaganapin ang opening games ng PBA Commissioner's Cup.
00
Ang insidente ay sinundan ng serye ng legal maneuvering mula sa lahat ng sangkot, nang kasuhan ni Vhong si Cedric at mga kasama ng serious physical injuries, serious illegal detention, grave threat, grave coercion, illegal arrest at blackmail. Nagpaigting sa drama ang aspiring beauty queen na si Roxanne Cabanero na nag-akusa rin kay Vhong ng panggagahasa sa kanya noong Abril 2010. Kalaunan ay ibinasura ang kaso, nang magpasya ang Department of Justice (DOJ) na ang pahayag ni Roxanne ay "contradictory, suspicious and of doubtful nature." Bukod kay Vhong, ang iba pang pangalan at mga paksa na pumasok sa Google Philippines' top trending searches list ay ang Flappy Bird, Robin Williams, Rude (Magic!), Frozen, Cedric Lee, Paolo Bediones, Jennifer Lawrence, Malaysia Airlines at Meteor Garden. Sina Cedric, Deniece, at Roxanne ay kapwa nakapasok sa Google Philippines' Top 10 Newsmaker list in 2014. Kasama nila sina Darren Espanto, Paul George, Helena Belmonte, Bryan Gahol, Michael Christian Martinez, Natalia Poklonskaya at Michelle Ann Bonzo. Sa panayam ng Manila Bulletin, sinabi ni Gail Tan, head of Communications and Public Affairs ng Google Philippines, na makikita sa trending searches list ngayong taon na karamihan ng Internet users ay naghahanap ng entertainment and news. "People really troop to the internet to search for entertainment but I would like to believe that there's now a good balance between the two," aniya. "If you look at the trending searches that we have, it's a combination of entertainment and news. Even if Vhong Navarro is the number 1, it is still news, it wasn't really entertainment. Something happened and it captured the people's attention." Idinagdag ni Tan na ang mga Pilipino ay mas nagiging conscious na sa global affairs batay sa Top 10 news terms na nakapasok sa kanilang listahan kabilang na ang MH370, Ebola virus, Typhoon "Glenda," SONA 2014, ISIS, MH17, Gaza, Ukraine, blood moon at Crimea. "We're very glad to see a consciousness in the Filipino about things that are happening globally like Ebola (outbreak) and Gaza (siege). It shows that they are now more mature about their searches," aniya. Bukod sa entertainment and current events, nagpakita rin ang mga Pinoy ng mainit na interes sa sports sa 70% ng top 10 events searches na karamihan ay may kinalaman sa boxing, football at tennis. Narito ang kumpletong listahan ng Google Philippines' top search items for the year batay sa category:
00
Magpa-pilot ngayong araw (Monday, March 9), pagkatapos ng 24 Oras ang Pari Koy na balik kontrabida siya dahil type niyang suportahan ang kaibigan niyang si Dingdong Dantes na siyang bida ng soap.
00
Ayon kay Agot Balanoy, manager ng BFMC, napakaliit lang ng pinsala ng frost sa ngayon at kahit dumami pa ito o bumaba ang temperatura sa Baguio ay hindi ito makaaapekto sa supply ng gulay.
00
Sa ulat kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si John Gabat Magbitang, ng Bgy. Pacac, Guimba, na agad na namatay dahil sa maraming tama ng bala sa katawan.
00
Sinabi ni De Lima na isa sa 20 preso mula NBP ang humiling ng lechon para sa kanilang selebrasyon sa loob ng selda. Iginiit ng kalihim na base sa umiiral na batas, hindi dapat pinayagang maipasok ang isang lechon sa piitan. "Somehow, during those times [baka may] lumapit doon sa mga drug inmate na regular detainees na nasa NBI detention facility at baka 'yun ang posibleng nagpuslit din ng mga contraband na 'yan, especially cash," pahayag ni De Lima. Kinumpirma ni NBI Director Virgilio Mendez na dalawang lechon ang ipinasok sa NBI detention center noong holiday. Ayon sa ilang imbestigador ng NBI, ang asawa ni Herbert Colangco, isa sa 20 high-profile inmate, ang nag-deliver ng lechon subalit hindi siya pinayagan ng jail guard na makalapit sa preso kaya iniwan na lang niya ang lechon sa gate ng pasilidad.
00
Mismong ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay hindi makapaniwala sa mga ulat na ang kagawaran ang nasa likod ng planong gibain ang isang istruktura sa Maharlika Highway sa Sariaya, Quezon para sa pagpapalawak ng kalsada.
00
Nagtapos si James na may 19 puntos at 12 assists. Tinapos ni Carmelo Anthony ang kanyang 4-for-19 na gabi sa pagmintis sa isang 3-pointer sa mga huling segundo at nalaglag ang Knicks sa kanilang ikaanim na sunod na pagkabigo para sa 4-16 na kartada. Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 20 puntos at 18 naman ang kay Amare Stoudemire, kasama ang 9 rebounds para sa Knicks, na sinubukang sorpresahin ang Cavs sa ikalawang pagkakataon ngayong season. Ngunit hindi nagawa ng New York, na sinira ang unang laro ni James mula nang magbalik sa Cleveland sa kanilang 95-90 na panalo noong Oktubre 30, na mapanatili ang pakikipagsabayan makaraang lumamang ng 7 sa huling quarter. Naipasok ni James ang isang 3-pointer para makuha ang 86-85 na abante sa natitirang 3:54, sinundan niya ito ng isang fast-break dunk para sa 3 puntos na kalamangan, may 3:25 pa ang nalalabi. Gumawa si Kevin Love ng 11 puntos at 11 rebounds para sa Cavs, na nag-average ng 109.8 puntos sa kanilang huling apat na pagwawagi ngunit nahirapan sa opensa sa larong ito, maliban kay Irving.
00
Ang mga tweet ng Santo Papa ay tungkol sa pakikihalubilo niya sa mga batang lansangan sa Tulay ng Kabataan matapos ang isang misa sa Manila Cathedral, at kahalagahan ng pamilya matapos ang kanyang Meeting with Families sa Mall of Asia Arena nitong Biyernes.
00
Ayon kay Senate Finance Chairman Sen. Francis Escudero, ang P24 bilyon pondo ng ARMM ay sapat para sa rehabilitasyon at konstruksyon ng mga kalsada at patubig na aabot sa P10,642 bilyon ang ibinigay sa regional government ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
00
Pero ang pagkakamali lang ni Singer ay binanggit pa niyang isa siyang singer. "Ay, pasensiya na, hindi ka namin kilala," sabi naman agad ng mga ito sa kanya.
00
Nakasaad sa 12-pahinang Omnibus Order na inaprubahan ang petition for bail ni Sajid subalit ibinasura ang kahalintulad na kahilingan nina Anwar Ampatuan Sr. at Akmad "Tato" Ampatuan, ang anak at manugang ni dating Governor Ampatuan. Nasa kabuuang P11.6 milyon ang halaga ng piyansa sa 58 counts ng murder o P200,000 kada kaso.
00
Ang mga curators na mag-a- assess sa mga kasagutan at magdedetermina sa playlist ay kinabibilangan ng British singer-songwriters na sina Ed Sheeran at James Blunt, US singer-songwriter John Legend, French DJ David Guetta at Portuguese pop star David Carreira. Inanunsiyo ni UN Secretary-General Ban Ki-moon, na hindi nakilala sa kanyang rock star persona, ang inisyatiba sa isang MTV-style video kung saan ibinigay niya ang kanyang boto sa 1970 hit ni Stevie Wonder na "Signed, Sealed, Delivered." Sinabi ni Ban na ang awitin - kilalang paborito ni US President Barack Obama - ay kumatawan sa kanyang mga pag-asa para sa isang matagumpay na kasunduan sa climate change sa isang UN-led conference sa Paris sa huling bahagi ng taong kasalukuyan. Idineklara ng United Nations noong 2012 ang International Day of Happiness - na kasabay ng unang araw ng tagsibol sa Northern Hemisphere - matapos ang inisyatiba ng Bhutan, ang lupain sa Himalayan na sumusukat sa "Gross National Happiness" imbes na sa standard economic indicator. "On this day we are using the universal language of music to show solidarity with the millions of people around the world suffering from poverty, human rights abuses, humanitarian crises and the effects of environmental degradation and climate change," ani Ban. Noong nakaraang taon, ang International Day of Happiness ay inimbitahan ang music fans sa buong mundo na sumayaw sa patok na awitin ni Pharrell Williams na "Happy," na naging viral sensation.
00
Isinulat at iniulat ni Per Liljas ng Time Magazine, isinalaysaysay ng artikulo ang hirap at mga hamon, at kalaunan ay tagumpay ng operasyon na pinamunuan ng kumpanyang Ocean Adventure, na si Tim ay chief executive officer (CEO) na nagresulta upang maibsan ang pagdurusa ng halos 500 pamilya o ng buong populasyon ng Maslog, isang bayan sa Samar. Si Josephine, na tubong Maslog, ay personal na sumama sa convoy ng mga behikulo sa bayan matapos manalasa ang supertyphoon. Nang matiyak na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya, sinimulan ni Josephine ang relief operations sa pagtayo ng isang base sa bakuran upang mamahagi ng 20 toneladang essential supplies at lifesaving medicines para sa buong bayan.
00
Ayon sa mga eksperto, lalo na sa mga doktor, mainam para sa kalusugan ang pagtawa. Walang kaduda-dudang may katotohanan ang pahayag na ito dahil ayon din sa Mabuting Aklat, na may ibinubungang mabuti ang maligayang puso.
00
Mahigit isang linggong nanatili sa bansa si Al Musallam kung saan ay personal itong nagmasid sa isinagawang fitness test ng mga dayuhang eksperto na mula sa Sports Performance University na sina Dr. Scott Lynn at Terence Rowles upang makabuo ng mga programa sa iba't ibang national sports association (NSA).
00
NANG maging panauhin nina Boy Abunda at Kris Aquino ang bida ng pelikulang Halik Sa Hangin na si Julia Montes noong Lunes ng gabi, inusisa ng hosts ng Aquino and Abunda Tonight kung bakit gayong lagi na lang siyang nali-link sa co-actors niya (gaya nina Enchong Dee at Coco Martin), but up to now ay wala man lang nababalitaang nagkaroon na siya ng boyfriend.
00
Ito ang inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at sinabing umabot din sa 59 ang nasugatan na binubuo ng 40 BIFF at 19 na mililtar. Ayon kay Western Mindanao Command spokesman, Col. Gerry Besana, resulta ito ng walang tigil na operasyong pinamunuan ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, ng 6th Infantry (Kampilan) Division at commander ng Joint Task Force Central, na sinimulan noong huling linggo ng Mayo hanggang sa kasalukuyan. "We will go after the bandits to safeguard the civilians and put an end to this menace of society. For as long as they still exist, I will not stop, it will continue. We are doing our best effort to put a rapid conclusion to this problem, because the more we prolong it, the more it prolongs the agony of many civilians in Maguindanao," sabi ni Sobejana. Sa kasalukuyan, aniya, ay patuloy pa rin ang opensiba laban sa grupo ng mga terorista.
00
Inorganisa ito ng Philippine Permanent Mission to ASEAN, sa pamumuno ni Ambassador Elizabeth P. Buensuceso sa suporta ng ACCC, ASEAN Economic Community (AEC) Division ng Department of Foreign Affairs (DFA) at PPP Center ng Pilipinas. Ang forum ay itinataguyod ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA) at ASEAN Regional Integration Support from the EU (EU ARISE).
00
Madaling maiwala ang momentum lalo na kung marami kang ginagawang iba pa. Kung mayroon kang proyekto na gusto mo talagang sumulong, maghanap ka ng paraan upang mabantayan mo ang progreso nito. Kumuha ng maliit na kalendaryo (maaari ring kalendaryo sa iyong cellphone) at itala roon kung hanggang saan na ang inabot ng iyong proyekto at ano dapat ang mararating pagsapit ng itinakdang panahon. Maaari ka ring gumawa ng listahan ng sunud-sunod na hakbang tungo sa tagumpay ng iyong proyekto at lagyan ng check ang mga natapos na gawain. Puwede ka ring magsabi sa isang matapat na kaibigan tungkol sa iyong pagsisikap upang makamusta ka nito pagdating ng panahon.
00
Bigyan daw ni Marion ng pagkakataon ang iba dahil artista na siya at nanalo na ng ilang awards bilang bagong composer at recording artist in so short a time. Idagdag pa raw ang pagiging trending worldwide hit ng komposisyon niya para kay Kathryn Bernardo na You Don't Know Me at ng Kiss Goodbye ni Alex Gonzaga sa debut albums ng dalawang young actress/singers. "First of all, I'm a big fan of PBB eversince. Pangarap ko noon pa man na makita ang sarili ko na nag-i-struggle sa iba't ibang tasks ng housemates. Hindi pa naman po ako sikat. I have been in the business for more than a year lang at alam kong malaki ang matututuhan ko sa loob ng Bahay ni Kuya. Kulang na kulang pa ang nalalaman ko. May nakasabay naman akong nag-audition din na artista na, pero hindi siya na-bash na tulad ko," naguguluhang pahayag ni Marion. Sinabi rin sa kanya ni Direk Lauren Dyogi na hindi na niya kailangang mag-PBB. "I told him na I feel the need for it. Siguro, susundin ko na lang ang concern nila pareho at maghanap ng ibang paraan para madagdagan ang kaalaman ko. Maybe, they mean well and they know what's best for me." Pakakawalan na lang ni Marion ang kanyang nararamdaman sa birthday concert niya with her guests Michael Pangilinan, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Edward Venoza at nakababatang kapatid niya na si Ashley. Pero bago ang kanyang Take A Chance concert, nakatakda rin siyang mag-perform sa mall shows sa SM Muntinlupa sa March 29, SM Las Pinas sa April 11 at sa isang hotel sa Baguio. Malapit na ring-i-release ng Star Records ang kanyang second album na balak gawing self-titled. It's an 11-track album kasama ang bonus cut na Pumapag-ibig, ang komposisyon para sa kanya ni Jungee Marcelo na entry nila sa Himig-Handog 2014. Tulad ng inaasahan, may sariling compositions din si Marion, bukod sa komposisyon din para sa kanya nina Jonathan Manalo at Joven Tan (yes, ang nag-compose ng award-winning song ni Aiza Seguerra na Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa, at sa Pare, Mahal Mo Raw Ako ni Michael Pangilinan. Kung dati'y kasing hinhin siya ng kanyang loving mommy, si Maribel "Lala"Aunor, unti-unti nang nagiging "sensual" si Marion na hinihingi ng pagkakataon. Pakinggan ang ika nga'y distinct Aunor sound ni Marion which has captivated those who have heard her sing. It's relaxed, natural singing inherent to the Aunors.
00
Kumubra si Green Bay ng tatlong touchdown sa second half ng laro. Dahil sa pagkakapanalo, tumanggap ang bawat manlalaro ng $15,000. Tinanggap ng American Football League (AFL) founder na si Lamar Hunt ang terminong "Super Bowl," ito ay pormal na ginamit noong 1969 para sa propesyunal championship games. Taong 1970 nang pagsamahin ang AFL at National Football League bilang isang grupo na binubuo ng dalawang conference na may 13 teams.
00
Sa record ng Malabon Police, ang suspek ang itinuturong humalay sa kanyang kapit-bahay noong Agosto 2008. Simula noon hindi na ito nagpakita sa kanilang lugar si Cortezo at hindi na rin ito dumalo sa mga pagdinig sa Malabon Regional Trial Court Branch 73 kung kaya inisyuhan na siya ng warrant of arrest ni Judge Carlos Flores sa kasong rape. Dakong 5:00 noong Martes ng umaga, may nagtimbre sa mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police na nakitang pagala-gala sa kanilang lugar si Cortezo.
00
"I welcome the prompt action and disposition of the Sandiganbayan en banc on the request for recusal of the three justices who are hearing my case before the Fifth Division, as this means that my bail application, including the request for holiday furlough, can be resolved soon and decided upon without unwarranted delay," pahayag ni Estrada.
00
Naniniwala si Baldwin na magiging napakahirap ng kanilang pagdaraanang proseso para sa seleksiyon dahil sa dami ng available na talents kung ikukumpara sa mga dati na niyang nahawakang national teams na New Zealand, Lebanon at Jordan. "We will select the pool, and as of this point, a lot is still in the works. But I intend to work with the PBA coaches and the collegiate coaches, take their advice on board because they are my references for these players and we will work with them to select the players. And from that point, I believe that the players should fight it out to get these uniforms," ani Baldwin. Sinabi rin ng 4-time NBL Coach of the Year na naiiba ang Pinoy basketball players kung ihahambing sa kanyang mga nahawakang manlalaro sa ibang bansa. "The pool of talent is deeper, especially in the guard position. But the level of talent is slightly different with other countries." Sa kabila aniya ng napakarami nang Filipino-foreign players na dumating sa bansa, hindi nagbago ang kultura ng mga Pinoy o ang kakaibang istilo nila ng paglalaro dahil kabaligtaran ang nangyayari na ang mga bagong salta ang yumayakap sa kultura ng local bred players.
00
Napag-iwanan lamang ng isang panalo ng Fresh Fighters ang Rising Suns na may taglay na malinis na barahang 7-0 (panalo-talo) kaya't sisikapin nilang tumabla sa una sa pagsabak nila kontra sa Tanduay Light sa tampok na laro sa ganap na alas-4:00 ng hapon. Sa panig naman ng kanilang kalaban, maghahabol ang mga ito upang makabangon mula sa natamong pagkabigo sa kamay ng Jumbo Plastic sa nakaraan nilang laban at masiguro ang huling slot sa playoff round. Taglay ang barahang 4-4 (panalo-talo), tatargetin ng Rum Masters ang ikalimang panalo para umagwat sa bumubuntot sa kanila na AMA University (3-5) na may tsansa pang makahabol sa kanila kung magwawagi sa huling dalawa nilang laban at mabigo naman ang Tanduay. Magkasunod naman sa ikatlo at ikaapat na puwesto kabuntot ang namumunong Hapee at Cagayan, magpapakatatag sa kanilang kapit sa posisyon ang Gems at Bakers sa kanilang pagtitipan sa ikalawang laro sa ganap na alas-2:00 ng hapon. Kung outright semifinals berth ang nakalaan sa top two teams sa pagtatapos ng elims, bentaheng twice-to-beat naman ang makakamit ng magtatapos sa No. 3 at No. 4 teams papasok sa quarters kontra sa aakyat sa No. 5 at No. 6 squad. Kapwa galing sa mahabang break, halos patas ang nakikitang laban sa pagitan ng Cebuana (4-3) at Cafe France (6-2) kung saan ay inaasahan ang mas matinding laro para sa hinahangad na tagumpay.