label
class label
2 classes
article
stringlengths
54
6.74k
00
Hindi halos nabago ang line-up ng nagkampeon noong nakaraang taon, makakasagupa ng Lady Eagles, muling pangungunahan ng reigning league MVP na si Alyssa Valdez, ang Lady Bulldogs sa ganap na alas-4:00 ng hapon. Una nang nagtunggali ang dalawang koponan noong nakaraang taon sa stepladder semifinals.
00
Tumabla sa iskor na 3-3, isang RBI ang ikinasa ni Chanty Bongat na naghatid sa mga kakamping sina Sella Mendoza at Gelai Lenales sa home plate at nag-angat sa Lady Maroons sa two-run advantage. Mula doon, hindi na sila lumingon pa upang maangkin ang No. 2 seed sa step-ladder semis. Nakapanghihinayang naman ang naging kabiguan ng Tigresses na una nang nagtala ng 3-0 bentahe sa laro bago sila bumagsak sa fifth inning sanhi ng sunud- sunod na errors.
00
Ang nangyaring upset, ang pinakamalaki sa pinagsamang WTA at ATP Masters event sa ngayon, ay inabot ng 1 oras at 49 minuto at minarkahan ang worst defeat ng five-time Grand Slam winner na si Sharapova na kanyang nalasap sa Miami mula nang matalo sa kanyang debut noong 2003.
00
Si Sato ay miyembro ng executive committee ng Japan Prefectural and Municipal Workers Union (JICHIRO), isa sa pinakamalaking grupo ng manggagawa na binubuo ng mga kawani ng gobyerno sa Japan. Kasalukuyang pinoproseso ng BI ang deportasyon kay Sato matapos itong makabilang sa Blacklist Order ng DoJ nang makibahagi sa demonstrasyon laban sa Asian Development Bank (ADB) sa Manila noong 2012. Kinonsidera ni Alan Tanjusay, isang miyembro ng Nagkaisa, na "grave abuse of authority" ang ginawa ng BI kasabay ng panawagan sa DoJ na ituwid ang pag-aresto kay Sato. "He was set aside, held and put under deportation proceedings on the whimsical basis," pahayag ni Tanjusay, na siya ring tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
00
Nagretiro si Ruelo na may ranggong Superintendent IV sa posisyong officer-in-charge ng BuCor Office of the Assistant Director for Prison and Security at hepe ng Correctional Institution for Women.
00
Ayon sa grupong nanawagan din sa sambayanan na sundin ang kahilingan ni Pope Francis na iwaksi ang mga leader na nasasangkot sa pangungurakot, panahon na upang magkaroon ng leader na tulad ng mga kongresistang hindi tumanggap at nakinabang sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP). "Kailangan natin ang leader na may tapang na lulutas sa dalawang pangunahing problema ng ating bansa: korupsiyon ng mga nanunungkulan sa bayan at sobrang krimen o kawalan ng kapayapaan at kaayusan," pahayag ni 4K Vice President Ronald Mendoza.
00
Epektibo 12:01 kahapon ng madaling araw nang magtaas ang Shell ng 30 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina habang tinapyasan ng 10 sentimos ang diesel.
00
Sinabi ng grupo na hiling din ng mga Pinoy mula sa Superior Court of California na pagbayarin ang kanilang employer ng hindi nabayarang sahod nila na aabot sa $700,000. Ang L' Amande, na pag-aari ng mag-asawang Goncalo at Ana Moitinho de Almeida, ay isang popular na bakery sa Los Angeles na may sangay sa Beverly Hills at Torrance. Ayon sa 11 Pinoy, nilinlang din sila ng kanilang employer sa pagkuha ng E-2 visa na nagbibigay sa kanila ng awtorisasyon sa mga banyaga na pansamantalang makapagtrabaho sa US. Sinabi ng abogado ng mga Pinoy na binantaan umano ng mga Almeida na kakasuhan ang mga Pilipino dahil sa kanilang utang na tig-$11,000 at deportasyon sa Pilipinas kung tatanggi silang ipagpatuloy ang kanilang pagtatrabaho sa bakery. Lumitaw din sa imbestigasyon ng Office of the Labor Commissioner sa Los Angeles na pinagtatrabaho sila sa bakery nang 14 oras sa sahod na $3 kada oras. Sinabi rin sa ulat na sinibak sa trabaho ang 11 Pinoy matapos matuklasan ng mag-asawang Almeida na inimbestigahan sila ng OLC.
00
Inorganisa ng Iceland, tinipon ng "Barbershop Conference" ang global ambassadors at mga opisyal ng UN para sa isang pag-uusap sa kung ano ang magagawa ng kalalakihan upang masupil ang karahasan laban sa kababaihan at maisulong ang pagkakapantay-pantay.
00
Kapag nagtanim ka, alam mo kung ano ang iyong aanihin. Ganoon din sa ating buhay. Aanihin natin kung ano man ang ating itinanim. Minsan, nagugulat na lamang tayo sa kaguluhan at kapighatiang idinudulot ng ating pamumuhay. Ngunit nangyayari lamang iyon kapag nagtanim tayo ng mga butil ng masamang pag-uugali at maling gawa; at nararanasan natin ang natural na bunga ng kung ano ang ating itinanim. Ngunit nangyayari rin ang kabaligtaran niyon. Kung magtitimpi tayo sa ating kapwa, kung tumutugon tayo sa mga paghamon nang may pananalig sa halip na may takot, at kapag tinatanggap natin ang ating kapwa kahit hindi sila katanggap-tanggap, ang mga ito ang bunga ng mga butil na itinanim ng Espiritu ng Diyos sa ating buhay.
00
Simula Enero 2014, umabot na sa halos P10 kada litro ang natapyas sa presyo ng gasolina habang P8 na ang nabawas sa halaga ng diesel. Subalit nananatiling nakabinbin ang hirit ng mga pasahero na ibaba na ang minimum na pasahe sa pampublikong sasakyan partikular sa jeep dahil kailangang dumaan sa proseso ang pagpapasya nito ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
00
Inihain ng Office of the Ombudsman ang kasong one count of violating the Anti-Graft and Corrupt Practices Act at one count of Malversation through Falsification laban sa limang dating opisyal ng Philippine Marines. Kabilang sa mga kinasuhan ay sina retired Maj. Gen. Renato Miranda, Lt. Col. Jeson Cabatbat, Maj. Adelo Jandayan, Capt. Felicisimo Millado, at Capt Edmundo Yurong. Ayon sa ulat, nai-raffle na ang kaso sa Sandiganbayan Third Division. Sinabi ni Assistant Special Prosecutor III Anna Isabel Aurellano na nagkutsabahan ang lima sa paglulustay ng P36.7 milyon noong 2000 habang sila ay nakaposisyon sa hukbo. Ipinaliwanag ni Aurellano na inilaan ang naturang halaga sa Combat Clothing Allowance at Individual Equipment Allowance ng mga sundalo ngunit hindi nila natanggap ang mga ito noong 1999. Tumatayong disbursing officer ng PMC noong mga panahong iyon, sinabi ng Ombudsman na nasa pangangalaga ni Millado ang naturang halaga subalit kinalaunan ay ibinigay nito ang P36 milyong kay Jandayan.
00
"In the consideration of safety, management and other factors, Yuyuan Tourist Mart has decided to cancel the 2015 Yu Garden Lantern Festival," pahayag ng kumpanya na nag-oorganisa sa event sa kanilang website noong Sabado.
00
Gayunman, nilagyan ng mga pulis ng steel barrier na maagang pumuwesto sa lugar. Itinuloy pa rin ng mga militante ang programa sa kalsada dala-dala ang kanilang placard, na roon nakasaad ang kanilang panawagan sa tunay na reporma sa lupang sakahan. Humihingi rin ng hustisya ang mga ito para sa mga nasawi sa tinaguriang Mendiola massacre noong Enero 22, 1987 at sa mga biktima ng iba pang karahasan sa Mendiola. Nagtagal lang ng kalahating oras ang programa ng mga ito at nilisan din ang lugar para dumiretso sa Mendiola. Matatandaang pinagbabaril ng mga sundalo at pulis ang 13 magsasaka na kabilang sa libu-libong raliyista na nagtangkang pumasok sa Malacanang para iparating kay dating Pangulong Corazon Aquino ang kanilang mga hinaing at kahilingan sa pamamahagi ng lupain 28 taon na ang nakalilipas.
00
FEU-NRMF-Gerry's Grill (82) - Manalo 16, Bautista 16, Gaco 13, Arafat 13, Crellin 9, Santos 5, Abdul 4, Sta. Maria 3, Morales 3, Raymundo 0, Tan 0, Gumabay 0. Diliman-JPA (76) - Diakhite 20, Torrado 14, Brutas 13, Enriquez 12, Salazar 4, Ligon 4, Corpuz 3, Sombero 2, Antalan 2, Cuerquez 1, Tay 1.
00
Enero 1951, nagdesisyon si Dean na ipagpaliban ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, at nagsimula siyang dumalo sa mga drama workshop na pinamunuan ni James Whitmore. Matapos noon ay marami na siyang ginampanang papel. Taong 1955, naging sikat si Dean para sa teenage revolution. Siya ay lumabas sa pelikulang "Rebel Without A Cause," kung saan gumanap siya bilang isang palaaway na teenager na kilala bilang Jim Stark.
00
Sa unang araw ng paglulunsad, nagsara ang isang euro sa halagang katumbas ng $1.17 U.S. dollars sa foreign exchange. Noong Enero 1, 2002 ay pinalitan na ng Austria, Belgium, Finland, France, Germany, Ireland, Italy, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Spain at Greece ang kanilang pera sa euro. Binubuo ng 19 na bansa ang eurozone. Ang iba pang European countries na nais mapabilang ay kinakailangang makapasa sa "convergence criteria," at maaprubahan ng konseho ng European Union (EU).
00
Hahataw sa Abril 5 (Easter Sunday) ang binuong Spiker's Turf na para sa kalalakihan at ang pinakaaabangang Shakey's V-League na para sa kababaihan sa ika-12 edisyon ng Shakey's V-League Open Conference sa San Juan Arena.
00
Si Popovich ay naging ikasiyam na coach na humantong sa 1,000th regular-season wins at naging ikatlo sa may pinakamabilis na mapasakamay ang inaasam na karangalan. Napasama ito kay dating Utah coach Jerry Sloan na natatanging coaches sa kasaysayan ng liga na mapagwagian ang 1,000 games sa iisang koponan lamang. Pinamunuan ni Tony Parker ang Spurs na taglay ang 19 puntos. Nagtala naman si Tim Duncan ng 15. Umiskor si Rodney Stuckey ng 18 puntos para sa Indiana, natapyas ang season-best winning streak sa tatlong sunod na panalo. Lumabas na nakuha ng Pacers ang kontrol nang maitatag nila ang 79-65 lead matapos ang tatlong quarters. Subalit nagsalansan ang Spurs ng siyam na sunod na puntos upang itabla ang iskor sa 91, at muling nagtabla sa 93, at muling kinuha ang kalamangan mula sa buslo ni Belinelli nang tumalbog sa rim ang 3-pointer ni George Hill. Naimintis ng San Antonio na maipagkaloob kay Popovich ang dapat sana'y maagang grand party noong Lunes subalit nabigo sila sa Toronto. Ngunit sa pagkakataong ito ay 'di na hinayaan ng defending NBA champs na mangyari pa ito, kahit na sadsad sila sa 91-82 sa natitirang 5:36 sa orasan. At siyempre, ang matinding paghahabol ng Spurs ay nangyari sa pamamagitan ng mga plano ni Popovich kung saan ay pinagsama-sama niya ang kanyang mga manlalaro. Sinimulan ni Danny Green ang rally sa pamamagitan ng layup. Kinumpleto ni Kawhi Leonard ang 3-point play. Ikinasa ni Duncan ang isa pang layup at nang sumablay si Parker sa dalawang free throws, may 3:18 pa sa korte, ang iskor ay humantong sa 91-all. Sumagot ang Indiana mula sa 20-footer ni Stuckey upang kunin uli ang lead, subalit muling naitabla ito ni Aron Baynes matapos ang kanyang tip-in sa natitirang 56.7 segundo upang maitakda ang huling sequence, ang maibuslo ni Belinelli ang napakahalagang iskor matapos na magmintis si Hill. TIP-INS
00
Kinilala ni Senior Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano Police, ang napatay na si Sergeant Roy Gapay, commander ng Patrol Base ng 77th Civilian Auxilary Forces Geographical Unit (CAFGU) ng Philippine Army na nakabase sa nasabing barangay. Nasugatan naman si Bobbit Dela Torre, miyembro ng CAFGU. Napaulat na agad na nasawi si Gapay makaraang pagbabarilin sila ng mga suspek dakong 3:40 ng umaga.
00
Dakong 8:30 ng gabi, nakikipag-inuman ang suspek sa ilang kabarkada nang nakita niya ang biktima na bumibili ng softdrinks sa tindahan at pinaghihipuan niya sa maseselang bahagi ng katawan.
00
Habang nakatutok ang isang patalim, unang hiningi ng 'di kilalang taxi driver ang bag ni Dalangin subalit tumanggi ito. Sa halip, ibinigay ng biktima ang kanyang cell phone sa suspek. Habang ipinipilit ng driver na makuha ang bag ng biktima kasabay ng pagbagal ng takbo ng sasakyan, ginamit na itong oportunidad ni Dalangin upang makatakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa taxi.
00
Tulad ng kanyang ipinangako, ilang araw bago ang kanyang unang pagtapak sa octagon ng One Fighting Championship (ONE FC), hindi nga hinayaan ni Brandon Vera na umabot sa tatlong round ang kanilang sagupaan ni Igor Subora sa co-main event ng "One FC: Warrior's Way". Sa likod ng malalakas na hiyawan at palakpakan ng kanyang mga tagasuporta sa Mall of Asia Arena, naging matagumpay ang debut bout ni Vera sa ONE FC nang makuha niya ang KO victory sa 3:54 mark ng unang round ng kanilang sagupaan ng URCC heavyweight champion kamakalawa ng gabi.
00
Inilarawan ng pulisya ang babae na nasa 30 hanggang 35 anyos, maputi, may katabaan ang pangangatawan at may tattoo sa braso, nakasuot ng asul na blouse at panty.
00
Nag-upload si Kardashian ng larawan mula sa Disney kalakip ang mga salitang, "If you want to leave, you can. I'll remember you, though. I remember everyone that leaves," na may kasamang biyak na puso. Si Kardashian -- na nagdadalantao sa ikatlong anak -- ay nagkakaroon ng problema sa relasyon ng ama ng kanyang mga anak. nang pumanaw ang mga magulang ni Disick ay napapadalas ang pakikipag-party at paglalasing nito.
00
Nakabuntot naman sa kanila ang makakatunggaling Star Hotshots na umangat sa ikatlong puwesto kapantay ang Barangay Ginebra na sasabak sa unang laro kontra sa Globalport sa ganap na alas-3:00 ng hapon. Mula sa 1-3 panimula, nagposte ng apat na sunod na panalo ang Star Hotshots, ang pinakahuli ay laban sa Kia Sorento noong nakaraang Nobyembre 26 sa iskor na 88-77 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City. Nagsanib ng puwersa sina Joe Devance at Marc Barroca sa final canto kung saan ay nagsalansan sila ng game telling na 14-0 run para maagaw ang kalamangan sa Kia na umabot ng hanggang 9 na puntos at maangkin ang panalo. Ngunit gaya ng Star Hotshots, hangad din ng Elasto Painters na palawigin ang naitalang 4-game winning streak, ang huli ay ang came-from-behind 95-93 panalo sa NLEX. Nagposte si Paul Lee ng season high na 27 puntos, ang 10 dito ay inilatag niya sa final stretch upang giyahan ang Rain or Shine tungo sa ikaanim nilang tagumpay sa loob ng walong laban. Una rito, tiyak na aabangan ng lahat, maging ng iba pang fans ng liga, ang magiging takbo ng laro ng Globalport matapos na mawala sa kanila ang head coach na si Pido Jarencio na pansamantalang pinalitan ng dati niyang deputy na si Erick Gonzales sa pagsalang nila kontra sa Gin Kings. Kapares ng Ginebra, hangad din ng Purefoods ang ikaanim na panalo. Kasunod ng kanilang naging malaking kabiguan sa kamay ng San Miguel Beermen, 69-95, noong Nobyembre 25, pinalitan ng management ng Batang Pier si Jarencio. Tiyak na magiging dikdikan ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan lalo pa at galing din sa malaking kabiguan sa kanilang nakaraang laban ang Gin Kings kontra sa Meralco Bolts, 99-109, noong Nobyembre 21 sa Antipolo City.
00
Dinukot si Abdurajak ng dalawang miyembro ng Abu Sayyaf sa Barangay Kajatian sa Indanan, dakong 6:10 ng gabi nitong Martes. Ayon sa pulisya, pinalaya si Abdurajak matapos ang tuluy-tuloy na negosasyon ng pamilya ng huli sa mga kidnapper.
00
WALA nang dapat ipag-aalala ang mga tagahanga sa kalagayan ni German "Kuya Germs" Moreno dahil nagpahayag ang kanyang anak na si Federico Moreno na stable na ang kalagayan ng master showman pagkatapos nitong magkaroon ng mild stroke last January 2.
00
Sinalakay ng pulisya ang bahay ni Pagarigan sa Barangay Katiku, at naaktuhan sa pot session ang mga suspek. Nakakumpiska rin ang pulisya ng 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,000 at mga drug paraphernalia.
00
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rowell Coral, residente ng Zorra St., Barangay Paltok, Quezon City. Base sa imbestigasyon, naganap ang tangkang panghahalay dakong 6:00 noong Linggo ng umaga. Sinamantala umano ng suspek ang pagka-inosente ng 10-taong gulang na pamangkin nang kumbinsihin itong samahan siya sa silid ng kanilang bahay dahil nandoon naghihintay ang kapatid na lalaki ng biktima. Subalit nang makarating sa loob ng silid, agad na kinandado ng suspek ang pintuan at binuhat ang Grade 5 na estudyante sa kama at hinawakan ang maselang bahagi ng katawan. Inalok din umano ng salapi ang dalagita upang hindi ito pumiglas habang puwersahang hinuhubaran ng suspek. Ayon sa pulisya, binantaan din ng suspek ang dalagita na papatayin ito kung sisigaw ng tulong. Pinalad ang biktima ng biglang dumating ang kanyang "Tiyo Berong" sa kanilang, dahilan upang makatakas ito sa pangmomolestiya ng suspek.
00
Agad na paglalabanan ang unang ginto sa torneo para sa mga kabataang student-athlete sa ganap na alas-7:30 ng umaga sa finals ang Boys and Girls 800m finals na susundan naman ng girls long jump finals, boys shot put, at ang pinakaaabangan na event sa athletics na boys at girls 100m finals
00
LOS ANGELES (Reuters) - Nakamit ni Taylor Swift ang unang puwesto sa U.S. Billboard 200 chart noong Miyerkules para sa kanyang album na 1989, tinalo ang The Pinkprint ni Nicki Minaj. Nananatiling nasa unang puwesto ang 1989 sa loob ng walong linggo. Ito ay bumenta ng 331,000 kopya, 433,00 awitin, na may kabuuang 375,000 base sa Nielsen SoundScan.
00
"Scores of Boko Haram fighters blocked a route linking Nigeria with Chad near the fishing village of Doron Baga on the shores of Lake Chad on Thursday and killed a group of 48 fish traders on their way to Chad to buy fish," ulat ni Abubakar Gamandi.
00
Ayon sa 903rd Infantry Brigade, nasa 30 miyembro ng rebeldeng grupo ang responsable sa pagsunog sa bahay ni Barangay Kagawad Oscar Rejuso. Mabilis umanong kumalat ang apoy sa kabahayan na naging sanhi upang matupok agad ito.
00
Ayon sa grupong Train Riders Network (TREN), nananatili ang kanilang posisyon na iligal at hindi makatarungan ang dagdag pasahe sa naturang mass transport.
00
Ito ang inihayag ni Atty. Roque sa isang pulong sa Quezon City nang igiit niya na maaaring kasuhan sa International Court of Justice ang mga leader ng nasabing mga grupong Islam na maituturing na may pananagutan sa bakbakan sa Mamasapano. Ayon kay Roque, dapat ipatupad ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang kamay na bakal laban sa MILF, BIFF at maging sa Moro National Liberation Front (MNLF) dahil sa paglabag sa International Humanitarian Law, matapos na kumalat online ang sinapit ni PO2 Joseph Sagonoy, ng Samar. Nakita sa video ang karumal-dumal na pagpatay kay Sagonoy, na buhay pa dahil sa tama ng bala sa paa subalit pinagbabaril pa ng kalaban sa ulo at katawan hanggang sa tuluyang binawian ng buhay noon din.
00
Ang pagkapagod, dahil na rin sa paspasang larong ginagawa ng Aces, ang nakikitang isang dahilan ni Alaska coach Alex Compton kung kaya nakuha nilang itabla ang serye sa 3-3 sa pamamagitan ng 87-76 panalo nila sa Game Six. "The big thing for us was the minutes that their guys had to play," ani Compton. "When you play against a team that plays the way that we do, nakakapagod talaga." "I really think that as athlete, you tire sometimes and I thought that let them miss some shots and not making plays they normally make," dagdag pa ni Compton. Sinang-ayunan naman ito ni coach Leo Austria ng Beermen, ngunit naroon din ang kanyang pag-amin na may halong sobrang tiwala ang kanyang mga manlalaro sa nakalipas na laro. "Maybe tama 'yung iba na napagod, 'yung mga player namin," ani Austria. "Siyempre you're aiming for the championship medyo mataas ang adrenaline at emotions,puwedeng naubos agad. Then we were running out of fuel sa second half kasi makikita naman 'yung Alaska, from start to finish hindi nagbago ang intensity nila. At saka medyo naging complacent din kami when we're leading."
00
Unang idaraos sa Boracay ang pulong ng 11 Supreme Court justice ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa ASEAN Integration, na susundan ng Kuwaresma--ang panahong dinadagsa ng milyong turista ang isla.
00
Ito ang sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal sa POC matapos ang isinagawang pagpupulong ng volleyball stakeholders upang makumpleto na ang ipinag-utos ng FIVB na iluklok ang mga opisyal na mamamahala sa asosasyon bago dumating ang Pebrero 15.
00
Gumawa si Greg Monroe ng 22 puntos at humatak ng 10 rebounds sa pagputol ng Pistons sa kanilang four-game losing streak laban sa Toronto. Nakaiskor si Jodie Meeks ng 11 sa kanyang 13 puntos sa fourth quarter at nag-ambag si Jonas Jerebko ng 8 sa kanyang 10 sa final period.
00
Sinabi ni PAF spokesman Lt. Col. Enrico Canaya, ang 22 sundalo ay sinampahan na ng kaso. Siyam dito ang inirekomendang itiwalag sa serbisyo habang ang 13 ay isasailalim sa preliminary investigation.
00
Habang nasa ospital ang 21 taong gulang na anak ng singer noong Lunes, base sa ulat ng mga pulis, tinawagan sila noong Sabado sa tahanan nito sa suburban Atlanta bilang pagtugon sa "a drowning," at siniguro ang pangyayari sa mga imbestigador. "Bobbi Kristina is fighting for her life and is surrounded by immediate family,'' pahayag ng pamilya Houston noong Lunes. "We are asking you to honor our request for privacy during this difficult time. Thank you for your prayers, well wishes, and we greatly appreciate your continued support.'' Dahil sa walang ibinigay na eksaktong detalye ang mga pulis at pamilya tungkol sa kanyang kalagayan at pinagmulan ng trahedya, tiningnan ng mga tao ang kanyang mga pahayag sa social media. Base sa kanyang tweet noong Huwebes, mahahalatang malungkot siya dahil sa pagkabigong maging entertainer: "Let's start this career up&&moving OUT to TO YOU ALLLL quick shall we !?!???!'' Pagkaraan ng dalawang araw, natagpuan siyang walang malay, na katulad ng ikinamatay ng kanyang ina. Pebrero 11, 2012, bago ginanap ang Grammys, natagpuan ng kanyang assistant ang katawan ni Whitney na walang buhay sa tub sa Beverly Hills Hotel. Natagpuan ng awtoridad ang dose-dosenang bote ng drugs, ngunit sinabing aksidente itong nalunod. Ang anak niyang si Bobbi na 18 taong gulang pa lamang nang panahong iyon, nasa labas ng silid ni Whitney, ay labis na nag-alala kung saang ospital siya dadalhin. "She wasn't only a mother, she was a best friend,'' pahayag niya kay Oprah Winfrey nang pumanaw ang kanyang ina. Pero si Whitney ay mahirapan tularan ng kanyang anak, na tinatawag ang sarili sa Twitter bilang "Daughter of Queen WH,'' "Entertainer/Actress'' with William Morris & Co., at "LAST of a dying breed.'' Matatandaan na sa edad na 22, natamo ni Whitney ang kanyang No.1 hit. Ang kanyang boses, sigla at kagandahan, ang nagpasikat ng mga awiting tulad ng Saving All My Love For You, I Will Always Love You, The Greatest Love of All at I'm Every Woman. Namana ni Bobbi ang lahat ng mga ari-arian ng kanyang ina ngunit hindi ang galing sa pagkanta. Bukod sa crew ng reality TV show ng kanyang pamilya na The Houstons: On Our Own, madalas siyang nakikita sa online selfies at sa mga larawan na kuha ng paparazzi. Sinabi niya kay Oprah na nais niyang kumanta, umarte at sumayaw katulad ng kanyang ina at ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit pagkaraan ng ilang taon simula nang pumanaw ang kanyang ina, lalo siyang naging matunog dahil sa pagkalulong sa droga, pagbaba ng timbang at away pamilya. "Damn, lol, it's incredible how the world will judge you 4ANY&EVERYthing,'' pahayag niya sa kanyang Twitter account noong Marso 2014. Bunga si Bobbi ng pagmamahalan ng dalawang sikat na tao. Nakilala ni Whitney ang R&B star na si Bobby Brown sa Soul Train Music Awards noong 1989. Sila ay nagpakasal noong 1992. Pagkaraan ng isang taon, ipinanganak ni Whitney si Bobbi at itinigil niya ang paggamit ng droga.
00
Nakilala si Edison dahil sa pagmamahal sa siyensiya. Noong 1870, nakipagtulungan siya sa iba pang siyentista, gaya nina Alessandro Volta, Matthew Evans at Henry Woodward upang makabuo ng isang katangap-tanggap na modelo ng incandescent light. Nais nilang makabuo ng pangmatagalan pero tipid na ilaw. Enero 27, 1880 nang ipagkaloob ang patent para sa electric lamp ni Edison.
00
Kinabibilangan nina Terrence Romeo, KG Canaleta, Rey Guevarra, at Aldrech Ramos, tinanggalan ng korona ng koponan ang world champion na Doha ng Qatar sa FIBA 3x3 World Tour Manila Masters dito sa bansa upang makakuha ng puwesto sa world championship. Pamumunuan ng 3x3 team ang 23 iba pa na pararangalan sa kanilang nagawang achievements at contributions sa Philippine sports sa Pebrero 16 event sa 1Esplanade sa Pasay City kung saan ay tumayong principal sponsors ang MVP Sports Foundation, Meralco, at Smart at major sponsor ang Philippine Sports Commission. Tatanggap din ng citations mula sa 66-anyos na media organization, ang pinakamatanda sa bansa, na pinamumunuan ni Jun Lomibao ng Business Mirror, ang NU Lady Bulldogs, San Beda Red Cubs, Anita Koykka, Maybelline Masuda, Annie Ramirez, Geylord Coveta, ang Philippine Taekwondo team (male under-30), Francis Aaron Agojo, at ang PH taekwondo team na kinabibilangan nina Jeordan Dominguez, Juvenile Faye Crisostomo, Jaylord Seridon, Joe Vanni Colega, Rodolfo Reyes Jr., McAvyngyr Alob, Clement Tsulong Tan, Elisabella Cesista, Leanarda Nicole Landrito, Rinna Babanto, Jocel Lyn Ninobla, at Janna Dominique Oliva. Kukumpleto sa listahan ay sina Kenneth San Andres, Peter Gabriel Magnaye at Paul Vivas, August Benedicto, Claire Adorna, Bong Lopez, Philippine Basketball Marathon, University of the East juniors volleyball team, Adamson women's softball team, Saturday Afternoon Gentlemen Sailors, Pagpupugay, Philippine Collegiate Champions League, Accel, Unilab Active Health, at ang Junior Golfers League. Si cycling's Daniel Caluag ang makatatanggap ng pinakamataas na individual honor para sa gabi ng parangal na iprinisinta ng PCSO, PBA, Rain or Shine, Maynilad, ICTSI, Accel, PAGCOR, National University, Globalport, El Jose Catering, at Air21 kung saan ay pinangalanan siya bilang PSA Athlete of the Year para sa 2014. Makakasama sa limelight ng 27-anyos na si Caluag sa formal event ang National University (President's award), MVP Sports Foundation Inc (Sports Patron of the Year), ang 1973 Philippine men's basketball team (Lifetime Achievement Award), coach Tim Cone (Excellence in Basketball), Mitsubishi (Hall of Fame), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), at Pirncess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year).
00
Sa launching ng MMFF sa Sampaguita, marami agad ang na-impress sa ganda ng trailer ng pelikula. Sabi ng isang veteran writer, parang hindi gawa sa Pilipinas. Glossy at halatang pinagkagastusan talaga ng mga producer. "Trailer pa lang 'yun. Kasi minsan kapag nanood ka ng trailer, 'yon na 'yon. Pero hindi, wala pa kayong nakikita. Pasilip pa lang 'yan. Mahaba pa ang lalakbayin ng pelikula. Pero masaya kami dahil maganda talaga ang kinalabasan ng pelikula namin. Ito ang pelikulang ipagmamalaki ng bawat isa sa atin," ipinagkakapuring kuwento ng bida ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Mukhang ito na yata ang pinakamalaki at pinakamagastos na pelikula sa 40th Metro Manila Filmfest? "Ay, talaga po!" mariing sagot ni Robin. "Kasi dito aabot kami ng mga P120 million na. Production kasi naman P90 million na, eh, may promo pa. Umaasa si Robin na susuportahan ng bawat Pilipino ang kanyang pelikula lalo na't makabuluhang ang istorya nito na tumatalakay sa kasaysayan ng ating bansa. "Pero hindi naman kami nawawalan ng pag-asa. Na kahit papaano, eh, makabawi kami sa aming pinuhunan. Andiyan naman 'yung mga partner natin na hindi kami pinababayaan," paniniguro ng host ng Talentadong Pinoy ng TV5. Nabanggit ni Robin sa interview sa kanya ang mga katagang 'malalim ang puno, hindi madaling mabunot ang ugat,' ano ang ibig sabihin niya? "'Yung mga kabataan natin, ina-address ko 'yon sa kanila. Na kapag hindi nila inaalam 'yung kanilang pinagmulan, wala silang pupuntahan. Oo, kailangan alamin nila at ito 'yong Bonifacio, ito 'yong pinagmulan nating lahat, eh. Na nagi-enjoy tayong lahat dahil kay Bonifacio. Dahil sa kalayaan niyang ipinaglaban. 'Yon ang ibig kong sabihin. "Kasi ang mga kabataan ngayon walang alam sa pinanggalingan nila. Kapag tinanong mo sila ang mga isasagot sa iyo mga artista. Medyo malungkot 'yon. Ang artista dapat hanggang sa TV lang 'yan pinanonood mo, o hanggang sa pelikula lang 'yan. Pero kapag may kinalaman na sa buhay mo, ibang usapan na," makahulugang wika ng aktor. Nag-iisang historical entry ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo sa walong official entries sa gaganaping 40th Metro Manila Film Festival na magkakaroon ng festival parade sa December 23. Binoe plays Andres Bonifacio.
00
Sa ulat kay acting Tarlac City Police chief Supt. Felix Verbo Jr., ang kinasuhan ay si Rechell Cristobal, nasa hustong gulang, ng Sapang Bayan, Calumpit, Bulacan.
00
Nagtulong ang inspiradong PH Women's Compound team sa pagkakadagdag sa gintong medalya nang kulapsuhin ang karibal na India, 224-223, upang kumpletuhin ang produktibong kampanya sa world ranking tournament sa Huamak Field. Ipinamalas ng mga Pinay ang husay bilang mga top seed matapos na magpahinga muna sa unang laban bago tinalo ang Hong Kong, 224-220, sa quarterfinals at ang kalaban sa SEA Games na Indonesia, 221-210, sa semifinals. Unang ipinamalas ni Paz-Cojuangco ang galing nang kubrahin ang ginto sa mixed team at pilak sa individual bago binitbit ang koponan, kasama ang nagbabalik na si Jennifer Chan at baguhang si Andrea Robles, sa pagkamkam ng gold medal. Iuuwi ni Paz-Cojuangco ang ginto sa women's compound individual qualification at pilak sa Olympic Round, gayundin ang ginto na kasama si Jeff Adriano sa mixed compound team qualification at ginto sa Olympic Round. Mayroon din ginto sina Paz-Cojuangco, Chan at Robles sa women's compound team qualification at ginto sa womens' team Olympic Round. Ang iba nang nakapagbulsa ng medalya ay sina Adriano na may ginto sa men's compound individual qualification habang nakasama ni Adriano si Earl Yap at Paul dela Cruz sa men's team compound qualification.
00
Samantala, ilang oras matapos na maapula ang naturang sunog ay isang malaking apoy na naman ang sumiklab sa lugar kahapon ng tanghali habang isinusulat ang balitang ito.
00
MINSAN nang nanalo si Vina Morales ng Best Actress for TV sa pagganap niya bilang si Oriang sa drama show of the same title. Kaya marami ang nag-wish sa kanya na manalo muli ng best actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival awards night, sa pagganap niya bilang si Oriang sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo nila ni Robin Padilla.
00
May 40 kumpanya ang makikibahagi sa dalawang-araw na MB Job Fair sa pag-asang matatanggap mula sa napakaraming trabahong iaalok, lokal man at sa ibang bansa. Bukod sa mga job opening mula sa mga kumpanyang BPO, iaalok din hanggang bukas ang mga trabaho sa multimedia, banking, nursing, office administration, insurance, sales, at maraming iba pa. Nasa 16,000 aplikante ang nakibahagi sa mga job fair noong nakaraang taon, nang walong magkakaibang lokasyon sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan ang binisita ng MB. Sa bilang na ito, mahigit 1,600 ang agad na nagkatrabaho. Sa unang bahagi ng taong ito, isinagawa ng MB ang una nitong job fair sa Baguio City at 73 aplikante ang agad na nagkatrabaho. Patuloy na dumarami ang matatagumpay na job hunters na ito habang nagpapatuloy ang MB sa pagsasagawa ng mas maraming job fair. Kabilang sa mga na-hire on-the-spot sa MB job fair sa Quezon City sina Marjorie Centeno, Jill Mariz Zapanta, Maryse Barnachea at Kimberly Reyes. Tinanggap sina Centeno at Zapanta bilang customer service representative ng kumpanyang BPO na Customer Contact Channels (C3). Samantala, sa AFNI Philippines naman nakasumpong ng trabaho sina Barnachea at Reyes. Magbibigay din ng job hunting tips ang mga career expert sa dalawang araw na job fair. Ngayong hapon, si MB External Affairs Head Barbie Atienza ang magsisilbing speaker, habang si Lyceum of the Philippines HR Director Myrna Reyes naman ang magsasalita sa job fair bukas. Tatalakayin nina Atienza at Reyes ang mga panuntunan kung paano magiging kapansin-pansin ang isang resume at magbibigay din ng tips para maging matagumpay ang isang job interview.
00
"Kakaiba 'yung naging experience namin sa parade dahil naaabot namin 'yung mga tao habang nakasakay kami sa float. It's not the typical set-up na kumakaway lang kami sa kanila," sabi ni Bianca. Kuwento naman ni Miguel, kusang-loob na inaabot ng fans ang kani-kanilang mobile phones para mag-request ng selfie. "'Binibigay ng fans 'yung cellphones nila sa amin ni Bianca habang nasa float kami para raw makapag-selfie shot kami. Imagine, inaabutan kami ng cellphone? Nakakatuwa sila at ang sarap ng feeling na nakikita namin silang masaya sa pagbisita namin sa Iloilo." Bukod sa tinitiliang BiGuel love team, nakisaya rin sa Iloilo ang Kapuso homegrown talent na si Ruru Madrid bilang guest performer sa Iloilo Festival Queen and Hiyas Sang Iloilo beauty pageant noong Enero 21. Naki-party rin ang real-life sweethearts na sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Robinson's Place Iloilo noong Enero 23. Noong Enero 25 naman, present sa Dinagyang celebration si Mikael Daez bilang host ng GMA TV Western Visayas para sa live coverage nito ng Ati Tribe Competition. Nasa Iloilo rin ang lead cast ng Kailan Ba Tama Ang Mali? na sina Geoff Eigenmann, Empress Schuck, Dion Ignacio, at Max Collins na nakisaya sa Ilonggo audience sa SM City Iloilo. At pagkatapos ng mall show, tumungo naman sina Geoff, Empress, at Dion sa closing ceremonies sa Freedom Grandstand. Samantala, libu-libong Kapuso fans ang pumunta sa tatlong malalaking malls ng Queen City of the South para mapanood ang GMA premier artists na nakisaya naman sa Sinulog Festival ng Cebu. Enero 16 nang muling mapa-wow ni Regine Velasquez-Alcasid ang Cebuano audience sa The Terraces ng Ayala Center Cebu. Tampok din sa nasabing event ang Healing Hearts stars na sina Angelika de la Cruz, Joyce Ching at Kristoffer Martin. "It's nice to be back in Cebu and to join in the celebration of the Sinulog Festival. I like coming back here especially because the warmth of the Cebuanos is really overwhelming. Their loud cheers never fail to inspire me every time I come up on stage and perform for them," pahayag ni Regine. Back-to-back Kapuso Mall Shows naman ang nasaksihan ng mga manonood sa Gaisano Grand Mall Mactan at SM City Cebu noong Enero 17. Nagtanghal ang lead stars ng Second Chances na sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Camille Prats at Rafael Rosell -- kasama ang cast ng Once Upon A Kiss na sina Miguel, Bianca, Pekto, at Betong. Inabangan din ang BiGuel love team sa makulay na GMA float sa Grand Sinulog Parade noong Enero 18. Sa Ati-Atihan Festival naman ng Kalibo, Aklan noong Enero 13, 'di nakapagtatakang jam-packed attendance ang bumungad sa Asia's Songbird kaya bonggang Kapuso Night ang inihandog niya sa mga manonood. Ang ilan sa mga awiting kinanta niya sa harap ng humigit-kululang 10,000 katao ang Ako'y Iyung-iyo, Tuwing Umuulan, Dadalhin, Hulog ng Langit, On the Wings of Love, at isang medley ng pop hits of the 70's. Nakasama rin ni Regine sa nasabing event sina Miguel, Bianca, at Betong. Present din sa 2015 Ati-Atihan festivities sina Kris Bernal, Chynna Ortaleza, Mike Tan, Alden Richards, Steven Silva, at Rocco Nacino. Nitong nakaraang Enero, nagpakilig din nang husto sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo kasama si Julie Anne San Jose, sa Longganisa Festival ng Vigan. Nagtanghal naman sa Bagoong Festival ng Lingayen, Pangasinan sina Louise delos Reyes, Kris Lawrence, at Kris Bernal.
00
Sa pagtatapos ng kanyang termino, hinahangad ng ama ng lalawigan, kung saan naroroon ang pamosong Lambak ng Cagayan (Cagayan Valley), na maging maayos ang kalagayan ng komunidad ng palakasan sa kanilang lalawigan na walang anumang bahid ng pulitika. Ayon kay Antonio, maliban sa pangunahing target na makamit ang karapatang maging host ng 2016 Palarong Pambansa, gusto niyang tiyakin na magpapatuloy ang kanilang nasimulang programa sa sports kahit wala na siya sa kapitolyo. "We are creating a sports commission to sustain the continuity of the sports program and maintenance of the sports facilities," pahayag ni Antonio na naglaan ng budget na aabot sa P1 bilyon para sa kabuuan ng pagsasa-ayos at pagtatapos ng konstruksiyon ng Cagayan Sports Complex bilang paghahanda sa gagawin nilang pagbi-bid para sa Palaro hosting. Bukod dito, batid ni Antonio ang hinaing at pangangailangan ng mga alteta bilang isang dating basketball player at isang high jump specialist kung saan ay nais nito na matulungan ang kanyang mga kababayan na magkaroon ng maayos na pundasyon at pagsasanay sa kanilang larangan upang magkaroon ng pagkakataong makapagbigay ng karangalan, hindi lamang para sa kanilang lalawigan, kundi sa bayan bilang miyembro ng national team.
00
Base sa report na nakarating kay Usec. Cacdac, ganap na 8:00 ng gabi kamakalawa nang arestuhin ng PDEA Regional 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Jeoffrey Tacio, at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) si Timbona makaraang makipagtransaksyon sa poser buyer ng PDEA sa Dau Bus Terminal saMabalacat City, Pampanga. Nasamsam sa kanya ang 300 gramo ng shabu.
00
BUENOS AIRES, Argentina (AP)- Napanalunan kahapon ni Rafael Nadal ang kanyang unang titulo matapos ang halos siyam na buwan nang kanyang talunin si Juan Monaco, 6-4, 6-1, sa Argentina Open. Hindi pa umaabot ang top-seeded Spaniard sa isang final mula nang mapagwagian ang Roland Garros noong nakaraang taon.
00
" Wala na pong extension sa PA ng truck kaya anytime pwede na silang hulihin ng mga enforcers," saad ni Salada. Sa panayam kay LTFRB, Board Member Atty. Ariel Inton, sinabi nito na hindi na palalawigin ang Provisional Permits sa mga truck dahil tapos na extension nito noon pang katapusan ng Enero 2015. "We believed the board have already been released all the franchises pending before the LTFRB," pahayag ni Inton. Sinabi ng Board na ang ibinasurang PA application ay posibleng kulang ang isinumiteng requirements ng operator nito. Nanindigan ang Board na hindi sila dapat sisihin ng trucks owners at operators dahil lahat ng pagkakataon ay ibinigay nila para magkaroon ng prangkisa ang mga ito mula sa ahensiya. Batay sa talaan ng LTFRB, nasa 28,000 trucks ang bumabiyahe sa Metro Manila at sa karatig na mga lalawigan.
00
NAGTATAMPO ang mga kababayang Pinoy sa Los Angeles, California USA sa sikat na aktor at aktres dahil nang nagbakasyon daw ang mga ito sa nasabing lugar ay hindi man lang sila pinagbigyang magpa-picture. Napadpad kami sa Seafood City Supermarket sa Colorado Boulevard, LA na pawang produktong Pinoy ang ibinebenta at doon daw talaga namimili ang mga kababayan natin lalo na't katabi lang nito ang Jollibee at ang well-known Valerio's Bakery na tubong-Cavite City ang may-ari na nakipagsapalaran sa Amerika at ngayon ay may kasalukuyang 17 branches at magbubukas ng ilang sangay sa Hawaii sa 2015.
00
Hindi pa muling nakapaglalaro sa isang laban si George mula nang magtamo ng nakapangingilabot na broken right leg sa isang scrimmage ng USA Basketball noong nakaraang summer. Ngunit tila paubos na ang oras, nalalapit na ang pag-uumpisa ng NBA playoffs sa susunod na buwan.
00
Kung noong una ay okey lang sa aktres at hindi niya minasama ang mga kaibigang babae ng kanyang boyfriend at pati na sa text messages ng boylet niya ay hindi nakikialam ang kilalang aktres, lately ay wala nang maitagong sekreto ang boyfriend sa kanya. Lahat daw kasi ng text messages at pati na ang Facebook at Instagram ng boylet niya ay pinakikialaman na ngayon ng aktres. Kaya nga raw nabuko ni Aktres ang mga ipinadalang mensahe sa magandang girl na madalas ka-Facebook ng kasintahan. At ang magandang girl ay kaedad lang ng kanyang boylet. Kaya biglang sinita ni Aktres si Boyfriend, huh!
00
Ang pagkakaloob ng parangal kay Paterno ang nilalaman ng House Resolution No. 1685 na inihain ni Rep. Eric L. Olivarez (1st District, Paranaque City). "the Award recognized Hon. Paterno's exemplary personal life and professional career, marked by outstanding achievements in public service and his distinguished career as a socially-responsible entrepreneur," ayon kay Olivarez.
00
Ayon pa kay Fr. Rufino Cescon Jr., wala ring inorganisang vigil bago ang misa. Aniya, tanging mga foreign-based Filipino priest lang ang kailangang kumuha ng accreditation kung gustong maging isa sa mga paring makakasama ng Papa sa misa. Mula sa pakikipagpulong sa mga kabataan sa University of Sto. Tomas (UST), didiretso ang Papa sa Luneta para sa kanyang concluding concelebrated mass. Una nang napaulat na ang misa ni Pope Francis sa Tacloban City Airport sa Enero 17 ang magiging limitado kaya mamamahagi ng tiket o special pass para makadalo dito.
00
"The writ of preliminary attachment is premature," pahayag ng mga abogado ni Revilla sa kanyang motion for reconsideration upang baligtarin ang unang resolusyon na inilabas ng Sandiganbayan First Division noong Pebrero 5.
00
Kinikilala ng Simbahan ang makabagong teknolohiya subalit dapat itong gamitin para sa pagbabahagi ng pag-ibig at Mabuting Balita ng Panginoon sa halip na magdulot ng masama sa kapwa. Nilinaw naman ni Sobritchea na mayroon din namang mabubuting epekto ang paggamit ng social media, tulad ng access to information, kalayaang magpahayag ng damdamin ng isang tao, at upang makipagtalastasan sa mga malayong kamag-anak o kaibigan. Pero kailangan pa ring limitahan ang paggamit nito. Kailangang gabayan ng mga guro at magulang ang mga kabataan sa tama at balanseng paggamit ng social media at ng Internet. Sa survey ng University of Missouri Columbia sa mahigit 700 mag-aaral, lumalabas na nakadarama ng labis na kalungkutan ang mga taong madalas na gumagamit ng Facebook dahil sa nakikita at naikukumpara ang sarili sa iba. Base sa ulat, ang Pilipinas ay ika-17 sa pinakamalaking bilang na gumagamit ng Internet sa buong mundo.
00
HANGGA'T maaari ay ayaw nang magbigay ng komento ni Sunshine Cruz hinggil sa patutsada ngayon ng kampo ng dating asawa niyang si Cesar Montano. Ito ay may kinalaman sa isinampa niyang reklamo laban sa ama ng kanyang tatlong anak. Sabi ni Sunshine, marami na ang tumawag sa kanya para lang makuha ang panig niya pero pinagbawalan daw siya ng kanyang abogado na magbigay ng komento.
00
Ayon sa Genesis Prize Foundation, si Prime Minister Benjamin Netanyahu ang maggagawad ng parangal sa seremonya na gaganapin sa Jerusalem ngayong summer para sa "actor, producer and peace activist."
00
Sa shooting, inaabot pala ng mahigit 30 takes ang aktor! Yes, mahigit 30 takes na pero hindi pa rin niya makuha ang acting na ipinapagawa ng direktor. Pang-Guinness nga raw ang record na ito. Narito ang usapan at nakikinig lang kami sa totoo lang... "Nagmumukha siyang tanga, sana hindi na lang niya tinanggap 'yung project kasi mahirap talaga 'yun. Pero ambisyoso masyado, akala siguro niya kaya niya ang role o mas gusto yata niya talagang pinagtatawanan siya," sabi ng isang katoto. Hirit naman ng kilalang entertainment editor, "Eh, feeling niya challenge sa kanya 'yun kasi magagaling ang mga kasama niya, eh, ano'ng nangyari, siya ang papatay sa career niya mismo." Kuwento naman ng kilalang talent manager, "Kung ako ang manager niya, hindi ko siya papayagan, bakit ko isusugal ang alaga ko sa ganu'n?" Katwiran ng isang producer ng TV programs, "Akala kasi may pagbabago since nakailang workshops na at saka malay ba naman ng direktor na hindi pala siya marunong umarte." Sabay-sabay tanong ng mga nagkukuwentuhan, "Sino ba kasi naglagay sa kanya sa project na 'yun?"
00
Sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na tumama ang lindol sa layong 13 kilometro timog-silangan ng lungsod, dakong 7:14 ng umaga.
00
Ito ang sinabi ni LVPI president at POC 1st Vice-president Jose Romasanta matapos na matanggap ang sulat mula kay FIVB president Ary Graca na nagbibigay dito ng pansamantalang rekognisyon sa internasyonal na komunidad hanggang hindi pa nito nababayaran ang pagkakautang ng Pilipinas na mahigit P4-milyon. "Hindi naman sa nagmamadali kami but the LVPI is willing to pay the debt through the help of our benefactor before we could finally worked on our full membership sa POC," sabi ni Romasanta. Ipinaliwanag ni Romasanta na kailangan ng LVPI na dumaan sa tamang proseso na katulad ng ibang asosasyon na humihingi ng pagkilala sa POC, pagbayad ng membership fee, pagsusumite sa kailangang dokumento na tulad sa listahan ng mga stakeholders at pagsasagawa ng mga lokal at internasyonal na torneo. Matatandaan na binigyan ng taning ng FIVB ang bagong buong LVPI na hanggang Abril 30 para bayaran ang matagal na panahon nang pagkakautang ng asosasyon ng volleyball sa bansa bago nito tuluyang kilalanin ang grupo na binubuo ng mga ligang NCAA, UAAP, Shakey's V-League at Philippine Superliga.
00
Ang 14-time Grand Slam winner ay nagkaroon ng isang groundbreaking ceremony para sa nasabing academy sa kanyang bayan ng Manacor. Sabi ni Nadal, ''this is a special day for me, this project that we have been working on for many years is finally a reality.''
00
Habang nakatutok ang isang patalim, unang hiningi ng 'di kilalang taxi driver ang bag ni Dalangin subalit tumanggi ito. Sa halip, ibinigay ng biktima ang kanyang cell phone sa suspek. Habang ipinipilit ng driver na makuha ang bag ng biktima kasabay ng pagbagal ng takbo ng sasakyan, ginamit na itong oportunidad ni Dalangin upang makatakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa taxi.
00
Sa panayam ng ESPN Deportes, inamin ni Marquez na gusto niyang lumaban sa huling bahagi ng taong 2014 pero laging sumasakit ang kanyang mga tuhod na unang napinsala bago ang kanyang laban kay dating world light welterweight champion Mike Alvarado na tinalo niya sa puntos.
00
Aabot sa 20 milyong manggagawa sa iba't ibang bahagi ng bansa ang sumasahod ng mas mababa sa minimum wage na itinakda ng gobyerno. Sa panayam sa telepono, sinabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), na nahihirapan na ang maraming manggagawa na mairaos ang araw-araw nilang gastusin dahil sumasahod sila nang mas mababa sa P293, ang itinakdang minimum wage sa bansa.
00
Sa ulat na ipinarating ni Supt. Manuel Hidalgo, hepe ng San Jose City Police kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang mga biktima na sina Danilo Mendoza Santos, 50, may-ari ng Pards' videoke bar; at Ricarte Mendoza Santos, 58, tricycle driver, kapwa residente ng Zone 7, Bgy. Sto. Tomas, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
00
Patay na ang isang machine operator, na huling nakitang uminom ng alak, nang datnan ng kanyang katrabaho sa barracks nito sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
00
KUMPIRMADO na, Bossing DMB na ang programang Your Face Sounds Familiar ang viewing habit tuwing weekend dahil nanguna sa social media nationwide ang #YFSFTransformation sinundan ng #TinaTurner na ginaya ni Nyoy Volante, #Cher ni Jolina Magdangal, #Nyoy, #Jolens at #JayR noong Sabado ng gabi.
00
Ipakikita sa kuwento ang kakaibang relasyon nina Amanda at Leo na makakahanap ng bagong pagkalinga sa karakter nina Oliver at Sonya na ina ng anak ni Leo. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakaroon ng sakit ni Leo, isang trahedya ang magtutulak sa lahat upang mamili sa iniisip nilang tama kahit mali para sa iba. Tama bang mahalin pa rin ni Leo si Amanda kahit may anak ito kay Sonya? O tama bang tuluyan nang hiwalayan ni Amanda si Oliver matapos ang lahat ng ibinigay niya? Tampok sa serye ang ilan sa mga de-kalibreng artista ng Kapuso Network sa pangunguna nina Geoff Eigenmann bilang si Leo, ang mapagmahal, mabait ngunit makasariling asawa; Max Collins, bilang Amanda, ang asawa ni Leo, breadwinner at responsableng asawa; Dion Ignacio bilang Oliver, boss ni Amanda na biglang magkakagusto sa kanya; at ang nagbabalik Kapuso na si Empress Schuck bilang Sonya, ang babaeng magmamahal kay Leo kahit may asawa na. Kasama rin sa serye sina Shamaine Buencamino bilang Auring, ang mapagmahal na ina ni Amanda, Ryza Cenon bilang Rita, ang mapagkalingang kapatid ni Sonya, Chariz Solomon bilang Bianca, ang liberated na kaibigan ni Sonya, Ash Ortega bilang Angeli, ang kababatang kapatid ni Amanda, Ervic Vijandre bilang Joseph, ang best friend ni Leo, at Ken Alfonso bilang Thomas, best friend at business partner ni Oliver.
00
Ito ang sinabi kahapon ni Bohol 2nd District Rep. Erico Aristotle C. Aumentado sa pagsusulong niya ng panukalang "National Bureau of Investigation Reorganization and Modernization Act" upang makatulong ang ahensiya sa pagsugpo sa mga krimen.
00
Naging independent state ang Lebanon noong setyembre 1, 1920 matapos maging bahagi ng Turkish Empie. sa 1943 Covenant, lahat ng public position ay ipinamahagi sa iba't ibang relihiyosong komunidad, kung saan ang mga Kristiyano ang bumubuo ng mayorya. noong dekada 70, ang mga Muslim sa kanilang lumalagong populasyon ay gumiit ng mas malawak na tungkulin sa pulitika at ekonomiya. Noong 1991, isang kasunduan ang ipinatupad ng Lebanon at syria na kumilala sa una bilang hiwalay na estado. Mula noon, malaki ang progreso ng Lebanon tungo sa muling pagtatatag ng kanilang political institutions at tumapos sa 16 taon na civil war. Nakapagtatag ang Lebanon ng isang makatarungang sistema ng pulitika, na nagkaloob sa mga Muslim ng mas malawak na tungkulin sa proseso ng pulitika habang nagtatatag ng sectarian divisions sa gobyerno. Sa nakaraang mga taon, nadaos ng matatagumpay na eleksiyon sa Lebanon. Tinatamasa ng naturang bansa ang mabuting pakikipag-ugnayan sa lahat ng bansang Arabo at isa sa pinakamalaya sa Arab region.
00
Kasabay nito, tiniyak naman ni Manila Police District (MPD) Director Senior Supt. Rolando na masusi na niyang pinaiimbestigahan ang insidente upang madakip ang mga taong may kinalaman dito.
00
Sa kanyang motion for reconsideration na inihain sa pamamagitan ng Public Attorney's Office, ipinunto ni Cudia ang diumano'y paglabag sa kanyang constitutional at human rights bilang batayan ng kanyang apela. Nakasaad sa mosyon na napagkaitan siya ng kanyang karapatan na komprontahin o harapin ang mga testigo laban sa kanya. Hindi rin aniya siya nabigyan ng pagkakataon na makapaglahad ng ebidensya at magkaruon ng patas na paglilitis. Hiniling din niya na muling maeksamen ng hukuman ang findings ng Commission on Human Rights.
00
Tulad ng nakaraang mga taon, saan man nakatira o nagtatrabaho ang ating mga kababayan, magsisiuwi sila sa kani-kanilang lalawigan para sa Christmas holidays. Magiging maluwag sa karaniwang masikip na trapiko ang Metro Manila sapagkat karamihan sa mga residente nito ang magsisiuwi sa pamamagitan ng bus, kotse, barko o eroplano, upang makaping ang kani-kanilang mga mahal sa buhay sa mga probinsiya. Nagsimula na ang exodus noong nakaraang linggo sa ilalim ng pagbabantay ng Philippine Coast Guard sa mga daungan upang matiyak na sinusunod ng mga barko ang lahat ng panuntunan sa seguridad, partikular na ang mga pamantayan laban sa overloading. Sa mga terminal ng bus sa bansa na dinadagsa ng mga pasahero, nag-organisa ang pamahalaan at pribadong grupo ng aid projects upang matiyak ang ligtas na paglalakbay sa mga highway. Ito ay isang tradisyon ng mga Pilipino na nagaganap din sa mga pista opisyal sa Santa Semana. Bahagi ito ng ating kultura bilang isang bansa na nagnanais maibahagi ang makahulugang mga selebrasyon sa ating mga mahal sa buhay. Ang matibay na tradisyong pampamilya ay nakaiimpluwensiya sa bawat aspeto ng ating buhay, kabilang ang pulitika, negosyo, at buhay-panlipunan. Sa loob ng maraming taon, ang ating mga sistema ng parehong highway at inter-island travel ay humusay na. Ang pagbiyahe sa Baguio at sa buong Northern Luzon, halimbawa, ay karaniwang gumugugol ng mula walo hanggang sampung oras; ngunit ngayon nabawasan na ito ng kalahati dahil sa lumalawak na network ng mga expressway. Posible na ngayon ang mga isla sa Visayas at kahit na sa Mindanao sa pamamagitan ng bus dahil sa roll-on, roll-on (RORO) na sistema ng transportasyon na nakatutulong pag-isahin ang buong kapuluan na magkakahiwalay ang mga isla.
00
Si Senator Miriam Defensor Santiago, chairperson ng Senate constitutional amendments committee, pa rin ang pinakamaimpluwensiyang senador sa social media. Ito ay makaraang dumoble ngayong buwan ang followers ng kanyang mga Facebook at Twitter account kumpara sa kaparehong panahon noong 2014.
00
Inihayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ang nasabing apps ay ilalagay sa kategoryang "transport network companies" at para maproteksiyunan ang mga pasahero. Nabatid na ang panukala ay iginiit ni Ginez sa pagdinig sa House Committee on Transportation.
00
Naglaro si Federer sa buong Davis Cup noong nakaraang taon, kung saan tinalo ng Switzerland ang France, 3-1, sa final. Ang Davis Cup ang natatanging major competition na hindi pa noon napapanalunan ng 17-time Grand Slam champion.
00
Sa kanyang talumpati sa Lima, sinabi ni Steinmeiere na magkakaroon ng "huge damage" sa Europe kung lalabagin ng mga kalaban ang ceasefire, na nagsimula noong Sabado ng hatinggabi (2200 GMT).
00
Ang lindol na tectonic ay lumikha ng lalim na 13 kilometro. Naitala ang intensity 4 sa Baguio City at La Trinidad sa Benguet, intensity 3 sa Itogon, Benguet, intensity 2 sa Dagupan City, Pangasinan at intensity 1 naman sa Palayan City, Nueva Ecija.
00
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Randy Obordo, 27, binata, nakatuloy sa barracks ng pinagtatrabahuan nito sa Le Rica Homes sa Bgy. San Francisco.
00
KINAUSAP ni Piolo Pascual nang masinsinan ang anak na si Inigo Pascual ngayong full time na ito sa showbiz. "Kasi first time niyang mag-try sa online schooling, eh, sabi ko sa kanya, 'Pag bumagsak ka, wala tayong pag-uusapan, you have to go back to regular school. That's my only deal.'
00
Ito ang inihayag ng Team Philippines SEA Games Management Committee kung saan ay inaasahang 50 atleta ang maidaragdag sa pambansang delegasyon na lalahok sa kada dalawang taong torneo. Sinabi ni Team Philippine Chef de Mission Julian Camacho na humahabol upang mapasama ang women's water polo, ang women's dragonboat team at ang men's indoor volleyball squad. Napag-alaman sa isang opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) na nag-usap noong Lunes ng gabi ang mga pinuno at coaches ng Larong Volleyball ng Pilipinas kasama si POC president Jose "Peping" Cojuangco upang agad na tapusin ang komposisyon ng mga manlalaro sa kababaihan at gayundin ang listahan sa kalalakihan. "Matagal na nag-usap ang POC at sina Gorayeb at Acaylar. Pinamamadali na ang composition ng women's team para sa Under 23 at sa SEA Games. Not only that, maging sa men's team," sabi ng source. At dahil sa pagkakadagdag sa tatlong sports na binubuo ng 50 atleta ay umakyat na sa kabuuang 452 ang inaasahang mapapasama sa pambansang delegasyon. Hindi pa dito kasama ang mga nagnanais sumabak na gagastusan ang kanilang sariling kampanya.
00
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na ang dalawa ang itinuturong bumaril at nakapatay kay PO2 Jan Gallenero, nakatalaga sa Intelligence Section ng La Carlota Police Station noong nakaraang linggo. Nakasaad sa report ng pulisya na si Aizpuro ay kamag-anak din ng biktima at kasama sa La Carlota Police Station habang si Gelboria ay nakatalaga sa Bacolod City Police Office (BCPO) na isinasailalim sa administrative relief. Batay sa imbestigasyon, kasama ang driver na si Rommel Coray, umupa ng Mitsubishi Adventure sa isang rent-a-car sa Bacolod City sina Aizpuno at Gelbona at ito ang kanilang ginamit sa pagsagawa ng krimen. Bukod sa tatlo, tukoy na rin ng pulisya ang lima pang kasamahan ng mga suspek na hindi muna pinangalanan hanggat hindi pa nahuhuli.
00
Ayon kay Ortega, nalunod ang 14-anyos na si Mark Bryan Amores, ng Barangay Bangilan, Kabacan habang tinatangkang iligtas ang kanyang mga alagang pato at manok na tinangay ng baha. Nalunod din si Winnie Pajenado, 61, ng Brgy. Makalangot sa Arakan, habang inililigtas naman ang alagang kalabaw mula sa baha, ayon kay Ortega. Ang baha ay bunsod ng pag-apaw ng Kabacan River kasunod ng magdamagang malakas na ulan nitong Huwebes, na nagpalubog sa mga barangay ng Poblacion, Dagupan, Katidtuan, Aringay, Bangilan, Kayaga, Salapungan, Pedtad at Buluan sa Kabacan. Agad namang nagpatupad ng paglilikas ang PDRRMC, ayon kay Ortega. Sa paunang report kay Gov. Emmylou Talino-Mendoza, sinabi ni Ortega na winasak din ng baha ang bahay nina Arnold at Arlene Gamboa sa Brgy. Batac, Magpet, habang isa pang makeshift house ang nahati. Nalubog din sa baha ang University Inigoof Southern Mindanao campus sa Kabacan, kabilang ang ospital ng unibersidad, noong Huwebes ng umaga, ayon kay Ortega.
00
Sa pamamagitan ng social media, nakikiusap si Claudine na sana'y tigilan na ang paghahambing sa dalawa. Kung inaakala raw ng bashers na masisira nila ang friendship ng dalawang nanay-aktres, nagkakamali sila. Sa Instagram post ni Claudine, inulit niya na magkaibigan sila ni Juday at mananatili ang kanilang pagkakaibigan kahit pa idinadamay ng mga bashers ang kani-kaniyang anak.
00
Marahil ay katulad ko rin sila. Marahil ang kanilang mga pag-asam ay parang mga panaginip at ang kanilang mga panalangin ay mistulang mga kahilingan lamang. Marahil ay naghahanap sila sa isang bituin na magbibigay ng lahat ng kanilang kahilingan, hindi ang liwanag na magbubulgar ng kanilang mga kasalanan. Tuwing may Simbang Gabi, kapag kumakanta ako sa misa kasabay ng pagtilaok ng mga tandang, hinihiling ko ang maraming bagay. Hinihiling ko ang ilang mahihiwagang sandali na nasa tono ang choir na aking kinabibilangan sa okasyong iyon. At kapag nagkaisa ang mga himig ng mga miyembro ng choir, tinatanong ko sa aking sarili kung ganito rin ba kaganda ang himig ng mga anghel sa kalangitan. Sa simula pa lamang ng pagpasok ng Simbang Gabi, natatanaw ko ang mga mukha ng mga parokyano habang umaawit ang aming choir. Ang iba sa kanila ay nakangiti, ang iba naman ay parang walang naririnig ngunit nakatingin sa amin o sa altar. Hinihiling ko sa mga sandaling iyon na sana ay maunawaan ko kung bakit hindi nagkakaisa ang expression ng mga mukha ng mga parokyano sa aming pag-awit. Gayunman, patuloy kami sa pag-awit at pagsisikap na sana ay mabigyan namin ng hustisya ang sangkap at pahiwatig ng liriko ng aming awit. Oo nga, marami akong kahilingan, ngunit alam ko na sa halip na humiling ako na mapakinggan ang tunay na damdamin ng aming inaawit, kailangang hilingin ko rin na sana ay mapakinggan ko ang tinig ng Diyos kapag Siya ay nagsalita. Sa halip na mabatid ko ang pahiwatig ng mga expression sa mga mukha ng mga nakikinig sa aming choir, kailangang hilingin ko rin na sana ay makita ng aking puso si Jesus at hindi ang kalituhan sa daigdig na ito. Ang pangangarap ay pag-asa na makukuha ko ang nais ko mula sa Diyos. Ang panalangin ay isang apela na makuha nawa ng Diyos ang nais Niyang makamtan sa akin. Ang Pasko ay isang oportunidad upang isipin kung ano ang ibinigay ng Diyos sa atin at kung ano ang maaari nating ibigay sa Kanya.
00
Ito ang ipinabatid ni PSC Chairman Richie Garcia sa pagpapatuloy ng tatlong taong programa na inendorso ng Palasyo ng Malakanyang para mapangalagaan ang kalusugan, maayos na pangangatawan at aktibong paglahok sa iba't ibang sports na libreng itinuturo ng mga miyembro ng pambansang koponan.
00
Muling nagpakita ng kanyang matinding talento si GM So, isang araw matapos nitong patumbahin ang defending champion na si Levon Aronian ng Armenia, sa ikatlong round nang magmatigas ang 21-anyos sa paglatag ng matinding depensa kontra sa atake ni Caruana upang itulak ang laban sa draw. Dahil dito ay nanatiling walang talo si GM So, matapos ang apat na round na bitbit na ngayon ang United States, tungo sa pagtala ng kabuuang 2.5 puntos bunga ng kanyang isang panalo at tatlong draw, kabilang ang isa sa kasalukuyang world champion na si Magnus Carlsen ng Norway sa unang round. Naagaw naman ni dating world challenger Vassily Ivanchuk ng Ukraine ang solong liderato sa itinalang 3.5 puntos matapos biguin si Maxime Vachier-Lagrave ng France sa 30 moves ng Sicilian encounter. Dumausdos si Caruana sa two-way tie sa ikalawang puwesto kasama si Ding Liren ng China sa kinubrang 3 puntos, na kalahating puntos na abante kay GM So, na katabla si Radoslaw Wojtaszek ng Poland sa ikaapat na puwesto na may 2.5 puntos. Ang draw ang nagtulak din kay GM So para umangat sa 2778.1, ang pinakamataas na naabot nito at mapanatili ang kanyang ranking bilang world No. 9.
00
Batay sa resolusyon, noong 2004 ay pumasok ang pamahalaang bayan sa loan agreement sa Development Bank of the Philippines (DBP) para mabili ang isang bagong soil compactor at traktora. Sa halip na public bidding, direktang kinontrata ang Monark Equipment Corporation bilang supplier. Ngunit sa auditing, sinabi ni Matias na nagsagawa ng bidding ang pamahalaang bayan at legal ang pagbili sa nasabing mga kagamitan, pero pinasinungalingan ito ng COA, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Auditor.
00
(Ito ang inihanda kong acceptance speech sa Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Panulat na ipinagkaloob sa akin nitong nakaraang Huwebes na sa sobrang nerbiyos ay hindi ko nabasa pero nairaos pa rin naman mula sa memorya kahit papaano. Inilalabas ko ito kasabay ang mula sa pusong pasasalamat sa Liwayway, Balita at Manila Bulletin na humubog sa akin bilang manunulat.) HINDI ako deserving sa parangal na ito. Napakabata ko pa para bigyan ng lifetime achievement award sa sining ng panulat. Kaya ang sabi ko kay Dr. Romeo Flaviano I. Lirio, ang Chairman Emeritus nitong Gawad Tanglaw, tatanggihan ko ito.
00
Ang Protoevangelium of James ay ang pinagmulan ng mga detalye sa buhay ng Mahal na Birheng Maria. ang tatlong kapistahan - Kaarawan ni Maria, ang Holy Name of Mary, at ang Presentation in the Temple - ay lumalapat sa Marian cycle sa unang tatlong kapistahan ni Jesus - Pasko, Holy Name of Jesus, at ang Kanyang Presentation in the Temple. Laging naroon ang presensiya ni Maria sa karamihan ng mahahalagang yugto sa buhay at ministeryo ni Jesus at sa kasaysayan ng kaligtasan ng daigdig. Naroon si Maria sa inkarnasyon, sa pagsilang, sa krusipiksiyon, at sa resureksiyon ni Jesus. Kasama siya ni Jesus sa buong buhay NIYA sa Nazareth. Habang tatlong taon na namalagi ang mga disipulo kay Jesus sa Kanyang pagmiministeryo, 33 taon namang kasama ni Maria ang kanyang anak. Noong tatlong taong gulang pa lamang si Maria, bilang pasasalamat nina san Joaquin at santa ana sa Diyos sa pagkakaroon ng supling matapos ang maraming taon ng pagkabaog, dinala siya sa templo sa Jerusalem upang pabanalin at italaga sa paglilingkod sa Diyos. Kahit noong pagkabata, nakasentro na sa Diyos ang buhay ni Maria. Pinag-aralan niya ang Banal na Kasulatan at naghintay sa pagdating ng Mesiyas. Nanatili siya sa santuwaryo hanggang ikasal siya kay san Jose, matapos ang annunciation.
00
Itinigil ng Japanese referee ang sagupaan sa eksaktong 2:38 ng 6th round nang hindi na maipagtanggol ni Yuba ang sarili kaya naidagdag ni Laurente sa kanyang mga titulo ang OPBF title. Dating Philippine, PABA at OPBF lightweight titlist si Laurente bago naging PH welterweight champion kung saan matagal siyang nakalista bilang contender ni WBC 147 pounds champion Floyd Mayweather Jr. Nakalista lamang si Laurente ngayon na No. 14 sa light middleweight division na si Mayweather din ang kampeon kahit aktibo siya at sunud-sunod ang panalo. Una rito, tinalo ni PH No. 2 light middleweight Ariel Tinampay si Koshinmaru Saito ng Japan sa 2nd round TKO upang mailinya sa Philippine title bout na mababakante sa pagwawagi ni Laurente sa OPBF belt.
00
Pinarangalan ng Manila Electric Company (Meralco) ang Manila City government matapos mabayaran ang malaking utang nito sa kuryente na umabot sa P613 milyon.
00
"We humbly ask for your prayers for his quick recovery,"mensahe pa ni Federico. Sabi ng isa sa mga sekretarya ni Kuya Germs na nakausap namin (last Monday), malamang na ilabas na sa Accute Stroke Unit ang TV host at ilagay sa regular room. Nabahala ang showbiz sa pagkakaospital ni Kuya Germs. Napakaraming tawag daw ng natatangap nila, mula sa mga taong nagmamahal sa master showman, na gustong sumugod sa St. Lukes. Siyempre, nababahala ang mga ito sa biglang nangyari sa star builder, ang isa sa well-loved showbiz personality. Mabilis ding kinumusta ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang kalagayan ng TV host at ganoon din naman ang King of Talk na si Boy Abunda na matatandaang ilang linggo ring na-confine sa aospital. Itinuturing nang isa sa mga haligi ng local showbiz si Kuya Germs. Marami siyang tinulungan noon at magpahanggang ngayon na nangangarap na maging sikat sa showbiz. Ang kanyang That's Entertainment ang nagpasikat noon kina Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta, Lotlot de Leon, Tina Paner, Manilyn Reynes at maraming iba pa. Darling of the Press din si Kuya Germs, mapabaguhan man o beterano na sa pagsusulat ay pantay-pantay ang treatment niya. Si Kuya Germs na lang yata ang natitirang very loyal sa GMA-7. Kahit sa mga patay na oras inilagay ang kanyang Walang Tulugan With the Master Showman ay nanatili pa rin siyang loyal sa Siyete. Kapuri-puri rin ang Walk of Fame na matatagpuan sa Eastwood City.