label
class label
2 classes
article
stringlengths
54
6.74k
00
Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na puntirya ng administrasyong Aquino na siguruhin na kayang gawin at magagawa sa lalong madaling panahon ang pagkakaroon ng final peace agreement ng dalawang grupo, kahalintulad ng matagumpay na negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang pahayag ni Lacierda ay bilang reaksiyon sa kondisyon ng CPP-NPA-NDF na palayain muna ang kanilang mga consultant, ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, bago bumalik ang grupong komunista sa pakikipagnegosasyon sa gobyerno. "Mayroong nakabimbin na kasong kriminal laban kay Ginoong Tiamzon," giit ni Lacierda. Tulad ng kanilang naging posisyon sa MILF sa prosesong pangkapayapaan, sinabi ni Lacierda na dapat walang kondisyon hinggil sa pakikipagnegosasyon ng gobyerno sa mga komunista.
00
Sinabi ng 41-anyos na sentro ng Road Warriors na sanay naman siyang tumatakbo at naglalakad ng nakayapak o kaya'y naka-tsinelas at kapag naglalaro lamang ng basketball nagsusuot ng sapatos kaya naman hindi na siya nanibago nang isuot ang lumang modelo ng sapatos na siyang ginagamit noon ng mga basketball player. "When I'm around the park with the kids, I'm more comfortable running around with Chucks. I'm either barefoot or with slippers so wearing shoes is just normal. Anything comfortable with me," ani Taulava na nagsabing susunod niyang gagawin ay ang ibalik ang dating maliit na uniporme at maikling shorts. "I want my uniform really small. I think it was long overdue," ani Taulava sa ilang sportswriters na nagkober ng laro sa Ynares Sports Center. "If I have short shorts, small jerseys, now I have the shoes it will be perfect." Gaya ng isang tipikal na Pinoy, ayon kay Taulava ay "pahiyang" lamang ang ginawa niya dahil sa naranasang tatlong sunod na pagkatalo ng kanilang koponan. At kung susuwertihin sa pagsusuot ng naturang sapatos, hindi malayong ulitin niya ito sa susunod nilang laro. "He said we've been losing for the last three games. Change of shoes will hopefully bring a change in our game and he is right. I give credit to him but I warned him that I'm worried about the shoes and he said in our days, we play Chuck Taylor shoes high-cut and low-cut," pahayag ni NLEX coach Boyet Fernandez.
00
Pinataob ng University of the Philippines (UP) ang season host University of the East (UE), 6-0, upang manatiling namumuno sa pagpapatuloy ng UAAP men's football tournament sa Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo. Ang Fighting Maroons ay nagkaroon lamang ng sampu players matapos na magawaran ng dalawang yellow cards si Albert Yatco sa 69th minute na naging dahilan upang mapatalsik siya sa labas ng field.
00
DAHIL sa pelikulang English Only Please ay muling pinag-uusapan si Jennylyn Mercado na pawang positibo. Dati kasi ay naging laman siya ng mga pahayagan pero hindi naman maganda ang mga nasulat dahil tungkol iyon sa lovelife niya na hindi naman nagtatagal at kung anu-ano pang resulta ng pagluluka-lukahan niya noon.
00
Ito ay matapos ibasura ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, ng QC-RTC Branch 221, ang apela ng prosekusyon na payagang makapagpiyansa si Ampatuan, anak ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at kapatid ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. Ang mag-amang Ampatuan ay kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City matapos ituro bilang utak sa pamamaslang sa 58 katao, kabilang ang 30 mamamahayag. Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Gregorio Marquez, naglagak si Sajid ng surety bond na nagkakahalaga ng P11.6 milyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Subalit epektibo pa rin ang hold-departure order na inilabas ng korte laban kay Sajid kaya hindi siya makalalabas ng bansa habang nililitis sa kasong multiple murder. Si Sajid ang unang suspek sa Maguindanao massacre na pinayagang makapagpiyansa ng korte. "For the court, the mere presence of the accused during the meetings, albeit the argument that he occupied a government position, does not... translate to a conclusion of a strong evidence of guilt," saad sa limang-pahinang desisyon ni Solis. Ayon sa prosekusyon, si Sajid ang tumatayong officer-in-charge ng Maguindanao nang mangyari ang pamamaslang noong Nobyembre 23, 2009.
00
"massively anticipated" na Floyd-Manny showdown ang magpapataob sa superfight na ito, ani Hagler. Si Thomas Hearns, na nilabanan sina Hagler at Leonard noon, ang nagsabi na ito ay magiging "awesome fight" ngunit sa pagalay niya si Floyd ang mananalo. Si Roberto Duran, na lumutang din ang katanyagan sa boxing sa pakikipaglaban kina Hagler, Leonard, at Hearns, ang nagsabi, "I have always thought Pacquiao would win." Ang huling sport heroes ay hati rin ang opinyon. Sinabi ni former heavyweight champion Evander Holyfield at middleweight champion Miguel Cotto na kay Manny sila. Sinabi naman ni Oscar Dela Hoya na parehong matinding sumuntok ang dalwa ngunit si Floyd ang may perfect timing. Anang mga oddsmaker (tagahula ng magiging resulta ng tunggalian sa sports) sa Amerika, bahagyang paborito si Mayweather. Undefeated sa 47 laban, kilala siya sa kanyang mahusay na depensa. Ngunit si Pacquiao, na isang southpaw na may record na 50 panalo, limang talo, at dalawang draw, ay kilala sa bilis ng kanyang mga suntok. Magiging labanan ito ng dalawang magkaibang estilo sa boxing - superb defense versus perpetual motion. Sa pagitan ng stamina at bilis ng kamao. Ang mga dakila sa boxing sa daigdig ay magdedebate sa dalawang estilong ito sa susunod na anim na linggo at sa pagsapit ng dakilang araw na iyon - Sabado nang gabi, Mayo 2, sa Las Vegas, na Linggo nang umaga, Mayo 3, sa Pilipinas.
00
Kasunod nito, dalawang bahay naman sa Sitio Mambog sa Bgy. Sula, San Jose, ang nilamon ng apoy. Ang mga bahay ay pag-aari nina Marlon Doctolero, 49; at Jimboy Doctolero, 22, kapwa magsasaka.
00
PORT WASHINGTON, Wis. (AP) -- Humarap na sa korte ang Saved by the Bell aktor na si Dustin Diamond para sa kasong inihain laban sa kanya sa usaping pananaksak sa Wisconsin bar noong araw ng Pasko. Ayon sa kanyang abogado, wala kahit isa sa mga nakasaksi ang nakakita na nanaksak ang aktor, ngunit ayon sa Ozaukee County judge ay mayroong sapat na ebidensiya upang ipagpatuloy ang kaso sa hukuman.
00
"With 13 continental and two national squads, the 2015 Le Tour will definitely be the most exciting," sabi ni Lina-Flavier. "Unlike in the past editions when club teams joined the race, this time, the Le Tour has made its name as one of the most competitive in Asia." Ang continental teams na magbabalik sa Le Tour ay ang Satalyst Giant Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Astana Continental Team (Kazakhstan), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), TPT Cycling Team (Iran), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan) at 7-Eleven (Philippines). Sila ay sasamahan ng Le Tour first-timers na Team Novo Nordisk (USA), RTS Carbon (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Pishgaman Yazd Pro Cycling Team (Iran) at Singha Infinite Cycling Team (Thailand). Ang pambansang koponan ng PhilCycling ay sasabak din bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa Asian Road and Track Championships sa huling bahagi ng Pebrero at ng Singapore Southeast Asian Games sa Hunyo. Ipapadala rin ng Uzbekistan ang pambansang koponan nito upang maging matalas at handa para sa Asian championships. Ang 2015 Le Tour ay magbabalik sa maalamat na ruta sa Kennon Road patungong Baguio City sa Stage Four. Ang Kennon Road ay kinilala sa kasaysayan ng Philippine cycling bilang "maker of champions" - kung saan ang mga tunay na "sports heroes on two wheels" ay naiuukit ang kanilang mga pangalan - sa local Tour. Ang Stage One sa Pebrero 1 ay ang 126-kilometrong Balanga-Balanga route sa Bataan, ang Stage 2 sa Pebrero 2 ay isang 153.75-km ride mula Balangan hanggang Iba sa Zambales at ang Stage 3 sa Pebrero 3 ay sasakupin ang 149.34- kilometro mula Iba hanggang Lingayen, Pangasinan. Para sa Stage 4 sa Pebrero 4, ang Le Tour, na napasama sa Visit the Philippines 2015 program ng Department of Tourism, ay ang karera mula Lingayen hanggang Baguio City sa pamamagitan ng Kennon Road at may habang 101 kilometro.
00
Granada, Joe Aspiras, at Blas Ople. Noong 1959, sinabi sa akin ng aking editor-publisher at Manila Times correspondent Felipe "Pep" Delfin na makipagkita ako kay Blas Ople sa isang event ng Capiz Press Club sa Roxas City. Ipinarating ko sa kanya ang pagnanais ng Aklan journalists at student leaders na makipagkita sa kanya. Pumayag siya at bumiyahe kami ng 25 minuto lulan ng isang eroplano mula Loctogan airport patungong Kalibo. Kahit noon pa man, pamilyar na si Ka Blas sa mga personalidad sa Aklan tulad nina Congressman Godofredo Ramos, Dr. Artemio Nabor, at magkapatid na Beato at Roman Dela Cruz, lahat kilalang manunulat. Sa loob ng isang linggo, nakapulong niya ang Aklan nationalist advocates ng National Progress Movement (NPM) kung saan naglingkod siya bilang national vice chairman sa ilalim ng chairman nito na si retired Col. Mohammad De Venancio. Sapagkat batid niya ang aking pagiging College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Vice president, at Conference Delegates Association (CONDA) Asian Youth Forum chairman, pati na ang mga limitasyon sa paglinang ng aking aktibong interes sa student at youth movements, isinama niya ako sa Maynila at ipinakilala sa kanyang mga kaibigan at mga kakilala at kay NPC president Mac Vicencio, na humimok sa aking maging aktibo sa mga gawain ng NPC bilang isa sa mga halal na opisyal nito. Kalaunan, hiniling sa akin ni Vicencio na organisahin ang Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines (FPPCP) kung saan binuo nina Ka Doroy Valencia, Ople, Ernie Granada, Mao Chanco, Leon Aureus ng Bicol at Joe Aspiras bilang kaakibat ng NPC, naging premyadong kapatiran ng mga peryodista ng bansa. Taglay ang inspirasyon at patnubay ni Ka Blas, naging pangulo ako kalaunan ng Manila Overseas Press Club and the Publishers Association of the Philippines, Inc. bukod sa pagiging director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Philippine National Red Cross governor, UNESCO commissioner, National Book Development Board (NBDB) governor, at National Development Company director at Philippines Graphic publisher. Ginawa rin niya akong miyembro ng kanyang maraming misyon sa ibayong dagat. Bukod sa kanyang legasiya ng overseas employment program, tumulong din si Ka Blas sa pagpapahusay ng major players sa gobyerno at sa pribadong sektor.
00
Isiniwalat nina Butch Antonio, SBP Executive Director for International Affairs, at itinalagang men's national basketball head coach na si Thomas Anthony "Tab" Baldwin, na sinimulan nila noong Lunes ng gabi ang pagsasama-sama ng kabuuang 25 manlalaro na napili nila mula sa iba't ibang pangunahing kolehiyo sa bansa. "We started last Monday," sinabi ni Antonio. "We invited 25 athletes, which we can't say are the best but based on the criteria wanted by our head coach," dagdag pa ni Antonio hinggil sa binubuong koponan sa cadet program na siya ding ipadadala sa SEAG sa Singapore. "They are all non-PBA players, other than Marcus, who has an existing contract with SBP and is now playing for Blackwater. Some of them are either from D-League or best collegiate league in the country. We even have a player coming from Cebu," pahayag naman ni Baldwin, dating Australian national team coach. Hiniling naman ng SBP sa Team Philippines SEA Games Management Committee na bigyan sila ng karagdagang panahon para sa pagpasa ng kanilang pinal na listahan na ilalahok sa SEA Games kung saan ay sunud-sunod na iniuwi ng bansa ang ginto maliban lamang noong 1989. "We ask for a little extension for at least a month because we just really started with the try-out. We will trim the numbers down to 16 after four weeks and at end to just 12. These 12 players will be the one playing for SEABA and to the SEA Games," giit pa ni Antonio. Hindi naman ikinabahala ni Antonio at Baldwin ang ulat hinggil sa pagpapalakas ng mga karibal na bansa na tulad ng Singapore na kumukuha na rin ng kanilang naturalized players. "It is up to the coaches now with regards to the scouting. We know that other countries are trying to strengthen their team but we are optimistic that our national coaching staff knows their responsibility well under coach Baldwin," ayon kay Antonio.
00
Tama ka riyan Mr. President sapagkat kung ang pipiliin mo ay liyebo 40 o 50 na, maliit ang pag-asang magka-anak ka pa upang siya ay maging Benigno S. Aquino IV. Binanggit niya sa panayam ang dalawang nakarelasyon niya noon, sina Grace Lee at isang hindi pinangalanan, Binanggit din niya ang beauty stylist-writer na si Liz Uy, pero malabo ang pahayag kung naging GF ito. Habang sinusulat ko ito, dalawang magkahiwalay na petisyon ang isinampa sa Supreme Court laban sa implementasyon sa fare increase ng MRT at LRT nitong Enero 4. Hiniling ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco sa SC na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) o status quo ante order para ipatigil ang fare adjustments na ipinatupad noong Linggo. Naniniwala ang Bayan at si Syjuco na ang makikinabang lamang sa pagtataas ng singil sa MRT at LRT ay ang mga pribadong kompanya na nag-o-operate sa mass transit sa kapanganyayaan ng milyun-milyong commuter. Maganda ang payo ni ex-Sen. Panfilo Lacson na dati ring PNP chief kay PNP Officer-in-Charge Leonardo Espina: "Regain the PNP's old glory." Ibig sabihin nito, dapat ang mga pulis ay protector ng bayan at hindi mandurugas ng mamamayan. Si Espina ang hinirang na PNP OIC matapos suspindehin ng Ombudsman si PNP Chief Alan Purisima dahil umano sa kurapsiyon.
00
Ayon kay Police Senior Inspector Fidl Gentalian, bagong hepe ng Boracay PNP, nakikipag-ugnayan na sila sa Korean community para mapabilis ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
00
Agad na lumutang ang tanong: Bakit humiling ang tatlong mahistrado na matanggal sa paghawak ng kaso? Karaniwang nangyayari ito kapag sa pakiramdam ng isang mahistrado na hindi maaari siyang hindi kumiling dahil sa kanyang malapit na kaugnayan sa akusado, o dahil sa may iba pang koneksiyon ito sa kaso na maaaring magdulot ng pagdududa mula sa ibang tao. May mga usapan na ang kanilang hakbang ay may kaugnayan sa isang umano'y hakbang ng Bureau of Internal Revenue na suriin ang kanilang Statements of assets, Liabilities, and Networth (SaLNs). Nagkaroon ng espekulasyon hinggil sa umano'y panggigipit mula sa Malacanang, gayong hindi naman ito nilinaw sa kung anong anyo o direksiyong tinahak, at kung saan magtatapos. Noong Miyerkules, sa isang pulong kasama ang iba pang mahistrado ng Sandiganbayan, ang tatlong mahistrado - Fifth Division Chairman Roland Jurado, associate Justice alexander gesmundo, at associate Justice Ma. Theresa Dolores gomez Estoesta - ay nagpasiyang bawiin ang kanilang orihinal na request for inhibition at napagkasunduang ipagpatuloy ang paghawak sa kaso ni Estrada. Ito ang iisang pagkakataon na walang makapagsasabi ng "all's well that ends well". Para sa Sandigan na pinangungunahan ni Presiding Justice amparo Cabotaje Tang, tumangging ibunyag ang kung anong napag-usapan sa kanilang pagpupulong noong Miyerkules. Sinabi lamang niya na nagpahayag ang tatlong mahistrado ng kani-kanilang dahilan kung bakit nais ng mga ito na mag-ihibit ngunit, dagdag niya, "we felt the reasons were not compelling enough and we advised them not to pursue their request". Sabi ni Presiding Justice ang na si Justice Jurado ay may isang "more serious concern".
00
Kung gusto mong matapos ang iyong sinimulan, kailangang alam mo kung ano ang magiging hitsura nito. Karamihan sa mga proyekto ay may natural na kalalabasang hitsura (halimbawa: painting, cross-stitch, web design, at iba pa) - at marami rin ang walang kalalabasang anyo (halimbawa, pagtutugtog ng gitara, piano, pag-aaral ng ibang wika at iba pa). Kung ang target mo ay ang "sumulat ng isang nobela", kailangang maging malinaw sa iyo kung "susulat ka lang" o "tatapusin mo iyon agad" o "ipa-publish mo iyon". Ang mga ito ay iba-ibang target na may iba-iba ring "finish line". Kung ang cross-stitch design na napili mong gawin ay disenyo ng "The Last Supper" kung saan si Jesus ang nasa gitna ng dibuho at plano mong tapusin iyon bago mag-Pasko, masasabi mong dakilang tagumpay mo kapag mukha lamang Niya ang natapos mo pagkalipas ng tatlong linggo mula nang simulan mo ito. Ngunit kung ang layunin mo ang mai-display iyon sa iyong bahay, ang "finish line" mo ay ang maipa-frame mo iyon. Maaari rin naman na ang pinagkakainteresan mong gawin ay walang finish line. Kung gusto mong pumayat, hindi mo agad matatamo iyon tapos titigil ka na sa programa. Kung ang target mo ay ang pumayat, kailangan mong magtakda pa ng iba pang target upang mapanatili mong payat ang iyong pangangatawan. Puwede kang lumahok sa alay-takbo o alay-lakad ngayong taon at sasali uli sa susunod na taon. Maaari ka ring magpasya na magpalaki ng katawan at sumubok ng iba't ibang weights.
00
Ibinahagi ng Pangulo ang kanyang personal na buhay matapos ang prayer assembly ng iba't ibang Christian religious leader sa Malacanang kamakalawa ng hapon.
00
Ang naturang urgent motion ay pormal na iniharap kahapon sa anti-graft court ng mga abogado ng senador. Binanggit ng senador sa kanyang mosyon na nais lang niyang masiguro na ligtas at stable na ang kalagayan ng anak sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City. "[Senator] Revilla, himself shocked about this very unfortunate incident, feels helpless and distraught about this serious threat to the life of his son, Jolo. Revilla--as any father would feel--bears that it is his obligation to visit his son to ensure that he is already safe and in a stable medical condition and to spend a few minutes with him to provide support and assurance in this life-threatening situation," saad sa mosyon ng mambabatas. Nauna nang lumabas ang balita na nagtangkang magpakamatay ang bise gobernador nitong Sabado, pero agad itong itinanggi ng abogado ni Revilla na si Atty. Ramund Fortun, na nagsabing aksidenteng nabaril ni Jolo ang sarili habang nililinis nito ang sariling baril.
00
Ang ilan sa karaniwang Amerikano ay naglalakbay ng 25.4 minuto bago makarating sa kanilang trabaho at parehas na oras muli pauwi sa kanilang tahanan. Ayon sa US Census Bureau, nakita sa The American Community Survey na halos 86% ng mga manggagawa ang gumagamit ng kotse papasok sa trabaho. Ang mga sumasakay naman sa pampublikong sasakyan patungo at pabalik sa trabaho ay mas mababa ang body mass index (BMi) kaysa mga nakakotse, nakita sa isang pag-aaral noong 2014 na nailathala sa British Medical Journal, gayundin sa mga naglalakad at nakabisikleta. Stress sa trabaho
00
PARA sa gobyerno, maaaring nakasentro sa apat hanggang anim na buwang pagsasara ng isla ng Boracay ang pangunahing isyu ng rehabilitasyon ng kapaligiran. Para sa mga residente ng isla, gayunman, pangunahing isyu ang kawalan ng hanapbuhay na higit na makaaapekto sa kaligtasan ng kanilang pamilya.
00
Katunayan ang laging pagiging trending topic ng show sa Twitter at noong Monday (December 29) ng "Agnes" at ng official hashtag ng programa na "#ForevermoreTheChallenge." Bumuhos ang tweets ng viewers at netizens dahil sa panghihiyang dinanas ni Agnes sa kamay ng ina ni Xander na si Bettina (Lilet) at ng VIP guest sa hotel na si Steph (Marina Benipayo). Lalo pang nalungkot ang maraming netizens at nakisimpatiya sa kalungkutan ni Agnes nang aksidenteng matapunan niya ng hot choco si Steph. Mangiyak-ngiyak si Agnes sa kahihiyang naganap sa harap mismo ng lola ni Xander na si Dona Soledad (Marissa Delgado) at pinsan nitong si Julius (Kit Thompson). Inaabangan ng loyal viewers ng Forevermore kung susuko na ni Agnes sa kanyang pangarap na makapagtapos o mas patatatagin siya ng mga nangyayaring ito. Sinusubaybayan din kung paano makabawi si Xander kay Agnes na wala pa naman sa tabi niya ngayong kailangan niya ito nang husto.
00
Napanatili ng 25-anyos ang tangan sa overall individual classification matapos ang apat na podium finishes, tampok ang tatlong stage victory para makalikom ng kabuuang 21 oras, isang minuto at 56 segundo -- halos pitong minuto ang layo niya sa kasangga at two-time defending champion Jan Paul Morales. Nakabuntot si Go for Gold Developmental team's Jay Lampawog (21:19:31). Kabilang sa top 10 sina Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology (21:20:02), Navy's John Mark Camingao (21:20:24), Go for Gold's George Oconer (21:20:51), Go for Gold Developmental team's Ronnel Hualda (21:21:29), Navy's Rudy Roque (21:21:42), CCN Superteam's Irish Valenzuela (21:22:04) at Navy's Junrey Navara (21:22:08). Sa kabila nito, ayaw pakumpiyansa ni Oranza. Aminado siya na hindi pa sapat ang kanyang bentahe at isang pagkakamali lamang ay maaring magdulot nang kabiguan. "Hindi puwede mag-relax. Kailangan maging matalino sa laban. Walang makapagsasabi na magkakaroon ka ng aberya o ma-involved sa aksidete. Siyemre extra ingat kami, wala tayong magagawa kapag sinubok ng pagkakataon," pahayag ni Oranza. Tunay na mapaghamon ang susunod na tatlong ruta, simula ang 207.2km Silang-Tagaytay Stage Nine sa Huwebes, 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa Biyernes at 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Sabado. Naghihintay ang P1 milyon sa kampeon sa pamosong cycling marathon na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, Philippine Rabbit, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.
00
Kasama sa mga paparangalan sa kategoryang ito sina Atty. Romulo Makalintal ng DZMM, ang Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Radyo; si Tirso Cruz III para sa Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Telebisyon; at si Chito Rono para sa Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Pelikula. Si Dindo Balares ay homegrown writer ng Liwayway, Balita, at Manila Bulletin. Noong 1989, bilang fresh graduate ng Literature sa Ateneo de Naga ay nagsimula siya bilang isang staff writer ng Liwayway, at naging entertainment editor nito bago nagbukas ang Movies and Friends magazine, at inilipat sa Balita. Siya ay nakapagsulat ng mahigit sa 20 nobela sa iba't ibang publikasyon. Noong 2013 ay inilabas ang kanyang pinakahuling libro, ang Walang Katulad, na tumatalakay sa pinanggalingan at pagkakalinlan ng mga Pilipino. Ang Gawad Tanglaw ay binubuo ng mga professor na pawang may doctorate at masteral degree mula sa iba't ibang paaralan sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya. Narito ang kumpletong listahan ng 13th Gawad Tanglaw awardees: PRINT
00
Base sa monitoring ng MMDA Metrobase, usad-pagong ang mga sasakyan sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan simula 10:00 ng umaga kahapon, bagamat lagpas na sa 7:00 hanggang 9:00 ng umaga na itinuturing na rush hour.
00
Ang Lakers star ay naglaro ng halos 32 minuto sa kanyang ikalawang laro mula nang magbalik galing sa pahinga. Naglista si Carlos Boozer ng 19 puntos at nagdagdag naman si Ronnie Price ng season-high na 18. Kapwa nagtapos sina Ty Lawson at Jusuf Nurkic na may 16 puntos para sa Nuggets na natalo sa apat ng kanilang huling limang laro. Si Wilson Chandler, isa sa top scorers ng Nuggets, ay nagtapo ng bruised right quadriceps sa first half at hindi na nagbalik. Nagtapos siya na may siyam na puntos. Bukod dito, ilang player na ng Nuggets and hindi nakapaglaro dahil sa injuries: Danilo Gallinari (right knee), JaVale McGee (strained left leg) at Randy Foye (right quadriceps). Hindi rin naglaro si Darrell Arthur (lower leg). Naipasok ng Lakers ang kanilang unang pitong attempt at may 61 porsiyento sa opening half upang kunin ang 62-46 abante patungo sa locker room. Bago ang laro, nagkuwento si Nuggets coach Brian Shaw tungkol sa pagiging teammate ni Bryant isang dekada na ang nakalilipas at kung paano magbiro si Bryant tungkol sa mga beteranong naglalagay ng yelo sa tuhod. ''I told him that one day ice was going to be his best friend,'' sabi ni Shaw. Ilang sandali pa, dumaan si Bryant upang yakapin si Shaw. "'I'm sharing stories about when you used to laugh at me (for using ice),'' turan ni Shaw. ''Now I've got to do it before the game. How about that?'' sagot ni Bryant. At habang naglalakad palayo si Bryant, isinigaw niya: ''Tell them the story about how I beat you in shooting when I was 12.''
00
Gaganapin ang libreng medical mission sa Pebrero 23 hanggang Marso 3, 2015 para sa mga siyam na buwan hanggang pitong taong gulang. Maaaring tumawag sa 0918-9219463, 0906-8883926, at 0922-8490174. Para sa screening requirements ng mga pasyente, maaaring mag-email sa rcsta.rosacentro@yahoo.com o personal na magsadya sa Doray's Paanakan sa No. 784 F. Gomez Street, Barangay Ibaba, Sta. Rosa, Laguna.
00
Ito ang sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma kung saan mahigpit ang naging tagubilin ng Pangulo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan na magsisiuwi sa kanilang probinsiya upang makapiling ang mga kamag-anak at kaibigan. Sinabi ni Coloma, sa direktiba ng Pangulong Aquino, sakop ang kaayusan sa mga bus terminal, pantalan at paliparan at ang kaligtasan ng lahat ng uri ng sasakyang pampubliko. Ayon pa sa kautusan ng Pangulong Aquino, na bigyan ng mabilis na pagtugon ang mga pangangailanan ng mga magbabakasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng public assistance desks sa mga terminal na inaasahang dadagsain ng libu-libong pasahero. Iniutos din ng Pangulo na maging maayos at mabilis ang pagbabayad ng motorista sa mga toll sa expressway na kinabibilangan ng SLEX, STAR, CAVITEX, COASTAL HIGHWAY, NLEX, SCTEX, at TPLEX na taliwas sa nagyari noong nakaraang taon na umaabot ng ilang kilometro ang pila. Mahigpit din ang bilin ng Pangulo sa DoTC at LTFRB na tiyakin na sapat ang bilang ng mga pampublikong sasakyan, walang overloading, at maayos ang mga terminal. Ipinagbabawal din ang pagbiyahe ng mga kolorum at tiyakin na may kaukulang special permit ang mga sasakyan. Ipinag-utos din ng Pangulo sa Philippine Port Authority at Philippine Coast Guard na siguruhing maayos ang mga pier, walang overloading, maayos ang mga terminal, walang palusutan sa manifesto, may sapat na safety devices ang mga barko, ang lahat ay seaworthy at magtalaga ng Public Assistance Center sa bawat pantalan. Pinatitiyak din sa DoTC ang maayos na mga paliparan, maayos ang pagpila at pagpasok ng mga biyahero, gumagana ang mga X-ray machine, may sapat na tao para tugunan ang mga pangangailangan (maging ang airline companies), hindi maulit ang mga karanasang nangyari noong nakaraang Pasko at magtalaga ng Public Assistance Desk sa bawat paliparan. Inatasan din ang DPWH na dapat ay nasa ayos ang mga kalsadang dadaanan ng mga pampublikong sasakyan at motorista, walang mga sagabal, walang mga nakabinbing repair na maaring maging dahilan ng mabagal na trapiko. Inatasan din ang Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng public assistance centers sa mga strategic na lugar sa loob ng expressway at daraanan ng iba't ibang pampublikong mga sasakyan at motorista. Mahigpit din na inutos sa PNP ang pagtatalaga ng sapat na tauhan sa lahat ng pantalan, paliparan, at estasyon ng bus na mangangalaga ng kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng maglalakbay. Laging paghadaan din ng PNP ang mabilis na pagtugon sa mga emergency, lalo na sa mga nangyayaring aksidente, at maging sa sunog na rin (sa Metro Manila), at kriminalidad. Ibinilin din sa mga hospital ang madaliang pagresponde sa anumang maging pangangailangan sa mga sakuna sa lansangan at karamdamang maaring idulot ng tag-init.
00
"AYAW lang sigurong pag-usapan para walang isyu," bungad sa amin ng taong malapit kay Jasmine Curtis Smith nang muli naming kulitin kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Sam Concepcion.
00
Ang limang milyong katao na nagtipun-tipon sa Luneta nang magmisa si Pope John Paul II ay itinuturing na "largest outdoor gathering" ng Guinness Book of World Records. "Humihiling po kami ng kooperasyon sa lahat. Maghanda po tayo, hindi lamang ispiritwal, subalit maging ang ating pangangatawan at isipan para sa susunod na linggo upang maging matagumpay ang kanyang pagbisita para sa lahat," pahayag ni Valte sa radyo DzRB. Idineklara ng Malacanang ang Enero 15, 16 at 19 bilang holiday sa National Capital Region (NCR) bunsod ng papal visit. Itinuring din ng Palasyo ang Traslacion para sa Mahal na Poong Nazareno noong Biyernes sa Maynila--na mahigit limang milyong deboto ang dumalo sa prusisyon bilang "dry run" ng awtoridad sa pagbisita ng Papa.
00
Subalit iginiit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kailangan munang aprubahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang panukala ni Roxas dahil ang Department of Justice (DoJ) ang nangangasiwa sa Bureau of Corrections (BuCor), na nagpapatakbo naman sa NBP.
00
- Ang pagbawi sa unobligated allotments mula sa implementing agencies at pagdedeklara nito bilang savings bago pa man magtamos ang fiscal year. - Ang cross-border tranfers ng savings ng executive branch upang pondohan ang mga programa ng non-executive agencies, tulad ng lehislatura, hudikatura, ang Commission on Audit, at ang Commission on Elections. - Ang paggamit ng unprogrammed funds nang walang sertipikasyon mula sa National Treasurer na ang koleksiyon ng buwis ay lumampas na sa inasintang buwis. Gayunman, binago ng Hukuman ang mass invalidation nito sa lahat ng proyektong nasa ilalim ng DAP. Pinahintulutan nito ang pagdadagdag ng pondo para sa 116 proyekto ng DAP na mayroon nang nakalaan sa ilalim ng General Approporiations Act (GAA). Tungkol sa maraming proyektong isinagawa sa nakaraang mga taon ng DAP, itinaguyod ng Hukuman ang Doctrine of Operative Fact. Sa madaling salita, ang P144 bilyong halaga ng proyektong pang-imprastraktura at iba't ibang social at economic program na pinondohan ng DAP bago ito ipinasyang unconstitutional ay idineklarang balido. At tungkol naman sa kung sino ang dapat na managot sa unconstitutional na paggamit ng pondo ng bayan, ipinasya ng SC na ang "may-akda" lamang ng DAP, hindi ang "proponents" at "implementors" ang dapat managot. Kung sinasabi nila "in good faith" sila, kailangang patunayan iyon sa isang angkop na hukuman. Ang mga may-akda ng DAP ay sina Pangulong Aquino at Budget Secretary Florencio Abad. Sapagkat si Pangulong Aquino ay maaaring makasuhan sa impeachment proceedings, si Secretary Abad lamang ang maaaring sampahan ng kaso sa hukuman dahil sa paggamit ng bilyun-bilyong halaga ng pondo ng bayan. Ang anumang kaso laban sa Pangulo na may kaugnayan sa DAP ay maaari lamang isampa pagkatapos ng kanyang termino sa 2016. Magpahanggang ngayon, hindi pa batid kung magkano talaga ang nagastos mula sa DAP na parang ang Pangulo at ang Budget Secretary lamang ang nagdedesisyon sa mga proyekto. Sa isang pagkakataon, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) sa website nito na mahigit P157 bilyon ang nai-release. Sa kanyang memorandum noong Disyembre, 2013, na nagrerekomendang ihinto ang DAP, inilagay ni Secretary Abad ang halaga sa P144 bilyon. Wala pang komprehensibong pagtutuos ng DAP funds.
00
Sinabi ni Coloma na wala pa siyang impormasyon kung may revamp kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Enrique Ona noong nakaraang buwan. Bukod kay Ona, sinasabing may balak tumakbo sa 2016 elections ang ilang miyembro ng gabinete kaya posibleng magbitiw din sa kanilang mga puwesto bilang paghahanda sa kanilang kandidatura lalo pa't sa Oktubre na ang pagsusumite ng certificate of candidacy.
00
Ayon sa report, pinagbabato ng mga tagasuporta ni Rivilla ang mga bintana sa ikatlong palapag na inookupa ni David at kasabay ng pananalangin ay lumabas ng gusali si David sa pagitan ng 7:30-8:00 ng gabi.
00
Paliwanag ni weather forecaster Meno Mendoza ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa inaasahang paglakas na naman ng northeast monsoon o hanging amihan.
00
"I think he is (the best of all-time), the numbers say so," lahad ni Toni Nadal sa Spanish radio station na Cadena COPE. "Federer is the best in the history of the game alongside Rod Laver and, unfortunately for us, it is like that." Ngunit naging consistent si Nadal sa pagkakaroon ng bentahe sa world number two sa kahabaan ng kanilang career.
00
Isinampa kahapon ng BOC ang kaso laban kina Elmer Caneta at Michael Abella, may-ari ng EC Peninsula Commercial at New Dawn Enterprises, ayon sa pagkakasunod, sa Department of Justice (DoJ).
00
Ani Rey, "Reading the response of the supposedly 'public apology' of Ms. Mendez, I immediately made up my mind to pursue my cases against her. I was hoping for a more heartfelt reply, where she would not only apologize but also own up to the lies that she said on TV to defend herself while destroying my reputation." Ayon sa nakuha naming impormasyon, hindi diumano matanggap ni Rey ang paghingi ni Melissa sa social media ng apology bagkus gusto ng model/realtor na sa telebisyon gawin ang public apology ng aktres. Umani naman ng batikos sa netizens ang tila 'malupit' na 'parusang' hinihingi ni Rey kay Melissa. Narito ang ilan sa komento ng netizens, ipa-publish namin unedited. Mula sa FB page ni Allan Sarmiento Ting Medrano: "Ang OA nmn nitong Rey Pamaran na toh..daig pa ang babae umarte..Respect Women bro. 50/50 ako pero marunong ako rumespeto at gumalang ng babae..kahit sila me kasalanan yun na sila eh..ano bang nawala sayo kasikatan mo?nawalan ka ba ng pera sa ngyari..Forgive and Share Love na lng tayo since yun ang tinuro ni GOD satin.." Galing naman kay Christian Israel Nacion: "If a woman apologises to you, you should accept it whole-heartedly whether it's delivered personally or via social media. You should act as a gentleman and be forgiving to anyone who caused you harm and just move on." Say naman ni Todjie Tan, "Hnd ka tunay na maginoo." Nag-quote naman si Quen Ni Ekoy mula kay Mahatma Gandhi: "The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong."
00
Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang biktima ay si Sing King Deep, 34, may asawa, nakatira sa Agnesville sa Bgy. Mambugan, Antipolo City.
00
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, kabilang sa dalawang namatay ang 44-anyos na si Renato Gorion, miyembro ng Hijos del Nazareno, na tauntaong umaalalay sa imahen ng Nazareno.
00
Umabante ang Americans sa playoffs sa Abril at may tsansang makabalik sa World Group na bubuuin ng top eight teams. Dinispatsa ni Venus Williams, ika-11 sa mundo, ang pag-asa ng Argentina na makabalik matapos niyang talunin si Maria Irigoyen, 6-1, 6-4.
00
Naramdaman ang 6.8 magnitude na lindol malapit sa lungsod ng Nagano pasado 10:00 ng gabi (1300 GMT) at may lalim na 10 kilometro (6 miles), ayon sa Japan Meteorological Agency.
00
Ito ang apela kay Pangulong Aquino ng pamilya ng ilan sa 44 tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), na napatay sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao, matapos na madiskubre na hindi sila mabibiyayaan ng death benefits dahil wala pang asawa ang kanilang napaslang na mahal sa buhay.
00
Nguni't ang mga nakahihindik na kalamidad na ito, at ang pinsalang idinudulot - libo-libong buhay ang nakikitil, maraming pamilyang nawawalan ng tahanan at kabuhayang naglalaho - ay bahagi na ng normal na pamumuhay sa Pilipinas, isang bansang kabilang sa tinatawag na Pacific Ring of Fire at sa likas na landas ng mga unos. Ang kalagayan ng bansa ay lalo pang pinasama ng climate change o pagbabago ng klima sa daigdig, kaya inaasahang magiging pangkaraniwan na ang matitinding mga bagyo na darating sa atin. Noon lamang nakaraang Sabado ay sumalubong kay Pope Francis ang malakas na hangin at ulan dahil sa bagyong Amang sa kanyang pagdalaw sa Leyte. Nakatakda sanang manatili ang pinuno ng simbahang Katoliko ng halos kahalating araw upang magmisa at makapaniig ang mga biktima ng bagyong Yolanda, nguni't napilitang bumalik sa Maynila ng mas maaga upang maiwasan ang lalo pang malakas na hangin. Sinabi ng papa na alam niya ang nangyari sa Leyte noong Nobyembre 2013 kahit nasa Roma siya, nguni't sa pagdalaw niya sa lalawigan, masasabing personal niyang naranasan ang dinaranas ng maraming Pilipino sa kanilang buhay. Umaabot sa 18 hanggang 20 ang mga bagyong humahagupit sa bansa bawa't taon. Ang Pilipinas, Indonesia, Japan, New Zealand, United States, Canada, Chile, Mexico at Russia, mga bansang nasa Pacific Ring of Fire, ay siyang nakararanas ng mas maraming lindol na nangyayari sa daigdig. Sariwa pa sa alaala ng mga Hapones ang lindol noong 2011, na lumikha pa ng tsunami at naging dahilan ng nuclear meltdown at nag-iwan ng halos 16,000 patay. Mas mahina ang 7.2 magnitude na lindol na yumanig sa Bohol noong Oktubre 15, 2013 kaysa sa magnitude 9.0 na naminsala sa Japan, nguni't isa sa ito sa pinakamalakas na natala sa Pilipinas, at kumitil sa mahigit 200 mamamayan at sumira sa maraming makasaysayang simbahan. Bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire, ang Pilipinas ay may mahigit 30 bulkan, at mahigit sa 20 sa mga ito ang aktibo, kabilang ang Mayon at Taal na palagiang binabantayan. Ang Mount Pinatubo, na sa maraming siglo ay bahagi lamang ng kabundukan ng Zambales, ay pumutok noong 1991, at ang epekto nito ay naranasan sa buong daigdig. Dahil sa dami ng abo at kemikal na ibinuga ng Pinatubo, bumaba ang pandaigdig na temperature ng 0.5 degree Centigrade. Ang milyon-milyong toneladang umagos ay nagpabago sa daloy ng mga ilog sa Gitnang Luzon. May palagiang babala ang US Embassy sa Maynila para sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas upang manatiling nakahanda sa anumang kalamidad. Ang binigyang-diin ng nasabing babala ay preparasyon. Sa aking pananaw, ang matagumpay na preparasyon ay suportado ng sistemang may kalakip na tamang impormasyon gaya ng pagtaya sa panahon o weather forecast, na mangangailangan naman ng makabagong teknolohiya at kagamitam. May sapat tayong weather forecasters, volcanologists at iba pang siyentista (kaya nga pinipirata ng ibang bansa), nguni't kailangan nila ang pinakamabagong teknolohiya at kagamitan upang magawang mabuti ang kanilang trabaho. Bilang isang bansang lantad sa mga kalamidad, ang Pilipinas ang dapat nangunguna sa weather forecasting. Napakalaki ng kabayaran para sa isang bansang hindi preparado sa kalamidad: libo-libong nasasawi, mga pamilyang nawawalan ng tirahan, mga pasilidad na napipinsala at kabuhayang nauuntol. Nakita at naranasan natin ang lupit ng bagyong Yolanda noong 2013, Noong 2014, sinasabing tama ang ginawang preparasyon kaya hindi gaanong nakapaminsala ang bagyong Ruby, na unang kinatakutan na maging super typhoon. Sa kabila nito, nag-iwan pa rin ng mahigit limang bilyong pisong pinsala at 18 bangkay ang nasabing bagyo. Ang huling bagyong tumama sa Pilipinas, ang bagyong Ruby, ay mahina lamang nguni't nagdala ng maraming ulan at lumikha ng malawak na pagbaha, kay umabot sa 66 ang nasawi at mahigit 100,000 pamilya ang nawalan ng tahanan. Ang pinakahuling mga unos na ito ay nagsisilbing panggising at paalala sa pamahalaan na gawing makabago ang ating teknolohiya at kagamitan sa weather at disaster forecasting. Dahil sa ating sitwasyon, dapat maging palagiang layunin natin na gawing pangunahin ang Pilipinas sa larangang ito. Sa panghuli, nakikigalak ako sa aking mga kababayan at nagpapasalamat sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas.
00
Tampok sa documentary ang mga haligi sa industriya na sina ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio, Cinema One Channel Head Ronald Arguelles, batikang actor na si Joel Torre, at award-winning directors na sina Brillante Mendoza, Erik Matti, Wenn Deramas, at Chris Martinez. Idedetalye nila ang mayamang kasaysayan ng Philippine films at ang kahalagahan nito sa bagong henerasyon.
00
"As amended by the Senate Committee on Finance, it will cover 100 percent of the 'severely wasted' and 100 percent of partially wasted. Pati pondo kasi para sa pagkain ng mga bata sa paaralan ay kulang din. There is also such a thing as budget malnutrition. So dinagdagan namin ng pondo," ayon kay Escudero. Aniya, prayoridad kasi ng gobyerno ang pagkain kumpara sa kakulangan ng mga silid-aralan, guro at kagamitang pang-eskuwela. Ang naturang halaga ay dagdag na rin sa P3.36 bilyon na ibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa DepEd kaya aabot na ito sa kabuuang P7.3 bilyon. Balak ng DSWD na mabigyan ng isang pagkain sa loob ng apat na buwan ang may 205 milyong estudyante na hanggang limang taong gulang na nag-aaral sa mga day care center. Suportado naman ni Senator Grace Poe ang paglalaan ng karagdagang budget upang matiyak ang kalusugan ng kabataan sa bansa.
00
Gabi-gabi ay gising na gising tuloy ang viewers dahil sa mapangahas at mabilis na daloy ng kuwento nito na tungkol sa buhay ng magkapatid na sina Gael (Jericho) at Carlos (Paulo), na nagkalayo dahil sa malagim na trahedya at muling pinag-ugnay ngayon ng pagkabighani nila sa kaakit-akit na club dancer na si Mia (Maja). Pero hindi lang ang magkapatid ang nabighani sa alindog ni Mia kundi maging ang televiewers. Katunayan ng pagkahumaling ng mga manonood sa Bridges of Love ang resulta ng viewership survey ng Kantar Media na humataw ito sa national TV ratings mula nang mag-pilot noong nakaraang Lunes. Tinalo ng serye nina Jericho, Paulo, at Maja sa national TV ratings na 21.9%, 24.4%, 24.4%, at 24.1% (mula Lunes hanggang Huwebes) ang Second Chances na katapat nito sa na nakakuha lang ng 13.6%, 12.3%, 14.1% at 14.8%, ayon sa pagkakasunod. Tiniyak ng kakilala naming sa Star Creatives production unit na lalong tututok ang viewers sa love triangle sa Bridges of Love dahil lalong titindi ang pagtingin nina Gael at Carlos kay Mia. Susubukin daw ng pagmamahal ang minsan nang nasirang relasyon ng magkapatid.
00
Inabangan ng televiewers ang Oh My G dahil hindi lamang sa ratings ito nanguna kundi pati na sa social networking sites tulad ng Twitter na naging nationwide trending topic ang #OhMyGTheBeginning. Lalo pang napatutok at nahu-hook ang mga manunuod dahil sa mabilis na takbo ng kuwento ng Oh My G na ngayong episode week ay mas napalapit si Sophie (Janella) sa kanyang Daddy Paul (Eric Quizon), pero nagtapos ang linggo na mawawala rin pala ito sa kanya. Ang mapapanood sa mga susunod na kabanata at kung ano ang magiging epekto nito sa buhay ni Sophie. Ang Oh My G ay tungkol sa teenager na si Sophie na biglang guguho ang halos perpektong buhay dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, mula sa direksyon nina Roni Velasco at Paco Sta. Maria.
00
SAYANG at hindi namin nakausap si Piolo Pascual sa ginanap na ASAP 20 presscon para naklaro sana ang tsikang hindi niya natapos ang triathlon competition sa Melbourne, Australia noong Pebrero 1. Kuwento sa amin ng isa sa mga sumali sa nasabing competition, "Hindi natapos ni Piolo kasi nagkaroon ng bike crash."
00
MALA-STAR CINEMA ang presscon sa Dolphy Theater kahapon ng seryeng Bridges of Love sa garbo at laki. Sa March 16 na ang pilot ng soap na may tatlong director. Bukod kina Dado Lumibao at Richard Somes, kasama na rin nila si Will Fredo.
00
Ikatlong sunod na panalo ng Filipino-American na si Viloria ang pagwawagi kay Vasquez matapos unang dispatsahin sina Puerto Rican Juan Herrera (UD 10) at Mexican Jose Alfred Zuniga (KO 5) kaya umaasa siyang haharapin ni Estrada sa isang rematch. "Former two-division world champion, Brian Viloria (35-4-0-2, 20KO) just hours ago got to show the boxing world that he is well on his way back to regain the belts he lost to Juan Francisco Estrada of Mexico at the Cotai Arena in Macau, China," ayon sa ulat ng Philboxing.com "Viloria with a one picture perfect left hook to the liver, dropped Armando Vasquez (20-14-2, 5KO) of Mexicali, Mexico. Vasquez tried in vain to get up on his feet while the referee counted and barely got up before the count reached 10. However, he was wobbly and definitely in pain as he sunk to the canvas again. With that, Referee Jack Reiss waved of the fight giving Viloria a TKO victory at 1:37 of round No. 4." Samantala, pinatunayan naman ni Alvarez na posible siyang maging kampeong pandaigdig nang makipagsabayan kay Estrada na nanalo lamang sa puntos sa tatlong hurado na pawang Mexican. "Estrada (31-2, 22 KO) won a unanimous decision in ten rounds over 25-year old Joebert Alvarez (14-1-1, 6 KO) of the Philippines, in a bout marred by accidental head clashes from start to finish that saw both men cut," ayon sa ulat ng BoxingScene.com. Straight lefts in the frame, struggling to time the moving southpaw. He found the range he wanted late, working Alvarez into the ropes with a flurry.Round nine started strong for Alvarez as he found contact with the pressuring Estrada. Alvarez continued to find the target in the late going."
00
Ito ay matapos na buuin at kilalanin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang bagong pederasyon na siyang mangangasiwa sa volleyball at tuluyang alisin ang dating pinag-aagawang asosasyon na Philippine Volleyball Federation (PVF).
00
Nakataya ang kanilang tsansa na maipagtanggol ang hawak na titulo, nagsanib-puwersa sina Jan Berlin Paglinawan, Season 75 MVP Peter Den Mar Torres at Reuben Inaudito upang makahirit ng do-or-die game. Kapwa nagtala ng tig-19 puntos sina Paglinawan at Torres habang nag-ambag naman ng 17 puntos si Inaudito para pamunuan ang nasabing panalo ng NU. Naging malaking rebelasyon naman at nakatulong sa nabanggit na panalo si Riben Baysac na nagposte ng kanyang personal best na 12 puntos ngayong season. Humakot din ng 18 hits si Paglinawan habang 14 naman kay Torres at 4 blocks samantalang may 2 aces si Inaudito, bukod pa sa 7 digs. Nakalamang pa sa hits ang Tigers, 62-59, sa pangunguna ni Mark Gil Alfafara na nagposte ng season high na 34 hits, bukod pa sa dalawang aces, na nakapaloob sa kanyang season high na 37 puntos. Gayunman, kinapos sa suporta si Alfafara na sinundan ni Arnold Bautista na mayroong 14 puntos habang nakapag-ambag lamang ng tig-8 puntos ang mga inaasahang sina Romnick Rico at Patrick Balse. Dahil dito, magtutuos ang dalawang koponan sa isang do-or-die match sa Sabado.
00
Ayon kay Roxas, nagsimulang makipag-ugnayan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Manila Police District (MPD) mula noong Disyembre para epektibong mamantine ang kapayaan at kaayusan sa taunang selebrasyon.
00
Inihayag ni DFA Spokesman Charles Jose na isang 56-anyos ang kabilang sa tatlong Pinay nurse na sinadyang hindi pinangalanan at nakadestino sa magkakaibang pagamutan sa nasabing bansa. Kasalukuyang inaasikaso at nasa isolation facility ang mga Pinay nurse ngunit hindi pa tiyak ang estado ng kondisyon ng kanilang kalusugan. Gayunman, sinabi ni Jose na maaaring maagapan ang lagay ng tatlo dahil maagang kinakitaan ang mga ito ng mga sintomas ng MERS-CoV. Muling nanawagan ang DFA sa mga Pinoy sa Middle East na boluntaryong magpasuri sa mga doktor bago umuwi ng Pilipinas upang magamot sakaling tinamaan ng naturang sakit. Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagpositibo sa MERS-CoV ang isang Pinay nurse mula sa Saudi Arabia matapos siyang umuwi ng Pilipinas, pero agad siyang gumaling at idineklara ng Department of Health (DoH) na MERS-CoV free.
00
"Actually, mag-iistart din ang boxing, chess at table tennis on the 9th of December pero wala pang nakatayang medal. Only the triathlon, na isasagawa ang kanilang National Finals in three days will have a medal at stake," sinabi ni Alano ukol sa torneo na para sa mga batang atleta na may edad 15 pababa. Maliban sa triathlon, apat na iba pang sports na hindi nagsagawa ng qualifying leg sa Mindanao, Visayas at Luzon ang hahataw din sa kanilang kampeonato na binubuo ng cycling (New Airport Access Road), pencak silat (Rizal Elementary School), wushu (Trinity Christian School) at ang isinamang fencing na gaganapin sa Manila. Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang sports na fencing sa torneo na matatandaan na nagsimula noong 1998 bilang Philippine National Youth Games sa pangunguna noon ni Bacolod City Congressman at ngayon ay Mayor na si Monico Puentebella. Magsasama naman ang mahigit na 3,000 kabataang atleta na nakuwalipika matapos magsipagwagi ng ginto at pilak sa ginanap na tatlong leg. Maaari ring lumahok ang mga nagsipagwagi ng tansong medalya subalit sagot nila ang kanilang pagsabak sa torneo.
00
Nakatakip ang mukha ng mga tipster, na itinago sa mga alyas na "Omar", "Reggie", "Machete", "Kulot" at "Coleen Sarmiento", nang dumalo sa seremonya. Pinakamalaki ang tinanggap ni "Coleen Sarmiento" na P1.5 milyon bunsod ng pagkakabuwag ng malaking laboratoryo ng droga sa Camiling, Tarlac na naging dahilan din sa pagkakakumpiska ng 16.51 kilo ng shabu at pagkakaaresto ng anim na dayuhan na pinaghihinalaang miyembro ng international drug syndicate. Si "Reggie" ay tumanggap ng P732,414.84 pabuya matapos magbigay ng impormasyon sa PDEA sa isang laboratoryo sa Binondo, Maynila, na nadiskubre ang 10,831.30 gramo ng shabu at naaresto ang dalawang katao na umano'y nagmamantine ng pasilidad.
00
Isa sanang maagang pamasko sa aktor-pulitiko ang naunang desisyon ng korte na siya'y makalabas nitong nakaraang linggo, pero dalawang araw bago siya palayain ay may nakialam at nabago ang lahat.
00
Siyempre, ang isa sa mga naging pasimuno sa pag-iimbita ng showbiz friends ni Atty. Toto ay ang showbiz people na board members ng ahensiya at isa na rito si Gladys Reyes.
00
Sinabi ni Jerome Valentos, ng PDEA, na tinutugaygayan nila si Malala sa nakalipas na mga buwan dahil sa pagkakasangkot nito sa bentahan ng ilegal na droga.
00
Base sa datos mula kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., mula sa kabuuang 2,785 preso, 1,715 sa mga ito ay senior citizen, 489 ay may kapansanan, 575 ang naka-confine sa NBP Hospital at anim na iba pa ang naka-confine sa mga ospital sa labas ng pasilidad. Hindi rin mabatid ng NBP kung ilan sa 2,785 ang kuwalipikado para sa executive clemency. Sa pagdinig sa NBP ng House Committee on Justice noong Oktubre, sinabi ni Public Attorney's Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta, na madalang ang pagbibigay ng executive clemency sa mga sakitin at matandang preso. Ang bagong batas sa Good Conduct Time Allowance, na may layuning mabawasan ang sentensiya ng mga preso na nagpamalas ng magandang asal upang mabawasan ang mga bilanggo, ay kinuwestiyon din ng ilang sektor sa Korte Suprema. Pinagtatalunan ng iba't ibang sektor kung ang RA 10592 (GCTA) ay matuturing na "prospective," na sumasaklaw lamang sa ilang preso na pumasa, o "retroactive" na saklaw lahat ng bilanggo.
00
Isang petisyon laban sa taas-pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ang ihahain sa Korte Suprema sa Lunes, isang araw makaraang simulan ng gobyerno ang bagong pasahe na P11 sa parehong mass transport na may karagdagang P1 singil sa kada kilometro ng biyahe.
00
Agad namang nakatakas si Elarde Calogmaton, nasa hustong gulang, security guard, ng Bgy. San Francisco, Gen. Trias. Sa imbestigasyon ni PO2 Allan John Edoria, dakong 12:30 ng umaga at natutulog si Obordo sa kanilang barracks kasama ang nobya nitong si Liezel Punzalan nang kumatok ang suspek at nang pagbuksan ay agad itong kinumpronta ng suspek at hinahanap sa biktima ang pritong bangus.
00
Sinabi ni Valmoria na nagbukas ang PNP ng account sa lahat ng cash donation para sa ayuda sa mga nasugatan at naulilang pamilya ng SAF 44. Ang mga nagnanais na magkaloob ng kanilang tulong pinansiyal ay sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines sa PNP Special Assistance Fund Account 1862-1027-77 at maaaring tawagan ang awtorisadong kinatawan ng PNP na si Chief Insp. Renante F. Pinuela ng PNP Directorate for Comptrollership sa 0917-270-5533 at 0917-857-6026. Nilinaw pa ni Valmoria ang NCRPO ay hindi nagso-solicit ng suportang pinansiyal para sa pamilya ng SAF 44 gayunman ay nagpaabot ang opisyal ng kanyang pasasalamat sa lahat ng donor na nagkaloob ng tulong. Hinikayat ng NCRPO chief ang publiko na agad i-report sa anumang himpilan ng pulisya o magsumbong sa NCRPO hotline number 838-3203, 0915-888-8181 at 0999-901-8181; i-Tweet sa @NCRPOReact o sa facebook account na NCRPOReact kung may indibidwal o grupo na gumagamit o nagbibigay ng hindi awtorisadong account o numero para sa SAF 44 donations. Mahigpit na binalaan ni Valmoria ang mga indibidwal na magsasamantala sa nasabing sitwasyon. Samantala, pinayuhan kahapon ng NCRPO director ang mga bagong nagtapos na pulis ng Police First Responders Course, Civil Disturbance Management Training at Explosive Ordinance Reconnaissance Agent Course na gawing mabuti ang kanilang tungkulin at gamitin ang lahat ng estratehiya at teknikal na operasyon na kanilang napag-aralan mula sa training courses.
00
Ayon sa mga eksperto, hindi ang pagdami ng salapi kundi pagbalik ng tiwala ng mga investors upang ibuhos ang ipapasok na negosyo ang ibinunga ng Papal visit.
00
Saklaw ng P900-milyon pondo ang hindi nabayarang pensiyon ng mga retiradong tauhan ng INP mula 1991 hanggang 2006. Naantala ng halos 15 taon ang pamamahagi ng pensiyon para sa mga retiradong pulis dahil sa kalituhang idinulot ng pagtatatag ng PNP matapos mabura sa listahan ng legible pensioners ang ilang benepisyaryo.
00
Inaasahang mapupuno hanggang sa atip ng arena ang daragsang manonood para masaksihan ang duwelo na tunay na nagpapataas ng dugo sa bawat isa. "Alam naman nating itong finals againts Ateneo ang inaabangan. Sa parte naming, naghahanda kami para naman hindi kami maging kahiya-hiya,"sambit ni La sale coach Ramil de Jesus. "Medyo lamang sila sa pahinga dahil nakaabante sila sa finals ng maaga," aniya. Taliwas sa Blue Eagles na agad na nasibak ang University of the Philippines sa kanilang Fibnal Four showdown, dumaan sa matandang kawikaan na "butas ng karayom" ang Lady Spikers matapos maipuwersa ng Far Eastern U Lady Tamaraws ang kanilang serye sa 'do-or-die'. Kahit, nagwagi ang La Salle sa straight set sa "sudden death", lumaban ng todo ang FEU. Iginiit naman ni Ateneo Thai coach Tai Bundit na walang nakalalamang sa serye. "Ateneo is better, La Salle is also better.," pahayag ni Bundit. "We are alike in training and in tactics so the players who will play better during the game will win," aniya. Target naman ng Ateneo na makumpleto ang "twin victory" sa pagabak ng Blue Eagles kontra National U Bulldogs sa best-of-three series sa men's division.
00
Orihinal na itinakda ang eleksiyon noong Disyembre 2014 subalit inilipat na lamang sa ikalawang linggo ng Enero 2015 dahil sa kinailangang asikasuhin ng itinalagang opisyales sa interim board ang mga dokumentong hinihingi ng POC para makamit ang permiso sa pagsasagawa ng eleksiyon. Gayunman, nauna nang nagpasabi ang POC, partikular si Vice-president at Membership Committee chairman Jose Romasanta na hindi nito kikilalanin ang eleksiyong isasagawa ng PVF dahil sa kasalukuyang pag-aagawan sa liderato at pagkakaroon ng dalawang rehistrasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ito ay matapos na lumutang ang dating mga opisyal ng asosasyon na sina Gerardo "Boy" Cantada, kasama ang nasa indefinite leave na dating pangulo na si Gener Dungo, upang kunin ang pamamahala sa unti-unti nang bumabangon na asosasyon. Ipinaliwanag ng itinalagang PVF secretary general na si Dr. Rustico "Otie" Camangian na kanilang napag-alaman, matapos ang naganap na pagbibitiw ni Dungo sa puwesto, na "revoked" na ang rehistrasyon ng grupo noong 2005 kung kaya inasikaso nila na makakuha ng bagong rehistrasyon noong 2013. "We presented everything sa SEC including the decision of the PVF creating an interim board. Puwede naman nila itanong sa SEC kung kinukuwestiyon nila ang current registration ng asosasyon," pahayag ni Camangian. Dagdag na kontrobersiya pa sa asosasyon ang biglaang pagbuo ng POC ng 5-man committee na hahawak sa lahat ng aktibidad ng asosasyon habang hindi naisasakatuparan ang isang lehitimong eleksiyon na may basbas din ng pribadong organisasyon. Binubuo naman ni Romasanta ang 5-man committee bilang chairman kasama ang dating volleyball player na si Mozzy Ravena, ang POC legal counsel na si Atty. Ramon Malinao, Ateneo board representative at V-League organizer Ricky Palou at si Chippy Espiritu na kasama sa working group sa Singapore SEA Games Task Force. Una nang nagbitiw si Ramon "Tats" Suzara, na opisyal ng FIVB at AVC, bilang miyembro ng 5-man board. Ipinag-utos din ni Romasanta ang agad na pagbuo ng pinakamalakas na koponan sa Women's Under 23 national team na gagabayan nina Roger Gorayeb at Sammy Acaylar habang isinasantabi muna ng komite ang pagresolba sa liderato ng PVF.
00
"ACHTUNG! voter registration and validation sa NCR, TULOY! Jan 15, 16, 18, and 19. Pls RT. #VoterReg2015," tweet pa ni Jimenez. "REMINDER: Meron pong voter registration and validation sa NCR, sa Jan 15, 16, 18, and 19. Please be advised, RT and share. #VoterReg2015," tweet naman ng Comelec, gamit ang official Twitter account nito na @COMELEC.
00
Iprinoklama ang Mandaluyong bilang highly urbanized city ng Metro Manila noong Pebrero 9, 1994, bilang pagtalima sa Republic Act 7675. Sa naunang 45 taon, nakamit nito ang kalayaan mula sa Japanese Imperial Army noong Pebrero 9, 1945. Ito ay isang special non-working holiday sa naturang lungsod. Si City Mayor Benjamin C. Abalos Jr. ay inaasahang magtatalumpati sa kanyang taunang State of the City Address. Ang mga residente ng lungsod, mga kawani, mag-aaral, mga manggagawa na nakabase sa Mandaluyong, at mga negosyante ay makikilahok sa iba't ibang aktibidad na kinabibilangan ng beauty pageant, job fair, medical mission, paggawad ng parangal sa mga natatanging mamamayan at mga top taxpayer, isang magarbong parada ng sibiko at militar, pagtatanghal ng banda, dancesports competition, fun run, inter-highschool quiz bee, oratorical at declamation contests, at isang fluvial parade. Kilala bilang "Tiger City" dahil sa kahanga-hanga nitong progreso sa larangan ng negosyo at ekonomiya, ang Mandaluyong ay tahanan ng isang central business district, malalaking shopping mall, entertainment centers, commercial at industrial areas, mga paaralan, call centers, matatayog na gusali, mayayamang village, condominium at mga hotel. Ito ay may 27 barangay, kabilang ang mataong Addition Hills, Barangka Drive, Wack-Wack Greenhills, Hulo, Plainview, at Pleasant Hills. Ang San Felipe Neri Church na nasa Boni Avenue ay isa sa pinakamatatandang simbahan sa metropolis. Tumanggap ang Mandaluyong City ng Presidential Award for Most Child-Friendly City sa kategorya ng Highly Urbanized City, ang Kabalikat Award para sa Local Government Unit sa National Capital Region sa larangan ng manpower program, ang Green Banner Award para sa Nutrition Program nito, at ang Galing Pook Award para sa pinakamaiinam na pamamaraan sa lokal na pamamahala. Ang kasaysayan ng Mandaluyong ay nagsimula sa Majapahit Empire noong 1300. Ito ay isa sa mga baryo ng Sta. Ana de Sapa, na inihiwalay noong 1841 at pinangalanang San Felipe Neri. Pinag-isa ito sa munisipalidad ng San Juan del Monte noong panahon ng Amerikano at naging sentro ng lokal na pamamahala noong 1904. Muling pinangalanan ang San Felipe Neri bilang Mandaluyong noong Marso 27, 1907.
00
"I feel really blessed to sign a contract, three years pa as a Kapamilya and I'll still be doing the same shows that I am doing now and we have a new reality show that we are starting and we are gearing up for the 10th year of PBB. We are opening it up this June," update ng ultimate multi-media star sa kanyang fans. Hindi lang hosting ang sakop ng kanyang trabaho sa bagong kontrata, ita-try din niyang magdrama sa teleserye. "I think I'm going to be doing, finally after a long time, a teleserye. Parang first time ko 'ata in 8-9 years. 'Yung una kong soap talaga was with Dreamscape, Crazy For You pa. Una ko sa ABS-CBN kasi nag-concentrate ako sa mga reality shows kaya 'yun magkakaroon kami ng pitching so hopefully mag-materialize lahat pero excited kami sa pelikula na ginagawa namin ni Coco (Martin)." Magampanang lahat ito ni Toni kahit matataon sa pagpapakasal nila ni Direk Paul Soriano dahil binusisi niya ang kontrata para walang maging conflict sa kanyang career at personal na buhay.
00
Hinikayat ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang lahat ng Catholic school na magkaroon ng retraining at re-tooling sa mga guro at kawani na posibleng mawalan ng trabaho kapag tuluyang ipinatupad ang K to 12 program sa sektor ng edukasyon. Naniniwala si Villegas na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga gurong mawawalan ng trabaho na makapagpaturo sa high school. "Charity is a law for Catholic schools that takes precedence over all human law, for its origin is the very reason that our Catholic schools exist--the Lord Jesus. Turning away many of the faithful co-workers we have had who have been loyal to our schools and to the local Church for all these years is a most unwelcome prospect," ani Villegas. "We strongly exhort our school administrators to provide opportunities for the re-tooling and re-training of our instructors and professors in tertiary education to be able to handle subjects in the academic track of senior high school. Our Catholic school teachers and instructors should not be left to their own devices," aniya pa.
00
Sa kanyang pahayag matapos sunugin nang buhay si Maaz al-Kassasbeh, nanawagan ang Cairo-based authority para sa "killing, crucifixion and chopping of the limbs of Islamic State terrorists".
00
Ang nanalo bilang Best Actor in a Leading Role ay si Pierre Png (para sa kanyang pagganap sa Zero Calling ng MediaCorp Pte Ltd/Channel 5) ng Singapore. Nominado rin si Pierre sa The Journey: A Voyage ng MediaCorp Pte Ltd/Channel 8. Siya lang ang nag-iisang aktor na tumanggap ng dalawang nominasyon sa ATA2014. Nominado naman si Dennis sa role niya bilang Eric del Mundo sa My Husband's Lover ng GMA Network, ang nagpanalo sa kanya sa 5th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (Enpress, Inc.) nitong nakaraang Marso bilang Outstanding Performance by an Actor in a Drama Program. Second nomination na ito ng aktor ng Hiram Na Alaala sa ATA. In 2007, nakakuha rin siya ng nominasyon sa APT-produced Unico Hijo sa 12th Asian TV Awards. Hindi na rin nasayang ang pagpunta ng bida sa "Ulam" episode ng Shake, Rattle & Roll XV ng Regal Entertainment dahil sa ipinagkaloob sa kanyang certificate citing him as highly commended. Hindi rin naman umaasang maiuuwi ni Dennis ang tropeo.
00
Nakita ng mga diver at ng isang unmanned underwater vehicle noong Miyerkules ang buntot ng Flight 8501 na bumulusok sa Java Sea sakay ang 162 katao noong Disyembre 28, 2014. Ito ay isang mahalagang tuklas dahil ang mga black box -- na makatutulong sa pagtukoy sa sanhi ng crash -- ay matatagpuan sa bahaging ito ng eroplano.
00
Sa Ganap na alas-6:00 ng umaga paglalabanan ang unang nakatayang gintong medalya sa women's10,000m run bago sundan ng men's shot put sa ganap na alas-8:00 kung saan ay tatangkain ng 2016 Rio Olympics hopeful at Fil-Heritage na si Caleb Stuart na maitala ang panibagong Philippine record. Kasabay nito, lalarga naman ang women's high jump kung saan ay hangad ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) na makadiskubre ng bagong talent, bukod pa sa hahataw ang espesyal na kategorya na master's high jump na para sa mga dating miyembro ng pambansang koponan. Sinabi ni PATAFA Secretary General Renato Unso na nagsidatingan na rin ang mga lalahok na atleta na mula sa nagkumpirmang 12 bansa o kabuuang 1,500 lokal at mahigit sa 150 foreign tracksters para sa apat na araw na torneo. Sa pangkalahatan, kabuuang 73 gintong medalya ang paglalabanan habang may anim na espesyal na awards din ang nakataya sa torneo. Nakasalalay din sa torneo ang tsansa ng mga nagsipagwagi ng medalya sa nakaraang 27th Myanmar SEA Games upang mapasama sa pambansang delegasyon na sasabak sa 28th Singapore SEAG. Matatandaan na nagwagi ng ginto sina Edgardo Alejan Jr., Archand Bagsit, Isidro del Prado Jr. at Julius Felicisimo Nierra Jr sa men's 4 x 400m relay, Jesson Ramil Cid sa men's decathlon, Christopher Ulboc Jr. sa men's 3000m steeplechase, Eric Shauwn Cray sa men's 400m hurdles, Bagsit sa 400m run at Henry Dagmil sa men's long jump. Nagwagi rin ng pilak sina Mervin Guarte sa men's 800m, Narcisa Atienza sa women's heptathlon, Arniel Ferrera sa men's hammer throw at Alejan sa men's 800m habang tanso naman kina Jessica Barnard sa women's 3,000m steeple chase, Eric Panique sa men's marathon at Riezel Buenaventura sa women's pole vault. Isasagawa ang opening ceremony sa ganap na ala-1:00 ng hapon bago sundan muli ng aksiyon sa alas-2:00 ng hapon. Optimistiko naman ang PATAFA na maihahalintulad ang edisyon ng torneo sa prestihiyosong Olympics. "There will be giant screens, just like in every staging of the Olympics na sa bawat isasagawang events at takbo ng mga atleta and every results will be posted digitally right after the performances of the athletes," sinabi ni Edward Kho, media and marketing chief ng PATAFA. "Inuumpisahan kasi namin na ma-professionalize ang staging ng lahat ng event ng PATAFA not just for us, but for the athletes para masanay na sila sakaling sumali sila sa malalaking events sa kind and quality ng environment like sa SEAG, Asian Games at sa Olympics," giit pa ni Kho. "Maiiwasan din ang dayaan at talagang makikita natin ang data sa mga results. Saka madali na rin maresolbahan iyong mga photo finish dahil sa cameras sa finish line," paliwanag pa ni Kho. Nakataya rin ang anim na espesyal na karangalan sa apat na araw na torneo na inaasahang dadaluhan ng 150 internasyonal at Class A na mula sa 12 bansa. Ang espesyal na award ay Most Valuable Player, Most number of gold won, fastest men at women, Man of Steel, Iron Maiden at Powerhouse Team. Sasabak din sa aksiyon ang mga atleta sa China, Chinese Taipei, South Korea, Hong Kong, Brunei, Thailand, Malaysia, Vietnam, Singapore, Indonesia at Myanmar.
00
Sina Josephine at Tim Desmond, mataas na opisyal ng isang marine theme park dito, ay itinampok sa "Above & Beyond,'' isang special multimedia series of stories na kumikiala sa mga karaniwang tao na nakagawa ng hindi pangkaraniwang bagay sa Asia.
00
"Saan ba nagmula 'yun?" bungad ni Tito Alfie sa amin. "Wala naman kaming alam d'yan. Baka may offer na hindi ko alam. Wala naman sinasabi sa akin si Malou (Santos)." Sabi namin kay Tito Alfie, kung walang offer, bakit may nasabi si Juday na okay sa kanya ang muli nilang pagsasama ni Claudine? "Aba, malay ko, basta ako walang alam," mabilis na sagot ng manager ng aktres. Hindi lang din naman si Tito Alfie ang nagtataka kundi maging ang mga taga-Star Cinema, dahil sa pagkakaalam nila ay wala silang offer kay Claudine. Hanggang sa may nagsabi sa amin na sa Viva Films pala may offer sina Judy Ann at Claudine. Natawa kami sa reaksiyon ni Tito Alfie, "Kung sa Viva, Sharon (Cuneta), Juday at Sarah (Geronimo), Magkakapatid. 'Di ako papayag kasama si Claudine." At kung sa Star Cinema, "Juday-Coco (Martin), puwede."
00
"Nakita at naranasan natin ang unang bugso ng mga turista noong Disyembre 26 na nagdulot ng matinding trapiko sa loob at labas ng siyudad. Maging ang ating opisyal at pulisya ay nabigla sa dami ng turista, puno ang maliliit na hotel, transient houses at ang iba ay sa parke na nagpalipas ng gabi, bago pa ang Pasko," kuwento ni De Leon.
00
"Leading man na leading man ang dating mo sa pelikula," wika ni Mario kay JM. Istorya ng two heartbroken characters ang That Thing Called Tadhana na sa tunay na buhay ay naranasan ni JM, dahilan upang mapabayaan niya noon ang kanyang umaabanteng acting career. Salamat at naka-recover na ang aktor at babawi daw siya sa taong ito. May payo si JM sa mga kapwa niya kabataan kapag nakaranas ng kasawian sa pagibig. "Burahin mo ang lahat ng memories at magsimula kang gumawa ng panibago," sabi niya. Unang ipinalabas ang That Thing Called Tadhana for a limited screening bilang kalahok ng Cinema One Originals Film Festival last November. Muli itong itatanghal sa February 4 sa select mainstream theaters kaya wala nang dahilan para palagpasin ang bagong obra ni Direk Jadaone na pinuri ng mga kritiko.
00
Iniimbestigahan ngayon ang mag-amang sina SPO1 Rolando Doroja at PO2 Percival Doroja, kapwa nakatalaga sa Station 1 ng Manila Police District (MPD) at residente ng 1708 Velasquez St., Tondo, Manila. Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente 1:15 ng madaling araw sa 1691 Velasquez St. corner Baltazar St. sa Tondo.
00
MATAPOS masangkot sa Sony hacking scandal at naging usap-usapan sa Golden Globes, ngayon naman ay tinubuan ng bulutong si Angelina Jolie. Dahil dito, napilitang ang aktres na kanselahin ang kanyang pagdalo sa pelikulang Unbroken. "I just wanted to be clear and honest about why I will be missing the Unbroken events in the next few days, which is I found out last night I have chickenpox," pahayag ni Angelina, 39, sa YouTube video ng Universal Pictures. "So, I will be home, itching and missing everyone and I can't believe it because this film means so much to me. I just can't believe it. But such is life, there it is and send everyone my love and hope everything goes well."
00
Sa kabila ng mga akusasyon ng katiwalian, namamayagpag pa rin si Vice President Jejomar C. Binay bilang frontrunner sa mga presidentiable sa 2016 election, ayon sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
00
Hindi pa nakikilala ang nasabing volunteer. Iniulat ng DZRH News na nadaganan ang biktima ng loudspeaker scaffolding na tinangay ng malakas na hangin na dulot ng 'Amang'.
00
Sinabi ng ahensya na napansin nila ang naging epekto ng cocolisap noong nakalipas na buwan. Sinabi ng mga magniniyog sa lugar na bukod sa lumiliit ang kanilang ani, hindi na rin masyadong lumalaki ang bunga ng niyog dahil sa peste. Tiniyak ng PCA na mino-monitor nila ang mga lugar sa lalawigan sa posible pang tamaan cocolisap.
00
Nakatsikahan kasi namin ang taga-ABS-CBN, "Babalik si Roxanne, may bagay na role sa kanya sa (bagong serye), look test muna siya." Nabanggit namin na kaya umalis ng ABS-CBN noon ang aktres ay dahil naging pasaway at hindi na nabigyan ng projects hanggang sa lumipat ng GMA na wala ring nangyari sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa nabalitaang nag-asawa na at nagkaanak, pero gusto pa rin daw magbalik-showbiz kaya pinabalik ng ABS-CBN. E, parang anim na buwan na ang nakararaan simula nang malaman namin ito, pero nakailang palit na ng bagong serye, wala pa rin si Roxanne.
00
MEMPHIS, Tenn. (AP)- Isinalansan ni Marc Gasol ang unang 7 puntos sa ikalawang overtime, habang nagposte si Zach Randolph ng 27 puntos at 17 rebounds upang dispatsahin ng Memphis Grizzlies ang Phoenix Suns, 122-110, kahapon. Tumapos si Gasol na may 12 puntos upang tulungan ang Memphis na tapyasin ang two-game losing streak. Nag-ambag si Mike Conley ng 25 puntos at 8 assists habang nagtala si Courtney Lee ng 18 puntos.
00
LABIS-LABIS din ang pasasalamat ni Inigo Pascual sa magagandang projects na ibinibigay ng ABS-CBN sa kanya. Wala pa ngang isang taon siyang nananatili sa Pilipinas, nakailang big projects na siya at heto, may soap drama na rin siya, ang And I Love You So.
00
Sinabi ni Woods na ang injury na pumuwersa sa kanya na umatras mula sa event sa Torrey Pines noong nakaraang linggo ay walang kaugnayan sa back surgery niya sa nagdaang spring. Ayon sa kanya, siya ay araw-araw na sumasailalim sa physical therapy at "feeling better." Plano niyang mag-ensayo sa darating na linggo sa kanyang home course sa South Florida at masusing pag-aaralan ang laro. "I am committed to getting back to the pinnacle of my game," aniya. "I'd like to play the Honda Classic - it's a tournament in my hometown and it's important to me - but I won't be there unless my game is tournament-ready. That's not fair to anyone. I do, however, expect to be back playing again very soon." Nagtamo ang dating World No. 1 ng iba't ibang injury sa mga nagdaang taon, sa leeg, tuhod, Achilles' tendon, siko, at likod. Noong nakaraang Huwebes, umatras si Woods sa first round ng Farmers Insurance Open dahil sa pananakit ng kanyang lower back. Ito ang ikatlo niyang withdrawal sa kanyang huling walong PGA stars, at ikasiyam sa kanyang career. Mula nang mahirang na PGA Tour Player of the Year noong 2013, nakapagtala lamang si Woods ng isang top 25 sa siyam na pag-uumpisa sa pagsadsad ng kanyang world ranking mula sa No. 1 sa kasalukuyan nitong posisyon na No. 62, ang kanyang pinakamababang ranking mula sa kanyang rookie year noong 1996. Noong Marso, sumailalim si Woods sa surgery upang maayos ang pinched nerve sa kanyang likod at nagbalik may tatlong buwan ang nakalipas, ngunit hindi ito naging masyadong matagumpay. Siya ay umatras mula sa WGC-Bridgestone Invitational dahil sa back spasms, muntik na hindi makaabot sa cut ng PGA Championship at nagpahinga ng sumunod na tatlong buwan upang sumailalim sa rehabilitasyon sa kanyang mga injury. Nang siya ay magbalik sa kumpetisyon noong Disyembre sa World Challenge, sinabi niya na ang kanyang likod "felt great," bagamat ang kanyang laro ay bumaba. Tumabla siya sa panghuling puwesto sa 18-man field. Sa kanyang unang start para sa 2015, ang Phoenix Open, nahirapan si Woods sa kanyang short game, ipinoste ang kanyang pinakapangit na iskor sa ikalawang round (82), hindi napasama sa cut (lampas ng 12 shots) at tumabla sa panghuling puwesto. Sinundan ito ng withdrawal mula sa event sa Torrey Pines noong isang linggo, kung saan walong beses na siyang nagwagi, kabilang ang kanyang huling major noong 2008 U.S. Open.
00
Kamakailan din nakipag-agapayan ang SP Philippines sa SM Prime Holdings Inc. para sa instalasyon ng solar panels sa SM City North EDSA. Makikipag-ugnayan din ang SP sa iba pang entity para sa proyekto sa layuning ipalaganap ito sa buong bansa. Napapanahon ang pagkilos na itong SP sapagkat naririto na ang summer at mas malamang na matindi pa ang sikat ng araw sa mga darating na araw. Mainam itong paghahanda para sa napipintong mga brownout tulad na inanunsiyo na ng mga kinauukulan. Ang solar energy ang pinakamainam na pagkukuhanan ng enerhiya sapagkat ito ay banayad sa kalikasan. Isa itong lunas sa problema ng climate change. Malinis na enerhiya mula sa sikat ng araw. Malinis din na hangarin.
00
"Wala pong katotohanan na binayaran ng gobyerno 'yung mga armas. Kusang loob naming isinauli ito sa gobyerno," sinabi ni Iqbal. "Hindi ko po maintindihan kung ano ba ang nasa isip ni Fr. Jun kaya niya nasabi ang mga bagay na ito," dagdag ni Iqbal.
00
Imbes na tradisyunal na pagpapalitan ng pagbati sa Pasko, pinangaralan ng papa ang Curia, ang central administration ng Holy See na namamahala 1.2-bilyong Simbahang Katoliko. Nilinaw niya na ang kanyang mga plano para sa radikal na reporma sa istruktura ng kapangyarihan ng simbahan ay dapat na samahan ng mas radikal na ispiritwal na reporma ng mga taong sangkot dito. Inisa-isa ang 15 "ailments of the Curia", hinimok ni Francis ang mga pari na nakaupo sa Sala Clementina na gamitin ang Pasko para magsisi at magbago at gawing mas malusog at mas banal na lugar ang simbahan sa 2015. Sinabi ng Vatican watchers na ngayon lamang sila nakarinig ng mabibigat na salita mula sa isang papa at ipinalagay na ipinabatid na kay Francis ang mga resulta sa lihim na imbestigasyon na iniutos ni Emeritus Pope Benedict XVI matapos ang pagpuslit ng mga papeles noong 2012. Inatasan ni Benedict ang tatlong pinagkakatiwalaang cardinal nito na mag-imbestiga sa back-stabbing culture ng Vatican upang matukoy kung ano ang nagtulak sa isang papal butler na nakawin ang mga incriminating documents at ilabas ito sa isang mamamahayag. Ang kanilang ulat ay ipinaalam lamang sa dalawang papa. Mabibigat ang mga salita ni Francis: Kung paano ang terrorismo ng tsismis "[can] kill the reputation of our colleagues and brothers in cold blood." Kung paanong ang mga clique o paggrupo-grupo "[can] enslave their members and become a cancer that threatens the harmony of the body" at kalaunan ay papatayin ito sa pamamagitan ng "friendly fire." Kung paano ang iba ay naghihirap sa "spiritual Alzheimer's," nakakalimutan kung ano ang nagtulak sa kanilang mag-pari sa simula. "The Curia is called on to always improve itself and grow in communion, holiness and knowledge to fulfill its mission," sabi ni Francis. "But even it, as any human body, can suffer from ailments, dysfunctions, illnesses." Si Francis, ang unang papa na Latin American at hindi nagtrabaho sa Italian-dominated Curia bago siya mahalal, ay hindi rin nagpatumpik-tumpik sa pagreklamo sa mga tsismisan, careerism at bureaucratic power intrigues na nakaaapekto sa Holy See. Nagpahaging din siya tungkol sa mga kasalanang ito sa kanyang 2013 Christmas address. "This is a speech without historic precedent," sabi ng church historian na si Alberto Melloni, contributor sa Italian daily na Corriere della Sera, sa isang panayam sa telepno. "If the pope uses this tone, it's because he knows it's necessary." Hindi natuwa ang mga cardinal. Iilan lamang ang ngumiti habang nagtatalumpati si Francis, at sa dulo ay napilitan lamang na pumapalakpak sa talumpati. Binati ni Francis ang bawat isa ngunit, matamlay ang Pasko sa silid. Sinimulan ni Francis ang kanyang listahan sa "ailment of feeling immortal, immune or even indispensable." At isa-isa: Ang pagiging magkakaribal at pagpapayabangan. Pagnanais na magkaroon ng mga bagay. Pagkakaroon ng "hardened heart." Panunuyo sa mga superior para sa personal na kapakinabangan. Pagkakaroon ng "funereal face" at pagiging "[too] rigid, tough and arrogant," lalo na sa mga nasa mababa.
00
Muling lalaban para sa kampeonato ang Cignal HD Spikers matapos takasan ang matinding Cavite Patriots Fourbees sa nakaririnding matira-matibay na limang sets, 3-2, sa iskor na 23-25, 25-18, 31-33, 25-16 at 15-6 sa men's division ng 2014 Philippine Super Liga Grand Prix presented by Asics sa Muntinlupa Sports Complex. Hinawi ng Cignal HD Spikers ang muling pakikipagharap nito sa 3-time champion na PLDT Telpad matapos lamang nitong umahon sa balag ng kabiguan at dumaan sa nakakaneribiyos na hamon ng Cavite Patriots na nagawa pang iposte ang 2-1 set na abante sa pagwawagi sa ikatlong set, 31-33.
00
Ang resignation ni Darren Wilson ay kaagad na nagkabisa, ayon kay Atty. Neil Bruntrager. Si Wilson ay nasa administrative leave simula ng pamamaril noong Agosto 9, na nagbunsod ng ilang araw na bayolenteng protesta.
00
In fairness, bangungot na matatawag ang naging buhay ni Aktres sa piling ng hiniwalayang asawa. Ilang taon silang nagsama, at bagamat hindi nagpabaya si Aktor sa obligasyon sa aktres at sa mga anak nila ay nalosyang naman si Girl dahil sa sobrang dinanas na konsumisyon sa asawa. Ngayon, single na at maganda na ulit ang aktres at nakabalik muli sa showbiz nang bongang bongga. Sey pa niya, ngayon ay nagagawa niya ang anumang gusto niya na noon ay ipinagkait daw sa kanya. Kamakailan ay may nakakakita na lumabas si Aktres ka-date ang mas nakabatang aktor. Sey ng drama aktres, "friendly date" lang naman daw 'yun at hindi raw naman niya kasalanan kung mas bata pa ang nagkagusto sa kanya. Kamuntik-muntikan nang magkaroon ng relasyon ang dalawa, pero may malalapit na tao sa aktres na nagpayo sa kanya na huwag patulan ang actor na hindi pa naman nahihiyang umamin na noon pa ay "crush" na siya. Ang haba ng hair ni Girl! Nagkasama sa isang serye ang dalawa at doon nagkalapit ang loob at kamuntik nang mabuo ang relasyon.
00
Ayon kay Catalbas, nadagdagan ng P8.78 milyon ang kinita ng Western Visayas sa turismo noong nakaraang taon. Nasa P78.94 bilyon lang ang kabuuang kinita ng rehiyon sa turismo makaraang makaakit ng 3.56 milyong turista. Sa anim na probinsiya, pinakamalaki ang kinita ng Aklan noong 2014 na nasa P43.78 bilyon. Ang malaking bahagi nito ay nagmula sa 1.6 milyong patuloy na tumatangkilik sa world-famous beach destination na Boracay Island sa Malay.
00
Kamakalawa na-rescue ng Russian authorities ang pitong indibidwal, kabilang ang isang Russian official, isang South Korean crew member, tatlong Pilipino at 3 Indonesian habang narekober naman ang isang bangkay ng South Korean.
00
Apatnapu't apat na tauhan ng Special Action Force pinaslang. OUTRAGE. Ang fallen men na ito ay napaslang habang tumutupad ng tungkulin. Para sa taong may pakiramdam, ito talaga ang panganib ng kanilang trabaho. Ang mga lalaking ito ay sumupang tuparin ang kanilang tungkulin at tanggapin ang mga mapanganib na misyon na maaari nilang ikamatay. Ngayon, patay na sila. May kilala tayong mga sundalo sa Armed Forces of the Philippines ang inilipad pauwi sa kanilang mga tahanan matapos mapaslang sa labanan sa pagtamo ng kapayapaan sa Mindanao. Sayang na mga buhay ngunit kailangang gawin iyon at ang mga bayaning ito ay pinili ang tungkuling ito. Gayundin ang kanilang mga pamilya. Dumalo si Pangulong Aquino sa inagurasyon ng isang planta ng Mitsubishi sa halip na abangan ang paglapag ng eroplano na naghatid sa Fallen 44. OUTRAGE. Kawalan ito ng pakiramdam base sa kulturang Pilipino. Sa pagkakataong ito, ang mga pader ng opensiba ay itinaas. Walang dahilan ang maaaring katanggap-tanggap. Para sa taong may pakiramdam, totoo ngang emosyonal ito. Kailangan nating maunawaan na ang Pangulo ay pinalaki sa Amerika kung saan at, mula sa pananaw ng isang Amerikano, hindi ito malaking isyu. Kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa ating pakiramdam. Si Philippine National Police Director General Alan Purisima ang umano'y namuno sa misyon ng Fallen 44. OUTRAGE. Isipin na lamang ang isang suspendidong opisyal ang namuno sa isang maselang misyon nang hindi alam ng PNP Officer-in-Charge. Ang suspendidong hepe, na malapit na alalay ng Pangulo, ay nasa naturang misyon sa loob ng maraming buwan. Ang magpalit ng kabayo sa gitna ng karera ay hindi talaga pinapayo. Ang pananatiling lihim nito sa ilang nakatataas ay madalas na kailangan para maiwasan ang pagtagas ng impormasyon. O marahil iginigiit na ng panahon. Hindi ito huwaran pati na ang kawalan ng protocol at hindi pagsunod sa chain of command. Ngunit madalas na nangyayari ito rito at sa ibang bansa. Sa mabigat na casualty ng 44 na may impormasyon na hiningi ang tulong at hindi ibinigay kahit mayroon naman ito. OUTRAGE. Mahinang koordinasyon at marahil hiwalay na kaharian at kanya-kanyang interes. Walang pagkakaisa sa diwa. Hindi tayo kasing galing ng mga Israeli at ng CIA sa ganitong uri ng trabaho. Ang pag-awit at pagsasayaw. Oo. Puwede tayong magpantasya palagi.
00
Ngunit sa pagkakataong ito ay isa lamang ang dapat magsaya sa panalo. Nagbalik si James sa Miami bilang kalaban. Umiskor si Wade ng 24 sa kanyang 31 puntos sa unang half, nagposte si Luol Deng ng 25 puntos kung saan ay nadepensahan nang husto si James sa kabuuan ng laro, at talunin ng Heat ang Cleveland Cavaliers, 101-91, sa kainitan ng Christmas matchup kahapon. ''We didn't have a bad breakup,'' pagmamalaki ni Wade. ''We played against each other for seven years, man. The weirdness just wasn't there. It wasn't like we played against each other our whole career and the breakup happened. We played against each other for seven years, then with each other for a period of time, then he went back to the same situation and I'm in the same place.'' At ito ang example kung gaano umusbong ang kanilang malapit na relasyon: Nang si James ay magbalik sa Cleveland sa offseason matapos ang apat na seasons at dalawang titles sa Heat, at dumating ang Cavaliers sa South Florida noong Huwebes, nagpunta ang four-time NBA MVP sa bahay ni Wade para makihalubilo sa Christmas Eve. Nagselebra ng ika-30 kaarawan si James noong Miyerkules. May mga katanungan siya sa 32-anyos na si Wade kung ano ang kaibahan ng nasabing mga edad. At ito nga ang pinag-usapan nila at 'di na pinag-usapan pa kung hahantong ba ang Cavaliers bilang championship contender at kung paano ang Heat na makarating sa .500 mark. ''We only play this game for so long,'' saad ni James, tumanggap ng warm ovation nang ang video ng kanyang Heat highlights ay ipinalabas sa unang quarter. ''You've still got life afterwards. For us we're going to compete, we're going to go about our business and do what we need to do in our profession. You'll never let friendship come in between that.'' Tumugma ang kanilang pag-uusap hinggil sa kanilang buhay makaraan ang edad 30, dahil sa ikapitong pagkakataon sa kanilang head-to-head meetings ay kapwa sila umiskor ng mahigit sa 30 puntos. Nagtala si James ng 30 puntos at 8 assists para sa Cavaliers, nakakuha ng 25 mula kay Kyrie Irving at 14 mula kay Kevin Love. ''Couple of the best in this generation,'' pahayag ni Heat coach Erik Spoelstra hinggil kay James at Wade. ''Spectacular. I wish I could sit back and enjoy it like a fan, because it's just fantastic basketball. ... However long these two guys play, you'll get your money's worth.'' Inasinta ni Deng ang 8 puntos at 8 assists sa Miami. Nagsalansan si Chris Andersen ng 12 para sa Heat, umungos ng mahigit sa 17, napag-iwanan pansamantala sa fourth quarter bago muling umarangkada. Wala sa hanay ng Miami si Chris Bosh, patuloy na pinagpapahinga sanhi ng calf injury. Taglay lamang ni Wade ang 2-for-12 matapos ang halftime. Taglay din ng kanyang backcourt mate na si Mario Chalmers ang 2-for-12 sa laro. Nakakita ng daan ang Miami, kahit pa humulagpos ang kanilang 17-point lead, naging kahalintulad din sa 23-pointer laban sa Philadelphia kamakailan. Naikasa ni James ang go-ahead dunk sa transition sa nalalabing 11:20 sa orasan. Makaraan ang nasabing slam, itinarak ng Cleveland ang 78-77 kalamangan, subalit nakakuha siya ng technical foul sa matagal na pagsabit sa rim. Isinagawa ni Wade ang free throw matapos ang technical para itabla ang laro. At angat sa 90-87 sa huling bahagi ng laro, umatake ang Heat tungo sa 11-4 spurt. ''We're not that good right now,'' sambit ni James. ''We've won some really good games, we've lost some games, but we're not that good right now.'' TIP-INS
00
Umabante ang Americans sa playoffs sa Abril at may tsansang makabalik sa World Group na bubuuin ng top eight teams. Dinispatsa ni Venus Williams, ika-11 sa mundo, ang pag-asa ng Argentina na makabalik matapos niyang talunin si Maria Irigoyen, 6-1, 6-4.
00
Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na hindi pa tinatalakay ang usapin ng diborsiyo sa gabinete at hindi pa nagbabago ang pagkontra rito ng Pangulong Aquino.
00
Sa kasong pumukaw ng galit sa publiko at pangungutya sa kanyang pagtrato sa flight crew, pinagalitan ni Heather Cho, anak ng chairman ng kumpanya at pinuno ng in-flight service, ang cabin crew chief at isa sa kanyang mga flight attendant na naghain sa kanya ng nuts na nakalagay sa supot, at hindi sa plato.